FIGHT FOR THIS LOVE (CHAPTER 1)


Noong unang panahon may isang babaeng nag ngangalang Luciana o mas kilala bilang Lucy. Si Lucy ay isang Masipag, Matalino, at Maganda. Makinis ang balat, Maputi, may Mahabang buhok, at Matangos na Ilong. si Lucy ay isa sa mga anak nila Olivia at Alejandro Lopez. Si Lucy ang panganay sa tatlong magkakapatid kasunod nito ay si jenna at ang bunso na si Lexi. ang tatay ni lucy ay isang Police Captain samantalang ang kanyang Nanay naman ay isang Chief Executive Officer na may ari ng pinakamalaking kumpanya sa kanilang bansa at dahil diyan ay halos lahat ng tao ay tinitingala at nirerespeto sila. masarap at maginhawa ang buhay ni Lucy na halos nasasakaniya na ang lahat ngunit hindi pa rin masaya si Lucy dahil sa sobrang higpit ng kaniyang mga magulang ay hindi niya magawa ang gusto niyang gawin para sa sarili katulad ng mamuhay ng normal kagaya ng ibang babae na nagagawa ang mga gusto nila, dahil ang gusto ng mga magulang niya ay magpokus muna siya sa pag–aaral dahil isang semester nalang ay gagradute na si Lucy at para siya narin ang susunod sa yapak ng kaniyang ina bilang CEO. isa rin sa rason kung bakit sobrang higpit ng kanyang mga magulang ay hindi nila gusto na mapahamak ang kanilang anak dahil hindi pa nahuhuli ang #1 most wanted na sindikato. isang araw habang nakahiga at nakatingala si Lucy ay naisip niyang umalis sa kanilang bahay para magliwaliw. habang...


naglalakad ay may nakabangga sa kaniya ng isang lalaki na nagngangalang William si william ay Gwapo, Moreno at Matangkad. siya ay isang anak ng isang pinuno ng mga sindikato na si Rafael Peterson na matagal nang pinaghahanap ng mga pulisya at ng dahil diyan ay nahasa si William na maging katulad ng kaniyang ama. sa unang pagkikita ng dalawa ay hindi maganda ang kanilang pag’uusap.
LUCY: Aray! hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?! (pasigaw na tanong kay William)
WILLIAM: pasensya ka na hindi ko sinasadya, nagmamadali kasi ako hindi kita nakita (Natulala sa ganda ni Lucy)
LUCY: bulag ka ba?! (pataray na sagot ni Lucy sabay alis)
WILLIAM: hindi naman sinasadya eh! sungit naman nun. (habang nakatingin kay Lucy)
Ang sumunod na nangyari habang naglalakad papalayo kay william ay nag–ring ang telepono ni Lucy, tumatawag sa kaniya ang kaniyang Ama.
ALEJANDRO: asan ka?
LUCY: lumabas lang po pa saglit.
ALEJANDRO: di ba sinabi ko sayo na huwag kang lalabas ng bahay dahil delikado?! (galit na pagsabi kay Lucy)
LUCY: naglakad–lakad at nag–isip–isip lang naman po ako dahil nababagot na ako sa bahay.
ALEJANDRO: asan kana?! umuwi ka na! papasundo kita diyan.
LUCY: Cge po Pa.
Nang dumating na sa kanilang bahay ay pumasok agad si Lucy sa kanyang kwarto at biglang sumagi sa isip niya yung lalaking nakabangga sa kanya na si William. ngunit ang hindi alam ni Lucy na ang lalaking nakabangga niya ay isa palang sindikato.
(wait kyo sa part 2)






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. Nakakainis nmn nasan Napo Yung next chapter dalawang araw nako naghihintay sa next chapter

  2. Ang ganda po Ng story ano PO Ang part 2

  3. parang maganda ang story na ito,sana mabasa ko ang part2 at ang buong zkwento ng walang bayad..salamat

Leave a Reply


top