DAVID’s POV:
“What the heck?! Mag-usap nga ulit tayo.”, mabilis na turan ni Kate nang tumayo ito at agad na hinawakan ang kamay ko para kaladkarin ako papunta sa office.
Nagawa n’yang iwan si Edward, dahilan para mapangiti ako.
Sigurado na ako sa nararamdaman ko sa babae.
Alam ko na masyadong mabilis, pero wala eh. Talagang tinamaan ako kay Kate.
Na-love at first sight yata ako sa kanya, hindi dahil sa kamukha niya si Katrina, kundi sa ugali na taglay nito.
Nagawa n’yang palakihin si Michael na siya lang mag-isa.
And I feel so proud of her. Totoo siya magmahal.
“Akala ko ba titigilan mo na ako ha? Malinaw na ang usapan natin kanina diba?”, inis nitong sabi nang bitawan niya ako.
Nasa loob pa rin kami ng elavator at hindi pa kami nakakarating sa taas.
“Pero hindi mo rin sinunod ang pabor ko, Kate. So it just a tie.”, ngiti kong saad.
“Hays! Ang yaman mong tao, pero ang tigas ng ulo mo! Bakit ba ang hirap para sayo na intindihin ang sitwasyon ko?! Ginugulo mo lang ang buhay ko!”, wika niya na may kaasaran sa boses.
“Hindi ko ginugulo ang buhay mo, honey. Sadyang hindi mo lang ako maintindihan dahil puro negatibo ang pumapasok sa isip mo.”, mahina kong litanya.
“At ako pa talaga ang may kasalanan ha? Ang kapal din talaga ng mukha mo.”, muli nitong sigaw na halos mandilim ang paningin niya sa akin.
Kinulong ko naman siya gamit ang dalawa kong braso nang sumanday ang likod niya sa elevator.
I want to kiss her, right here, right now.
At wala na akong pakialam sa iisipin ng mga tao.
Kasi ngayon, ang tanging gusto ko lang ay ipakilala sa lahat, kung gaano ko siya kamahal.
“Makapal na kung makapal, Kate. Sabihan mo na ako ng kung ano-ano, tatanggapin ko ‘yon. Pero sana, tanggapin mo rin ang pagmamahal ko sayo.”, seryoso kong turan. Puno ito ng emosyon para kahit papano, tumagos sa puso niya na hindi na ito biro.
Napanganga na lamang ito at hinihintay pa ang sunod kong sasabihin.
“Three words, and eight letters, honey....