Kapag Puso’y Tumibok CHAPTER THIRTEEN


SUMAPIT ang araw ng sabado.
“Saan kayo pupunta?”Tanong ng tiya ng sabihin niya dito na kong pwedeng hiramin niya si pablo dahil may pupuntahan sila ng binata.
“Sa mall lang tita.Ililibre ko siya”
“Ganun ba.Pero bakit?”
“Well babawi lang sa mga kasungitan ko sa kanya and thank you gift narin sa mga mabuting nagawa niya sakin”
“Ahhhh”
“So Pagay ka diba?.Please?”
“Fine.Sige sibihin mo na sa kanya at mag-mall na kayo”
“Yes,thanks tita”Humalik siya tiya bago nagpaalam dito at hinanap si pablo at nang sabihin niya ito sa binata ay nagulat siya sa sinagot nito.
“Ayokong samantalahin ang kabaitan ng tiya mo mixxel.Binabayaran niya ako ng tama sa trabaho ko kaya hindi ako pwede umalis hanggang hindi pa natatapos ang trabaho ko”
Sa halip na mainsulto sa pagtanggi nito sa kanya ay napahanga nalang siya sa binata.Kakaiba talaga ito.Hindi nga ito mayaman sa pera at materyal na bagay pero mayaman naman sa mabuting asal.
“Sige.I’ll wait for you nalang hanggang matapos mo ang work mo”
“Talaga?Hindi ka galit sakin?”
“Bakit naman ako magagalit sayo?”
“Dahil tinanggihan ko yong pagyayaya mo”
“Tinanggihan?Hindi mo naman tinanggihan eh.Sinabi mo lang na hindi ka pwedeng umalis hanggang hindi ka tapos sa trabaho mo.Kaya aantayin nalang kita.Mamaya ha.bye”Pagkasabi noon ay ngumiti siya rito ng todo bago tumalikod at muling pumasok ng bahay.
‘NAKAKATUWANG isipin na ngumingiti na at di na madaling magalit ang dating simangotera at magagalitin.Lalo siyang gumaganda kapag nakangiti’ Aniya habang sinusundan ng tingin ang dalagang papalayo sa kanya.
Masigla at masaya niyang ginugol ang natitirang oras sa pagtatrabaho.Siya man sa kanyang sarili ay ngayon lang yata nakaramdam ng ganitong kasiyahan dahil lang sa ngiti ng isang babae.Napailing siya.
Pagkatapos nang kanyang trabaho ay agad siyang nag-ayos para sa lakad nila ni mixxel.
Kumain sila sa labas,nanood ng sine,nag-shopping, at kong ano-ano pa ang ginawa nila sa mall ni mixxel.Naging masaya sila.Nakikita niya ang ibang kislap sa mga mata ng dalaga na hindi niya pa nakikita rito mula ng dumating ito sa hacienda.At tama nga ang sabk sa kanya ni faith na sweet rin ito.Nang makita kasi nitong hindi nakaayos ang kuwelyo ng suot na polo ay inayos iyon ng dalaga.At ang nakakatuwa pa ay iyong namili ito ng mga damit para sa kanyang lola at lolo.
“Pero mixxel hindi mo naman kailangan gawin ito.May mga damit naman sila lola at lolo sa bahay”
“Tsk basta,wag kang Kj diyan.Di naman sayo ito kay sa lolo at lola mo ito at hindi sayo”
“Pero..”
“No but’s pablo.Sa ayaw at gusto mo.Bibilhan ko sila Okay”
Pagkatapos sa mall ay napagpasyahan nitong pumunta sa bahay ng lola at lolo niya para personal nitong maibigay ang mga binili at makilala ang mga ito.
Nang makarating sa isang di kalakihang bahay kubo ay pinagbuksan niya ito ng pinto.
“Dito kayo ka nakatira?”Tanong nito sa kanya.
“Oo.Pasensiya na kong di kalakihan ang bahay”
“Wala iyon.Maganda naman at ang ganda ng landscape.Mahilig ang lola mo sa bulaklak no?”Anito habang nakatingin mga bulaklak na nakatanim sa harapan ng bahay.
“Ahh Oo,Inaalagan niya nga yan na parang anak eh..Tara pasok tayo loob”
Naglakad sila patungo sa bahay.Doon ay naabutan nila ang kanyang lolo na nakaupo sa sala at naghihiwa ng gulay.Nagulat itong makita sila.Ngumiti siya dito at lumapit para magmano.
“Mano po lo.”
“God bless you apo”anito at napatingin sa kanyang kasama kaya nilapitan niya sa mixxel at nilapit sa matanda.
“Nga pala lo,Si mixxel pamangkin po siya ni Tita zandra”
“H-hello po,lolo.Bless po”Nagmano ang dalaga at ngumiti sa matanda.
“God bless you din iha.Nagulat ako akala ko ay may tinanan ng babae itong apo ko”Natatawang wika ng kanyang lolo.
“Lolo naman,Di...


ko gagawin yon no kaba”
“Nagbibiro lang naman ako apo.O siya upo muna kayo dito. saglit lang at ililigpit ko itong mga gulay”
Pinaupo niya si mixxel.Siya naman ay tinulungan ang kanyang lolo na ligpitin ang mga binagbalatan ng gulay.
“Si lola nga po pala lo,Nasaan?”Tanong niya.Siya namang labas nito galing kusina.
“Apo pablo diyan ka na pala”
“Lola”Nagmano siya.
“Bless you”
“Bining may kasama ang ating apo”Ani ng kanyang lolo kaya nabaling ang tingin ng kanyang lola sa nakaupong si mixxel.
Nang makita siguro ni mixxel na nakatingin dito ang ang kanyang lola ay bigla itong napatayo at lumapit para magmano.
“Hello po,ako nga po pala si mixxel.Ano po ako nang apo niyo ka—”
“Talaga?Kasintahan ka ng apo ko iha?”Putol ng kanyang lola.
Bahagyang natawa si mixxel at napasulyap sa kanya.”Naku po hindi.Kaibigan lang po”
“ay ganun akala ko pa naman….”
“Akala ko rin iyon bining”Ani ng lolo.
“Lolo,lola.Wag nga po kayong ano.Magkaibigan lang po kami ni mixxel”Aniya ngunit sa kalooban niya ay parang iba ang nararamdaman niya.
“Iha dito kana magtanghalian ha.Magluluto ako ng pinakbet,kumakain ka ba noon?”Ang kanyang lola.
“Opo naman.Pero okay lang po ba dito ako kumain?”
“Abay oo naman,wala problema iyon iha lalo na’t sa isang napakaganda dilag na katulad mo”
At doon nga kumain ang dalaga sa kanila.Wala Itong arteng kumakain at masaya pa itong nakikipagkwentuhan sa kanyang lola at lolo.Ibinigay din ng dalaga ang pinamili nito sa kanyang Lola at lolo nagpasalamat naman ang dalawang matanda dahil doon.
Hindi pa doon natapos ang araw nila.Pagkatapas kasing kumain ay niyaya niya itong pumunta sa likod bahay.May dalawang duyan doon na pwedeng pagpahingahan na nakatapat sa malawak Palayan.
“Ang sarap ng luto ng lola mo”Wika nito habang nakaupo sa duyan.
“Oo.Kaya nga napapadami ako ng kain kapag siya ang nagluluto”
“Hindi halatang Madami kang kinakain ha.”
“Bakit naman?
“Eh hindi ka tumataba eh”
“Ahhh,Ganto talaga ako.kahit kumain ako ng madami di talaga ako tataba”
“Nga pala kanina nasabi ng lola mo.Bata ka pa nawalan ng mga magulang.Ilang taon ka noon?”
Ngumiti siya rito bago binaling ang tingin sa palayan.”Hmmm mga anim o pitong taon ako noon.Namatay sila dahil sa car accident.Parehas silang nagtatrabaho noon sa hacienda.Si papa driver ng truck ng mga inaani,si mama naman katulong doon sa bahay niyo.May bagyo noon nang bumayhe si papa para magdeliver ng mga inaning mais kasama niya si mama noon na papunta naman sa karating bayan na dadaanan ni papa.Pero habang bumabyahe sila hindi nila inaasahang may masasalubong pala silang isang truck dahil narin sa lakaa ng ulan noon.hanggang nagkabanggan ang dalawang truck.Malakas ang impact ng panggaan at namatay ang mga magulang ko ganun narin ang Driver at konduktor ng isa pang truck”Kwento niya dito.At nilingon ito.
Nakita niya sa mga mata nito ang awa At simpanya sa nangyari sa kanyang magulang.
“S-Sorry”
Natawa siya.”Bakit ka nag-so-sorry?”
“Sa kwento mo kasi…kahit may bagyo nagtrabaho ang mga magulang mo…n-na dapat hindi dahil may bagyo…”
“Iniisip mo bang sinisisi ko ang pamilya niyo dahil sa nangyari kayla mama at papa?”
Tumango ito.
“Mixxel hindi ko iniisip iyon.Walang kasalan ang pamilya niyo sa nangyari sa mga magulang ko.Pinigilan siya ng lolo mo noong bumayhe pero matigas ang ulo ni papa eh.kaya ayon.Kaya wag mong isipin na may kasalanan kayo o ang lolo mo na namamahala noon dahil wala.”
“Talaga?”
“Oo”
Nagpatuloy ang usapan nila ni mixxel at sa maiksing oras na iyon ay nagpakaalaman na sila ng mga personal na buhay.At first time niyang magbukas ng buhay niya sa isang tao at babae pa.
Kinabahan siya bigla.
Dahil mukhang ang babaeng Ito na ang gugulo sa kanyang nananahimik na puso.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top