The Choosen ONE Chapter Otso


Napakasarap pakinggan ang halakhakan sa payak na bahay na iyon.Masaya habang sama samang nagpapakain ng mga alagang kambing ang tatlong magkakapatid.Habang ang Ina’y walang humpay ang mga ngiti habang nagluluto samantalang Ang itay naman ay nagsisibak ng kahoy para panggatong.Walang humpay na tawanan at harutan mula sa mga magkakapatid.Napakagandang tagpo……………………………………………….
………………………….
…………………………………
“Maam! Ma’am!”. nagising si Nadeline Mula sa isang panaginip dahil sa isang napakalakas na tawag na iyon buhat sa isang katulong.
Pupungas pungas pa sya habang isinandal ang likod sa headboard ng kama.
“Ay Ma’am patawad po kung naistorbo ko ang tulog nyo.Inutusan lang po ako ni Lord Thriod na gisingin kayo dahil baka daw nabangungut na kayo sa tulog nyo.”hinging paumanhin nito.At mukhang may kadaldalan din walang preno kung magsalita eh.
At yong lalakeng iyon grabe naman sya kong makapagplascard ng salita.Bangungut agad.
Kailanman man ay hindi naging bangungot...


sa kanya ang panaginip na iyon bagkus isang napakagandang panaginip.Na kong pwdee lang ay hindi na sya magising para makasama lang ang mga Mahal sa buhay.
Unti unti na namang nilukob ng kalungkutan ang buong sistema nya.
“Okey lang kayo Ma’am?tanong nito napansin siguro nito ang pananahimik nya.
Tipid na ngiti lang ang sinagot nya dito.
“Anong oras na ba? tanong ng dalaga.
“Alas dyes na po ng maaga.”agarang sagot nito.
“Huh!!!Napabalikwas sya mula sa pagkakaupo at nagmamadaling tumungo sa harapan ng salamin upang suklayin ang buhok.
“Nakakahiya tuloy sa inyo”.
“Ay naku Ma’am wala hong problema kabilin bilinan po ni Lord Thriod kanina sa aming mga katulong na hindi ka gigisingin hangga’t hindi nya pinag uutos.”sagot nito habang sinusuri ang kabuuan nya.
At Hindi yon nakaligtas sa pakiramdam ng dalaga.
“May dumi ho ba ako sa mukha?nag aalangang tanong nya dito.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. ayiee gising gising di kasi nadeline

Leave a Reply


top