Paraiso


(Maikling Kuwento)
Dumating na. Dumating na ang araw ng hatol. Ang hangin ay tila nagmadaling araro na lumipol sa mga tahanan. Nagkaroon ng malawakang sunog sa mga kabundukan. Nanginig ang lupa at ang mga puno ay nabuwal papailalalim. At ang alon ay tila galit na galit na bumugso sa buong sanlibutan. Ang kasamaan ay bumalot sa sangkatauhan. Ang mga tao’y nagliwaliw, nagdroga, at nabaliw sa pera. Marami ang namatay. Hayop, tao at ang lahat ng organismo na nabubuhay. Maliban sa dalawa… Ang dalawang nanatiling may mabuting puso lamang ang naiwan sa mundong nilipol na ang kasamaan.
Pumasok sila sa isang lagusan na itinakda lang para sa kanila. Pagod na sila. Pagod na silang lumaban para mabuhay para sa isa’t isa, ngunit kinaya nila. Kinaya nila dahil sa pag-ibig na nasa puso nilang dalawa.
Nagulat sila nang makapasok sila sa isang dimensyon na puro puti ang bawat paligid na tila walang pinto para lumabas sa isang silid. Napatingin sila sa isang maliit na baul sa gitna. Binuksan nila ito at natuwa nang makitang maraming bagay ang nasa loob. Napansin ng lalaki na may sulat na nakadikit sa ibabaw ng baul. Ito ang nakasulat, “Bilang gantimpala, pumili kayo ng limang bagay na dadalhin niyo sa paglalakbay. Pagkatapos ay itulak ang baul pababa at ang naghihintay sa inyo ay matatamasa.”
Nagsimula silang maghalungkat. Ang napili nila ay kamera na may paglimbagan, bolpen, dayari at pagkain. Nakita ng babae ang tsokolate at agad na kinuha ito.
Tinulak nila...


ang baul pailalim habang buhat ang limang bagay at napasigaw nang nahulog sa tila ba bangin na malalim.
Napahiyaw ang babae sa tuwa nang mahulog sila sa tila isang paraiso. Pangarap talaga nilang dalawa na pumunta sa lugar na ito. May mayayabong na mga damo, may mga matataas na puno at mukhang napakatamis na mga bunga. May talon din na malapit dito. Inipit ng lalaki ang isang napakagandang bulaklak sa may gilid ng tenga ng babae.
Nilapag na nila ang pagkain at nagsimulang kumain. Gustong-gusto ng babae ng tsokolate dahil paborito niya ito. Ginamit naman nila ang kamera na may paglimbagan upang kunan ang masaya nilang alaala. Dinikit nila ito sa dayari, at ginamit ang bolpen sa pagsulat ng kanilang mga alaala.
Nahiga sila sa damuhan nang magsalita ang lalaki habang unti-unting naglalaglagan ang mumunting bulaklak ng punong narra.
“Para tayong puno ng narra. Na kahit anong pagsubok ang dumating, ang narra ay nagsisilbing matibay at matatag sa kabila ng bagyong nais sumubok sa tindig nito. Na hindi ito mabubuwal na kahit pa tumagal ito. Katulad natin, na nananatiling matatag dahil sa pag-ibig na bumubuo nito.”
Yumakap ang babae at napangiti silang dalawa. Saksi ang dayari sa mga masaya nilang alaala at tatanawin nilang isang malaking utang na loob ang makapunta sa paraisong katulad nito. Na kung saan ang pagmamahal ang nagbubuklod sa mga tao at ang kasamaan ay tuluyan ng malilipol sa mundo..
Wakas..
Sana magustuhan nyo
Pa aaprove po admin
Thanks😃






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top