HAPPY 18TH BIRTHDAY, KIM
“Late na ba ako?”
Napatitig ako sa pawisan na mukha ng boyfriend ko nang bigla siyang nakarating. Tumingin ako sa relo at bumuntong hininga.
“Kanina pang natapos ang event ko, Fred,” pigil ang inis ko dahil inaasahan ko na maaga siyang darating.
Hindi na siya nagulat pa dahil una niyang nakita ang mga staff, ngayong nililigpit nila ang pinanggamitan sa event ko. Magsasalita na sana ulit ako pero nakita kami ni mama na magkasama kaya ngumiti ito sa amin at siya‘y naglakad palapit.
“Bakit ngayon ka lang nakarating, Fred? Pasok ka muna.” Agad na binuksan ni mama ang gate bago pinapasok niya ang boyfriend ko. Akala ko susundan ni Fred si mama pero hinihintay niya akong mauna.
“Kim,” hinawakan niya bigla ang kamay ko kaya napalingon ako rito. “Sorry, and happy birthday.”
He gave me a necklace afterwards. Tiningnan niya ako nang matagal bago niya ako niyakap ng sobrang higpit.
“Galit ka pa rin ba sa ‘kin?” tanong niya.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Bigla akong humiwalay mula sa pagkakayakap niya at nauna akong pumasok.
Masakit umasa na buong araw kong hinintay ang pagdating niya pero binibigyan niya lang ako ng motibo para magalit ako sa kanya tuwing birthday. He doesn’t seem to be making an effort to make me happy now that I don’t feel that way about him now.
“K-Kim..”
That voice turned me around. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang dumudugo niyang ilong. Mabilis akong lumapit sa kanya at inutusan ang maid na kumuha ng tissue. Ngayon ay natataranta na ako. Nagawa pang ngumiti sa akin ni Fred.
“Stop smiling.”
“Happy 17th birthday, Kim.”
“Fred, please! Stop fvcking smiling!”
Sinamaan ko siya ng tingin habang pinupunasan ang dumudugo pa rin niyang ilong. Sa lakas ng boses ko, may ilang staff na natitigilang mag-ayos dahil nakikita nilang nahihirapan si Fred.
“Dadalhin kita sa hospital, okay?” Hinawakan ko ang kamay niya at inalayan siyang maglakad palabas ng bahay namin. Nagugulat na lumabas din si mama. Hindi na nito naituloy na pakainin si Fred dahil kita ko ang kaba ni mama.
“Promise, Kim. Next year, I’ll attend your debut early. I’m one of those you can dance to 18th roses. I-I’m your escort,” Fred said as his tears fell as he stared at me.
Those words made me cry. Ang kaninang galit sa mukha ko, ngayon ay puno ng takot sa sarili ko dahil sa hindi malaman na nangyayari kay Fred. Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Fred habang minamaneho kami ng driver ko.
Pagdating namin, doon ko lang nalaman na tumakas si Fred sa ospital para lang makita ako. Matagal nang na-admit si Fred dahil lumalala pa rin ang kanyang Leukemia ayon sa sinabi sa ‘kin ng doctor niya.
I want to scold him because he kept it a secret from me for a few years. That‘s why he declined our celebration for the anniversary and every my birthday just because he didn’t want me to know it.
Inaasikaso na siya ngayon ng doctor at mga nurse. Gusto kong umiyak at manatili sa tabi niya sa tuwing may mangyari ulit sa kanya.
FRED AND I went through a year of intense suffering. Nagkaroon ako ng Glaucoma disease na sanhi ng paglabo ng aking mga mata. Lalong lumala ito kaya masakit para sa ‘kin na mawalan ako ng paningin at tuluyan nang hindi makakita.
Si mama ang gumagabay sa ‘kin habang dinadala niya ako ngayon sa ospital. Iyak siya nang iyak kahapon. Hanggang ngayon umiiyak pa rin siya para sa ‘kin.
“K-Kim, y-you‘re here..”
His voice made me cry. Hindi ko man nakikita ang itsura niya, alam kong nahihirapan siya sa kalagayan niya. Dahan-dahan akong lumapit sa hinihigaan niya at kinapa ang kamay niya para mahawakan ‘yon.
“Alam mo bang binigyan ka ng pagkakataong makilala mo ang taong sobra kang minamahal palagi. The person who will pray for you to be healed. You should be happy now.”
...