YOU ARE THE REASON CHAPTER 2


Dahil nga sa nalaman ko na dito na mag aaral si Sam sa school namin ay natuwa ang puso kong torpe daw.
Ano ba ang dapat kong gawin.
Liligawan ko ba agad sya o makikipagkaibigan muna sa kanya.
“Ang lalim yata ng iniisip natin Bro’?”
“Hindi naman.”
“Ano bang kasi yang iniisip mo baka matulungan kita.”
“Gusto ko si Sam.” Walang pasakalye kong sagot sa kanila.
“Kita ko nga sa mukha mo kahapon.Pero balita ko man hater daw yun.”
“Di ipakita natin sa kanya na iba iba ang mga lalaki.”
“Sige tutulungan ka namin dyan.”
“Wala naman na problema kasi di ba pinsan sya ni Lance.”
“Anong gagawin natin kay Lance?”
“Di ba nanliligaw sya sa kapatid mo?”
“So? Bakit nadamay ang kapatid ko.”
“Mahina ka talaga.Sabihan mo si Sab na kaibiganin nya si Sam.”
Ewan ko kung susundin ko ang mga payo nila.
Minsan kasi palpak din mag isip ang mga to.
Pagkakita ko kay Sam ay kinabahan na naman ako.
Bakit ganito na lang lagi ang nararamdaman ko.
Kaya masaya na kong matanaw na lamang sya buhat sa malayo.
Nang bigla na lang sumulpot sa tabi ko ang mga kaibigan kong mapang asar.
“Hay pano ka makapanligaw nyan kung andito ka lang,dapat lapitan mo sya.”
“Kasi papalapit pa lang ako umaalis sya bigla.”
“Eh ikaw na ang mag adjust alam mo naman na galit sa kabaro natin yan.”
“Bakit ba...


ganun na lang ang galit nya sa mga lalaki?”
“Kasi nga yung Papa nya ay iniwan sila.Tapos yung naging first boyfriend nya ay pinagpalit sya sa besfriend nya.”
“Alam na alam mo ah,akala ko ba si Lance ang pinsan nya.”
“Ano ka ba magkababata kami nyan ni Sam.Magkaibigan ang parents namin.” Aniya ni Anton.
“Ngayon ko lang nalaman yan ha.”
“Hindi naman kayo nagtatanong.”
“So ano na ang plano natin?”
“Plano ka dyan.Ang gawin natin ay mag praktis na tayo ng mga kakantahin natin sa event.”
“Hahaha…palusot ka palagi eh.Kaya wala kang napapala.”
“Ayokong mamilit ng ayaw.Hayaan na lang natin na kusa syang makipagkaibigan sa ating mga boys.”
“Wow lupet mo ha.Sya pa talaga ang mauuna na makipagkaibigan.”
“Hindi ka na mabiro.Syempre tayo ang makikipagkaibigan sa kanya.”
“Ayun naman pala eh,umpisahan na natin.”
“Bakit ba atat na atat kayo?”
“Di pa kasi namin nakikita ang isang Xander dela Riva na manligaw.”
“Ganun.Tingnan na lang natin.Sana magkaroon na ko ng lakas ng loob na makipag usap sa kanya.”
“Ganyan nga Bro’ kita mo si Lance kahit taray taray*n ng kapatid mo ay go lang.”
Sabagay nakita ko nga kung paano nahirapan si Lance sa panliligaw sa kapatid ko.Pero sana hindi sya kagaya ni Sab na mald*ta.
Pinapangako ko sa sarili ko na magmula ngayon ay babaguhin ko na ang ugali ko. Ipapakita ko sa kanila kung paano manligaw ang isang De la Riva.😉






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top