The Story Of Us*Part10*


–>Balang araw malalaman din nila na ang tunay na pag ibig ay parang Sardinas..titiisin mo ang lahat makita mo lang syang masaya,
At wag nyong alalahanin yung sardinas ulam namin yun kanina hehe (,nabasa ko lang sa isang comment sa Facebook..)

**Chapter9(Sorry I failed To protect You)..

Malapit na nag Christmas season at naghahanda na ang room namin para sa decorations.. kapag ganuon excited talaga kami lalong lalo na sa gaganaping christmas party.

Nitong mga nagdaang araw ay naging busy ulit kaming tatlo nina Jecca at Iya..tuwing weekend ay nagba’bonding kaming tatlo habang gumagawa ng mga kalokohan.. madalas din kaming nagpupunta sa perya at nagtaya nalang,di na ako muling pumasok sa haunted mansion,kapag may fireworks display ay umuuwi na agad ako,ayuko narin kumain ng cotton candy at ice scramble.. kasi nga baka may maalala na naman ako.

Kapag di naman ako busy ay nagtutungo ako sa pwesto namin para tulungang magbenta sina Papa alam nyo na kaylangang magpakabait na ako.Pagkatapos ipatawag si Mama ng principal dahil sa away namin ni Monica ay senermunan lang naman nila ako at ipinangako ko ng di na yun mauulit..nagkaroon na rin ako ng warning sa school,ganun naman talaga dapat ang mangyari kapag simpleng estudyante ka lang,kapag walag suhol sa mga namumuno ay madali ka nalang nilang patawan ng parusa kahit pa nga hindi naman ikaw ang nag umpisa ng gulo..

Kapag wala naman akong ginagawa ay nasa kwarto lang ako at nakikinig ng music at nagsusulat..Yap!bagong hobby ko na ngayon ang magsulat,hindi ko alam kung bakit nawalan na ako ng gana na magbasa ng pocketbook siguro kasi.. hindi pala masaya kapag ikaw na mismo yung nakakaramdam ng mga nababasa mo,lalo na yung mga istoryang tragic ang ending..yung sa una ay papakiligjn ka tapos sa huli ay masasaktan ka lang din naman pala.

At dahil duon na’realize ko na gusto kong magsulat ng isang libro kung saan duon ko isusulat ang mga nararamdaman at mga naiisip ko.Ngayon palang alam ko na kung ano ang gusto kong maging kurso sa college..gusto ko ng course na may kinalaman sa pagsusulat!

***
May pina reseach ang teacher namin na may kinalaman sa history at dahil kulang kami sa kaalaman..heto kaming tatlo nina Jecca at Iya.
Nilalakad ang patway papuntang library!!.

“,Alam nyo buti pa si Jose Rizal may nagawang tama nuong kabataan nya samantalang tayo ay puro lang kabulastugan”,,napangisi pa si Jecca habang sinasabi yun.May kinalaman din kay Dr.Jose Rizal ang ire’research namin..

“,Kaya nga dapat magbago kana”,pagbibiro ko pagkatapos ay napahalakhak kaming tatlo.Habang naglalakad ay nagpapatawa pa si Jecca at tawa lang naman kami ng tawa ni Iya.

Ngunit nawala ang malakas na tawang yun ng mula sa unahan ay nakita ko ang tatlong lalaking magkakasama na malapit na naming makasalubong..

Ang tunog na namiss ko sa loob ng aking puso ay hayun.. at umAarangkada na naman!Ang lakas ng pintig nun at ang bawat kalabog nun ay talaga nga namang nakakapag pa tense sa akin..

Oh My G..Si Jed makakasalubong namin!

Ilang beses kong tinangkang iwasan si Jed Pagkatapos ng pangyayari nung magtapat sya ng pag ibig sa akin kasi nga ang sama na ng loob ko sa kanya isa pa ay nangako akong hindi na ulit mainvolved sa kanya..Iniwasan kong puntahan ang mga lugar kung saan ko sya nakikita.. at iniwasan ko ang anuman sanang emosyon na palagi kong nararamdaman sa tuwing nababanggit nila ang pangalan nya.

Ngunit ..tulad sa pagkain ay nag’eexpire din naman pala ito.. at ngayo ay expired na nga ang pag iwas na yun at heto na nga sya..ilang hakbang nalang malapit na sya sa amin..

Napansin kong bahagya akong kinalabit ni Jecca,siguro tinatanong nya kung kaya ko naba syang harapin pagkatapos ng lahat.Saksi si Iya at Jecca sa pag iyak ko nung huling araw na nakita ko sya kaya naman nag aalala lang siguro sila sa akin!Pero alam kung darating din naman ang araw na muling magku’krus ang landas namin.. kaya dapat maging matatag ako!..

Tama wag maging Marupok!!

Tatlong hakbang mula sa kinaroroonan nila ng lampasan niya ako at bahagya pang nagdikit
balikat nya sa uniform ko.

Subalit nasaktan ako dahil sa inasal nya na parang di naman nya ako nakita!ouchhhh!!!

Para isa lamang akong extra sa isang pelikula na hindi napansin,isang nobody na hindi dapat pag aksayahan ng atensyon..

Gustong sumabog ng puso ko,ganuon dapat ang gagawin ko sa kanya,yung di rin sya pansinin kaso naunahan nya ako na gawin yun kaya heto.. parang pinagpipira piraso ang puso ko.. hindi ko ineexpect na masakit pala sa pakiramdam kapag binalewala ka ng isang taong tumatak na sa isip mo at higit sa lahat sa puso mo..

Pero,mas maganda na sigurong ganuon nga ang maging eksena naming dalawa,yung walang pansinan,siguro mas maganda na ngang mag move on kapag ganun..

***
Dahil sa pagmamadali ko na makahabol sa susunod naming klase ay hindi sinasadyang may isang taong nakabangga ako.

“,Ayy kainis naman eh”,,linipad sa ere ang mga xerox copy ng mga pinaprint ko at nalaglag yun sa lupa..ah!bwisit..

Habang namumulot ako ay nasa tapat ko naman ang paa ng lalaking bumangga sa akin,.makintab ang sapatos nya at mukhang alaga sa kiwi!..pero wala akong pakialam,dahil sa kanya mukhang hindi na talaga ako aabot sa klase..

Tiningala ko sya at handa ko na sana syang pagsabihan ng mga masasakit na salita ng—!!

“,Bulag kaba?!hindi ka tumitingin sa dinadaa—!”, napatigil ako sa pagsasalita ng sa pag angat ko ng aking ulo ay nakilala ko sya..
Tulad ng dati ko ng nararamdaman sa tuwing nakikita ko sya ay ganun ulit ang pakiramdam ko.Sumaya ang puso ko..

Nagbaba sya ng tingin sa akin at may kung anong dinukot mula sa bulsa ng kanyang pantalon..isang perang papel..

“,Bumili ka nalang ng bago at itapon mo na yan!”, inihulog nya sa harapan ko ang ilang pirasong perang papel at tsaka sya tumalikod,ang walang hiya di manlang ako tunulungan..

At ano tong paandar nya?susuhulan nya ako?ganun naba kababa ang tingin nya sa akin?kaya ko pa namang pulutin tong nagkalat na copy ng mag isa,ang diko lang kayang tanggapin ang inasal nya sa akin ngayon,alam kung naging harsh din naman ako sa kanya pero di ko naman akalain na magiginv ganito sya..masakit ! Masakit ding makita ang mga mata nya ngayon na wala ng reaksyon sa tuwing nakikita nya ako,parang wala na yung buhay… At di ako sanay sa ganun!

“,Hoy Jedrian Santos !!! “, Sigaw ko sa kanya kaya naman napatigil sya.Kinabahan ako pero di nagpahalata!Pinulot ko yung mga perang papel na naikalat sa lupa at nilukot tsaka binato ko yun sa likod nya ! “, Sayong sayo na yung pera mo!isaksak mo sa baga mo !!!!”,..

So iyon na ang umpisa ng World War Three.
Naging kinaiinisan ko na sya!Nawala na ang pagsintang dalisay ko sa kanya..

He want war ! Then i give him War!!

Nakita namin ulit sila sa Library kasama ng mga kaklase nyang bobo sa last section!
Hindi rin ako makapaniwala na pumapasok pala sa library si Jed..pero hindi yun ang care ko ngayon kasi mas care ko pa yung kaingayan nila..

Maingay sila at hindi na ako makapag’concentrate maging sina Jecca..

Pumunta ako sa pwesto nila dala dala ang bandera ng katapangan…

“,,Pwede ba kung hindi naman kayo interesado magbasa ng libro umalis nalang kayo dito!”,sabi ko with matching pameywang..

To my big surprise.. humalakhak si Jed!”,Excuse me pero nagbabasa ako ng libro noh.. “,

Tsaka ko lang nahalata na may hawak pala sya.Binasa ko ang caption ng Libro at naningkit ang mga mata ko ng mabasa iyon..

Romeo and Juliet???As if may kinalaman yun sa history ng Pilipinas.. I cant believe this guy!

“,Buti pa si Romeo and Juliet ipinaglaban nila ang pag iibigan nila hanggang kamatayan..”,sabi nya.. syempre hindi ko yun magets.. naglo’loading ako sa mga oras na to!

“,Ahu ang cheesy mo Jed.. heto piso bumili ka ng kape yung matapang yung kaya ka ipaglaban!!!”,tapos nagkatawanan sila sa sinabi ni Chad..

Lumabi ako!anong trip na naman ng mga ito.
Tiningnan ko si Jed,nag iwas sya ng tingin nya sa akin,ah so tinitigan din pala nya ko.Sabi ko na di nya ko kayang tiisin,kaya i cant help but kiligin.. Awwww !!!

Mukhang wala naman akong mapapala sa mga ito,well kami nalang mag’a’adjust..aalis nalang kami nina Iya sa lugar nato,mukhang mas maingay pa dito keysa sa disco!

“,Hey Miss May boyfriend ka na??”,

Nakatalikod na ako ng marinig ko ang boses ni Chad,mukhang di yata talaga sila titigil sa pang iinis ah hmmmmpp!

Humarap ako muli with matching ngiti”,marami..gusto mo ring mag apply??!”,,sabi ko pero nagbibiro lang naman ako..

Sa gilid ng sulok ng mga mata ko ay nakita ko kung paanu nagdilim ang anyo ni Jed sa sagot kung yun,tama!ganuon nga ang gusto kong maging reaksyon nya..yung mukhang nagseselos..teka si Jed? nagseselos?!eh may Monica nga sya eh..

“,,Wow palaban “,,sabi ni Chad “,yan ang mga gusto ko.. “,

“,Kung ganun mag date tayo “,,hindi ko alam kung bakit ko ba yun nasabi..or dahil nag eenjoy ako sa ekspresyon ngayon ni Jed..lalo ng nagdidilim ang anyo nya..At anunman oras alam kung kapag hindi pa ako tumigil sa pagbibiro ay baka makasira na naman ito ng gamit sa library.. pero masaya na nakikita ko ang itsura nya ngayon..

“,Sige ba “,sabi ni Chad bumaling ang tingin ni Jed dito,sobrang sama ng tingin nya..

“,Okay manood tayo ng Sine,ako na magbabayad pati pamasahe bas——!!!”,nagulat ako ng biglang may humahatak na sa akin palayo sa lugar na yun!”,Teka bitiwan mo ako!!”,

Binitiwan ako ni Jed at napasandal ako sa pader habang ang dalawang kamay nya ay nasa magkabilang gilid ng ulo ko..Na’corner nya ako!

“,Ano bang ginagawa mo!”,sigaw ko . Umaakto na naman...


si Jed ngayon na parang walang nangayari!na balewala lang ang pinagdaanan kong sakit ng huling nakasama ko sya..

“,Ikaw anong ginagawa mo!!!”,sigaw nya sa mukha ko.Kung ibang lalaki man yun hindi ako papayag sa ganuong posisyon naming dalawa,kaso ay sya si Jed at naamoy ko ang mabangong hininga nya kaya naman di ako makakilos…ang sarap nung sa pakiramdam!

“,Ano bang ginawa ko?!”,

Naningkit yung mata nyang dati ng singkit!”,wow in denial kapa! Your acting like a innocent ngayon samantalang kulang nalang ay yayain mo si Chad na mag motel kayo??!”,,

Napakagat ako ng labi!grabe naman tong magsalita!!teka ano bamg dinadrama nito???

Hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko.
Ano ba kasi dapat?natatakot akong magsalita ulit dahil baka magkamali na naman ako ng sasabihin at baka lalo syang mainis sa akin,seeing him right now na anumang oras bubuga na sya ng apoy sa galit ay kaya Nagdesisyon akong manahimik muna..

“,,I cant believe you..ngayon hindi ko na alam kung sino ka “,,sabi nya.. ang OA mag’react eh ngbibiro lang naman ako kay Chad,mukha rin namang nagbibiro lang si Chad.. “,Layuan mo si Chad.. “,he said..half please..

Natawa ako sa kabila ng tense na nararamdaman..at sino sya para utusan ako?kundi ko pa kilala si Jed baka isipin kong nagseselos sya kay Chad..teka nga bibiruin ko nga syang tanungin “, nagseselos kaba??!”,

“,OO !!! “,Bigla nyang sagot na ikinagulat ko!

Jed naman eh ! Nagbibiro lang ako..

Ikinagulat yun ng puso ko,lalo tuloy umatras yung dila ko sa pagsasalita..

“, Nagseselos ako.. please don’t do this to me,Daniella.. im begging you!”,

Teka nga kanina pa sya nag eenglish..

“,Hindi ko gusto ang Ella na pinapakita mo sa akin ngayon.. ayuko nun ..”,maya mayay bigla ng nag iba ang awra nya,mula sa kaninang galit
ay atleast may sigla na ang mga mata nya ngayon..

“,Amh..sa tingin ko kelangan ko ng uma—!”,aalis na sana ako dahil siguradong hinahanap na ako nina Iya kaso nakaharang nga pala sa ulo ko ang mga kamay nya..sa tuwing ililingon ko ang ulo ko ay muscle nya ang sumasalubong sa akin..

“,No..hindi ka aalis hanggat di tayo nag uusap”,
“,Teka ano bang pag uusapan natin??*,”
“,Marami…”,
“,Tulad na??”,
“,Hmmm..tayo..
“,Wala namang tayo eh..”,
“,Wala pa ngayon pero soon “,napangisi si Jed at sa pagkakataong yun ay naitulak ko na sya..hindi ko gusto ang mga ngisian nyang yun ah .

Pero.. namumula ako !! Gayunpamay hindi ko parin nakakalimutan ang posisyon ko ,may gf na si Jed at walang dahilan para mahulog ulit ako sa kanya.. never???with question mark!

“, Please Jed.. itigil mo na to,kung pinagti’tripan mo lang naman ako pwede ibaling mo nalang yan sa iba??”, narinig ko syang humugot ng isang malalim na buntong hininga..

“,Yun ba ang tingin mo?na nagti’trip lang ako?”,

“,Well..i guess since may girlfriend kana”,oww!
muntik ko ng sampalin ang aking sarili sa naisip bat ko ba kasi nasabi yun..para namang sinabi ko ng nagseselos ako kay MONICA, gusto ko na tuloy tamaan ng kidlat sa mga oras na yun..

“,Si Monica ba??!*,”napahalakhak si Jed..”,two days palang kami ni Monica nagbreak na kami,hindi lang nya yun matanggap kaya hanggang ngayon naghahabol pa sya..hindi ko gusto ang ugali nya… “,

Lahat ng agam agam sa aking isipan ay nawala dahil sa sinabi nya..ang pag iisip ko na malandi ako dahil lagi ko syang kasama ay nawala rin sa halip napuno ako ng kasiyahan..I cant believe this… So pwede na maging kami??Ayih!

“,At yung ginawa sayo dati ni Monica..im gonna sure you na hindi na ulit yun mangyayari, Pagkatapos kong ipagiba yung bahay nila”, pagkatapos ay humalakhak na sya.. “,kidding aside “,tapos kumindat sya ..

Ilang sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa naalarma ako ng unti unti syang lumapit sa akin..hindi pa ako nakakabawi sa kilig ko kanina heto na naman sya.. ano ba??

Naramdaman kong tumama ang likuran ko sa pader,na corner na naman nya ako..

“,Ikaw..wag kang pasaway okay?”,sabi nya.

Tumango langa ako at napa’ Awwww ng bigla nyang pitikin ang noo ko tsaka tumawa ng malakas!ang sakit nun ah ..nasapo ko ang masakit na noo!bat ba na naman tong lalaking to,mas madali pang pakisamahan ang Jed na laging galit keysa Jed na katulad ngayom,walang ginawa kundi surprise ako ng mga kakaibang ugali nya..napaka moody talaga..

“,Hindi ka makikipag date sa kahit kanino sa akin lang…”,

Dug dug …Dug dug..

“,Manuod tayo ng Sine ..*,
Magrereklamo pa sana ako kaso..

“,Opsss!your dead kapag tumanggi ka pa!!”,

**
Nasa harapan kami ng sinehan ngayon at nag aaway na naman kami sa kung anong panonoorin.. Maaga pa ay sinundo nya ako sa Park ang sabi ko kela mama may group project kami nina Jecca at baka may practice pa kami pagkatapos kaya baka medyo gabihin ako sa pag uwe,..

Simula ng makilala ko si Jed natuto na akong magsinungaling..

“,Titanic nalang mas maganda “, suggest ko sa kanya,ang gwapo lang nya sa kulay black nyang signature t’,shirt..
“,Ayuko nga.. boring yun eh,batman nalang kung okay lang naman “,umaarko ang kilay nya.
“,Ayuko rin panglalaki lang naman yun eh”,
“,Eh keysa naman yung titanic mo?balita ko eh trafic daw yung ending ..!”,
“,Ah basta.. yun ang panoorin natin “!”,hindi ako makapinawalang sumama lang pala ako kay Jed para makipagtalo,hmp!kung alam ko lang di sana ..natulog nalang ako sa bahay! nagsinungaling pa tuloy ako kela mama tapos ganito lang pala..
“,Tom and Jerry nalang ang panoorin nyo,parang kayo.. “,ang sabi nung nasa likod namin sa pilahan..

Napakamot lang kami sa ulo,kahit ibang tao napapansin kami,,napatanong tuloy ako kung bagay ba talaga kami ni Jed??

**
Ang ending.. naka dalawang movie kami,para walang away ay pinanood na lang namin yung mga gusto namin!Masaya naman .. nag enjoy ako at lalong lalo na si Jed….

Nag enjoy lang naman sya sa ilang beses na pagnanakaw nya ng halik sa pisngi ko!..

Ilang sandali pa Nagtungo na kami sa scooter nya..

“, Hoy Santos !!! “,

Hindi pa man kami nakakasakay ng biglang lapitan kami ng tatlong nakaitim ding lalaki bagamat mga payat ay mukhang astigin dahil may mga tattoo ang mga ito sa katawan..

Humarang si Jed sa harapan ko,parang sinasabing Dyan ka lang proprotektahan kita..

“,Anong kaylangan nyo?”,,tanong ni Jed.

“,Marami Santos.. kasin dami ng atraso nyo sa amin ng pinsan mong si Jake.. !”,

Hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila..
Hinawakan ni Jed ang mga kamay ko at bahagya iyong pinisil.. tiningnan nya ako sa mga mata,lumapit sya sa akin at bumulong ng “,,Kahit anong makita mo..wag kang maaawa sa akin.. “,

“,Pero pwede naman natin tong pag usapan”,

Nilingon ni Jed ang nagsalitang lalaki.

“,Hindi ka maaano kung ibabalato mo sa akin yang magandang chick na kasama mo!”,

Binitiwan ni Jed ang kamay ko at napaatras ako..kinakabahan ako sa mga mangyayari alam kung gulo na naman to,bakit ba laging nagkakagulo kapag kasama ko si Jed!ah sabi na nga ba hindi magandang dumikit ako sa kanya.. baka madamay pa ako!

“, Mangarap ka ng gising !”,,sabi ni Jed pagkatapos ay.. sinugod na sya ng tatlong lalaki!

Napatili ako sa takot!
Sinuntok nila si Jed.. sinipa! Pinagtulungan..

Natakpan ko ang bibig dahil sa mga nakikita,may mga dugo ng tumatalsik sa bibig ni Jed ng mga sandaling iyon at hindi pa manlang sya makaganti sa mga ito..

Ng mapadapa si Jed sa sahig ay sinipa ulit sya sa Tiyan.. may tumalsik ulit na dugo mula sa kanyang bibig!Napasigaw ako sa takot,at sa awa kay Jed..

Hindi sya lumalaban,hinahayaan lanh sya na saktan sya at gulpihin sya ng mga ito.Hindi ko maintindihan ,bakit hindi lumalaban si Jed?kahit isang suntok lang sana kahit isa wala syang binitiwan..alam kung kahit tatlo pa ang lalaking gumugulpi sa kanya ay kayang kaya nyang ipagtanggol ang sarili nya pero bakit ngayon ibang Jed ang nakikita ko?!bakit ganun!

Jed Lumaban ka naman Please??!

Habang gumugulpi sya nakangiti pa si Jed sa tatlo na parang sinasabing kulang pa ang tinatamo nito ngayon kaya lalong nanggigil ang tatlong lalaki na gulpihin ito…!

Lalo rin akong naguluhan sa inaasta ni Jed ngayon..at bakit hindi sya lumalaban?kelan pa naging duwag si Jed ????!

Maya maya pay nagpasalamat ako ng may mga dumating ng resbak.. mga ka: brother daw ng pinsan ni Jed na si Jake.. kalaban pala ng fraternity nila ang bumugbog kay Jed kaya at dahil may atraso si Jake sa mga ito kaya si Jed ang napagbuntunan..ilang sandali pa ay sumiklab ang rambol!!

Mabilis kong Nilapitan si Jed,sa tindi ng injury nya mukkhang kaylangan nyang dalhin sa hospita!Inakay ko sya palayo sa lugar ng rambol..buhay pa naman sya..

“,Okay ka lang??”,taranta kong tanong.

Nakakalokong tumawa si Jed,at nakuha pa nyang tumawa sa estado nya ngayon..

“,Ikaw kayang bugbugin..tingin mo magiging okay ka??!”,

Ay oo nga pala ! syempre hindi sya okay hmp!

Dadalhin ko pa naman sana sa hospital kaya lang dahil sa sinabi nyang yun mukhang sa mental ko sya ipapadala.. nakakainis eh!

***
Dahil sa tinamo ni Jed na injury kaya naman ilang araw syang mag iistay sa hospital.
Syempre dahil love ko sya kaylangan ko syang dalawin.. kaya heto ako ngayon bitbit ang ilang prutas na fresh na ninakaw ko sa kapitbahay ay pumasok ako sa room nya.

Marami aking gustong itanong sa kanya isa na roon ang katanungang gumugulo sa aking isipan ngayon na bakit hindi sya lumaban?bakit hinayaan nyang magulpi sya?and the worst ay sa harap ko pa!Alam kung di nya ako sasagutin ng matino kaya naman.. kapag hindi sya umayos sa pagsagot .. ipapa’inject ko sya,takot pa naman sya sa karayom.. jejeejej??

***The End!

Hahaha .. jowk!
Busy ako maghapon kaya di nakapag update..
Nag rides kami sa bundok na walang signal kaya ngayon lang ulit ehehe..

enewey goodnight abangan sa Next chapter magiging Officially Yours na sila ayiihhh!!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top