π—”π—‘π—š 𝗦𝗔𝗬𝗔-𝗦𝗔𝗬𝗔 𝗠𝗒 𝗑𝗔 𝗦𝗔 π—œπ—•π—” π—šπ—¨π—šπ—¨π—Ÿπ—¨π—›π—œπ—‘ 𝗣𝗔 𝗕𝗔 π—žπ—œπ—§π—”?


Ilang beses ka na bang sumubok magmahal? Ilang tao na ba ang dumaan sa iyong buhay? At ilang beses ka na bang paulit-ulit na masaktan? Hindi mo na mabilang ‘di ba? Pero bakit ang tapang mo para tanggapin na naman ang bagong pag-ibig. Di ka ba takot masaktan ulit?
Lahat ng tao gusto ng pag-ibig na mananatili at magtatagal. Hindi panandalian, hindi sa una lang. At mas lalong hindi ang pag-ibig na sasaktan ka na s’yang dahilan para itanong… Paulit-ulit sa sarili, “I’m not enough?” Wala namang kulang sa ‘yo. May mga tao lang na di makontento o hindi talaga sila para sa ‘yo.
β€œAthena, kailangan nating pag-usapan ‘yong relasyon natin. ‘Yong tayo.” ani niya. Ilang buwan na pala pero pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari ang lahat.
β€œExcuse me, wala ng tayo, Lee. Nakalimutan mo? Ohw, I forgot… nagawa mo nga akong kalimutan, e at ipagpalit do’n sa iba. Pero wala na ‘yon sa akin. Para na ‘yung pagkain panis na para sa akin. Well, ngayon wala na akong paki.” Mahirap mangpanggap na matapang ka kahit na ang totoo nasasaktan ka parin. Malinaw parin para sa ‘yo ang lahat at ‘yon yong masakit.
β€œAthena, pakinggan mo ako.”
β€œAko ang pakinggan mo, Lee. Masaya ka na ‘di ba? Masaya ka na sa iba? Hayaan mo na ako h’wag mo na akong guluhin. Matagal na tayong tapos. Remember, ikaw ang tumapos,” bumagsak ang mga luha ko. Ang sikip sa dibdib. Naalala ko lahat kung paano ako nagmamakaawa. Nakakatawa.
β€œAthena… I’m sorry di ko sinasadya.” Linyang nakakasawa pero bakit paulit-ulit na ginagawa. Linyang paulit-ulit ‘di ba sila nababagot? Dahil ang totoo nagkakasakit sila ng damdaming inosente. Pusong nanahimik sa isang tabi kaso ginulo nila.
May mga sitwasyon na para sa iba di pa tapos. Hindi pa maayos. At wala pa sa saktong ayos. Kaso kadalasan kahit maayos na parang hindi parin. May mali parin. Andon parin ang sakit. Ang pilat ng kahapon at sugat na tinamo ng maling panahon.
β€œAlam mo, Lee, akala ko ikaw na, e. Ikaw na ‘yong magiging huling mamahalin ko at mamahalin rin ako sa dulo. Dahil...


sa dinami-dami ng taong dumating sa buhay ko puro pananakit lang ang ginagawa nila. Panloloko at pang-iiwan. Pero hindi pala. Dahil isa ka rin pala ngayon sa kanila. Kasama ka nila sa pananakit sa akin.” mahabang lintaya ko sa kan’yang umaagos ang mga luha. Sanay na akong lokohin at maiwan pero sa sakit? Hindi… Hindi pa pala. Masakit parin pala ang lahat sa akin.
β€œI’m sorry, Athena. ‘Yon din ang akala ko. Kaso di pala. Sorry, Athena. Pero mahal mo pa ba ako ‘di ba?” mga salitang nagpadurog sa puso ko. Pero sige lang kahit, nakaka kingin* yong sakit.
β€œOo, kaso ang saya-saya mo na sa iba. Guguluhin pa ba kita?” sagot ko. Hindi s’ya nakasagot pa. Ano pang magagawa ko? Ano pa nga ba kung nagsawa na akong ipaglaban siya. At anong panlaban ko pinalit niya sa akin? Anong laban ko do’n? Dating mahal niya ‘yon. E ako? Wala.
Pag-mahal mo maging masaya ka para sa kan’ya. Oo masakit yon pero hayaan mo, ipaubaya mo. Lalo na pag nakikita mo naman s’yang masaya kasama ang iba. Kasama ang taong mahal niyang sana… Sana ikaw na lang sana ‘yon. Kaso hindi. Masakit pero kailangan mo ‘yong tanggapin. Palayain mo ang sarili mo para maging masaya ka rin.
β€œAthena, minahal kita. Kaso—”
β€œTama na, tapos na tayo sa usapang iyan. Hindi na dapat binabalikan ang nakaraan. Masakit oo pero siguro tama sila. Siguro wala talagang para sa akin.” natawa ako ng pagak. Ang pinapangarap kong tao mali na naman. Ang inaasam kong pagmamahal hindi pala para sa akin. Baka sa susunod totoo na. At para sa’kin na.
β€œMag-iingat ka, Athena. May magmamahal din sa ‘yo higit pa sa pagmamahal ko.”
β€œSiguro, oo. Di ko alam. Masaya ako para sa ‘yo, Lee.”
Masarap sa pakiramdam na tanggap mo na lahat. Dahil ‘yon ang kailangan para maging payapa ang puso mo’t damdamin. Maraming siguro, oo, di ko alam. Pero isa lang ang p’wede mong gawin para maging sigurado ka, maghintay sa taong ilalaan sa ‘yo ng panahon at ng pagkakataon. Tamang tao at pag-ibig para sa ‘yo.
________
BY: PAINLESS PEN MANUNULAT






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top