Nakatingin ako sa nakahiga sa hospital bed napatulala ako akala ko ay mahabang bakasyon kahit sana 3days kami ng anak ko magkasama.
Napatingin ako sa nagbukas ng pintuan at niluwa nun ang doctor.
” Hello, Mrs. Nolan unti-untiin lang sa ang pagpapaalala sa kanya para bumalik na ang alaala niya dahil nito’ng mga nakaraan ay stress si Mr. Nolan.” Kung ako ang dati niyang Asawa ay baka nag aalala na ako ng sobra pero hindi inis sa kanya ang nararamdaman ko na baka bumalik na naman ang nararamdaman ko sa ginagawa nya.
” Matagal na kaming hiwalay kaya i’m not his wife bakit ako ang tinawagan ng hospital asan ba ang magulang ng lalaking ito?” Nalungkot ang Doctor sa nalaman. isa siya sa saksi sa kasweetan namin noon pero iba na ngayon.
” Kayo lang po kase ang nakasave sa contact niya at sa ka tunayan po niyan ay ayaw niya ipaalam sa kanya Mommy ang ng yari sa kanya.” At walang sabing umalis ito sa harap ko.
Napatingin ako kay Cassius na nakahiga at matiwasay na nakatutulog.
Napabuntong hininga ako ayoko ng nararamdaman ko ngayon ayoko parang hindi ko na naman kakayanin na mapasa kamay ng Nolan.
” Dahil sayo… kaya ako nagbago, dahil sayo nasasaktan ako dahil sayo araw araw ang pag iyak ko halos ikinainis ko ang sarili ko na di ko kinaya ang lahat.” Hindi naman niya ako naririnig alam ko tulog siya habang umiiyak ako sa tabi nya.
” Nagkakamali ka…na ikaw ang saktan, mali ka kasi ako yun …. A-ako yung pag aalis ka ay natatakot iwanan mo baka maapi ako alam mo ba na kinakawawa ako nun ng M-mommy mo? Mahal kita Cassius mahal na mahal kita noon… Pero simula ng lokohin mo ako ay hindi ko na alam nagagalit ako sayo kinamumuhian kita Cassius.” Di ko na kinaya at umalis na muna ako sa kwarto.
CASSIUS POV*
Biglang lumuha ang mga mata ko sa mga sinabi niya sa akin.
Kanina pa ako gising at narinig ko din ang sinabi niya sa Doctor namin na nasaktan ako.
Ano ang ginawa ni Mommy sa Asawa ko ng wala ako sa bahay nun kailangan ko alamin ang lahat.
SAMANTHA POV*
” Gusto mo bang kumain ? ” tanong ko kay Cassius.
Pero di niya ako pinansin kaya inirapan ko nalang.
” Diwag mamatay ka sa gutom kupal ka.” Tumingin ito sa akin at pinagmasdan ako sa mukha.
Nakakatakot ano ng yayari lumala ba Amnesia niya?
” S-sweetheart.. I want apple please.” Huminga lang ako ng malalim at tumango at pinag balat siya.
Nahinto ang pagbabalat ko ng hawakan niya ang kamay ko at ilagay sa mukha niya at napakunot ang noo ko ano naman kalokohan nya.
” M-mahal na mahal kita Mrs. Nolan kahit matagal na t-tayong hiwalay sabi nyo nga matagal na.” Halos madurog ang puso ko
sa nakikita kung lungkot sa mukha niya.
Nakita ko lumuha na naman siya at nakayuko sa akin.
” Tahan kana ganun lang siguro ang buhay, siguro may mga nagtatagpo lang pero hindi tinatadhana.” Naluha na din ako at di ko maiwasan ang mapahikbi.
” No! Alam ko tayo talaga Sweetheart alam ko sa puso ko tayo pa din hanggang huli.” Heto na naman at pinapaasa niya ako tapos masasaktan ako.
” Sinaktan ba kita physically? ” Napatingin ako dito at umiling pero tinuro ko naman ang puso ko.
” Ito…ito ang lagi mong sinasaktan at dinurog mo ng paulit ulit…. pero kahit ganun pinalaya kita kahit masakit.” Kinuha ko ang kamay ko at humakbang papuntang pintuan.
” I’m sorry … I’m really sorry ” Yun ang huli kung rinig sa kanya.
At ang malakas na iyak at pagwawala niya ang narinig ko sa loob ng kwarto na yun.
” Heto.. na naman ang sakit ng nadulot ng nakaraan.” Napapaiyak ako pero nagulat...