Meant to be? Chapter 6


Kahapon lang nong malaman ni Nice ang tungkol sa kanyang pagbubuntis , halos matuliro sya. Pero ngayon paggising nya tila bay nakangiti ang kanyang puso at mga labi. Itoy bago sa kanya. Itoy ngayon lang nya nadama. “Bakit? Ano ito?” habang nakapatong ang mga palad sa dibdib. Mas lalo yata syang matutuliro.
At bakit di sinasadya’y sumisilay sa diwa nya ang anyo ng binata. “Hindi! Mali! May nobya na sya! At hindi na ako dapat maghangad pa ng sobra mula sa kanya, sapat nang masustentuhan nya ang nasa aking sinapupunan. Iyon lang din siguro ang pakay nya bakit sya mabait at maalalahanin sa akin? .”
“Huwag ka nang umasa Nice, masasaktan ka lang. Wag mong bigyan kahulugan ang kanyang kabutihan. Hindi ikaw ang gugustuhin nya at ng kanyang pamilya. For short wag kang assuming! ”
Napagitla pa sya ng biglang nagring ang kanyng aparato. Naipilig nya ang ulo at kiniskis ang dibdib.” ano ba! Tigilan nyo kong dalawa! Huwag nyo akong ipahamak at hayaang mahulog sa taong siguradong di ako sasaluhin! ” kastigo nya sa kanyang utak at dibdib.
” Hello.. ” walang emosyon nyang tugon
” Hi! Good morning!” masayang sagot ni Ace na parang kinikiliti.
” Ahm, wala akong gustong kainin ngayon, wag ka nang mag abala. Wala akong ganang kumain.” mukhang iyon naman talaga ang nararamdaman nya, tulad kahapon paggising nya naduduwal sya at konti lang ang naging agahan dahil hindi tinatanggap ng sikmura nya ang kanyang nginunguya.
At ganun na naman ngayon.. Di pala madaling magbuntis, napareklamo sya.
“Ah.. Pero pilitin mo pa ring kumain kahit biscuit o prutas lang. Baka naman may gusto kang kainin, sabihin mo lang.”
“Manggang hilaw, meron pa naman dito. Pasensya na ha.. Gusto ko sana ng cAldereta.” sumilay agad ang laway sa labi nya.
” Walang problema, Nice diba sabi ko wag kang maglihim sa gusto mo , Nice naman one word is enough cooperate ka naman.”
“Oo na!”
Para sa magiging anak mo! Gagawin mo talaga lahat!” anang isip nya na naiinis. Bakit nya pagseselosan ang buhay na walang kamuwang muwang. Kainis, sinabi nang wag mag assume! Sanayin mong isipin na para lang sa anak nyo! Pero walang kayo! Wag kang magpapaniwala sa matamis at mabulaklak nyang bibig! Huwag kang tanga Nice, minsan ka nang pinahamak ng yong katangahan! “.
” galit ka ba? Sorry..”
” Sige na kailangan ko nang maghanda para sa pagpasok. Buti di ko na kailangang tumulong pag may pasok. Sige na. Bye.”
“Nice teka lang, teka la-” naputol na ang tawag.
.. Before lunch, may natanggap syang text mula sa binata.
– I’m waiting here outside. Please come. Find my car.
” Yabang! ” di nya ito nireply. Minutes after nag ring ang cp nya. Di nya sinagot hanggang sa ini off nya.
Nong out na ng lunch. Sige try nyang hanapin sa labas kung nandon pa ba. Baka umalis na rin. Di naman sila nagsasabay ni Rica dahil may mga sosyal at social climber na circle of friends ito.
Pero nagulat na lang sya ng pag karating sa labas ng gate. Paglingon nya sa kanan nasa gilid ito nakatayo. Nagtama ang paningin nila dahil panaka naka itong tumitingin sa lumalabas na estudyante. Bigla itong nagtiger look sa kanya, nakaarko ang mga kilay.
Suminyas ito na sumunod sa kanya habang paturo sa sasakyan nito ang mga mata.
Sumunod sya na kinakabahan,” dami kasing ka echusan, ano ka ngayon, daga? “pag sermon nya sa sarili.
Pansin nyang ang daming nakatingin sa binata.” Hmm? Wag kayo, natikman ko na yan” but shame on me! ” anang utak nya.
Nang wala na masyadong nakatingin, sinalubong sya ni Ace, hinawakan sya sa braso at mabilis na naglakad papuntang sasakyan nito. Agad syang pinagbuksan, at napaupo na lang sya sa front seat. Mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan.
Hininto nito sa gilid ng daan ang sasakyan.
“Bakit mo pinatay ang tawag? at pinatay ang cellphone mo?” medyo irita ang boses nito.
Paktay! ” galit ka na nyan? di ba pwedeng napatay dahil battery empty na? .”
“K. Let me see your phone.”
Kainis..
“Now you’re lying. Ano to ha?”
” Halluh! Bwesit palang ugali ng lalaking to. Hmph!!” hot seat tuloy sya.
” Hoy babae kasalanan mo, mag isip ka. Feeling mo kasi kilala mo na syang talaga. Buti naman lumabas din true colors! ”
“Ayoko lang ng disturbo dahil may long quiz kami kanina nong tumawag ka ok?
Ok. Sorry..” agad din itong nagpatuloy sa pagmamaneho.
” Psh..” Buti lumusot. sabay tingin nya sa labas ng bintana.
Biglang nagring ang cp ni Ace.
“Hello babe?
Ah, pasensya na. May importante lang akong pinuntahan. Bawi ako bukas. ok? Sige..
Nakita ng peripheral vision nya ang pag sulyap nito sa kanya tsaka mahinang sinabi ang.
” love you too, bye. ”
Napabuntong hininga sya.
Pagdating nila sa isang resto, “wait!” agad itong bumaba at pinagbuksan sya. Inalalayan papasok sa loob.
Wow! Bulalas nya sa sarili
Agad itong nag order ng caldereta, kanin, dessert at drinks.
Takam na takam syang nilantakan iyon ng maiserve na sa kanila. Nakailang subo sya at ayaw na naman nya. Kaya nagpabusog na sya sa dessert at cola.
Napa dighay pa sya.. ” opps sorry”
“Hehe.. Cute”.
“Anong cute don.
” Buti naman nabusog ka na.May gusto ka pa bang kainin, habang nandito pa tayo para itake out na lang.”
Wala..
“Soongit!”
πŸ™„
Hehehehe..
So ikaw ok ka...


na? Di ka na galit?
Di naman ako nagalit, napuno lang ang pasensya ko kanina, wala pa kasi akong na encounter na babaeng pinatayan ako ng tawag. At ini off pa talaga ang phone. ”
” Ganon? So ako palang pala..” ayiee.. Pigil nyang mangiti.
Bwesit, tumitig pa talaga ang buwang.. Maootot ako nito pag pinigilan ko.
” Wag ka ngang tumitig dyan.”
” Hehe..bakit bawal? ”
Oo,.
Kainis! Pafall! Sigaw ng utak nya
” Baka gusto mo nang seafoods meron din sila, like grilled tuna.”
Ah, oo.. Pero wag ka na masyadong gumastos, wag mo akong sanayin.
“Ahm.. How about fried garlic shrimp and tahong?”
Tahong? Meron dito? !
Oo.. Nagseserve sila dito” natatawa na ang kalooban ni Ace sa nakikitang reaksyon na pagkatakam ng kaharap. Baka maglaway na nga ito.
“Ahm.. E yong seaweeds na bilog2. Yong “latu”?
“O-owh.. Nakakain nko non, medyo matagal na nga e.”
“So favorite mo yon? ”
” Ah.. Wag mo nang isali yon.”
“Gusto mo o gusto nya. Parehas kong bibilhin.
Baka kasi magwala ka kapag di mo nakain yong gusto mo.
“Hmp! ”
“Hehe..”
“Mahilig ka pa lang mang asar no? Sa buntis pa taLaga.”
Yon, nakapiso tuloy sya sa magiging ina ng magiging anak nya. Buntis nga pala, kaya mabilis ma hb.
“Sorry again.. Just can’t help but laugh whenever I’m with you .”
“Etchus!”. Sabay baling nya sa paligid.
Napatampal naman ng noo si Ace.. Pero nakatingin pa rin sa kanya.
Di nya mapigilang di humanga sa blooming na buntis. And knowing na sya ang nakabuntis.
What? Sabing bawal tumitig..
” Bakit yong, mga ibang babae.. Mahilig silang tumitig sakin, tapos pag ginantihan ko.. Tuwang tuwa. E ikaw.. Iba e.”
“E di don ka sa kanila..!
“Wag ka nang mag take out, mangangamoy sa room, no ba”
“Wag ka masyadong masungit, mas lalo ka lang nag bo bloom sa paningin ko. Konti na lang magiging apple of my eyes na kita. Mamaya nyan, maideretso na kita sa condo.”
Tseh! Pang asar! Alam ko namang tong nasa womb ko lang ang after mo e. Kaya plz behave ka na lang. Baka ma mis interpret ko pa yang mga moves mo e. Consider my outcome feelings naman, kung patuloy kang pafall dyan, di naman ako bato.
Sasagot na sana si Ace nang may biglang nag salita sa gilid nya.
“Hey Ace!”
“Trish!”
” Eating lunch with a new girl? Buti na rin at gumraduate nako sayo.. Alam ba to ni Khate?
Mukhang mapapapila na rin samin si Khate to be your ex ah”
“If you tell her this, then maybe that will happen.”
“Huh! Kung makapagpalit, huh!”
Trish?”saway ng binata dito
“Hi! I’m Trish Mendez, his ex.. Mag to 2 yrs. din kami ng kumag na yan. And shit! I will admit I still can’t get over him. Shit! Ace, just shit!!!” baling nito sa binata
“Because we’ve once love each other before.. But it’s all over now Trish.”
But it still hurts seeing you around, especially when you’re happy going out with other girls.. Pano ba ako makakamove on sayo?
” Come sit.. let’s eat.”
“Kainis ka naman e.. Mas lalo akong di makakamove on sayo! Shit Geovann Ace, I still love you!”
” Ahh, sir Ace yuhoo! ” winagayway pa ni Nice ang kamay.” may pamasahe naman ako dito, una na ako ha. Malilate na kasi ako e. Ok? Sige babye.. “..
” I gotta go Trish! Some other time, bonding tayo. We can still be Friends. Ok? Take care.” tinapik pa nito ang balikat ng ex nya at sinundan na ang nagpatiuna nang si Nice.
“Hoy ano ba! Yong itetake out ko sayo, hintayin muna natin. ”
Naku, itong anak mo, paiba iba ng gusto e.
Gusto na naman daw nya ng daing, at ang dami non kay papa. With matching kamatis at kalamansi.. Ahm.. Tsarap.
Iba din tong anak mo, gusto nya ngayon, sosyal na foods, the next time pang pobre na namang pagkain gusto nya. Ok din no, haha.. Parang kilala na nya tayong dalawa. The prince and the beggar. Ancute! Hehe.. Balik ka na muna don, mauna na ako. Baka ichismis tayo non kay Khate mo. ”
” Hindi yan. Tara na.. ” binuksan na nito ang sasakyan. Titit”
“Dumadrama ka yata ngayon, selos ka ba?”
“Being like a surrogate mother?..hindi.. not at all. ”
Nice?
“Tara na”
“Hmm.. Bango ng kumag na to, yong Trish na yon, halatang inlove pa rin sa kanya. E ikaw Nice kumusta kA naman, na fall ka na rin ba? Hmm.. Kung pa fall ka, pafall din dapat ako noh. ..”
.
Nagulat pa sya at feeling nya susungayin sya nito, kinabitan lang pala sya ng seatbelt.. “Giitan ko sa leeg tong hinayupak na to! bakit ba ang gwapo!! Sobra pang pafall!!.”
Kinindatan pa sya nito ng maawat na sa katawan nya, nakakalasing ang hatid ng bango at kakisigan nito.
Nakaranas na rin kayang ma in love tong kumag na to. Magagawa ko kayang ma pafall ang isang Ace. Stupid.
“Alam mo, sa bahay nagtataka na yong katulong namin, bigla na lang kasi akong nangingiti e
Pati yong buddy ko na seatmate ko rin, naweweirduhan na, natutulala daw ako tapos yon, ang tamis na daw ng smile ko.. “Nagsimula na itong nagmaneho
Tapos biglang sumulyap sa kanya.
” It’s all because of you.”
” Ayay! Kinalabog na ang puso nya. “Bwesit kang pafall ka!!”. Sinabi kong di na ako mag aassume! Huhu.. Papa!
Lintik ka “Ace!” Gawin kitang “munskin” e! 😁






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top