TWO HEARTS BENEATH THE MOON Kabanata 6


TWO HEARTS BENEATH THE MOON
Kabanata 6
He loved me? Patanong iyon. Walang halong kasiguraduhan at puno ng pagdududa.
Umaasa akong nagseselos siya dahil sa laman ng text niya. Hindi ko mahalukay sa isip ko kung bakit ko iyon naisip.
Bakit? Bakit naman siya magseselos?
Wala. Wala akong mahanap na sagot. Dahil siya lang mismo ang makakasagot sa tanong ko.
I shoved my phone away. Muling hinarap si Hiron at sinalubong ang kanyang tingin. Ayokong mag-mukhang bastos, “I’m sorry, Hiron.”
“Patutunayan ko sa’yo na gusto kita, gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat ako sa’yo,” sabi niya.
Tinitigan ko sandali si Hiron. Sincerity sa gwapong mukha ni Hiron ang nakita ko pero walang salitang lumabas sa bibig ko.
“Liligawan kita, Candace.” pursigido ang nababalot sa boses niya.
“P-pero hindi ko kayang pantayan ang nararamdaman mo. Nagsasayang ka lang ng oras sa akin.” Sabi ko ng maaga dahil ayokong umasa siya sa’kin. Ayokong maghintay siya sa wala.
“Si Travis ba? You already waste many hours, days and every second of your life courting that guy, Candace. Hindi ba pwedeng ibaling mo na lang sa iba iyang nararamdaman mo?Sa’kin.”
Every words he dropped is like a bombed and a realization hit me.
Sino ba ako para sabihing magsasayang siya ng oras kung sakaling payagan ko man siyang manligaw? Even in myself, I didn’t asked that dumb question.
Ilan araw na ba ang ginugol kong magpapansin sa lalaking hindi naman ako binigyan ng kaunting atensyon niya?
When the day I first saw him, when I was on my grade 12, and he was on second year in college that time. Intramural ng school nila noon. Bali-balitang may laban sa larong basketball sa mismong university, so, dahil magkalapit ang school namin at katatapos lang ang exam, halos kaming magka-classmate, we gatecrashed. Hindi kami napansin ng guard dahil sa daming estudyante, nakihalo kaming pumasok. Mabuti na lang at hindi masyadong strikto pagdating sa mga ID’s. Sabagay, intramural noon. So, everybody can watched, mapa-outsider man.
Siya, siya lang ang tanging hindi nilubayan ng aking atensyon. Ang lakas ng tibok ng puso ko, pakiramdaman ko nga, ang bolang pinapasok niya sa ring ay diretso iyon...


sa puso ko, bawat puntos niya’y nagpadagdag ‘yon ng pagpintig ng puso ko.
Ang sagot ko pa rin ay, “I’m sorry, Hiron.”
Sorry, dahil hindi ko kayang pantayan ang nararamdaman niya kundi ‘gang kaibigan lang.
Kung sakali mang nagsasayang lang ako ng oras kay Travis. Sa’kin na iyon at tatanggapin ko na lang, kahit masakit. Wala sa sariling napako ang paningin ko sa nakapatong na cellphone sa ibabaw ng libro ko.
Bakit niya ako itetext kung sino ang kasama ko? Ano’ng nasa likod ng mga bawat letrang pinadala niya?
Tinanggihan ko si Hiron, hindi dahil may special man akong feelings para kay Travis. Kundi ayoko ko siyang paasahin, dahil wala akong feelings para sa kanya. Hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya para sa’kin. Pwede siguro pero bilang kaibigan lang.
Nangalumbaba ako nang tumayo siya’t nagsimulang maglakad paalis.
Pagdating kinabukasan, nagulat ako, habang naghihintay ng masasakyan na tricycle. May huminto sa mismong harapan ko. Wearing our school uniform, Hiron came out, basa pa ang buhok nito at amoy bagong ligo.
Binati niya ako ng masiglang ngiti sabay sabi ng, “Good morning, Candace. Sumabay ka na sa’kin. Sinadya ko talagang daanan ka.”
Nag-aalinlangan pa ako kung sasakay ba ako o hindi?
Kalaunan ay sumabay na din ako. Baka ma-late pa ako sa klase. Thursday pa naman ngayon, at Si Ma’am Elyneia ang unang klase. Hindi ako pwedeng ma-late.
Walang nagsasalita sa’ming dalawa, nahihiya ako dahil sa naging usapan namin kahapon. Ilang beses kong narinig ang pagtikhim niya, nahihiya rin sigurong maunang magsalita sa katahimikan namamagitan sa’ming dalawa.
Pagdating namin sa harap ng gate ay bumaba ako. Akmang bubuksan ko ang bag ko para kunin ang pitaka ko nang marinig ko siyang magsalita.
“Ako na , Candace.” malumanay niyang wika.
Wala na akong nagawa nang iabot niya sa driver ang pamasahe naming dalawa. Nginitian ko siya at nagpasalamat.
Hinintay ko muna siya bago magsimulang maglakad. Tumingin-tingin muna ako sa paligid at nagbibilang ng mga sasakyan papasok sa gate ng school.
“Tara na,”
Tumango ako at naunang naglakad. Nakasunod siya sa akin. Mula sa bulsa ng skirt ko, naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito’t nagulat sa pangalang bumungad.
Si Travis.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top