oiseau d‘hiver (winter bird)


oiseau d‘hiver (winter bird)
— yvescoventry.
Marahan ang paggalaw ng aming mga katawan sa saliw ng musika. Ang aking paghinga’y mabibigat sa kabila ng malambing na paghaplos ng kaniyang mga kamay sa aking balat — sa loob ng aking suot na puti at maluwag na damit.
“Mahal kita,” bulong niya sabay halik sa aking tainga. Napapikit ako habang dinadama ang kaniyang labi sa aking balat.
“I love you Vincent,” nanghihina kong sagot sa kaniya.
Naramdaman ko ang kaniyang bisig na mas humigpit ang pagkakahawak sa aking baywang, ibinaon niya rin ang kaniyang mukha sa aking leeg.
“Please, ’wag kang bibitaw Peter, huwag kang bibitaw sa’kin, pakiusap,” nanginginig ang boses na bigkas ni Vincent. I smile weakly, sinubukan kong aluin sa pag-iyak ang aking asawa sa pamamagitan ng paghimas sa kaniyang malapad na likuran.
Vincent is a strong man, he doesn‘t cry easily, the last time I saw him cry ay noong kasal pa namin — he’s crying while I am walking towards his direction. Nakatayo siya malapit sa altar, suot ang damit na lalong nakapagpa-guwapo sa kaniya. Sa kabila ng kaniyang katikasan ay lumuluha siya habang pinapanood ako sa paglakad. Gusto kong matawa sa kaniyang hitsura noon ngunit pinigilan ko ang sarili.
Ang bawat oras noong araw na ’yon ay mahiwaga at sa mga sumunod na panaho’y ganoon din — parang nasa loob kami ng napakagandang panaginip. Nagpalitan kami ng aming mga pangako sa harapan ng altar, nasilayan ng maykapal ang paglalapat ng ang aming mga labi. Masaya ang yugtong ’yon — gusto kong balikan.
“Don’t cry Vincent, please don’t cry,” I said while we sway our bodies along with a fascinating melody coming from an old stereo.
“It’s je te laisserai des mots, don’t cry,” pagbanggit ko sa kanta na aming naririning — iyon ang kaniyang paborito, ngunit tila siya’y nabingi at hindi man lang makilala ang musikang umaalingangaw.
Nabigla ako sa kaniyang paggalaw.
“Please hold on. Let’s go, we’ll go to Dr. De Sarre. He’s a good doctor, let’s go. I am sure mapapagaling ka niya,” lumuluha niyang...


bigkas sabay hila sa aking braso.
Ngunit mabilis siyang napahinto nang tanggalin ko ang pagkakahawak niya sa akin. Tinitigan ko ang aking payat na braso bago sumalin ng tingin sa kaniyang guwapong mukha. Bakas sa kaniya ang matinding pagkagulat at pagkalito.
“Peter?” naguguluhan niyang bigkas, bumabalong ang masaganang luha sa kaniyang mga pisngi.
“Nanghihina ako, ‘di ko na kayang bumyahe Vincent,” nakangiti kong bigkas sa kaniya.
“The fuck Peter! Kaya nga kita dadalhin sa hospital! Para gumaling ka, para manumbalik ang lakas mo!” bulyaw niya sa akin na ikinagulat ko.
Matapos ang ilang segundo ay marahas siyang napabuntong-hininga, inayos niya ang sarili at muli akong hinawakan sa mga kamay.
“Halika na mahal,” malumanay niyang bigkas sabay hila sa aking katawan.
Hindi ako gumalaw, sa halip ay siya ang hinila ko papalapit sa akin. Muli kong hinagkan ang aking asawa. Mula sa init ng kaniyang katawan ay nakaramdam ako ng kakaibang kaginhawaan.
“Inaantok na ako Vincent, sa ibang araw na lang tayo umalis,” bulong ko sa kaniya habang sinasayaw ang aking sarili kasabay ang malambing na musika.
“Peter… I love you,” aniya habang mahigpit ang pagkakayakap sa aking payat na katawan. Nanginginig ang kaniyang katawan, bumabalong ang kaniyang mga luha sa aking balat.
Napangiti ako at napapikit. Pinakiramdaman ko ang mga katawan namin na marahang gumagalaw. Sandali lamang ang aking pagkakangiti, madali itong nabura nang maramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib.
Mula sa paninikip ng dibdib ay unti-unti kong namasdan ang paglabo ng paligid. Agad kong hinawakan ang kaniyang mukha at doo’y taimtim akong tumitig sa kaniya habang unti-unting bumabagal ang pagtibok ng aking puso.
“I love you, please don’t cry,” umiiyak na bigkas ko sabay halik sa kaniyang mga labi. Kasabay ng paglalapat ng aming mga labi’y mas tumitindi ang paninikip ng aking dibdib at pananakit ng aking puso.
Mahigpit kong hinagkan ang katawan ni Vincent dahil alam kong ito na ang huling pagkakataon na mangyayari ito.
“Please hold on, love,” said Vincent before my eyesight went black.
I felt sorry. I am so sorry for my husband.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top