USE DATA TO SEE GIRLFRIEND.


“ Ano bang kailangan mo? ” mukhang masama ang gising nito.
Nakaupo kami dito sa labas ng bahay ng kaibigan ko. Tinawagan ko siya kanina para pumunta dito samin.
“ Diba may sinend akong picture sayo kagabi? Edit mo, gusto ko ‘yung magkasama kami ng girlfriend ko sa isang picture. ” utos ko na dagling ikinataas ng kilay niya.
“ Seryoso ka ba? ” naniniguradong tono.
“ Mukha ba akong nagbibiro? ” tumuro sa mukha, “ Tsaka, magaling ka namang mag-edit kaya favor naman bro Asher. ”
Sandali pa niya akong tinignan na para bang ako na ang pinakaweird na taong nakilala niya. Anong problema nito?
“ Give me 3 minute. ” saad nito bago inilabas ang phone na gagamitin.
Tumango na lang ako bilang sagot.
Ang ganda ng view, kita ang bundok na sinabayan pa ng asul na kalangitan. Nakakarelax.
“ Tapos na. ” sabay abot sa akin ng cellphone niya na mangha ko namang tinanggap.
“ Wala pang tatlong minuto ah haha. Thanks bro. ” ang galing, ang bilis niyang mag-edit.
Sinuri ko ang inedit niya, napakunot ang...


noo ko ng hindi ko makita ang kabuuan ng girlfriend ko.
“ Bakit hindi ko makita ang girlfriend ko!? ” sabay tingin sakanya na katatayo lamang.
Walang gana naman niya akong tinignan bago binigyan ng malakas na batok.
“ Wala kang girlfriend dude! Tulog ka pa? ” asik nito at hablot sa kamay ko ng cellphone.
“ H-ha? Akala ko sinagot na ako ni Dea? ” naguguluhang ani sabay hawak sa binatukan niya. Ang bigat ng kamay!
“ Paano ka sasagutin? Hindi mo nga maligawan dahil diyan sa katorpehan mo! ” bagsak ang balikat kong napaupo dahil sa sinabi niya. Akala ko may girlfriend na ako, panaginip lang pala.
“ Tsk, baliw na nga assuming pa. Bye. ” lait niya bago ako iniwang mag-isa.
Sakit niya magsalita, hindi ako makapaniwalang kaibigan ko ‘yon.
Naiinis na kinapa ko sa bulsa ang cellphone kong biglang tumunog. Tsk, sinend pa talaga sa’kin ang inedit niyang use data ang babae.
“ I-profile mo para magising ka. ” basa ko sa message niya.
Huwag sana siyang sagutin ng nililigawan niya!
——
Written by: Rain Marshall.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top