The Battered Wife CHAPTER 11


Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( FRANCO – POV )
Dito kami ngayon ni Bella tumutuloy sa aming bahay.
Si mama , ayun simula noong makita niya ng personal si Bella , hindi na siya umalis sa tabi nito.
Sa bawat araw na lumilipas , mas lalo kong minamahal si Bella … at araw araw ko ding ipinaparamdam sa kanya ang aking pagmamahal.
” Mama , pwede bang pahiram muna si Bella … ”
” Oh sige , pero Bella balik ka agad ha may sasabihin pa ako sayo .. ”
” Opo Mommy .. ”
Ayaw kase ni mama na tinatawag siyang tita ni Bella kaya mommy nalang daw.
” Anong sasabihin mo Franco ? ”
” Magpaganda ka ng todo mamaya sa party ni mama tsaka I Love You … hehe ”
” Ewan ko sa’yo , bahala ka dyan ”
( ZENY – POV )
Nakabalik na ako ng Pilipinas …
Dala ang panibagong problema
Hindi alam ng magulang ko na nakauwi na ako at nandito sa sarili kong bahay, tanging si Dominick lang ang nakakaalam.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa pamilya ko na buntis ako.
Isang pagkakamali ang mga nangyari .
Naalala ko tuloy bigla si Ate Elise.
Siya ang palagi kong karamay sa tuwing mayroon akong problema.
Pero ngayon , hindi ko alam kung nasaan siya.
Saka ko na nga lang iisipin si ate …
Kailangan ko pang tawagan si Dominick , hinihintay ko kase syang sunduin ako dito sa bahay.
Samahan ko daw kase siya sa birthday ng nanay ng kanyang isang matalik na kaibigan.Naisip ko na kapag nandun na kami sa party ay saka ko sasabihin sa kanya ang kalagayan ko.
” Hello , Love , nandito na ako ”
” Malapit na ako , maghintay ka lang .. ”
Hindi rin alam ni Dominick na buntis ako.
Hindi ko alam ang magiging reaksyon nya.
” Love ang ganda mo ngayon … ”
” Nariyan kana pala Dominick , so tara na … ”
( SKY – POV )
Pagkatapos ng yakapan...


nina Franco at Elise ay lumisan ako agad sa lugar na iyon.
Masakit sa akin na makitang may ibang lalaki ang yumayakap kay Elise.
” Ano ka ba Sky … hindi mo siya mahal kaya itigil mo ang pag-iisip mo sa kanya.”
Baliw na ata ako , kinakausap ko ang aking sarili.
Mabilis na lumipas ang mga araw.
Kaya sa halip na patuloy kong sundan ang dalawang taong iyon ay itinuon ko nalang sa iba ang atensyon ko.
Tumawag din bigla sa akin si Zeny at sinabing nagbalik na siya.
Kahit na may pagdududa ako ngayon sa kanya , tama , sa kanya ko ibabaling ang atensyon ko.
Kaya si Zeny na rin ang kinuha kong partner sa birthday party ng mama ni Franco.
Sinundo ko rin si Zeny sa bahay niya at hindi talaga maikakailang maganda siya.
Hindi rin naman nagtagal , nakarating kami sa bahay nina Franco.
Madaming bisita at maraming masasarap na pagkain.
” Happy Birthday Tita ”
” Mabuti naman at nakarating ka Dominick , sino naman itong kasama mo ? ”
” Si Zeny po , girlfriend ko .. ”
” Ah yung bunsong kapatid ni Bella , yung sumira sa relasyon nyo .. Oh siya sige kumain na kayo riyan.”
Nahiya tuloy ako kay Zeny tungkol sa sinabi ng mama ni Franco.
” Ok lang yun Dominick , tama naman ang lahat ng sinabi niya.May sasabihin din sana ako sayo .. ”
Hindi na ako nakaimik pa ng bigla nalang ako hinila ni Zeny papunta sa likod ng bahay na ito.
” Dominick , buntis ako … ”
Hindi ako agad nakaimik dahil sa sinabi ni Zeny.
Paanong nangyari yun ?
Nabalik lang ang ulirat ko ng makarinig ako ng tunog mula sa nabasag na baso.
” Buntis ka Zeny ??
Tumingin tuloy ako sa aking likuran ng makarinig ako ng tinig ng isang babae.
” Elise … ”
Iyan nalang ang nasabi ko.
Hahabulin ko pa sana pero tumakbo na siya ng mabilis palayo sa amin.
Mali ang intindi niya sa kanyang mga nakita.
To be Continued …






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top