Amazona Wife Chapter 5


🤦My Amazona Wife🤦

🤦Chapter 5🤦

Pagkagising ni tonyang,sa umaga ay agad siyang nilapitan ni ate pasing.

“Tonyang,ibinigay ito nang matanda sa atin oh.” wika ni Ate pasing at iniabot ang kape at tinapay sa kanya.

“Sinong matanda ate?”

“Ayun oh.” wika nito at itinuro ang matanda,sabi pa niya kung gusto ba daw natin sumama sa kanya,may lupain daw siya sa batanggas,pagsumama daw tayo bibigyan niya daw tayo nang matitirahan at lupain na pwede nating taniman at gawing pangkabuhayan.

“Talaga!? Ganun siya kabait,o baka niloloko lang tayo nang matandang yan ate baka miyembro nang kulto yan,tapos gusto nila umanib tayo.

“Naku,parang hindi naman tonyang,tingnan mo yung babaeng katabi niya mukhang disente naman.

“Eh,ikaw po ba ate pasing,sasama kaba sa kanila?”

“Ah,ei hindi tonyang.”

“Bakit naman?” baka doon mapag aral mo pa si matmat at neknek.”

“Eh,kasi tonyang” nagbaba sakali parin ako na baka bumalik ang asawa ko at baka hindi kami madatnan dito.” nahihiyang wika ni ate pasing,bigla ko tuloy naisip si nanay, ganito din si nanay, hinintay ang tatay kung bumalik kahit gaano pa katagal.

“Ate pasing,kung babalikan ka nang asawa mo,sana noon pa. Kailangan mo din isipin ang mga anak mo ate pasing,kailangan nila magkaroon nang maayos na tirahan at makapag aral.

“Tonyang,alam ko naman yun,pero sanay na ako dito sa kalye tumira,hayaan mo pag aaralin ko naman sila matmat at neknek sa susunod na pasukan.

“Ikaw sasama ka ba?”tanung sakin ni ate pasing.

“Kakausapin ko muna sila ate pasing.” wika niya kay ate pasing at lumapit ito kung nasaan ang matanda,naabutan niyang nagsasalita ang kasama nitong babae.

Paglapit ni tonyang ay siya namang pag tingin sa kanya nang lalaking kasama nang maganda,kaya inirapan niya agad ito yumuko naman ang lalaki na halatang nahihiya ito.

“Hoy ikaw may banyo doon sa loob oh, magbawas ka nang sama nang loob mo hindi yung nandadamay ka nang ibang tao.” inis niyang wika nang makalapit na siya sa mga ito.

Kinausap sila nang babaeng kasama nang matanda kung sasama sila sa bundok ay pwede sila sumunod.

“Ako si ramona,at siya naman si pinunong zaida.” pakilala nang kasama nang matanda na parang bulag ito.
“Hindi naman namin kayo pipilitin kung ayaw niyo.”

Pagkatapos iyun sabihin ni Ramona ay niyaya narin ito nang matanda na umalis ,naiwan silang nag iisip kung tama bang sasama sila.

“Ikaw miss,sasama ka ba? Tanung nang magandang babae sa kanya.

“Iwan,kayo sasama ba kayo?” kailangan ko kasi kumita nang pera,baka kasi pag sumama ako hindi ako makakaipon o makapaghanap nang pera.

“Ano nga pala pangalan mo,ako nga pala si Alma,siya naman si Diego kapatid ko.” pakilala nang mgandang babae sa kanya at nang lalaking kasama nito,kapatid niya pala akala niya nagtanan ang mga ito,tiningnan niya ang lalaki na ang ganda nang ngiti nito sa kanya, siguro dahil nakabawas na nang sama nang loob,pero inirapan niya lang ito, naging seryoso naman agad ang mukha nito.

“Ako naman si tonyang.”

“Baka kahit nasa bundok na tayo,puwede naman siguro bumaba para makapaghanap nang pera kung kailangan.” wika ni alma na nagpa isip sa kanya,tama naman siya. Hindi naman pwede na matulog siya sa kalye nang matagal,lalo na wala pa siyang balak umuwi sa kanila kahit may naipon na siyang pamasahe.

“Tonyang,mauna na kami ha, susunod kami sa kanila,sumunod kana lang din kung gusto mo.” wika ni alma,at umalis na kasama ang kapatid nito.

Naiwan siya na nag iisip nang ilang beses na tama bang sumama,dahil nakakasawa at nakakapagod din ang magtiwala tapos lolokohin ka lang pala.

“Pero sige isa pa, bahala na.Sasama na lang ako kaysa matulog ako nang matagal dito sa kalye.” bulong niya at mabilis na tumakbo para sundan si alma at Diego,naabutan niya ang mga ito kaya sumabay siya sa paglalakad para sundan ang matanda at ang kasama nitong babae,huminto sila sa harapan nang sasakyan nito.

“Sakay na kayo.” saad ni ramona,sa sasakyang nakabukas,sumakay sila sa likuran,inalalayan naman ni ramona pumasok ang matanda ,bago ito umupo sa driver seat,at nagsimulang imaneho ang sasakyan.

Ilang oras din ang byahe nila,papuntang batanggas,nang makarating na sila sa harap nang bundok ay nagsalita si ramona.

“Aakyat tayo nang bundok dahil nandoon ang tirahan natin.” nakangiting wika nito at inalalayan ang matanda na sa tingin niya kahit hindi ito alalayan ni ramona,ay makaka akyat parin ito nang bundok dahil mukhang sanay at kabisado na nito ang daan kahit bulag pa ang matanda siguro may third eye ito.” bulong niya.

Ilang oras na din ang inakyat nila sa bundok,pero hindi parin nila narating ang tirahan na sinasabi nang mga ito.

“Pahinga muna tayo,parang mawawalan na ako nang hininga,kanina pa tayo umakyat hindi parin tayo nakarating.” hingal na wika ni tonyang.

“Halina kayo,nandito na tayo.” sigaw ni ramona na nasa taas na.

“Oo andiyan kana,kasi nasa taas kana kami nandito pa sa baba.”inis niyang wika.

“Halika na tonyang, kunti na lang ang hahakbangin natin,makakarating narin tayo sa sinasabi nilang bahay.” wika ni alma.

Pagka akyat nila,ay namangha sila sa lugar napakaganda malinis at sariwa ang hangin,pagkatapos nilang ipakilala sa lahat nang nakatira doon,ay inihatid na din sila sa magiging kubo nila,maliit lang ito pero napakaganda nang disenyo.

“Dito naman ang bahay mo tonyang,diba maganda?” tanung ni Alleya ang apo ni Pinunong zaida,na isip bata,inutusan ito nang lola niya na ihatid sila sa magiging kubo nila.

Tinuruan sila araw araw pano gumamit nang baril at patalim,nag eensayo sila pano sumuntok at sumipa.

Hanggang sa nagustuhan na niya tumira sa bundok,at naging masaya na siya kasama ang mga bagong kaibigan at kakilala niya.

Nasa opisina naman si mang Tony,na bumalik ang kanyang secretary na si Peter.

“Oh,anong balita peter? Kamusta ang dati kong asawa at anak?” bungad niyang tanung dito nang makita ito.

“Konsehal,napag alaman ko na pumunta daw po nang japan ang anak niyo,at naiwan naman sa kanilang bahay si Aling caring,kasama ang kapatid niyang si nelia,at isa pa po,balita po sa baryo na simula daw iwan si Aling caring,nang asawa niya lagi na daw po ito nag lalasing at ang lupa daw po nila ay binenta para sa pagpunta ni tonyang nang japan.”wika ni peter.

“Yun lang ba ang nalaman mo peter?”

“Opo konsehal,yun lang po.

“Ok,sige puwede ka nang umalis,maraming salamat sa pagpunta mo sa subic,para alamin ang nangyari sa asawa at anak ko,at ilihim mo lang ito peter,walang puwedeng makaalam.

“Ok masusunod konsehal.” wika ni peter at lumabas narin sa opisina ni mang tony.

“Nasa japan si tonyang,pero sigurado akong si tonyang ung nakita ko,anak anong nangyayari sayo,patawarin mo ang tatay,caring patawarin mo rin ako,kasalanan ko kung bakit lagi kana ngayon naglalasing,hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapatawad niyo ko.” bulong ni mang tony.

Lumipas ang isang taon,ay sanay na sanay na sila tonyang, humawak nang baril at patalim,pati sumipa at sumuntok.
Kinausap sila nang matandang pinuno at nang kanang kamay nito na si Ramona.

“Puwede na kayo sumabak sa unang misyon niyo.”...


wika ni ramona na ipinagtaka naman ni tonyang.

“Sandali bakit may misyon?” anong grupo ba tayo,bakit may pa misyon misyon pa kayong nalalaman.” tanung niya.

“Isang grupo tayo na malinis ang hangarin,ililigpit natin ang mga taong may illegal na gawain,at mga politikong kurakot.” seryosong wika ni Ramona.

“Ililigpit? Ibig sabihin papatay kami?” kaya ba tinuruan niyo kami gumamit nang baril at patalim,para utusan niyo kaming pumatay?” tanung ni tonyang.

“Wag kayong mag aalala tonyang,isang masamang tao ang papatayin niyo,isang kriminal na nagbebenta nang illegal na droga at isang kurakot na politiko. Ang mga katulad nilang tao ay hindi dapat panghinayangan o kaawaan,isipin niyo ginagawa niyo ito para sa mga kabataan ngayon.” mahabang litanya ni ramona.

“Ako gagawin ko.” wika ni alma.

“Ako din kung nasaan si alma,dapat nandoon din ako.” saad naman ni Diego.

“Sige,gagawin ko na rin para mabawasan ang mga masasamang tao sa mundo.” wika ni tonyang.

Dalawang araw ang lumipas,ito na nga araw nang unang misyon nila,umaga pa lang ay naghahanda na sila para sa pagbaba nang bundok.

Nang makarating na sila sa Maynila. Agad silang kinausap ni Ramona.

“Ang unang Misyon niyo,ay patayin si Mr.Chu,isang kurakot na Congressman at nagbebenta na illegal na droga,kailangan niyo siyang mapatay ngayong araw. Kailangan hindi papalpak ang misyon niyo.” wika ni ramona at ibinigay ang picture ni Mr Chu.

Yes!! Sabay nilang wika na tatlo.

Bago sila pumunta sa lugar kung nasaan si Mr.Chu,ay nagbihis muna sila,dahil nasa bar ito, nagsuot sila nang seksing damit na halos lumuwa na ang kanilang dibdib,at naglagay nang make up sa mukha.

“Tonyang,kailangan pa ba nating magsuot nang ganito?” tanung ni alma.

“Oo kailangan,para mapadali natin magawa ang misyon natin,akitin natin si Mr.Chu,sa beauty natin,kaya wag kang mahiya ilabas ang iyung malulusog na papaya.”

“Ok let’s go girls! Saad ni Diego,siya ang driver at look out nila tonyang at alma.

Minamaneho na nga ni Diego,ang sasakyan. Kalahating oras lang ay nasa harapan na sila nang Bar at halatang mayayaman ang mga pumapasok dito.

“Let’s go?” tanung ni alma.

“Sandali lang,time out! Hindi ako napahamak noon sa mga sumo wrestler,baka ngayon ako ma dead.” bulong niya at nag sign of the crus,muna ito bago bumaba.

“Ok let’s go.” wika niya at nauna nang bumaba nang sasakyan.

“Tonyang,sa tingin mo ba kaya natin tong misyon?” tanung ni alma habang naglalakad sila.

“Kaya natin to Alma,tiwala lang.” ngiti niyang wika dito.

Nakapasok na sila sa loob nang bar at agad nilang natanaw si Mr.Chu.”

“Alma,sundan mo si Mr.Chu at tapusin mo,ako ang bahala sa mga bantay niya.” wika niya kay alma,at tumango naman ito.

Nagsimula na siyang maglakad sa loob nang bar,at binilang ang lahat nang mga armadong bantay ni Mr.Chu,nang mapadako ang tingin niya sa isang babaeng sumasayaw sa gitna,ang batang babaeng kasama nang tatay niyang namigay nang mga makakain sa mga tao,at sigurado siya na anak ito nang tatay niya sa pangalawang asawa nito. Napatitig din sa kanya ang babae,pero agad niya ibinaling ang tingin sa mga tauhan ni Mr.Chu.”

Napalingon naman si Tonyang,ulit sa anak nang tatay niya nang marinig niyang sumigaw ito.

“P*rvert!! Sigaw nito kasunod nun ang pagsampal nito sa isang lalaki,kita niyang sasampalin ito nang lalaki,kaya agad siya lumapit dito at hinarang ang kamay nang lalaki at ipinilipit ito.

“Bitawan mo kamay ko! Who are you?! Bulyaw nang lalaki kay tonyang.

“Bakla kaba?” para manakit ka nang babae?” singhal niya dito,at pabagsak niyang binitawan ang kamay nang lalaki. Tiningnan siya nang anak nang tatay niya at nginitian,pero seryoso niya lang itong tiningnan.

“Pakialamera,ka rin anoh?!! Asik nang lalaki at akma siya nitong sasampalin kaya agad niya itong tinuhod. Ouchh sigaw nang lalaki na namimilipit sa sakit.

Bang..bang..bang..rinig na niyang putukan kung nasaan si Alma,kaya mabilis niya din kinuha ang baril na nakasukbit sa hita niya.

“Dapa kung ayaw niyong matamaan nang ligaw na bala.” sigaw niya tiningnan niya ang lalaki agad itong nakita na may hawak siyang baril kaya yumuko ito,tiningnan niya ang kapatid niya nanatili lang itong nakatayo na nakatingin sa kanya.

Bang..bang.bang..tunog nang baril niya nang may papasok na armado papunta kay alma.

“Dapa,magpapakamatay kaba ha?!! Sigaw niya sa anak nang tatay niya at mabilis niya itong hinawakan sa kamay para magtago,nakangiti parin sa kanya ang anak nang tatay niya.

“Ang astig mo ate! Wika nito na nagpatulala sa kanya na tinawag siya nitong ate,kahit alam niyang hindi nito sinadya na tawagin siyang ate. Kaya mabilis siyang tumayo at iniwan ang kapatid niya,nakita niya si alma na papalabas na ito nang bar.

“Idol kita ate!! Sigaw pa nang kapatid niya bago tuluyan niya itong iwan para lumabas na nang bar.

Bang..bang..bang..palitan nila nang putok na mga kalaban.

“Tonyang,Alma!! Halina kayo bilis!! Sigaw ni Diego kaya mabilis agad sila sumakay at pinaandar ang sasakyan.

Nagulat naman si tonyang na may kasamang babae si Alma.

“Sino siya alma?” bakit kasama mo?”

“Ah niligtas ko siya kay Mr.Chu,miss puwede kana bumaba,malayo na ito sa bar.” wika ni alma at pinababa ang babaeng kasama.

“Miss,puwede bang sumama na lang ako sa inyo,wala din kasi akong mapupuntahan.” naluluha nitong wika.

“Hindi puwede miss,nasa bundok kami nakatira.” saad ni tonyang.

“Oo,baka hindi mo magustuhan doon,nasaan pala pamilya mo?” tanung ni alma.

“Wala nakung pamilya,ako na lang mag isa,kaya puwede ba payagan niyo kung sumama sa inyo.” pakiusap nito.

“Sige,sige,pero wag mo kami sisihin pag di mo nagustuhan doon ah.” wika ni tonyang.

“Ano nga pala pangalan mo? ako si alma,at ang driver kapatid ko si Diego.

“Ako naman si tonyang.”

“Ah ako si Kara.” ngiting saad nito.

Pagkarating nila sa bundok ay agad nilang kinausap si Ramona at pinunong zaida.

“Congratulation,nagawa niyo na walang palpak ang unang misyon niyo.” ngiting wika ni ramona.

“Ramona,may bago kaming ipakilala sa inyo,si kara nailigtas ko siya kay mr.Chu,gusto niya dito tumira dahil wala narin daw siyang ibang pamilya at mapupuntahan.” wika ni alma.

“Ok kayo bahala,basta sabihin niyo sa kanya at ituro kung ano ang bawal dito sa lugar natin.”saad ni ramona.

“Ok ramona,thank you.” nakangiting wika ni alma.

“Sige na magpahinga na kayo,alam kung pagod kayo at napuyat sa unang misyon niyo.” wika ni ramona.

“Kara doon ka na lang sa kubo ko matulog para may kasama na ako doon,pero ayaw ko nang madaldal kasama ha at ayaw ko nang maingay matulog.

“Ok tonyang,maraming salamat.” ngiting wika ni kara.

Habang nag haharvest nang saging na hinog si Tonyang,nang makita ang nanay niya na nakatingin sa kanya.

“Nay?!! Tawag niya,ngumiti lang ito sa kanya at umalis. Nay,saan ka pupunta,bakit ka nandito?” sunod sunod na tanung niya sa nanay niya.

“Tonyang anak,aalis ako mag iingat ka lagi dito ha,maging matatag ka anak,wag kang sumuko sa laban nang buhay.” wika nang kanyang nanay ngumiti ito sa kanya pero may luhang pumatak.

“Nay!! Sigaw ni tonyang at bigla siyang napabangon sa pagkakahiga,panaginip lang pala,pero bakit napaginipan ko si nanay,may nangyari kaya sa kanya.”bulong niya at nag aalala sa kanyang nanay at namimiss niya narin ito.

To be continue..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top