Cherry blossoms Chapter 3


Title:
Cherry blossoms
Disclaimer: this is not a true story. Bare in mind that All the characters including places and events are pure fictional. Thanks..
Chapter 3
Isang linggo na din ang lumipas pagkatapos ng huling chat namin ni Katrina.
Ako na mismo ang hindi nagparamdam bilang respeto narin sa kanya.
Nahihiya rin kasi ako ,kaya wala akong lakas ng loob para kumustahin sya.
Pero hindi parin ako makapaniwala.
It was unprecedented.. hindi ko naisip na maaaring may asawa na sya.
Para kasing napakabata pa nya.. at napaka .. inosente..
Looks can be deceiving talaga..
May anak narin kaya sya..
Baka..
Bakit nga ba hindi ko rin napansin kung may wedding ring na sya.
Masyado kasi akong nakafocus sa mukha nya..
Sa labi nya..
Sa mata..
Sa lahat lahat
Maliban sa kanyang kamay..
Magtigil ka na nga jeon
Kahit ano pang sabihin mo..Pamilyadong tao na ang babaeng yon,, manahimik ka na at asikasuhin mo ang sariling buhay ,kaya tama lang na lubayan mo na sya..
Don’t be a home wrecker.. kasalanan yun sa panginoon..
Hindi man ako masyadong relihyoso nalalaman ko parin naman kung ano ang moral sa immoral..
‘Hello sir..Jeon’
Sinilip ko mula sa aking mesa ang tumawag sa aking pangalan.
Si Mary.. isa sa mga senior na exchange student galing ng thailand ,half korean at thailand sya actually.
‘Mamaya sir ha.. makakasama ka ba?’ Matatamis ang kanyang mga ngiting nakiusap sakin.
‘Hindi ko alam.. pero titignan ko’
Napansin ko ang pagbagsak ng kanyang mga balikat. Ngunit pinilit parin nyang ngumiti sakin at malungkot na nagpaalam.
Tila kinurot naman ako ng aking konsensya sa ginawa kong pagtanggi.. pero kasi …hindi ko talaga ugaling mKipag date sa masyadong bata sakin.. lalo pa at istudyante ko pa..
Pero … napadekwatro ako ng upo habang pinag iisipan kong mabuti ang dapat kong gawin..
Tinapunan kong muli ng tingin ang ticket na binigay nya sa akin para sa isang concert na gaganapin mamayang gabi.
Napasapo ako ng aking baba.
Kungsabagay wala naman akong ibang gagawin mamaya..
‘Ah.. Sandali lang Mary..’
‘Ano yun sir?’
‘Anong oras nga pala magsisimula ang concert?’
Natapos ang concert ng mga alas dose ng hatinggabi kaya naisipan kong dalhin si Mary sa street food area,, hindi ito yung dating pinupuntahan ko.. ito yung isa sa pinaka matandang kainan dito sa lugar namin.. pinaka dinadayo lalo na ng mga turista. Kaya mas masigla at buhay na buhay ang kapaligiran kahit madaling araw na.
Ngunit hindi katulad ni Katrina,hindi ko sya nayayang kumain sa gantong lugar.
Mas gusto nya ang Chinese restaurant, mabuti na lang may nahanap kami malapit din sa lugar na yon.
Habang magkasama kami napansin kong Hindi sya masyadong nakibo..may pagka mahiyain.. hindi katulad ni Katrina na bagamat nung unay tahimik ,nung nagtagal naging makwento na.. mas madaldal pa nga kaysa sa akin.. at hindi nahihiyang kumain gamit ang kamay.. naalala ko pa kung paano nya nilantakan ang limang piraso ng barbecue ng mabilisan hanggang sa muntikan na syang mabilaukan,mabuti na lang naabutan ko sya agad ng tubig. Kitang kita ko ang pamumula ng mga pisngi nya nun.. napahagalpak kasi ako ng tawa.. inirapan nya tuloy ako,, na lalo kong kinatawa.
‘Ang ganda ng ngiti mo sir ah.. anong iniiisip mo?’
Tila bumalik ako sa kasalukuyang panahon at naalala kong si Mary pala ang kaharap ko, at hindi si Katrina.
‘Ah .. wala .. may naalala lang ako.. ano.. maglakad lakad muna tayo?’ Yaya k0 sa kanya.
Nagsindi muna ako ng sigarilyo sa labas ng restaurant habang hinihintay ko si Mary na lumabas galing ng wash room.
Nagtatalo ang isip ko kung itutuloy ko pa ba ang balak ko, alam kong gusto rin nya.. ramdam ko sa kilos nya.. sa mga hawak nya sakin at pagdikit dikit ng kanyang katawan, alam kong may ibig ipahiwatig.. at hindi ako manhid.. lalaki ako.
‘Sir Jeon okay na ako.. saan tayo pagkatpos?’makahulugang tanong nya sa akin
Pinagmasdan ko sya. Pinakiramdaman ko ang aking sarili.
Maganda naman sya. Wala nga akong maipipintas.. pero..
hindi kasi sya si Katrina.
‘Ihahatid na kita sa inyo.. malalim na ang gabi may pasok pa tayo bukas..’
Pagkahatid ko sa kanya naisipan kong dumaan muna sa supermarket para bumili ng ilang bote ng alak.
Kailangan kong uminom para makatulog kaagad, alam ko kasing mahihirapan akong makatulog dahil sa naudlot na.. napailing na lang ako. Muntikan na ako dun ah.
Pagpasok ko ng tindahan dumeretso ako sa alcohol section,nagbukas ako ng chiller at dumampot ng ilang pirasong bote.
Mula sa aking likuran nakarinig ako ng mga babaeng boses na pumasok ng tindahan.
Kahit pala madaljng araw na tinatao parin ang supermarket na to naisip ko.
Hawak hawak ang mga bote ng alak nagtungo ako sa kahera , pagkalapag ko ng mga ito napaangat ako ng aking ulo at nahagip ko ang babaeng nakatayo sa harapan ng pintuang salamin ng tindahan.
Bumilis bigla ang pagtibok ng aking pulso.
Napako ako sa aking kinatatayuan.
At hindi ko namalayang kinakausap na pala ako ng kahera.
‘Kuya bayad nyo po?’
‘Ha ah pasensya na.. ‘ kinapa ko ang aking bulsa ng hindi tintanggal ang aking mga mata sa kanya.
Takot na baka bigla syang mawala sa aking paningin sa sandaling malingat ako.
Pagkabayad ko , dahan dahan akong lumapit sa pintuan.
Abala sya sa kaka tingin ng kanyang telepono kaya hindi nya napansin ang unti unti kong paglapit. Hanggang sa may tumawag sa kanyang pangalan.
‘Kat! Halika dito sa loob may chicharon sila dali!’
Napataas sya ng ulo at aksidenteng napatingin sya sakin.
Napalunok ako.
Kitang kita ko rin sa mukha nya ang pagkabigla.
‘Hi!.’ Lakas loob kong bati sa kanya
‘Hi.. ‘
‘Kumusta?’ Halos sabay naming sabi sa isat isa.
Una syang natawa.
‘Ito okay naman.ikaw?’ Tanong nya sa kin.
‘Ok-okay naman..’
‘Kat ano ba dalian mo ng makabili na tayo.. baka pagalitan tayo ni ate pag lumagpas pa tayo ng 10minuto’
‘Oo , cge Mr. Jeon nice meeting you..’ nagmamadali nyang paalam nya sakin.
Para akong naputulan ng dila. Naiinis ako sa sarili ko nung mga sandaling iyon. Wala man lang akong masabi.
Gusto ko sanang pigilan sya. At kausapin ng matagal..
Nang bigla syang huminto at muling humarap sa akin.
‘Ah oo nga pala.. that book.. i already finished.. i would like to return it you.. ‘
‘Ha.. ah okay.. if you want i can lend you another one?’
‘Ah.. ‘ saglit syang nag isip
‘No need thanks.. but i will return the book.. maybe. When you are available?’
Para akong nakarinig ng mga anghel na bumaba ng kalangitan at kusang pinangiti ang puso kong nangungulila sa kanya.
‘Tomorrow? ‘
‘Ah okay.. but where can i give it you?’
‘Park?’
‘Park? Ah okay.. same time okay?’
‘Katrina ano ba!’ May inis na...


tawag na ng kanyang kaibigan sa kanya
‘Oo na grabe sya!’ Balik nyang sigaw dito.
Hinarap nya muli ako at nag thumbs up sa akin.
‘Okay.. okay..’ paulit ulit kong confirm sa kanya.
Yumukod sya sakin na para bang gingaya nya ang kaugalian namin at saka mabilis na nagpunta sa kanyang kasama.
Napangiti ako ng kusa. At napuno ng pag asa ang aking dibdib.
Ngunit agad din namang naglaho ng mapagtanto ko na hindi pala ako dapat magsaya tulad nito.
Nakalimutan ko..
May asawa na nga pala sya..
Sino bang niloloko ko..
Walang iba kundi sarili ko..
Pero wala namng masama sa pakikipagkaibgan diba?
Ah basta.. wala naman akong ibang intensyon..
Gusto ko lang syang makita..
Makausap..
Yun lang..
Hanggang dun lang..
Ako naman ang nalate ng dating sa parke.
Malayo pa lamang natanaw ko na syang nakaupo sa mismong upuan ko.
Deretso ang kanyang upo habang yakap yakap ang librong pinahiram ko.
Mula sa kinatatayuan pinagmasdan ko ang magandang dilag na matyagang naghihintay sa akin.
Balot sya ng makapal na sweater at bolero, halos matakpan na ang mukha nya sa laki ng kanyang bonnet. Lamig na lamig sya.. pansin ko kasi ang pagkiskis nya ng kanyang mga palad.
Tumingala ako sa kalangitan, mukhang nagbabadya nanaman ang pagbagsak ng makapal na yelo, minabuti kong puntahan na sya agad bago pa sya magkasakit sa sobrang lamig.
‘Thanks ha.. i really enjoy reading it’
‘Good to hear.. ah.. here take this one also’ abot ko ng isa pang series ng libro.
‘Ah.. ‘napatingin lamang sya sa inaabot kong libro.
Parang nagdadalawang isip pa sya.
‘No.. im okay..’ tanggi nya
‘Cge na.. i know you want to read them all.. im done reading them so its okay..’
‘Are you sure? But it will take a long time again before i can return it? Im a slow reader’
Napangiti ako. Parang syang bata. May asawa ba talaga ito?
‘Its okay.. take your time..’
‘Okay.. its up to you..’ sa wakas tinanggap din nya ang librong hawak ko. Binuklat nya ang unang pahina at dahan dahan nyang sinalat ang papel nito. Kita ko ang pagkamangha nya habang tinitigan nya libro. Bookworm din pala sya.. parang ako lang..
Ganun din kaya ang asawa nya.
Parehas din kaya silang mahilig magbasa ng libro.
Nkaramdam ako ng konting panibugho.
Gusto ko tuloy batukan ang aking sarili.
Wala ako sa lugar para makaramdam ng selos.
Wala akong karapatan..
‘Cge na.. i need to go na..’ sabi nya
‘Ah okay..’
‘Salamat .’
‘You’re always welcome. Ah Katrina..’ yun na yata ang pinaka magandang pangalang nabanggit ko sa tanang buhay ko.
‘Yes po?’
‘About last time.. im sorry.. i really dont know.. I should’ve asked .. im sorry if I offended you’
Nanahimik sya
Napansin ko ang paglikot ng kanyang mga mata na para bang nag iisip sya nang sasabihin sa akin.
‘Ah forget about. Im still glad that we can be friends like this.. im really happy to be your friend.’ Sabi ko na lamang
‘Thanks.. ah i mean.. yes we can be friends.. you seems to be okay naman.. and .. and.. yeah. Lets be friends na lang.’ parang hirap syang magsalita . Hindi ko alam kung nahihiya ba sya o naiilang syang pag usapan ang tungkol sa bagay na yun.
Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan aa aming dalawa.
‘Okay na.. if you want to go home .. you’re getting cold now.. you might got sick after this.’
‘Yeah.. its very cold today..’ pinagkikkisan nya muli ang kanyang mga kamay.
‘Do you want me to drop you ?’ Nagbabasakali akong maihatid sya sa kanila.
‘Ah.. no need thanks.. ill do taxi. ‘
Napangiti ako ng alanganin. Okay naintindihan ko naman..
‘Okay.. ill get you a taxi then..let’s go’
Malungkot kong tinanaw ang taxi nya habang papalayo.
Pagkatapos mabigat ang mga hakbang kong nagtungo sa sarili kong sasakyan.
Inilapag ko ang librong ibinalik nya sa akin sa passengers’ seat.
At sandaling nag isip isp sa harapan ng manibela.
Dapat na siguro akong huminto sa kahibangan ko.
Wala namang mapupuntahan ang kabaliwan kong ito.
Paaasahin ko lang ang sarili ko sa wala.
Para akong sumusugal na walang panalo.
Puro lang talo.. mula sa umpisa hanggang sa huli.. talo parin ..
Nanigarilyo muna ako sandali.. at maya maya pay pina andar ko na ang aking kotse at napagdesisiyunan kong wag na munang magpunta sa parke.. saka na .. pag nakalimutan ko na sya..
Katrina POV
‘Grabe ang kulit nya. Muntikan na akong mabuko dun ah..’napatingin ako sa librong pinahiram nya sa akin.
Kusa akong napangiti..Sandali…Bakit nga ba ako napangiti?
Napailing ako. No way.. hindi pwede.. last na to .. hinding hindi na ako magpapakita sa koreanong yun. Baka isipan nya interesado ako sa kanya. Ginagawa ko lang naman to dahil may atraso pa ako sa kanya. Hindi kaya biro yung nagawa kong gasgas sa kotse nya.
Ang lalim kaya nun.. pasalamat na lang talaga ako at hindi nya ako pinapulis.. wala pa naman akong pera nung araw na yun..
pero infairness mabait naman sya.. mukhang sincere naman kaso.. ibang lahi parin.. mahirap na..
Muli nanaman akong napangiti , paniwalang paniwala syang may asawa ako.. mabuti na rin yun atleast offs limit sya sa akin.. mahirap na.. baka biglang mangulit nakakatakot.. mag isa pa naman ako dito sa korea.. wala akong kamag anak dito..
hay .. kung bakit naman kasi hindi pa ako makapasa pasa sa canadian immigration ng makaalis na dito..
Ako na lang ang wala sa canada.. nandun na silang lahat.. nanay ko tatay ko pati kuya ko nandun na.. ako na lang ang naiwan.. tapos nag iisa pa ko dito sa korea..
Kukulitin ko na talaga si kuya na papuntahin na ko dun .. hindi ko na matatagalan pa ang pagstay dito..
Homesick na homesick na talaga ako..!
‘Ah miss we are here.’
‘Ho? Ah eh.. okay here’ abot ko ng byad ke kuyang driver. Mabilis akong bumaba ng taxi para makapasok agad ng accomodation,, hindi ko na kasi matagalan ang sobrang lamig .. konti pa at tuluyan na akong maninigas sa lamig.
Iniisip ko tuloy . Pano nga pala ako makakasurvive sa canada.. dito palang sa korea para na akong popsicles eh dun pa kaya.
‘Hello miss! You’re book!’
Nilingon ko si Kuyang driver, nanlaki ang aking mga mata ng makita kong hawak hawak nya ang libro ni Jeon
‘Ay oo nga pala! Naku muntikan ko pang maiwan’
Dali dali kong binalikan ang libro at mahigpit ko itong niyakap.
‘Makakawala pa ako ng gamit nya.. baka singilin pa nya sakin to.. ang mahal mahal pa naman nito’
Pero ang tanong magkikita pa kaya kami?
Kasi ako.. wala na akong balak.. kaya ..
Thank you na lang sa libro mo mr. Jeon..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top