Bituin sa kalangitan CHAPTER 7


Writer: Oblino Gabiana Yanyan
Genre: Love story

“Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong pinalayas si Diana ng Nanay dahil sa maling nagawa niya, nasaktan niya ng subra Ang kanyang pinakamamahal na Nanay,Sa pagtira niya sa bahay ng kanyang kaibigan na si Sarah doon siya nahirapan kung paano makisama sa ibang Tao,Alas singko palang ng umaga gising na sila maaga kasing umaalis Ang NAnay ni Sarah na si Aling loling para magtinda ng gulay sa palengke,mabuti na Lang mabait din si Aling loling katulad ng Nanay Niya palabiro Kung minsan pero matindi rin magalit.
Sarah!!!!!Diana!!!! Nasaan kayo? Halina Kayo dito magkape na tayo.kumain na nakapagluto na ako.
“Mahinang tawag ni Aling loling sa dalawang nagdadalaga;
‘Opo Ina nandyan na po!
Lumabas na ng kwarto ang dalawa pagkatapos mag aayos ng sarili nila.lumapit Ang mga ito sa lamesang may tatlong tasang kape Ang nakahanda,sinangag na kanin na may halong hotdog at repolyo na hiniwa ng maliliit,at pritong itlog,corned beef,Ang nakahain sa lamesa Kung Kaya naman natakam si Diana at excited na kumain,kaso nahihiya siyang umupo sa lamesa Kung saan maraming pagkain Ang nakalatag sa isang lamesang kahoy,niyaya na ni Sarah si Diana na kumain na pero si Diana ay nakatingin Lang sa kanya at hindi gumagalaw Ang mga kamay para kumuha ng pagkain sa lamesa,
Hayyyyy naku Diana,!
Wika ni Sarah sa kanya.
“Kumain ka na huwag ka ng mahiya,walang hiya naman Ang mga Tao rito.
Hindi makapagasalita si Diana dahil sa subrang hiya.ang ginawa sa kanya Ni Sarah ay nilagyan nito ng kanin at ulam ang Plato Niya sabay sabing!
“Kumain ka ng marami Diana para lumaki ka.
“Natatawang biro sa kanya ni Sarah;
Kain na tayo Ah pag Hindi ka kumain hindi na Kita kakausapin pang muli.
Agad namang kumain si Diana para hindi magalit sa kanya si sarah, pagkatapos nilang kumain ng almusal ay agad namang nagpaalam Ang NAnay Ni Sarah si Aling Loling para magtinda ng gulay sa palengke.
Anak ko!!Sarah Aalis na ako Ang bahay ha huwag...


hayaang madumi.
Opo Inay.
Sumunod Kayo mamaya ni Diana sa palengke magtitinda Tayo ng gulay Doon.
“Opo sabay na sumagot Yung Dalawang Dalaga!
“Habang naghuhugas ng Plato itong si Diana ay bigla itong natumba at hinimatay.nagmamadaling tumakbo si Sarah kay Diana at niyugyuog ito ng malakas, sigaw ito ng sigaw at natataranta!
“Diana gumising ka!Anong nangyari sayo?
Tinapik tapik ni Sarah Ang mukha nito pero hindi ito magising,Ang ginawa niya hinilamusan niya si Diana ng medyo malamig na tubig Doon Lang ito nagising.!!
“Sarah anong nangyari sa akin kanina?
Bigla Kang hinimatay!!
Huh!!Hindi ko alam,
Nababahalang sagot ni Diana Kay Sarah na kinakabahan. Maya Maya ay nakaramdam si Diana ng pananakit ng tyan at subrang pagkahilo bigla siyang naduwal nagmamadaling pumasok sa loob ng C.R.
“Ohhhhh myyy goddddd”Hindi pwedeng mangyari ito?!!
Usal ni Diana sa isip niya. Natataranta at nababahala siya Kung ano nangyayari sa kanya..
“Hindi Kaya buntis ako?
Tanong ni Diana sa kanyang sarili.agad siyang naghilamos at lumabas ng C.R na takot na takot agad naman siyang nilapitan ni Sarah,Alam Ni Sarah na kahit hindi sabihin sa kanya ng kaibigan niya na buntis siya ay nahalata niya ito sa mga ikinikilos nito.
“Oh siya Diana maiwan na muna Kita dito sa bahay punta ako ng palengke Hindi ka naman makakasama kasi masama Ang pakiramdam mo;
“Sige Sarah salamat sayo mag iingat ka sa pupuntahan mo ha?
“Salamat Diana!
“Paano Kung hanapin ako ni Tiya Loling Kasi hindi ako makakasama sayo?
Huwag ka mag alala ako bahala Kay Nanay magpaliwanag sa kanya sasabhin ko sa kanya na masama pakiramdam mo hindi ka makakatulong magtinda ng gulay ngayon;sige Ali’s na ako magpahinga ka muna dyan aalis na ako.
‘Habilin ni Sarah sa kaniyang kaibigang si Diana!
“Habang naglalakad si Sarah sa daan malalim Ang iniisip Niya dahil Kay Diana.
Paano Kung totoo ngang buntis talaga si Diana tanggapin Kaya siya ni Tiya Ana?
Tanong ni Sarah sa kanyang sarili na hindi mapakali at nag iisip na naguguluhan..
ITUTULOY…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top