ASHARI’S POV
Naglalakad kami ni Boy Hayop sa isang mahabang pathway ng hardin. Malayo layo na kami mula sa mansyon ng mga Marchese. Ewan ko din sa isang ‘to kung saan niya ako dadalhin at parang kaylangan muna naming magtagtag ng taba bago makarating sa pupuntahan namin.
“Malayo pa ba tayo?” bugnot kong reklamo sa kaniya.
Tumingin naman siya sa akin at ngumiti ulit. Susuntukin ko mukha niya para di na siya makangiti e. “Medyo malapit na…” sagot niya sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa harapan.
“Siguraduhin mong masarap talaga luto ng pupuntahan natin ha, napagod ako sa paglalakad.” pasusungit ko na sa kaniya. Ha, hindi na ako mag babait baitan sa isang ‘to tutal napatunayan ko na na isa din siya sa mga masasamang budhi at kampon ni Isprikitik.
“I promise, she won’t fail your taste buds.” sagot naman nitong si Boy Hayop, hindi niya manlang pinansin ang pagsusungit ko.
Pasimple ko siyang tiningnan sa peripheral vision ko. Mas matangkad siya sa akin pero sigurado ako na hindi siya kasing tangkad ni Boy Isprikiton. ‘Yung dating at aura niya sobrang kalmado at palaging nakangiti. Tipikal na nasa loob ang kulo at manipulative ganon! Kung hindi ka talaga magaling kumilatis ng tao–kagaya ko, ay nako, madadali ka ng isang ‘to. Katamtaman lang ang built ng katawan niya, halatang hindi taong gym at hindi madalas mag workout, malayong malayo ang katawan niya sa katawan ni Isprikiton na panay muscle. Gwapo siya, ‘yung kagwapuhan niya e ang light sa mata. Hindi siya masakit tingnan, gets niyo ba? Yung features ng mukha niya, pretty boy ang ganap, hindi sharp! Nadala na din siguro ng light ash blonde niyang buhok. Dyed kaya ‘yan o natural?
“Stop staring, matatalisod ka niyan.” ani niya sa akin na ikinagulat ko. Hanep, may sa third eye ba’tong isang ‘to? Hindi naman ako nakatitig sa kaniya ng direkta ah? Pasimple nga lang akong nakatingin sa kaniya.
“Feelingero ka pala e. Hindi kita tinititigan fyi.” umirap ako, paglanding ng tingin ko sa sahig, bigla akong natalisod. “AY GWAPO KA!” bulalas ng bibig ko.
“HAHAHA! Nahuhuli ka sa sarili mong bibig Ashari.” bigla naman siyang bumulalas ng tawa. Umayos kaagad ako ng paglakad dahil medyo napahiya ako doon ng very light.
Inirapan ko nalang ulit siya. Hindi na ako papatol, sayang lang laway ko sa kaniya. “Ah Dyther.” Char lang, may bigla akong naalala. “May tanong ako…”
“Ano tanong mo Ashari? I would be gladly answer that.”
Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. “Umayos ka ng sagot ha, seryoso ako.”
“Of course. Seryoso naman ako sa lahat ng ginagawa ko.” Blah blah blah, kaya pala seryoso ka din na ipalapa ako kay Madona na Uranggutan na Inggitera. “Spill the question.”
Pinag-isipan ko pa muli kung itatanong ko ba talaga sa kaniya ‘yung naiisip ko. Baka mamaya imbis na sagutin niya ako e baka bigla nalang nyia ako ipa-salvage dito. Haler, ang layo na namin sa kabihasnan, wala ng tao na nakapaligid sa amin, wala ng nakakita…sobrang dali lang para sa kaniya na tegiin ako dito.
“Gusto ko lang kasing malaman, ano ba ang mga Marchese?” alangan kong tanong.
“Tao? Syempre hindi sila hayop, ang mga nasa Zoo sila yung hayop Ashari.” sagot naman kaagad ni Boy Hayop.
“Hindi ako nakikipag-utuan Dyther.” inis na sabi ko sa kaniya. “Ano nga kasi ha? Sindikato ba sila? Terorista? NPA? Bakit may mga baril sila na free nilang dalhin kahit saan? Ikaw? Ano ka ba? Marchese ka din ba? May baril ka din? Bakit hindi niyo pa ako pauwiin, 500 million lang naman ang gusto ko diba? Mananahimik naman ako pagkatapos at magpapakalayo layo, kakalimutan ko lahat ng nakita ko dito. Bakit si Gali sobrang importante niya, ano ba siya ha? Si Easton bakit parang legal na legal sa kaniya ang pumatay? Wala man lang pagdadalawang isip papatayin niya talaga ako kahapon. Ano ba kayo ha? Sino ba kayo?”
Oo na, sunod sunod na tanong ko. E sa naipon e, ngayon lang ako nagtanong kaya sinulit ko na!
Huminto sa paglalakad si Dyther lumagpas ako ng mga apat na hakbang kaya bumalik pa ako sa pwesto niya. “Ano? Sagutin mo na…” pagpilit ko sa kaniya kasi nakatingin lang siya sa akin ng diretsyo at parang wala siyang balak na magsalita.
“Alam mo Ashari…”
“Ano? Ano naaaa?” atat kong sabi sa kaniya.
“Ang dami mong tanong…” nagkamot siya sa batok niya at parang nahihirapan talaga siyang isipin kung alin sa mga tanong ko ang una niyang sasagutin. “Pero sige, ito lang ang masasabi ko sa lahat ng tanong mo…”
“Bilis! Bilisan mo naa! Katagal naman sumagot, natatae ka ba ha?” pabibo naman kasi ‘to, kadami pang segwey. Ganyan ako pag natatae na e, di agad makasagot sa mga tanong ng titser.
“Hindi ako natatae!” giit niya.
“Edi hindi. Ano nga?!”
“Marchese…” kumurap ang mata ko sa pag intay sa isasagot ni Dyther. “You know what Ashari, kung mahal mo pa ang buhay mo, you better not ask those questions. Do not even dare to find aswers. Mas maraming alam, mas delikado…” casual na casual niyang sabi na para bang hindi threat ang pagtatanong ko kabaligtaran sa mga isinagot niya sa akin. Naglakad na ulit siya..naiwan akong nakatulala.
Boy Hayop talaga! Sa dinami dami ng tanong ko, wala siyang sinagot kahit isa!
“HOYYYYYYY! WALA AKONG PAKE KAHIT DELIKADO! KAYLANGAN KO NG SAGOT!!!!! HINDI AKO MAKAKATULOG MAMAYANG GABI HANGGAT HINDI KO NALALAMAN LAHAT! DYTHEEEERRRRRR SAGUTIN MO AKO!” sigaw ko sa kaniya dahil ang layo na niya sa akin.
“THEN DON’T SLEEP! LEARN TO READ BETWEEN THE LINES ASHARI! KNOW THE WORD, CURIOUSITY KILLS THE CAT!” sigaw niya pabalik sa akin habang dire diretsyo sa paglalakad niya.
Bwisit naman! Hindi talaga ako makakatulog nito kakaisip! Dapat bago ako makalayas sa lugar na’to, malaman ko man lang kung ano talaga sila!
“HOY BOY HAYOP INTAYIN MO KOOO!” nagpapapadyak na tumakbo ako pasunod kay Dyther.
“Come in…” pagyaya ni Boy Hayop sa akin sa loob ng isang bahay…
Ibang iba ang style ng bahay na’to, para akong bumalik sa year kopong kopong dahil sa parang bahay ng Medieval Period ang itsura nito. Ibang iba sa itsura ng mansyon doon sa harapan. Nasa bandang likudan na kasi ‘to at nakahiwalay sa ibang building. Para na itong nasa gitna ng gubat dahil sa dami ng puno sa paligid. Hindi nga kaagad makikita ang bahay na’to dahil nakatago e. Idagdag mo pa yung ilang vines na naka-akyat sa bricks na wall ng bahay. O diba, para akong bumalik talaga sa panahon kung kaylan naimbento ang cellphone ni Aling Marites–ang Jurassic Age.
Lilinga linga naman ako sa paligid na pumasok sa loob ng bahay. Bumungad kaagad sa akin ang isang malawak na salas na lumang style din ang mga gamit. Sobrang linis at sobrang...
I think this website contains some really great info for everyone : D.