Fathers and son Part 7


Lumabas si Larry matapos maipakilala ni Voel sa ibang tao nasa loob ng kwartong yun. Dinaanan niya lang si Yssa. Sumagi kasi sa isip niya ang nangyaring labanan sa pagitan nila Rodney kanina.
Wa sa sariling umupo sa isang bench na katapat ng room nina Viel. Matamang nag isip.
” Hindi siya titigil hanggat hindi niya ako makikita ulit. ” Bulong niya na ang tinutukoy ay si Rodney. Nakayuko siya ngayon at hawak ng dalawang kamay ang ulo na para bang sinusuklay ang buhok.
Nangangamba si Larry na baka idamay nito si Viel kapag nalamang nasa kanya ito. Napa angat din siya ng mukha nang naisip niya si Yssa. Malapit siya kay Yssa. Natatakot siya na baka matulad ito sa asawa ni Lee na si Estela. Binawian ng buhay ni Rodney.
Ilang minuto lang ay isa isa nang lumalabas ang mga bata. Tapos na ang klase nila. Nakikita na niya si Viel na palabas sa may pintuan. Pagakatapos,tinakbo ang kinaroroonan niya.
” Papa! Ang galing nyo po kanina.” Tuwang tuwa na saad nito. ” Ok na ba yang bibig mo?”
” Oo naman. Malakas si Papa kaya yakang yakang ito.” Masayang tugon ni Larry sa anak. Pilit na kinakalma ang sarili mula sa takot na nadarama sa kung anong maaaring gawin ni Rodney sa kanila.
Matama namang pinagmamasdan ni Yssa ang mag ama mula sa loob ng kwarto niya. Nais niyang makausap si Larry kaya nagpasya siyang lapitan ito.
” Larry….”Nag aalangang tawag ni Yssa sa kanya. Gusto niyang malaman kung bakit pumutok ang labi niya.
Narinig naman ni Larry ang pagtawag ni Yssa pero natigilan siya at napatutok lamang ng tingin sa titser na ngumiti sa kanya. Ginantihan rin ng ngiti ni Larry si Yssa pero agad rin namang binawi. Inaya agad si Viel para umuwi.
Nanlumo si Yssa sa tinurang iyon ni Larry sa kanya. Parang may mali. Marahil sa ayos ni Larry kaya ganoon na lang ang pag iwas ng huli sa kanya. Sa ibang araw na lamang niya ito kakausapin.
Papalabas ng gate,kitang kita naman ni Rodney ang mag ama. Nag abang siya hanggang makikita niya si Larry.
” Huh! Binggo! Pina ampon ha…tanga ka ,Larry. Masyado mong minaliit ang kakayahan ko. Humanda ka lang sa gagawin kong malaking gulo.” Sabi niya na kinuyom pa ang isang kamao.” Sa pagkakataong ito,hinding hindi nako maniniwala sa anumang sasabihin mo.” Matigas niyang sambit.
Magkahawak kamay ang dalawa palabas ng gate at saka huminto.
” Saan mo gustong pumunta,anak?”
” Mmmm….sa bahay lang po,papa.”
” Ha?! Ayaw mong mamasyal tayo ulit?”
” Gusto papa. ”
” Kung ganoon,saan mo gustong pumunta? Sabihin mo kay papa.”
” Papa,umuwi na lang tayo para makapagpahinga ka. Kawawa ka naman. Masakit siguro ang katawan at labi mo. Nakipaglaban ka sa magnanakaw diba po? Umuwi na lang po tayo sa bahay para makapagpahinga po kayo.”
” Si…sige. Kung yan ang gusto mo. ” Binuhat niya ang bata at pinasakay sa likod ng ulo niya. ” Kapit ng mabuti! Lilipad na tayo!”
” Opo!”
Isang malaking ngiti ang ginawa ni Viel dahil sa kasiyahan. Isang ngiti na hindi nakaligtas sa mata ni Rodney.
” Ang ngiting iyon. Hindi pa rin nagbabago ang batang iyon. Taglay pa ring ang ngiting kamuntikan nang nagpapabago ng isip ko noon.” Bulong ni Rodney nang maalala ang noon. Ganoon na ganoon ang ngiting nakita niya noon sa batang si Viel noong una niyang kinarga.
Diretsong umuwi ang mag ama. Bumili na lamang sila ng makakain sa tanghalian. Sabay na kumain at saka nang makapagpahinga ay sabay na ring nakatulog.
Kay gandang pagmasdan ang mag ama habang nakahiga at kapwa tulog. Si Viel na nakayakap sa ama. At si Larry na nakayakap din sa anak. Tahimik na nahihimbing. Walang kamalay malay na may problemang darating.
Kinabukasan, walang pasok sa school si Viel. Hinayaan itong matulog ng mahaba ni Larry. Pambawi sa nagdaang napaka aga kung nagigising. Pero si Larry,maaga pa ring nagising. Wala pa rin si Aling Dina kaya kailangan niyang maglaba.
Tumayo si Larry mula sa kama. Kinumutan ang anak saka lumabas. Nagluto ng almusal. Nang matapos,inihanda ang mga damit na lalabhan.
” Tsk!! ” Sambit niya na nakatuon ang tingin sa isang mahabang basket na lagayan ng mga maruruming damit. ”...


Mahirap talaga kapag wala si Tiyang. Kailangan ko tuloy labhan ang mga iyan.”
Pero may washing machine naman kaya ma swerte pa rin siya at hindi na magkakamay sa paglalaba.
Binuhat nya ang isang basket ng maruruming damit papuntang washing machine. Pinuno ng tubig at nilagyan na rin agad ng pulbos na sabon saka isa isang inilagay ang mga damit na lalabhan.
Hinanap ang flug ng washing machine saka isinaksak sa outlet.
” Yan.” Sabi niya.
Pasipol sipol habang akmang paiikutin ang switch ng washing machine. Pero nagtaka siya dahil hindi man lang ito umikot.
” Teka! Bakit ayaw umandar? May kuryente naman ah!” Huli na ng malaman niyang sira na pala ang washing machine nila. ” Ang malas naman. Kakamayin ko tuloy ang mga ito.” Dismayado niyang anas.
Wala siyang pagpipilian kundi ang ilabas ng isa isa ang mga damit mula sa washing machine at manu manong lalabhan. Naghanda ng isang malaking palanggana at dooy nakabikakang naglaba.
Ilang minuto lang ang nagdaan nang papalapit si Viel sa kanya. Kakagising lang nito. Hinanap niya agad ang ama.
” Ahahha..papa,punong puno ng bula ang ulo mo!”
” Talaga?! Halika nga at punasan mo.”
Lumapit si Viel sa kanya. Akmang pupunasan pero ngumiti ng kakaibang ngiti si Larry. May namuong balak sa isipan niya. Bigla niyang nilagyan ng bulang nagmula sa kamay niya ang mukha ni Viel.
” Papa!!”
” Ahhahhaha!! Ikaw rin may bula!”
” Nilagyan nyo po kasi!”
” Pareho na tayo ngayon,anak! Hahhaha!” Hindi matigil sa pagtawa si Larry.
Gumanti si Viel sa ama. Kinuha ang isang damit mismo mula sa palanggana na may maraming bula at saka inihagis kay Larry.
” Ah!!”
” Hahahha!! Talo ka,papa. Mas marami sayo. Basang basa ka na!” Hawak ni Viel ang tiyan habang tawang tawa. Saka tumakbo ng kusina.
” Ah..ganoon ah! Hinatayin mo ko!”
Tumayo si Larry at hahabulin na sana ang anak. Pero nadulas siya at natumba sa loob mismo ng palangganang nilalabhan niya. Malutong na halakhak naman ang ginawa ni Viel nang makitang nasa loob ng palanggana ang papa niya. Basang basa ang puwit nito dahil sa nakalubog sa tubig na punong puno ng bula.
” Hahahha!!!”
” Arayy…..” Daing ni Larry. Hawak hawak nito ang kayang puwit sa pagtayo.
” Papa….” Naawa yata si Viel sa ama kaya nilapitan niya. Inalalayan pa sa pagtayo.
” Ahh….huli ka!” Hinawakan siya ni Larry at nilagyan ulit ng bula.
” Papa!!” Panay ang iwas ni Viel pero napuno na rin siya ng bula.
Sa pagkakataong iyon,imbes na madaling matapos ang paglalaba ni Larry,umabot ng apat na oras dahil sa kanilang paglalaro habang naglalaba. Isang bagay na hindi madalas na nangyayari sa pagitan ng ama at anak. Ang mga pangyayaring minsan na lang kung nagaganap.
Pero kahit na ganoon,natapos pa rin ang paglalaba ni Larry. Isa isa na niyang sinasampay ang mga damit na nalabhan at ibinilad sa mainit na araw. Nakita niya ang isang panyo. Ang panyo ni Yssa na ibinigay sa kanya noong nilapitan siya nito.
Dagli siyang natigilan. Hindi nga pala niya pinansin ng maayos si Yssa. Siguradong nagtataka ito sa bigla niyang pagbabago. Kailangan niyang isauli ito sa babae.
Pagkatapos magsampay ,naligo at saka kumain kasabay si Viel. Tinanong niya sa anak kung may numero ng telepono ni Yssa. Mabuti naman at meron si Viel. Pinasulat ito sa kanila sa kanilang kwaderno upang alam nila kung saan nila kokontakin ang kanilang titser. Kinuha ni Larry ang numero at saka tinawagan si Yssa.
” Hello….”
” Yssa,si Larry to.”
” Larry? Napatawag ka?” Hindi nagtanong si Yssa kung saan nakuha ni Larry ang numero niya.
” Ah..may kailangan lang akong isauli sayo. Pwede ba kong pumunta sa bahay nyo mamayang gabi?”
” Ha?..ahh..oo naman. Hihintayin kita.”
” Kasama ko si Viel.”
” Sige. Hihintayin ko kayo ni Viel.”
“Paki text naman sakin kung saan ang bahay mo,pwede…”
” Oo. Itetext ko sayo pagkatapos nitong tawag mo.”
” Ok. Ibaba ko na ito. Salamat.”
” Oo.. sige.”
Napaisip si Yssa matapos ibinaba ni Larry ang telepono. Kung ang panyo niya ang isasauli nito sa kanya,pwede namang sa school nalang. Hindi niya kailangang pumunta sa bahay nito. Baka naman may sagot na sa tanong ng kanyang isipan at malalaman niya mamaya iyon kay Larry.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top