HIS BROTHER ACCUSING ME
Author: Ziryanggg
Genre: Random
Prologue.
Hustisya ang kailangan ko, hindi babae sa buhay. Madaling iwan ng mga babae ang lalaki kapag nakuha na nila ang mga luho sa buhay. Women nga naman. I was starting to get angry with them so I didn’t need a woman in life.
Then someone will suddenly come? Para ano? Kamuhian ko? In my life, ano nga bang silbi ng babae sa buhay ko? Kung paulit-ulit ang issue ng mga babae, iisa na lang talaga ang tingin ko sa kanila.
Ano nga bang issue niyong mga babae?
Ang issue ko kasi sa punyetang babaeng ‘yon, sinungaling, walang kwenta at mamamatay tao. Walang ibang ginawa kun’di manira ng pamilya. Dahil sa kaniya, mas lalong ayoko na sa mga kauri niya. Babaeng sakit sa lipunan na dapat sa bilanggo namumuhay.
Itutuloy…
Chapter 1:
Hide’s POV
Napabuntong-hininga ako dahil sa traffic. Napapatuktok na lang ako ng aking daliri sa manibela. Base sa mga pinag-uusapan ng mga dumadaan sa kabilang way, may naaksidenteng nangyari sa harapan. Mahigit tatlong minuto na akong naghihintay ni wala man lang umuusad. Napahinga na lang ako nang malalim saka tumingin sa bintana. Malayo-layo pa rito ang bahay pero nandirito pa rin ako.
Gusto ko na ring magpahinga. Kakauwi ko lang ng Pilipinas galing Italy. Kung traffic ang bubungad sa akin, mailalabas talaga nito ang aking iritasyon. Habang nakatingin sa bintana at naglilibot ng paningin, nakita ko ang ordinaryong bus. Tiningnan ko lahat ng pasaherong nasa bintana. Napaikot na lang ako ng aking mga mata. Hindi sana ibabalik ang tingin sa bintana ng bus ngunit may babae akong nilagpasan lang ng tingin kanina.
Ngayon, ang mga mata ko ay nasa kaniya lamang. Malumanay ang kaniyang mga mata habang nakasalong baba. Pumipikit ito, kapag pumikit biglang mahuhulog ang ulo. Tumingin ako sa likuran, lingid sa babaeng ‘to na hindi lang ako nakatingin sa kaniya. Hindi ba siya nahihiya?
Muli na naman siyang inantok. Kusang gumalaw ang aking kamay, binusinahan ko ‘to dahilan para malaglag ang kaniyang ulo sa kamay niyang nakasalo. Mapupungay ang mata nitong inayos ang sarili. Bago umayos ng upo, hinanap niya muna ang bastos na nanggising sa kaniyang tulog na pahinto-hinto. Namangha ako sa kaniya na sa akin agad ang diretso. Sandali lang ang tingin sa akin saka na umayos ng upo. Napailing-iling ako. Ganoon ba kalalim ang iniisip niya kaya hindi magawang magsungit sa akin? Ganitong babae sana ang lagi kong nakakasalamuha. Iyong walang pakialam sa mga lalaki.
Biglang umusad ang mga sasakyan. Naunang umalis ang bus ng babae kaysa sa akin. Hindi ko na inisip ‘yon at tinahak na lang ang lugar kung saan ako uuwi.
Ysreal’s POV
Napahikab ako dala ng antok. Muli akong nagsalong baba. Makakatulog sana muli nang biglang sumigaw ang konduktor.
“Oh, tumayo na ang mga bababa sa Super Market!”
Tumayo na ako sa aking kinauupuan. Humawak ako ng maigi sa upuan dahil biglang huminto ang bus. Mauuna pa yata ang ulo ko sa pagbagsak kung sakali. Mabilis akong bumaba ng bus. Napalagay ng kamay sa noo dahil sobrang init. Naglakad ako patungo sa karinderya para magtanghalian.
“Adobo, sabaw at isang kanin po,” ani ko sa tindera. Umupo sa bakanteng upuan. Ayokong may katabi.
“Ngayon ka na lang muli kumain dito, hija. Masyado ka bang busy sa trabaho?” Araw-araw akong kumakain dito kaya siguro nakilala niya ako kahit sobrang dami niyang kostumer.
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Kumain na lang ako nang mailapag ang pagkain sa lamesa. Abala ako sa pagkain nang biglang mapalingon sa telebisyon. Nakuha ng balita ang aking atensyon.
“Isang lalaki ang natagpuang patay sa kalsada kaninang madaling araw. Hanggang ngayon ay ini-imbestigahan ng mga pulis kung sino ang pumatay dit—”
Hindi ko na tinapos ang buong sasabihin ng reporter. Mabilis akong nag-iwan ng bayad sa tindera at nagmamadaling naglakad. Tinatawag niya pa ako kung anong nangyari sa akin. Pansin ko rin ang pagkunot ng kaniyang noo. Isa lang ang nararamdaman ko, nanlalamig ang aking mga kamay at mabilis ang pagtikbok ng aking puso.
Hindi na ako nagbus dahil iyong balita lang naman ang maririnig ko. Pinara ko ang taxi. Mabilis ako nitong dinala sa Laur Enterprises. Mabilis ang aking paglalakad, salamat nga dahil bag ko lang ang dala ko ngayon. Nakuha ng noo kong kumunot dahil habang tinatahak ko ang aking destinasyon, panay ang tingin ng mga tao pati na rin ang mga empleyado rito. Hindi ko na lang sila pinansin. Sumakay na ako sa elevator. Ito ang unang beses na wala akong kasabay kaya dapat lang akong magtaka.
Biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko at sinagot ang tawag. Pansin ko pang nanginginig ang aking mga kamay. “Ano ba, Fail? Oras ng trabaho ko ngayon. Tawag ka nang tawag.”
“Ysreal, umalis ka na riyan!” Natataranta ang kaniyang boses. Maingay din kung nasaan siya ngayon. “Nandito ako sa labas. Nilabas na sa social media ang prime suspect, mukha mo ang nandoroon! Lumabas ka na, ang daming reporter dito! Mukhang gusto ka nilang interviewhin!”
Binaba ko na ang tawag. Panay ako pindot sa elevator na sana ay huminto na. Natataranta na naman ang aking galaw kaya nang nagbukas, mabilis kong tinahak ang hagdan pababa. Laking pasasalamat ko dahil walang empleyadong nakakita sa akin. Wala na akong pakialam kung ilang palapag pa ang madadaanan ko hanggang marating ang baba.
Sa likod ako dumaan kung saan kakaunting tao lang ang makasasalubong ko. Iginawi ko ang aking mga buhok sa harap para hindi mapansin ang aking hitsura. Medyo nabawasan ang aking kaba nang makita kong nakatayo si Fail sa isang sasakyan, sa kabilang kalsada. Nagkakasundo talaga ang aming mga isip sa ganitong problema.
“Bilisan mo!” Sinenyas niya pa ang kaniyang kamay. Pilit lang ang kaniyang pagsigaw, siniguradong walang taong titingin sa kaniya.
Nagmadali akong tumakbo ngunit pagkatuntong ko sa gitna ng kalsada, biglang may bumusina. Napatigil ako sa pagtahak at nakuha pang tingnan ito.
“Tumingin ka naman sa dinadaanan mo! Kung gusto mong magpakamatay, huwag mong idamay ang buhay ko!” Mainit ang ulo ng matandang nagpatuloy sa pagmamaneho.
Sa paglisan niya, doon na nakatingin ang lahat ng reporters sa akin. Tila sila mga aso na kailangan akong lapain. Pinuntahan na ako ni Fail at hinatak papunta sa sasakyan.
“Miss Arison, p’wede po ba kayong ma-interview kahit saglit?”
“Miss Arison, anong masasabi niyo sa pagkamatay ng CEO of Laur Enterprises?”
“Kalat na ang mukha niyo sa social media na ikaw ang prime suspe—”
Sinakay muna ako ni Fail sa backseat bago sigawan ang mga reporters na sunod-sunod ang tanong sa akin. “Tigilan niyo na nga ang kaibigan ko! Kung siya ang may kasalanan, sana pulis ang nandirito hindi kayo! Masyado kayong nagpapaniwala sa social media!”
“Ikaw daw ang pumatay, anong masasabi mo roon?”
“Totoo bang pinatay mo ang CEO of Laur Enterprises?”
Animo silang walang narinig. Hindi man lang nila pinansin ang sigaw ni Fail. Napagod na rin ang kaibigan kong patigilan ang mga ‘to.
Huminga ako nang malalim para sagutin ang kanilang tanong. “Hindi ko alam ang isasagot sa tanong niyo dahil hindi ko kilala kung...
how to continue reading stories?