Amazona Wife Chapter 3


🤦My Amazona Wife🤦

🤦Chapter 3🤦

Ilang araw din pabalik-balik si Vincent,sa bahay ni tonyang” ngunit hindi niya ito hinaharap,
Hanggang sa araw na nang pag alis ni Tonyang,kinabukasan papuntang japan. Habang nag aayos siya sa kanyang dadalhin ay nakita niya ang bracelet na binigay sa kanya noon nang batang lalaki at sinabing papakasalan siya balang araw,di niya mapigilang matawa pag nag alala iyun.

“Nasan na kaya ang batang yun?” bulong niya at inilagay sa bulsa nang pantalon ang bracelet na ibinigay sa kanya nang batang yun.” maya-maya ay rinig na naman niya ang sigaw ni vincent sa labas.

“Tonyang,anak” kausapin mo muna si vincent,at magpaalam ka nang maayos sa kanya.” wika nang kanyang nanay.Kaya wala siyang nagawa kundi sundin ang utos nang kanyang nanay at kausapin si vincent,para tumigil ito kakasigaw.

“Ano ba, vincent huh?! Hindi ka ba titigil,hindi kaba nagsasawa kakasigaw?” singhal niya dito.

“Tonyang” please,kausapin mo muna ako,magpapaliwanag ako tonyang sa nangyari please.”

“Vincent,wala ka nang dapat ipaliwanag kitang kita ko ang ginawa niyong milagro at rinig ko ang unggol niyong dalawa,kapal din naman nang mukha mong pumunta kapa dito.”

“Tonyang,hindi mo ba ako mahal ha?” nagawa ko lang naman yun dahil hindi mo pa kayang ibigay ang sarili mo sakin,pero ikaw ang mahal ko. Ikaw ang gusto kung pakasalan.” naluluhang wika nito.

“Tang*na mo rin eh nuh? dahil lang sa hindi ko pa maibigay ang sarili ko sayo ,kaya mo yun ginawa. Katulad ka rin talaga nang tatay ko,dahil wala ang nanay ko sa tabi niya kaya pumatol siya sa iba,yan ba ang pagmamahal na sinasabi niyo,o mahal niyo lang kaming mga babae pag kasama niyo kami,pag hindi niyo kami kasama,iba na ang mahal niyo.

“Tonyang,maniwala ka ikaw ang mahal ko.”

“Tama na vincent,umalis kana. Kalimutan muna ako at kakalimutan narin kita.” wika niya kay vincent,at agad itong tinalikuran pabagsak niyang sinarado ang pintuan nang bahay nila.

Kinabukasan maagang gumising si Tonyang,para ipaghanda nang almusal ang nanay niya,bago siya umalis. Hindi niya alam kung kailan niya ulit ito magagawa sa kanyang nanay.Malakas ang kabog nang dibdib niya sa mga oras na ito,at naguguluhan sa nararamdaman.

Masaya siya kasi matutupad na ang pangarap niyang makapunta nang japan,sa kabilang banda nalungkot naman siyang isipin na iwan ang kanyang nanay,ito ang unang beses na magkakahiwalay sila nang kanyang nanay,hindi niya alam kung kakayanin ba niyang magising sa isang umaga,na hindi agad mukha nang nanay niya ang kanyang makikita.

Pagkatapos niyang maihanda ang almusal nila,ay agad niya tinawag ang kanyang nanay sa kwarto na aligaga,na parang may hinahanap. Marami din itong nilagay na gamit sa maleta niya.

“Nanay,ok lang naman na hindi ganyan karami ang dadalhin ko.” wika niya para matigil ito sa ginagawa.

“Anak,mabuti na yung sigurado.”

“Oh,tama na yan nay,mag almusal muna tayo.” yaya niya rito,agad naman ito tumigil sa ginagawa at sumunod sa kanya.

Habang kumakain sila ay may iniabot ang kanyang nanay na sobre,kaya agad niya iyun binuksan,nang makita ang laman ay tumingin agad siya sa kanyang nanay na may pagtataka.

“Anak,pocket money,mo yan. Gamitin mo ang perang yan at bilhin mo ang gusto mo.”

“Nay,may pera pa naman ako,tyaka saan galing ang pera na to nay?”

“Tonyang, ipon ko yan nang matagal na panahon,para sayo kasi alam ko balang araw kakailaganin mo yan, sige na anak tanggapin muna iyan para mapalagay ang sarili ko.”saad nito.

Wala nang magawa si Tonyang,kundi tanggapin ang pera nang kanyang nanay.

Hanggang sa sumapit ang oras na kailangan na nilang magpaalam sa isat-isa,dumating na ang van,na sasakyan na maghahatid sa kanila sa maynila.

“Anak tonyang,mag iingat ka doon,lagi mo ingatan ang sarili,wag mo ko alalahanin dito,sarili mo ang isipin mo.” naluluhang wika nang kanyang nanay,at niyakap siya nang mahigpit.

“Tonyang,ingat sa byahe” kung pwede isulat mo ang lahat nang madaanan mong lugar,para hindi ka mawala. At wag kang mag jowa nang hapon doon,takusa daw yun.” saad naman nang kanyang tita nelia.

“Ano po yung,takusa” tita nelia?

“Takosa, takot sa asawa.” natatawang wika nang tita nelia niya.

“Ikaw talaga nelia, kung takosa pala ang mga hapon,edi masarap nga sila mahalin.”wika naman na kanyang nanay.

“Biro lang iha, ibig kung sabihin sadista,ang mga hapon” pero hindi naman lahat.”

“Oo nah,tita nelia” hindi naman ako mag aasawa.”

“Ay,wag ganun iha” wag ka tumulad sakin na matandang dalaga,wag mo sayangin ang magagandang lahi mo.”

“Sige na tita nelia,aalis na ako” baka ako na lang hinihintay nila doon,mag iingat kayo dito ni nanay.

“Oo,wag mo problemahin ang nanay mo,ako bahala sa nanay mo. Sasabayan ko siya uminom.”

“Hmm,tita nelia talaga” dahan- dahan lang kayo uminom ah.” saad niya na nakangiwi.

“Tonyang anak, sige na wag mo kami alalahanin,ang sarili mo ang ingatan mo doon.” usal ni nanay.

Niyakap muli ni Tonyang,ang kanyang nanay at tita nelia,at tumalikod na para sumakay nang van,na naghihintay sa kanila,pasakay na sana siya nang tinawag siya ni Aya, at may hila hila din itong maleta.

“Aya,sasama ka rin ba?” takang tanung niya.

“Oo,nagawan nang paraan nang tatay ko ang placement fee,kaya dalawa na tayo sasama at pupunta nang japan.” masayang wika nito.

“Mabuti naman kung ganun Aya, magkasama tayo,at sabay nating tuparin ang pangarap natin sa japan.”

“Oo,tapos magkasama tayong libutin ang lahat na magagandang lugar sa japan.

“Oo,sige na sakay kana” saka kana mag imagine,pag nakaapak na tayo nang lupa sa japan.” natatawang wika ni tonyang.

Tumango naman si Aya,at pumasok narin sa loob nang sasakyan,papasok narin sana siya nang biglang may humintong sasakyan sa likuran nang sasakyan nila. Nagmamadaling lumabas doon si Vincent.

“Tonyang! Sigaw nito sa pangalan nang dalaga at hinawakan siya nito sa braso na agad naman niya ipiniksi ang braso.

“Tonyang,di mo kailangang umalis,kaya kong ibigay lahat nang gusto mo,kaya kung tuparin ang mga pangarap mo,pumayag ka lang na pakasalan ako.”

“Pwede ba vincent,tumigil kana” kung gusto mo mag asawa,bakit hindi si Alexa,ang pakasalan mo.”

“Hindi ko siya mahal tonyang,ikaw ang mahal ko.”

“Tama na,tulad nga nang sabi ko kalimutan mo ko,kakalimutan na din kita.”

“Tonyang,bakit ganun lang kadali sayo na bitawan ako?” hindi mo talaga ako minahal,kaya ba hindi mo maibigay ang sarili mo sakin.” wika nito na may galit na.

“Minahal kita vincent,pero biglang naglaho iyun nang niloko mo ko, kaya paalam na.” wika niya at agad pumasok nang sasakyan at mabilis na isinarado ito,naiwang tulala ang binata sa sinabi ni tonyang.

Hindi naman siya manhid nakaramdam parin siya nang panghihinayang sa dalawang taon nilang relasyon ni vincent,pero pag naiisip ang ginawa noon nang tatay niya sa kanila at iniwan sila nang walang panghihinayang,ang sakit na naramdaman niya ay napalitan nang galit,kaya ang ginawa ni vincent sa kanya ay matagal na siyang nakahanda na baka balang araw, magawa din nito ang katulad nang ginawa nang tatay niya,pinaasa at sinaktan lang silang mag iina,wala nang sasakit pa doon.

Umalis na rin sa baryo ang sasakyan nila,ang iba ay masayang masaya na isiping makakaapak na sila sa japan.

“Tonyang,Aya” excited rin ba kayo pumunta nang japan?” tanung ni bebang.

“Oo bebang,excited naku makapunta nang japan at makapamasyal,sa mga magagandang tanawin doon.” ngiting wika ni Aya.

“Ikaw tonyang, ganun ka rin ba?” o hindi ka excited kasi naiwan ang jowa mo,bakit hindi ka na lang pumayag na pakasalan si vincent,mayaman naman yun at pag mamay-ari nila ang malaking resort sa subic.” saad ni bebang.

“Kung gusto mo bebang,ikaw na lang magpakasal kay vincent.”

“Kung ako lang nagustuhan non,pakakasalan ko agad yun. Kasi gwapo na mayaman pa.”

Hindi na pinansin ni tonyang,ang sinasabi ni bebang,at tumingin na lang sa labas pagsasawaan niya munang tingnan ang lugar nila,bago tuluyang mawala ito sa paningin niya.

Pitong oras din ang byahe,galing subic to manila,kaya hapon na sila nakarating nang maynila,dinala muna sila sa isang bording house,medyo kalakihan iyun na bahay at may gate na mataas na hindi makita ang labas.

“Pahinga muna kayo diyan girls, alam kung napagod kayo sa byahe.” wika nang nag recruit sa kanila.

Hanggang sa gumabi na ay dinalhan sila nang pagkain na nasa styro. Ilang araw ang...


lumipas ay hindi parin sila dinala sa japan,medyo nag reklamo na ang iba kung bakit ang tagal nang byahe nila.

Patulog na sana sila nang biglang may sumigaw.

“Girls,bilis bilis magsikilos kayo” bihisan niyo ang mga sarili niyo,ayan ang mga damit isuot niyo yan kailangan niyo magtraining muna dito bago pumunta nang japan.” sigaw nang bakla.

Tiningnan nila ang damit gulat sila nang napakasexy at ang iiksi nang mga ito.

“Hoy,baklang bakulaw” anong gagawin namin sa damit na yan?” factory workers naman ang papasukan namin sa japan,ah! kaya bakit magsusuot kami nang ganyan ka sexy at iksi.” bulyaw ni tonyang sa bakla,tiningnan siya nito at inirapan.

“Sinong may sabing sa factory kayo mag work,sa Bar kayo mag wowork kaya bilis bihis na.” singhal nang bakla at agad na lumabas at isinara ang pinto.

Nagsimula nang mag bulong-bulongan ang lahat,ang iba ay kinabahan at natakot na,na isiping niloko sila nang recruiter na yun,maliban kay bebang dahil sanay na siya sa trabaho sa bar kaya relaks na relaks ito.

“Tonyang,anong gagawin natin?” mukhang naloko tayo? Wika ni Aya,na halatang natatakot at nag aalala na ito sa mangyayari sa kanila.

“Sandali lang,tumahimik muna kayo” saad niya sa mga kasamahan niya na nagkanya kanya nang bulungan,kailangan natin malaman kung ano plano nila sa atin,kung niloloko lang ba nila tayo. Kaya tumahimik muna kayo,sisilipin ko ang pinto kung may tao ba.”

Tumango naman ang ibang mga kasamahan ni Tonyang,ang iba ay nakakaawa na ang itsura dahil sa natatakot na ito sa mangyayari.
Dahan-dahan binuksan ni Tonyang ang pintuan,at mabuti ay hindi ito nilock nang bakla kanina paglabas nito. Nasilip niya na may dalawang bantay sa labas nang pinto at rinig nilang kinausap ito nang matandang chinese.

“Kayo,ban..tay ma..buti sa mga babaeng yan,nabili.. ko na sila ayaw ko malugi,kaya wala pwedeng..maka..takas.” wika nang matandang chinese na halata sa mga salita nitong pautal-utal.

“Yes,boss!! Sabat naman nang dalawang bantay na ang la-laking tao at ang laki nang katawan na parang sumasali sa sumo wrestling.

“Paki..tingnan kung handa na sila,kailangan magtrabaho na silang mamayang gabi sa bar.” utos nang matandang chinese at iniwan na ang dalawang tauhan niya kaya bago makapunta ang dalawa sa room kung saan sila ay kinausap na ni tonyang ang mga kasamahan niya.

“Niloloko tayo nang recruiter na yun,binenta tayo sa isang matandang chinese,at pipilitin nila tayong magtrabaho sa bar,may bantay sa labas nang room natin dalawang malalaking tao,kailangan natin mag isip kung pano makatakas dito.” wika niya sa mga kasamahan niya.

“Ano namang masama kung magtrabaho tayo sa bar,tonyang?” baka nga mas malaki pa kikitain natin kahit nandito lang tayo sa pinas,mukhang mamahaling bar naman yata tayo ipapasok nila.”wika ni bebang na naka cross arm pa.

“Bebang,kung gusto mo magtrabaho dito,magpa-iwan ka. Basta kami tatakas !kaya tumahimik ka.” inis na saad ni tonyang.

Pero nagulat sila nang biglang sumigaw si bebang.

“May tatakas! May tatakas! Balak nilang.. Pak!! Isang malakas na suntok sa mukha ni bebang ang pinadapo ni tonyang,kaya bigla itong natumba at nahimatay kaya bulagta ito sa sahig.

“Walang hiya ka, kanina ka pa” kung gusto mo magtrabaho,dito magsolo ka! Wag mo kami idamay! Bulyaw niya kay bebang na walang malay.

“Yan,buti nga sayo” nakatikim ka nang upper cut ni tonyang.” natatawang wika ni aya.

“Sige na,magpanggap kayong nag aaway para pagpasok nang dalawang tauhan,pagtutulungan nating itali para makatakas tayo dito.” wika ni tonyang sa mga kasamahan niya. Tumango naman ang mga ito at sinimulan ang plano nila,mabilis naman pumasok ang dalawang bantay at agad pinaghihiwalay ang nagsasabunutan kaya pinagtulungan din nila itong paluin sa ulo at itinali.
Pagkatapos nilang itali ang dalawang bantay,ay nag kanya-kanya na silang takbuhan,ang iba ay nakalabas na nang gate,nang biglang sumigaw pa ang ibang mga bantay.

“Hoy,saan kayo pupunta?!! Sigaw nito kaya binilisan nila ang takbo,nakalabas na sila nang gate habang hawak niya sa kamay si Aya,ngunit naabutan si Aya,at hinila agad nang bantay kaya nabitawan ito ni tonyang.

“Aya!! Sigaw niya.

“Tonyang,umalis kana iwan muna ako bilis!! Sigaw ni aya, inilock nito ang gate at hinarang ang sarili para hindi makalabas ang mga bantay.

“Aya,babalikan kita Aya”babalikan kita! Sigaw ni tonyang at mabilis na tumakbo papalayo sa gate,lumingon siya nakita niyang lumabas na ang mga bantay at hinabol siya,napatitig pa siya sa mga ito habang tumatakbo,kung wala lang siya sa ganung sitwasyon ay matatawa siya sa mga bantay na tumatakbo,tumatalbog kasi ang mga dede nito,na mas malaki pa sa dede nang tunay na babae,pero syempre malaki parin sa kanya,pinagpala kasi siya sa dibdib na kinaiingitan nang ibang kababaehan.

Nadaanan naman niya ang isang bar,na sa tingin niya ay mayayaman ang pumapasok dito dahil sa mga mamahaling sasakyan na naka park,kaya agad siyang pumasok doon,sabi nga ang safe na lugar ung akala mong hindi safe. Kaya pasimple siyang naglakad sa loob,kita niya ang mga babaeng sexy na ang kakapal nang make up,habang siya ay naka pants at t-shirt na fit sa katawan niya na pinarisan niya nang rubber shoes,buti na lang ay hindi pa siya naka bihis sa gustong ipasuot sa kanila nang bakla.

Tuloy-tuloy ang lakad niya at tanaw niya parin na sinusundan parin siya nang mga humahabol sa kanya hanggang sa loob,hanggang may makita siyang isang room sa loob nang bar,agad niya itong binuksan at pumasok,kita niyang may isang taong umiinom,kaya agad niya itong nilapitan.

“Mister,pwde mo ba ko tulungan?”saad niya,gulat namang tumingin sa kanya si George,nang matanaw ni tonyang na may jacket nakalapag sa lamesa,hindi na niya hinintay ang sagot nang binata,sinuot niya na lang ito at kinuha ang tali nang buhok niya,at hinayaan niyang nakalugay ito. Nang marinig niyang may bumukas sa pinto,ay agad siyang naupo sa kandungan nang binata,at hinawakan ang magkabilaang pisngi nito. Kita nga niyang pumasok ang humahabol sa kanya at tiningnan sila,kaya mas lalo pang inilapit ni tonyang ang mukha niya sa binata,na kunti na lang ay maglapat na mga labi nila. Napakunot kilay namang tumingin si tonyang sa binata,dahil ngumiti ito na nakakaluko,at hinawakan ang bewang niya. Nang mapansin niyang lumabas na ang humabol sa kanya,ay agad niyang itinulak ang binata at tumayo.

“Man*ak! Taas kilay na wika niya dito.

“Hey,miss ikaw ung nauna ha! Oh bumalik!! Sigaw nang binata na nagpakaba naman sa kanya,lumingon siya at may bumukas nga ulit nang pinto kaya agad niyang tinulak ang binata dahilan kaya napahiga ito sa sofa na kinau-upuan at agad niyang dinapaan.

Natatawa naman si George, nang mapadikit ang katawan nang babae sa kanya lalo na ang dibdib nito na halatang malalaki kahit nakasuot ito nang t-shirt.

Kinabahan naman si tonyang nang mapansin na lumapit pa talaga ang humahabol sa kanya kaya mas tinago niya ang mukha niya,hinawakan naman ni george ang likod nang ulo niya at itinulak ito sa mukha niya. Kaya naglapat ang mga labi nila,nanlaki naman mata ni tonyang sa ginawa nang binata. Nang mapansin ni tonyang na umalis na nang tuluyan ang humabol sa kanya,ay agad siyang tumayo at sinuntok ang binata.

“Sabi ko bang halikan mo ko?! Singhal niya.

“Ikaw na nga tong tinulungan ikaw pang galit.”

Hindi na sumagot si Tonyang kaya tinalikuran niya na ang ang binata,pero mas lalo siyang nainis nang hawakan pa siya nito sa bewang,kaya hinarap niya ito at tinuhod ang alaga.

“Ouchh!! Tili ni George sa babaeng kaharap niya,sasabihin ko lang naman ang jacket ko hubarin mo.”

Agad naman hinubad ni Tonyang, ang jacket na mapagtanto na suot-suot niya pa pala ito.

“Sorry,oh ito na jacket mo mister.” wika niya sabay hampas sa mukha nito ang jacket.

“Makita ka sana nang humahabol sayo!! Sigaw niya,ikaw na nga yung tinulungan” tinuhod mo pa ko” ouchh sakit.

Naabutan naman si George ni Steve na namimilipit sa sakit.

“Anong nangyari sayo?” tanung nito.

“May babae kasing biglang sumulpot dito.”

“Tapos nabitin ka?” pumunta ka sa banyo magkamay ka.” natatawang wika ni steve.

“Hindi yun g*go! Tinuhod ako nang babaeng yun,ang sakit! Baka mamaya basag nato,sayang lahi ko.

To be continue..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top