hindi malaman kung buo pa ba o wasak na


hi I’m Angel.
at ito yung story ng life ko

maliit pa Lang ako mga kinder di pa nga ata ako nag aaral nag aaway na sila mama at papa…iniisip ko that time cguro may hindi pag kaintindihan kaya ganon Lang ang away nila. mama at papa….then one time natutulog kaming mag kakapatid….oo may kapatid ako tatlo kami mag kakapatid..bigla na lang ako nagising..dahil sa away nila mama at papa…di ko alam gagawen ko that time…nandun si lola para…awatin sila mama.. kaso di sila nakikinig kay lola patuloy pa ren sila nag away….di ko alam kung iiyak ba ako o matutulog na lang ulit….. matutulog na dapat ako kaso kinuha ako ni mama…pinilit ako kunin ni papa kay mama kaso di na nya ako nakuha….naalala ko na lang noon sumakay kami sa bus at nag punta sa bahay ng tita ko sa kapatid ng papa ko…..kaso sarado na ang pinto at nakapatay na ang ilaw dahil gabi na nga iyon…..kaya walang nagawa si mama kundi…umuwi na lang kami….

*”FAST FORWARD”
grade 1 na ako noon….masaya kami nung araw na iyon….away bati sila mama at papa….nagulat na Lang kami tatlo mag kakapatid dahil nag aaway na naman sila…..nakaupo Lang kami sa may sulok ng mga kapatid ko at nakita ko si mama na kumuha ng kutsilyo….umiyak ang bunso Kong kapatid ng makita iyon…..habang ako nakatingin lang kila mama na pinag aagawan yung matalim na bagay na iyon nakatulala lang kami ng kuya ko at naiyak Ang bunso kong kapatid….buti na lang bumama si tito at inawat sila….pag katapos nun….nung inawat na ni tito sila mama…. nangyare na namn ang di ko inaasahan…… kinuha na nmn ako ng mama ko at pilit akong kinuha ni papa…that time di ako nakuha ni mama….ang sakit sakit sa pakiramdam nung time na yan….sumabay pa ang sakit ng kamay ko…dahil nga hinihila ni mama yung kamay ko….at sa kabila namang kamay ko si papa…pag katapos na iyon nabitawan ako ni mama dahil sa sinabe ni papa ang sabe ni papa nung hinihila ako ng mama…bat daw ba ako kukunin ni mama eh. alam naman...


nilang dalawa kung kanino ako sasama no comment si mama nun kaya nabitawan ako ni mama…..at ang dami daming nangyare…. malungkot, masaya, para kaming pinag lalaruan ng tadhana…

*”FAST FORWARD’
lumipat kami ng bahay…..grade 2 na ako nung lumipat kami doon….akala ko noon….pag lumipat kami magiging masaya at di na mag aaway sila mama…..yun pala Hindi…nag aaway pa ren sila dahil kay mama oo si mama ang may kasalanan niloloko ni mama si. papa napagnakawan ni mama si papa may isip na ako that time kaya…alam ko na ang may mali si mama….lagi kaming napapalo ni mama bugbug sarado kami sa kanya di kami makapag sumbong kay papa dahil alam namn nmin na papaluin na namn kami pag nag sumbong kami kaya wala kaming nagawa kundi umiyak……habang dinidibdib….ang mga sakittt na pananalita ni mama….kung ano naririnig nmin kay mama…wala kaming kwentang anak…hayopp kami ipapamimigay na lang daw kami o ipapaampon….tumulo ang .mga luha ko ng marinig ang mga katagang iyon……at sobraang dami pang nangyare

*”FAST FORWARD

may kaibigan si mama na ang pangalan ay jessica..ang kapatid ni aling jessica ay nag mamakaawa na makitira saamin pumayag naman si mama….at Yun ang dahilan bakit nag aaway na namn sila umalis si papa sa bahay at dun nakatira kila tita sa kapatid nya…kasama ang kuya ko kaming dalawa ng bunso kong kapatid at si mama ang naiwan…..
malaki ang bahay nmin noon kaya sa kabilang kwarto yung nakikitira sa amin….alam ko kung bakit umalis si papa sa bahay dahil ayaw nya na may kasama na ibang tao sa bahay para bang di sya komportable……at yun ang dahilan kung bakit nawalan na ng tiwala si papa kay mama…at dun ko Lang den na realized na mali at ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni papa dahill nakikita ko ren ang kamaliaan ni mama….si mama ang puno’t dulo ng pag aaway nila…kaya may poot o galit sa puso ko kay mama…..

kaya hindi ko alam kung buo pa ba ang pag katao ko o wasak na….. feeling ko kase nabubuhay lang ako para sa gulo.o away na nakikita ko sa paligid ko……






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. part 2 please nkakabitin

Leave a Reply


top