Amazona Wife Chapter 4


🀦My Amazona Wife🀦

🀦Chapter 4🀦

Nakalabas si tonyang,sa bar nang hindi siya nakita nang mga taong humahabol sa kanya,naglalakad siya sa daan na wala sa sarili,habang umaagos ang luha.

Naisip niya,ang lupain nilang sinakripisyo niya,na napunta lang sa wala. Ang perang pinaghirapan nang nanay niyang ipunin sa matagal na panahon para sa kanya ay nasayang lang, hindi man lang niya natikman ang perang yun dahil naiwan lahat sa maleta niya. Si Aya ang matalik niyang kaibigan,na sabay silang nangarap ngayon ay hindi na niya alam kung anong nangyari dito.

Naglalakad siya na wala kahit anong dala o pera na pambili sana nang pagkain niya,o pambayad sa hotel para makatulog o makapagpahinga siya. Hanggang sa napadaan siya sa police station,naisip niyang isumbong ang nangyari,papasok na sana siya nang biglang may humintong sasakyan sa harap nang police station at bumaba doon ang kaninang nakita niyang matandang chinese,at ang dalawang tauhan nito kaya agad siyang nagtago.

Sinilip niya ang mga ito,pumasok ito sa loob nang police station,paglabas nito gulat siya na ang kaninang mga kasamahan niyang tumakas,ay hawak hawak na nito nang mga tauhan nang matandang chinese at sapilitang pinasakay sa sasakyan,tinakpan niya ang bibig niya at humagolgol nang iyak.

“Bakit pati sa police station,ay walang takas mabuti na lang ay hindi pa siya nakapasok doon,dahil kung hindi baka naibalik ulit siya sa lugar na yun,bakit napakarami nang masasamang tao ngayon.” bulong niya nang makitang umalis na ang sasakyan ay pinagpatuloy na niya ang lakad at dinaanan na lang ang police station.

“Kasalanan to lahat nang recruiter na yun,humanda ka sakin babalikan kita at babalatan kita nang buhay pag makita kita ulit.” inis na wika niya sa sarili.

Nakaramdam na siya nang pangangalay at sakit nang paa sa paglalakad,nang matanaw niya ang isang gusaling sarado na at maraming natutulog dito,lumapit siya at naupo sa tabi habang yakap ang dalawang tuhod.

Napadaan naman si mang tony,sa gusali habang sakay nang sasakyan,napatitig siya sa babaeng nakita niyang nakaupo na yakap ang tuhod nito,bigla niyang naisip ang kanyang anak na si tonyang.

“Bakit,kamukha yun ni tonyang?” pero hindi,hindi mangyayari yun kay tonyang,alam kung hindi pababayaan ni caring,ang anak namin.” bulong niya habang nakatanaw parin sa gusaling papalayo.

“Honey,whats wrong?” tanung ni amelia,ang pangalawang asawa niya.

“Nothing honey,im just tired.”sagot niya at ipinikit ang mga mata nito na laman nang isip niya ang anak niya at si caring, tonyang anak hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapatawad mo ko,miss na miss na kita anak.” bulong niya.

“Honey,nasa bahay na tayo.” saad ni amelia. Tumayo naman si mang tony,at binuksan ang sasakyan para bumaba na,pag baba niya hinintay niya muna si Amelia,para pumasok na sila sa mansyon,gabing gabi na sila dumating kaya tulog na lahat nang mga kasambahay nila,at madilim na ang sala dahil pinatay lahat nang ilaw.
Nagulat naman sila nang biglang may sumigaw at sabay-sabay na bumukas ang lahat nang ilaw.

“Surprise!! Daddy! Surprise mom!! Sigaw ni tanya ang anak nila.

“Oh,tanya” my baby i miss you.” ani ni amelia at hinalikan ang anak at niyakap.

“Nandito kana pala tanya” tapos na ba ang kinuha mong courses sa america?” tanung ni mang tony sa anak.

“Of course,Daddy” 2years lang naman kasi yung kinuha kung courses,na Business Administration courses,daddy.

“Mabuti naman,kung ganun” gabi na magpahinga na tayo.”

“But,Dad” you did not forget what you promise me right?”

“What is it?”

“Diba sabi mo,when im turned 20,you allowed me to marry,George. Im already 20 dad.

“Bat,nagmamadali kang magpakasal?” 20 ka pa,akala mo ba hindi mahirap ang buhay may asawa,eenjoy mo muna ang pagiging single.”

“Pero dad” yan yung pangako mo sakin,tyaka napag usapan niyo na to ni tito Gadon,right. Na paglaki namin ni George,ipapakasal niyo kami. Dad i want george to be my husband.

“Okay,okay” kakausapin ko ang tito Gadon mo,pero syempre dapat pumayag din si George,na maikasal sayo.”

“Yeahh,thank you Dad” your the best daddy,in the world.”wika ni tanya at niyakap ang ama.

“Okay,na ba?” sige kailangan ko nang magpahinga pagod ako.” tumango naman si tanya at bumitaw sa pagkakayakap sa kanya.

“Goodnyt,Dad.”

“You,spoiled brat” nakangiting saad naman ni amelia,kay tanya at sinundan ang ama nito na umakyat.

Naiwan namang nakangiti si tanya,masaya siya sa plano niyang pakasalan si George,dahil matagal na niya itong gusto at pinapangarap maging asawa.

Habang si tonyang,ay nakaramdam na nang ginaw sa kinauupuan,nang lumapit sa kanya ang babaeng may ari nang kariton na katabi niya.

“Iha,giniginaw kaba?” may extra akong jacket dito,gusto mo ba hiramin?”

“Ok lang po ako ate.”

“Sa tingin ko,mukhang hindi ka okay” ito may bagong carton ako ilapag mo sa kinauupuan mo para makahiga ka,at heto ang jacket,isuot mo mukhang nilalamig kana ei.” nag aalalang wika nang babae na sa tingin niya ay nasa 40’s pa ito, kaya kinuha na lang ni tonyang ang ibinigay nito.

“Salamat po ate.”

“Wala yun,ano nga pala pangalan mo iha at anong nangyari sayo?” kasi sa tingin ko hindi ka katulad namin na pulubi at walang matirhan.”

“Ako po si tonyang”ate, naloko po ako nang agency ko,kaya tumakas ako at walang dala na kahit na ano at pera,dahil naiwan lahat sa maleta ko,ayaw ko naman pong balikan baka anong gawin nila sakin pag bumalik ako.”

“Naku,kawawa ka naman” Ako naman si pacita,tawagin mo na lang akong ate pasing. Isa ka pala sa naloko sa mga ganung klasing tao,sige magpahinga kana,wag kang mag-alala o matakot pag nandito ako walang magpapaalis sayo dito o mananakit,kilala na ako nang lahat nang taong natutulog dito.

“Salamat po ate,ate may alam po ba kayong pwede kong pagtrabahuan,para makaipon ako nang pera pamasahi pabalik sa amin at makabili nang pagkain ko.”

“Oo meron,tamang-tama meron akong kakilala na naghahanap nang magbabantay nang tindahan niyang ukay-ukay gusto mo ba yun?”

“Pero wala po akong dala na kahit ano ate,naiwan din po kasi ang lahat nang papeles at diploma ko sa maleta ko.

“Ok lang yun,wag muna problemahin yun iha, hindi na kailangan doon ung mga ganyan basta marunong ka lang magbasa at tumingin nang pera at magsukli,ukay-ukay lang naman ang babantayan mo.

“Talaga po ate,mabuti naman po kung ganun,maraming salamat po ate.

“Wala yun,sige na magpahinga kana at bukas sasamahan kita pumunta doon sa kakilala kung naghahanap nang magbabantay nang ukay-ukay niya.”

Tumango si tonyang dito at ngumiti kaya iniwan na siya nang babae at bumalik sa kariton nito.

Kinabukasan nagising na lang si tonyang,na maiingay na sa paligid niya. Nakalimutan niya na sa kalye lang pala siya natutulog,bumangon siya at nakita niya ang babaeng kausap niya kagabi na nag aalmusal kasama ang dalawang bata,babae at lalaki. Nang makita siyang gising na ay nilapitan siya nito.

“Iha,gising kana” ito oh mag almusal ka muna,pasensya na iha ha,kape at isang pirasong tinapay lang ang maibigay ko sayo.

“Naku,ate pasing” ako nga dapat ang humingi nang pasensya sa inyo,at taos puso akong nagpapasalamat may mga tao pa palang katulad ninyo na napakabuti.

“Wala yun iha,sino paba ang magtutulungan,kundi tayong mahihirap lang,sige na mag almusal kana at mamaya sasamahan kita doon sa kaibigan ko.

Ngumiti at tumango na lamang si tonyang,at nagsimulang isubo ang isang pirasong tinapay na binigay sa kanya,hindi niya rin maiwasang mapatitig sa mga batang kasama ni ate pasing,dahil...


sa tingin niya ay mga limang taong gulang at pitong taong gulang pa ang mga ito.

“Ate pasing,mga anak niyo po ba ang mga batang yan?”

“Oo iha,mga anak ko ang mga ito si matmat,at nek-nek.”

“Ah,hi mat-mat nek-nek,tawag niya sa mga bata,nasan po pala tatay nila ate pasing.”

“Naku wag muna tanungin iha,hindi ko alam,bigla na lang nawala hindi na bumalik.” nalulungkot na wika ni Aling pasing,hindi maiwasan ni tonyang mapamura sa isip-isip niya,katulad din nang tatay niya,ang tatay nang mga batang ito.

Pagkatapos nilang mag almusal ay sumama nga si tonyang,kay ate pasing na tulak-tulak nito ang kariton habang nasa loob naman nang kariton ang dalawa nitong anak,kaya tumulong na lang din si tonyang magtulak nang kariton,hanggang sa marating nila ang tindahan nang ukay-ukay.

“Aling Cion, tawag ni ate pasing sa matandang nagbantay nang ukay-ukay.

“Oh,pasing bakit?”

“Naghahanap parin ba kayo nang magbabantay dito?” meron sana akong ipapasok sa inyo.”

“Ah,oo” nasaan kasama mo ba ngayon?”

“Opo,aling Cion” tonyang! Halika dito,aling Cion si tonyang” mabait na bata yan aling Cion.” lumapit naman si tonyang at nginitian ang matanda,na tinitigan siya nito mula paa hanggang ulo.

“Wala ka bang ibang trabaho iha?” sigurado ka bang papasok ka dito,sa tingin ko mukhang may pinag-aralan ka naman,tyaka maliit lang sahod dito iha.

“Aling Cion,nakausap ko na ito si tonyang,niloko daw ito nang agency pinagkatiwalaan niya,kaya tumakas siya sa agency na yun,ngayon naiwan daw doon ang maleta niya na laman ang lahat nang requirements at diploma niya pati pera,kaya kailangan niyang mag ipon para makauwi sa kanila.

“Ah,ganun ba”kawawa naman,sige pwede mo ko tulungan magbantay dito,7am to 5pm ka lang magbantay dito kasi sinasarado ko na ito pag gabi na,mahirap baka pag interesan tayo nang magnanakaw sa gabi.” wika ni Aling Cion.

“Opo,maraming salamat po” aling cion.” ngiting wika ni tonyang.

“Tonyang, maiwan na kita dito kay Aling cion,pagbutihin mo mabait yan si Aling cion.”wika ni ate pasing.

Tumango at ngumiti na lamang si tonyang kay ate pasing.

Ilang araw na din iyun ginagawa ni tonyang,kahit papano ay unti-unti na siyang nakaka ipon,pagkatapos niyang magbantay sa ukay-ukay ay naghuhugas siya nang pinggan sa tapsilogan tuwing gabi. Pero wala naman talagang balak pa siya na umuwi,dahil baka malungkot lang ang kanyang nanay,sa nangyari sa kanya.

Isang umaga nagising na lamang siya na maiingay ang mga kasama niyang natutulog,at tuwang-tuwa.

“Ate pasing,ano pong nangyari? Bakit nagmamadali sila?”

“Ah tonyang,gising kana pala” halika sumama ka samin,magbibigay daw ngayon si konsehal Tony De Fios nang mga bigas at de-lata sa mahihirap,kaya nagmamadali ang mga yan para makapila.

Nang maring niya kay ate pasing,ang pangalan nang tatay niya ay bigla siyang naistatwa,saka niya naalala na konsehal na pala ang tatay niya sa maynila.

“Tonyang,halika na” ano ba yung iniisip mo bat ang lalim?”tanung sa kanya ni ate pasing.

“Ah wala ate.” wika niya dito at tumayo narin,sumunod na lang siya kay ate pasing,kung saan ito pupunta.

Natanaw naman ni tonyang,ang mahabang pila nang mga tao,at bigla siyang kinabahan na isiping makikita niyang muli ang kanyang tatay,itinabi muna ni ate pasing ang kanyang kariton at pumila.

“Tonyang”halika na, pumila kana dito.” tawag sa kanya ni ate pasing at itinuro pa ang likuran nito para pumila siya.

Tumango na lamang siya at pumunta sa likuran ni ate pasing. Sa di kalayuan tanaw na niya ang kanyang tatay,malaki ang pinagbago nito,parang hindi ito dumaan sa pagiging mahirap,pumuti ito at naging makisig pa ang katawan,malinis tingnan at magaganda ang suot nito na halatang mamahalin,kaya para tuloy hindi tumanda ang tatay niya parang mas bumata pa kesa noon,hindi katulad nang nanay niya na halatang tumanda na. Hindi niya tuloy maiwasang mainggit sa nakita niya masaya ang tatay niyang namimigay nang foods,na nasa isang balot na plastic,katabi nito ang dalawang babae na sa tingin niya ito yung nakita niyang nabuntis nang tatay niya,siguro ang isang batang babae ay ang kapatid na niya. Umagos ang luha niyang tinitingnan ang tatay niyang masaya sa bagong pamilya at malambing sa batang babae,nakita niyang hinawi nang tatay niya ang buhok nito na nakatakip sa mukha habang namimigay,inggit at galit ang naramdaman niya,samantalang sila nang nanay niya sa dalawam’put taon lungkot at nangungulila sa pagmamahal nang tatay niya.

“Tonyang,ok ka lang ba?” bakit ka umiiyak?” tanung ni ate pasing nang makitang umiiyak siya.

“Wala po ito ate pasing,na puwing lang ako.” saad niya dito at tumingin ulit kung saan nakatayo ang tatay niya. Nanlaki mata niya nang makitang nakatingin ang tatay niya kung saan siya nakatayo,kaya pinahid niya ang luha niya at mabilis na tumakbo.

“Tonyang,anak?” mahinang sambit ni mang tony sa pangalan niya pero rinig ito ni amelia,at alam niya kung sino si tonyang,ang unang anak nang dating asawa na asawa niya ngayon.

Tumakbo si mang tony,kung saan nakatayo si tonyang,pero hindi na niya ito nakita.

“Anak,tonyang” patawarin mo ang tatay nasan ka?” kung ikaw ung nakita ko nung isang araw,anong nangyari sayo anak magpakita ka handa kitang tulungan nandito ang tatay.” bulong niya.

Mabilis na nagtago si tonyang sa iskinitang daan,at nagtago siya sa isang pader,sinilip niya ang kanyang tatay kita niyang nakatayo ito kung saan siya kanina pumila.

“Honey,whats wrong?” tanung ni amelia nang makalapit ito sa kinatatayuan ni mang tony.

“Wala,parang may nakita lang ako. Tara na bilisan na natin mamigay para makauwi na kayo at makabalik na ako sa munisipyo may kailangan pa akong gawin doon.” aniya tyaka tumalikod at bumalik para ipagpatuloy ang pamimigay. Tumingin muna si Amelia,kung saan banda tumakbo si tonyang,saka sumunod sa asawa.

Nang makabalik na sa munisipyo si Konsehal tony,ay agad niyang pinatawag ang kanyang secretary.

“Peter,pumunta ka sa subic at alamin mo ang tungkol sa dati kung asawa na si caring,alamin mo ang tungkol sa kanila ngayon nang anak ko,kung anong nangyari at ginagawa nila ngayon,gusto ko alamin mo ang lahat.” utos niya dito dahil hindi siya mapakali kung anong nangyayari sa anak niya,bakit lagi niya itong naiisip at kinakabahan siya pag naiisip ang anak niya,alam niyang malaki ang kasalanan niya sa mag iina,pero natatakot siyang puntahan ang mga ito dahil alam niyang kinamumuhian na siya nang mga ito.

Gabi na nakabalik si Tonyang,sa pwesto nang tulugan niya,naabutan niya na may baguhan sa pwesto niya,isang babae na halatang anak mayaman,maganda at sexy din ito,kasama nito ang isang lalaki na may itsura naman,iniisip niya na baka nagtanan ang mga ito.

“Hoy,pwesto ko yan diyan! Sigaw niya sa lalaking hihiga na sana,tumingin lang ito sa kanya ang mga ito pero hindi gumalaw.

“Alis,alis pwesto ko nga yan diyan ei.” inis niyang wika,masama namang tumitig sa kanya ang lalaki at kinuha ang karton,inilagay ito sa ulohan niya,sa paahan naman niya ang kariton ni aling pasing.

Nakahiga na siya dahil tahimik na ang lahat na natutulog,di parin mawala sa isip niya ang mukha nang kanyang tatay,napa kunot kilay naman siya nang may marinig siya.

Prrtt..malakas na utot nang lalaking pinaalis niya kanina,at unti unti siyang naka amoy nang mabaho,kaya mabilis niya tinakpan ang ilong niya.

Prrrttt,rinig na naman niya ulit ang utot nang lalaki,put*ng*na amoy imburnal,ilang araw ba itong hindi nakapag labas nang sama nang loob ang lalaking ito ang baho,kaya mabilis siyang tumayo at inilipat ang higaan.

To be continue..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top