CASPHER & JASPHER “The brother twinns” BOOK 02


πŸ₯€πŸ’ž You’ve made me stronger πŸ’žπŸ₯€
πŸ’ž CHAPTER 07 πŸ’ž
πŸ’ž Kinabukasan maagang nagising si amarra,hindi nya alam pero kay sarap sa pakiram na sa pag mulat nang mata nya,isang mukha agad ang naalala nya.
sabay ngeti.
” hoyyy ate..baka nakalimutan mo na mag katabi tayo natulog..!
” huh..? oo nga pala..bangon na..bumili ka nang isang sakong pandisal daliiii…!biro ni amarra sa kapatid..
“ate ha..simula ng umuwi ka now lang kita nakitang masigla,may dahilan ba nang pag babago mo nang mood..hahaha..!
“amarra lumabas kana dyan..may bisita ka..! sigaw ng ina nila sa labas ng kwarto
” oho nay andyan na..! sagot ni amarra..
” ay alam kuna kung sino nag nag papabago ng mood mo hahaha…!asar ni adda.
” pwedi ba hindi moko mapapapikon,mag asikaso kana kasi may pasok kapa sa school..!
“ayeeh ayaw pa sturbo ang ate ko.! tumayo na ito para pumasok sa bathroom,agad naman ito hinila ni amarra at na una na syang pumasok sa loob.
” oops sorry sis…hehehe…!
” Ang ate ang daya..! pag dadabog ni adda.
ilang minuto pa bago naka labas si amarra.
” tagal te ahh..! reklamo ni adda sabay sinipat ang suot nya..
” oh bakit..? pag tataka ni amarra.
” sexy ha..alams na hehehe..!
” ay iwan ko sayo,bilisan mo at lalabas na ako..!
” sege te good luck kay kuya Joshua este sayo rin..hehe..!
” hemmp..! lumabas na ng kwarto si amarra,sinalubong naman sya nang napaka lapad na ngeti ni Joshua,kaya ngumiti din sya dito,umupo sya sa kabilang suffa paharap kay joshua..
” panu tayo makakapag usap nyan kung dalawang metro ang pagitan natin amarra..!seryosong sabi ng binata
” huh..? ahmm.. sege..! lumipat sya ng upo kung san naka upo si Joshua.,pero nag lagay sya nang pagitan sa gitna..
“hehe..! para ka naman kakainin..! sya nga pala may ibibigay ako sayo..!
saka inabot sa kanya ang isang box na hopia na ube.
” wow.. favorite ko to.. pano mong nalaman na—!
” kay adda,nabanggit nya sakin na gusto mo yan,kaya pinag bili kita nyan sana naman hindi hopia ang maging sagot mo sakin haha..! biro ni Joshua.
” wala ka pa naman tanung ahh..!
” meron pero saka na..!! ” tara pasyal naman tayo..!
” san ba tayo pupunta sa lugar namin dito,bukod sa kabundukan..!
” sabi ni adda may magandang falls dito..! kaya nag dala ako ng camera..! ano game..!
” sege..sasamahan nalang kita..! total matagal mo na yan request kay adda..!
” soo..lets go..?
” Ok..! lumabas na nang bahay ang dalawa..at nag simula ng mag lakad lakad..
” ahmm..nabanggit mo samin na pinsan mo si sir CASPHER.actually one time kuna nakita yun..!
” Oo..nung una ang sad ng love story nya…! sa bundok nya nakilala ang isang girl na iniibig nya,pero sa bundok din nag wakas ang lahat sa kanila..!
” ang sad nga naman..!bakit daw..?
” mission nya ang mag ligtas…! yun ngalang yung girl na yun ang di nya na iligtas,dahil sya mismo nasa bingit din ni kamatayan..! at himalang naka ligtas sya..!
” ang sad naman..! buti hindi tulad nya ang naging trabaho mo joshua..!
“huh..? Oo naman…! teka bat ba natin sya ang pag uusapan natin..! saka nag take ng picture si Joshua na biglang ikinagulat ni amarra.
” ako ba yung pinicturan mo..?
” hindi ahh..! ayun ohh yung mga nag papalay..!
” weeeehh di ngaaahhh…!!! patingin..!sabay agaw sa camera ni Joshua,pero agad nitong tinaas ang kamay..
,” hahaha…wala ka talagang tiwala sakin no..?
” obvious naman ehh,iniwas mo sakin…!
” believe me..ipapakita ko rin ito sayo..tara na sa falls..! sabay hawak sa kamay nya.
” malapit lang ba yun dito..? tanong ni josh.
” Oo seguro mga tatlong bundok lang hahaha…!
” talaga lang ha..! saka humarap kay amarra ang binata.
” oh bakit…?
” wala lang..ngayon lang kitang napansin na nag bibiro ehh..!
” tabi ka nga dyan..! taboy nya dito saka na una nang nag lakad.
” hahaha..namumulang pisngi..! wika ni joshua.
” oh..ayan ang falls..mag sawa ka..ubusin mo yung film mo..! sabay upo sa malaking bato si amarra..
Agad naman..nag ikot ang binata at halatang nag iinjoy ito sa ginagawa nito.
Nang mapagod agad naman itong umupo sa tabi nya
” mas masaya kung may picture tayong dalawa….!sabay kuha sa cp nito.
” wait…anung ginagawa mo..? sabay tayo ni amarra,mabilis naman hinawakan ni Joshua ang kamay nya at napa upo uli sa tabi ni joshua,sabay yakap sa kanya.
” relax..para picture lang nating dalawa ipag dadamot mo pa..hehe..!! saka nag take na ang camera nito..
” be sure lang hindi mo gawin panakot sa daga yan ha..!biro ni amarra rito
” nope..!! sa ipis Oo..hahaha…!!!
” oh serious na smile..! yakap uli ni joshua kaY amarra at ramdam ng dalaga na parang ayaw syang bitiwan ni Joshua.naka ilang take ng picture si Josh. bago ito nag save…sa phone..
” oh ayan ha..tayong dalawa na ang nasa frofile ko..! wika ni josh,sabay ngeti kay amarra.
” huh..? luhhh burahin mo yan baka may makakita nyan..! pag aalala ng dalaga
” noo..! saka frofile ko to not yours…!sabay tago sa phone
” no Joshua nakakahiya..!nag alala sya baka makita ni adda. hindi nya friend si junas,pero baka friend nito si junas at makita ang picture nila.
” may magagawa kaba sa gusto ko…!
” no.. delete mo yan..!sabay dukot sa phone nito..agad naman kinuha uli ni joshua ang phone,saka pinasok sa brief nya.
” asan na yung cellphone mo..? sabay sinipat ang katawan ng binata.
” hanapin mo..hahaha…! napa titig naman ang dalaga sa harap ng maong na short nito.
” oh ano napa tigil ka..! delete ko yun kung makuha mo yung phone ko hehe..!
” hemmmp kainis kanaman ehh..!
” Ano bang pinag aalala mo,na baka makita yun ni junas na mag kasama tayo ngayon..!
” hindi ahh..!
” tell me the truth amarra..! may nararamdaman kapa kay junas..?
” wala na ahh…!
” Yung totoo..?
” wala na nga sabi dahil sayo..!sa isip ni amarra,sabay yuko nya dahil ang totoo nahihiya sya rito.
” ayaw mong sumagot,wait lang e send ko to kay junas hahaha…!
dinukot nito uli ang phone,akmang mag sesend ng picture..
” Noo.,! akmang kukunin ni amarra ang cp nito,pero agad na iniwas ang kamay ni joshua.
” joshua naman ehh…! sabay abot uli sa kamay nito na naka taas,pero sadyang matangkad ang lalaki.kaya hirap sya na makuha ito.
” hahaha..!!! natatawa si joshua sa turan ni amarra.
tumalon na si amarra,para abutin ito,pero agad syang niyakap ng binata….
” May paraan amarra kung pano sya makakalimutan..! sabay dahan dahan na lumapit ang mukha ni joshua para maabot ang labi ni amarra.natulala naman ang dalaga sa ginawa ni Josh,kasing bilis ng kabog nasa dibdib ni nya.. ilang sandali pa at tumugon naman sya dito sa binata.agad naman din nyang naramdaman ang pag galaw ng mga kamay ni joshua sa kanyang likod. Maya’tmaya pa at binitiwan na ni josh ang labi nya..sabay titig sa mga mata ni amarra.
” uwi na tayo..baka mang gigil ako sayo eh naaakkoooo..!!!hehehe..!
napa ngeti naman si amarra sa biro ni josh,sabay hawak uli sa kamay nya para umalis na sa lugar na yun.
πŸ₯€πŸ’ž Pag ka baba sa sasakyan ni JASPHER agad na syang nag tungo kung san nag hihintay sa kanya si Kyle at si migue.dahil ito ang araw ng kanilang pag kuha ng sample sa kanila ni Miguel para sa DNA nila.agad na sumalubong ang ngeti ni Kyle ng Makita si JASPHER.
” akala ko hindi kana sisipot…!
” ito na ang huling pang gugulo mo sakin Kyle,kaya tapusin na natin ito..!
” Kung matatapos ngaba ito JASPHER..!
” sir pasok na po kayo sa loob,pati yung anak nyo..! sabi ng isang babae..na kukuha sa kanila ng DNA sample sakanilang dalawa ni Miguel.
” sege doc..papasok na kami..! sabay titig ng masama kay kyle.
kalahating oras din bago natapos ang pag kuha sa kanila ng DNA samples.at lumabas na sa clinic ni doc.
” daddy..! tawag sa kanya ni Miguel..
” I’m not your dad Miguel.. I’m sure..! niloloko lang tayo ng mommy mo..!sabay titig ng masama Kay Kyle..
” let’s see the final result of DNA JASPHER..! patutunayan ko Sayo na anak mo si miguel..!
“On your dreams Kyle….!sabay talikod sa babae para umalis na,hindi na nya kayang mag tagal,na makita ang mukha ni Kyle.inis na binalibag ang pinto ng sasakyan nya,at pinaandar na ito.
πŸ’žNaka higa na sa kama, si Joshua ng mag ring ang cellphone nya sa ibabaw ng drawer nya,agad nya itong dinampot at nakita nyang tumatawag si Janna.
” hello janna..!
” hi kuya..hulaan mo kung asan ako…hehe..!!
” teka nag dadrive kaba..? wag mong sabihin nandito kana sa pinas...


natin…!
” yupp kuya,im going secret place…!
” asan ka susunduin na kita..!
” ok lang kuya on the way na ako, I’ll call you later bye..!!!!
” hello—! tunog ng end call ang narinig ni Joshua
agad naman nailapag ang phone nya saka nag takip ng unan para maka tulog na sya.
—–samantala…nag da drive si Janna,para marating ang sta barbara,dadaan muna sya kay kuya CASHPER nya,bago mag hanap ng hotel.halos abutin na nang antok si janna sa ilang oras na pag da drive sa subrang layo nito.
sinipat nya ng tingin ang nasa tabi ng daan,halos mga ma yayabong na puno ang kanyang na kikita at ang layo ng agwat nang mga bahay sa tabi.
“aaaaayyyyy..!! biglang napa apak ng preno si janna dahil may naka higa sa gitna ng kalsada.
” oh my– buhay ba yun..bat ba sa gitna to na tutulog…!sa isip ni janna.
” parang ganito yung nakikita ko sa horror movie..!
kinuha uli ni Janna ang phone nya para tumawag kay CASPHER,pero walang signal,sa lugar na kinaroroonan nya.binuksan nya ang salamin ng kotse para maka sagap ng signal,habang naka tingin sa naka harang na tao sa daraanan nya.ilang sandali pa at nag ring naman ang phone ni CASPHER pero putol putol.
” pick up your phone kuya cousin CASPHER….! may takot na nararamdaman si janna.pero hindi ito sinagot ang tawag nya.
nag dial sya uli sa number ni CASPHER nag ring again…pag tingin uli sa harap ng sasakyan bigla nawala ang naka higa na lalaki sa unahan ng kalsada na naka harang sa sasakyan nya.
” oh no..sinasabi kuna nga ba eh it’s a —!
” hi miss…! sabay hawak sa buhok nyang mahaba.
” aaaaaaaaahhh bitiwan mokooo..!!
” labas kung gusto mo pang mabuhay…! busis ng isang dem*nyo na biglang lumutang sa harapan ni janna.halin takot ang naramdaman ng dalaga,sabay sulyap sa nabitawan nyang phone.patuloy ito nag riring…
” ano lalabas kaa o ito ang gusto mo..!isang pat*lim na nasa leeg nya.
” Oo lalabas na ako…!kasabay nang pag iyak dahil sa takot ni janna.dahan dahan nyang binuksan ang pinto ng sasakyan para bumaba na sya.
habang nag sasalita naman si CASPHER on the phone.
” hello Janna.. where are you..? answer please…! pero walang sagot mula kay janna.
” janna this is not a joke ok..! wala parin sagot mula kay janna..
ilang sandali pa at nag off na ang ilaw ng phone ni janna.
πŸ’žNag babasa ng book si amarra nang tumunog ang phone nya..nakita nya sa LCD ang unknown number nito.
” hi..! pamilyar sa dalaga ang busis nito.
” joshua..! sa isip ni amarra ” hello..!
” hindi karin ba maka tulog..?
” huh..!! ahmm pano mo nakuha ang number ko..?
” kay adda..ako pa malakas ako doon hehe..!
” ahmm ok…bat gising kapa Joshua…?
” dahil iniisip kita….may magagalit ba..?
“wala….baka sayo meron…! tumayo si amarra at lumapit sa bintana para sumagap ng sariwang
” tumawag ako para sabihing sayo na nag hihintay yung friend request ko..!
” huh…? pasensya na ha..hindi pa ako nakapag OL..!
” why..????
” kasi–! napatingin si amarra kung sino ang lumabas mula sa kusina nila,again..yung tatay nya ang nakita nya..
” amarra….!
” wait Lang Joshua..
” what..???? hey amarra—
seen..
iniwan na sa ibabaw ng drawer ni amarra ang phone at mabilis na sinuot ang jacket nya saka lumabas ng kwarto..deritso sa kusina kung san lumabas ang ama nya.
” amarra..siguro may nanliligaw sayo ano..? mag salita ka..!! pag nahuli ko yan tatamaan sakin yan..!
seen..
” Sh–t pati tawag ko seen parin…!!!! anu kaya ang ginagawa non..??sa isip ng binata…
ilang sandali pa at tumunog naman ang phone nya..
” yess cous…! sagot agad ni Joshua
” tumawag ba si janna sayo….?
” yupp kanina lang…
” she’s calling me,but she can’t answer me…! alam mo ba kunga asan sya..?
” huh..?? no..!! ang alam ko nag da drive sya,di nya sinabi kung asan sya..!
“parang masama ang kutob ko cous….!sagot ni CASPHER
” wait tatawagan ko uli si janna…!
” ok…! end call
” sh—t..! sis asan kaba..? nag dial sya sa number ni janna pero nag ring lang ito.
” Janna sagutin mo yung phone mo…! tumayo ni joshua mula sa kama….!
ramdam na nya ang pag aalala sa kapatid niya.
naka ilang tawag na sya pero hindi parin nito sinagot ang tawag nya..
” God..san ba nag punta ang babaeng yun..hindi Kaya sumunod sya sakin dito sta barbara..? napa sambunot sa sariling buhok si Joshua,habang pabalik balik ang lakad nya sa loob ng kwarto nya.
πŸ’žPalihim na sinusundan ni amarra ang ama nya kung san ito pupunta,sa pangatlong pag kakataon na sinundan ang ama nya,dumaan uli ito sa may palayan habang hawak nito solu na nag sisilbing liwanag sa dadaanan nito.
kalahating oras na sila nag lalakad ng huminto ito sa lumang kubo doon. nag kubli naman si amarra sa malaking puno,ilang sandali pa at dahan dahan na sya lumapit sa kubo na yun para makiramdam,pero tahimik lang sa loob.
” bat kaya…! pag tataka ni amarra.gawa sa pawid ang ding ding ng kubo halos bulok na ang iba sa subrang kalumaan nito,hinawi nya ang ding ding saka sumilip doon pero wala syang nakitang tao sa loob.
” wala ang tatay sa loob pero nakita ko na dito pumasok yun…?pag tataka ni amarra.dahan dahan syang pumasok sa loob,maliit lang ang kubo’ kaya impossible na hindi nya makita ang ama nya.
tumingin sya sa paligid,puro mga lumang boti na nag lalaman ng balat ng ahas at kung anu pang insikto.
” god..anung klasing kubo ito..saka inikot ang mga mata nya na baka may iba pang pweding pag labasan ang ama nya.halos malapit na rin mapuno ng baging ang loob ng kubo,kaya di nya makita kung may iba pang pweding mapag labasan doon sa loob.ramdam na nya ang pangangati dahil dumaan pa sya sa talahiban.
parang gusto ng sumuko ni amarra..pero kailangan nya nang kasagutan kung anung meron ang kubo at kung anung milagro ang pinag gagawa ng ama nya.
sakakaisip nya sa tatay nya,napa tingin sya sa makapal na bagging na parang may na hawi doon.sinipat nya ito ng tingin saka lumapit..dahan dahan nya rin itong hinawi naka ilang hawi na ata sya dahil sa kapal ng bagging nito.at may napansin na syang lumang pinto na gawa sa yero.
” oh my– may secret door pala dito…? dahan dahan nya itong binuksan at sumilip doon,wala syang makita dahil madilim sa loob.
pumasok sya sa loob…agad nyang kinapa ang phone nya para gawing ilaw,ngunit wala syang makapa.
” Oo nga pala nailapag ko sa drawer yung phone ko…!nasambit ni amarra,ilang sandali pa at may naririnig sya uli na mga yapak sa di kalayuan…dahil madilim kailangan nyang mangapa uli para sundan ang mga yapak nang mga ito.
” soo hindi nag iisa ang tatay na pumasok doon may iba pa…!sa isip ni amarra.
Maya’t maya pa at may naririnig na sya na sigaw..
” nooooo bitiwan nyo ako… aaaaaaaaaahhhh..!!!
” paka walan nyo kami hohoho…!!
” mga hay*p kayo…!!!!!!
— mga daing na naririnig ni amarra..
πŸ’ž ” sir nakita na namin ang sasakyan ni ma’am janna nandito kami sa boundary ng sta barbara..!
” copy..darating ako dyan antayin nyo ako..!
” sege sir CASPHER..!
” babe may problima ba..?
” yupp..nawawala si janna,at nakita na yung sasakyan nya pero wala sya..!
” dyosko….soo dito ang punta nya kagabi pa..?
” Oo.! naka ilang miss call na sya bago ko nasagot ang mga tawag nya…! pag sisisi sa sarili si CASPHER.
” Babe..kailangan nating mahanap si janna..alam naba ito ni joshua..?
” Oo..at nag aalala na rin ito..!
” God bat kasi hindi nalang sya nag pasundo..!
” kilala ko yun,medyo pasaway..! i have to go na babe..nag hihintay na sila sakin..!
” ok..! humalik lang ito kay karen saka nag mamadali na itong sumakay sa kotse.
” anong nangyari.? si junas.?
” Ayon nawawala ang kapatid ni Joshua..! at dito mismo sta barbara ang punta..!
” god…! sana naman walang mangyari na masama sa kanya…! ito yung mga mabigat na suliranin ni sam.dahil hindi talaga na uubos ang mga halang ang kaluluwa..!
Napa upo sa bench si karen…” parang kailan Lang nang ako ang dinukot ng mga PRG..hindi kaya kay mga PRG pa sa bundok at sila yung nang bibiktima ng mga babae..?
” Malamang karen..sila lang naman ang gagawa ng kababalaghang ito..!
” oh my god..!! dyos ko kawawa naman si janna junas…pati sya biktima na rin..!
” di bali..tutulong ako sa pag hahanap sa kanya..dahil alam ko ang mga pasikot sikot sa gubat..!
” baka mapahamak kalang junas
” sanay na ako karen..! basta wag mo nalang itong babanggitin kay sam.
” ok promise basta mag iingat ka sa plano mo..!
” ok..!!
πŸ’ž up next CHAPTER 08πŸ’ž






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top