Amazona Wife Chapter 2


🀦Chapter 2🀦

Simula noon ay hindi na umuwi si Mang tony,sa kanyang mag iina. Naiwang galit at namumuhi si Tonyang sa kanyang ama. Akala niya ay mahal na mahal nang kanyang ama ang kanyang ina.
Ngunit biglang naglaho ang pagmamahal na yun,at iniwan sila nang kanyang ina na ganun lang kadali.

20 years later…

“Tonyang! Tonyang! Sigaw ni Aya,ang matalik niyang kaibigan,kaya napabalik ang isip niya sa kasalukuyan.Kaya agad niya itong nilingon.

“Ano ba Aya, bat sigaw ka nang sigaw sakit sa tenga.” singhal niya.

“Pasensya na tonyang,pero may balita ako sayo. Diba pangarap mo mag japan? Merong nag rerecruit na isang babae sa tindahan ni Aling Tessie. Factory workers daw sa japan at malaki sahod.” humihingal na wika nito.

“Talaga?! Ano namang kailangang requirements para makapag apply? Ani niya at habang binubungkal ang lupa sa taniman nila.

“Hindi ko alam,basta sumama ka sakin tanungin natin,andun pa siya sa tindahan ni Aling tessie.” saad ni Aya sabay hila sa braso niya kaya napatayo na lang siya at sumama sa kaibigan.

Nadatnan nga nila ang isang babaeng nagsasalita habang maraming nakikinig na taga baryo nila siguro ay nangarap din ang mga ito na makapag Japan.

“Magkano po ang placement fee?” tanung ni bebang na nagtratrabaho sa maliit na beerhaus sa bayan nila.

“50k! Wika naman nang babaeng sa agency nagtratrabaho.

“Ano 50k saan naman kami kukuha nang ganung kalaking halaga.”

“Mababawi niyo naman agad yan pag makapunta na kayo nang japan,60k to 100k ang pwede niyo kitain sa isang buwan,mababawi niyo agad ang 50k sa isang buwan lang ninyo sa japan.” saad nang babae. Sa narinig ni Tonyang,ay agad na siya tumalikod at naglakad pauwi. Hinabol naman siya nang kaibigang si Aya.

“Tonyang,di mo ba gusto ang sinabi nang babae kanina?

“Gusto nakakain-ganyo ang sinabi niya,kaso saan naman ako hahanap nang 50k pang placement fee,diyosko magbubukid na lang ako kesa problemahin ang 50k,tyaka hindi ka pa sigurado kung ano magiging buhay mo sa japan.” usal niya dito.

“Pangarap mo yun diba,pwede mo naman ibenta muna yung lupain niyo pag nakapunta kana nang japan,pwede ka ulit bumili nang lupa na mas malawak pa sa lupain niyo ngayon.

“Ang tanung Aya,sigurado ba ako na magiging maganda ang buhay ko sa japan,na maiibabalik ko agad kay nanay ang pera.Paano kung hindi,ano na lang gagawin namin saan na lang kami kukuha nang pangkabuhayan namin?”

“Tonyang,wag kang mag isip agad nang negatibo,ang isipin mo lagi ang positibo para laging positibo ang mangyayari sa buhay mo.”

“Aya,ginawa ko na yan noon,ang laging positibo at umaasa sa positibo-positibo na yan,kaso ang nangyari sobra lang akong nasaktan dahil umasa ako nang sobra.”umuwi kana at uuwi na din ako baka hinihintay na ako ni nanay,magluluto pa ako nang hapunan namin.” saad niya at mabilis na tumalikod at iniwan ang kaibigan. Hinayaan lang siya ni Aya,at umuwi narin ito.

Naabutan ni Tonyang,ang kanyang inay na lasing na naman,20 years na itong ginagawa nang kanyang nanay,mula nung iwan sila nang kanyang ama.
Nasasaktan siyang makita ang nanay niyang ganito,minsan ay naririnig niya na palihim na umiiyak ang kanyang nanay,20 years na pero hindi parin nito nakalimutan ang kanyang tatay kaya hindi na ito nag asawa ulit.

“Nay,nandito na po ako.”

“Anak,magluto kana nang hapunan natin,hik; pasensya kana at lasing na naman ang nanay mo hik.” nauutal na wika nito.

“Sanay na po ako nay! Saad niya at agad na lumapit sa kusina para magluto nang hapunan nilang mag iina.

“Tonyang,anak” balita ko may taga agency daw na nag recruit papuntang japan,ayaw mo ba pumunta anak?” tanung nito,nalaman din pala nang kanyang nanay ang tungkol doon.

“Oo nay,kaso ang mahal nang placement fee,50k saan naman kukuha ang mga tao niyan dito sa bukid nang ganun kalaking halaga.” wala sa sariling wika niya habang hinihiwa ang papaya mag titinola kasi siya para sa ulam nila nang kanyang nanay.

“Kaya mo yun makuha ang ganun kalaking halaga anak,ibenta mo ang lupain.

“Pero nay,pano naman kayo dito at saan tayo kukuha nang pangkabuhayan kung hindi pala sigurado ang buhay ko sa japan.”

“Tonyang,kaya kung mag isa dito. Tyaka andiyan naman ang tita nelia mo,pareho kaming walang asawa kaya titingnan namin ang bawat isa ang sarili namin,at ang lupang yun wala akong karapatan diyan,sayo ang lupang yan pera nang ama mo ang pinagbili diyan,kaya bahala ka kung anong gagawin mo sa lupa.” saad nang kanyang ina.

Noon pa,ay wala na talagang pakialam ang kanyang nanay,sa lupain nilang iyun. Pera kasi yun nang kanyang tatay,na pinadala sa kanila. Ibabalik sana noon nang kanyang nanay,ang pera nang kanyang tatay kaso ayaw niyang makita ulit ito. Kaya tinawagan na lang ni aling caring ang asawa na wag na itong magpadala nang pera sa kanila dahil hindi nila ito kailangan.

Nabalitaan din nila na isa nang konsehal ang ama nito sa maynila kung saan ito nakatira,mayaman ang pangalawang naging asawa nang kanyang ama,anak pala ito nang may ari nang ginawa nila noon na building,kung saan nakita nilang buntis na ang babae nang kanyang ama.

Simula nang dalawampu’t taon na yun ay hindi na nila nakita si Mang tony,at di narin hinanap ni tonyang ang kanyang ama,kinamumuhian niya ito at ayaw na niyang makita pa itong muli.

“Oo nay,gagawin ko ang sinasabi ninyo. Pero kailangan ko muna siguraduhin na hindi manloloko ang Agecy na yun.”wika niya at tiningnan ang kanyang nanay na biglang tumahimik,nakapikit na ang mata nito.Kaya agad niya tiningnan ang niluto kung luto naba,dahil baka matutulog na lang ang kanyang nanay na hindi ulit makakain nang hapunan.

Nang makita niyang luto na ang niluto niya ay ginising na niya agad ang kanyang nanay,bigla siyang napahinto nang magsalita ang kanyang nanay na nakapikit.

“Tony,tony..mahinang sambit nito sa pangalan nang kanyang ama. Agad naman tumulo ang luha niya nang marinig ang pangalan nang kanyang tatay. Pinunasan niya ang gilid nang mata nang nanay niya na may luhang namumuo.

“Nay,kalimutan muna si tatay” kalimutan muna ang taong yun,dahil.matagal niya na rin tayong kinalimutan. Hindi na natin siya kailangan,kaya nakikiusap ako kalimutan muna siya nang tuluyan.” lumuluhang wika niya,nang may marinig na kumatok sa pintuan nila kaya agad niyang pinunasan ang kanyang mukha para tingnan kung sino ang kumatok.

Pinagbuksan niya ito kita niya ang kanyang nobyo,na si Vincent. Dalawang taon niya na din itong nobyo,niyaya siya nito na magpakasal kaso ayaw niya,hindi pa siya handa at kasama na din ang takot na baka matulad lang siya nang kanyang nanay. May kaya sa buhay ang pamilya ni Vincent,may ari ang pamilya nito sa isang malaking resort sa subic na dating pinagtratrabahuan niya,kaya lang umalis siya nang makaaway niya ang manager doon,na may gusto din kay vincent.

Matagal din nanliligaw sa kanya si vincent,hindi niya sana ito sasagutin dahil ayaw niya sanang makipag relasyon...


o mag asawa,kaso lagi siyang binibiro na tomboy,at nagkakagusto daw siya sa babae,habang tumatagal nilang magkarelasyon ni vincent ay kahit papano may kunti pagmamahal na siya dito,hindi buo dahil ayaw niyang masaktan at matulad sa nanay niya,na hanggang ngayon ay hindi parin nakalimot at nakakulong parin sa masakit na nakaraan.

“Tonyang, may pasalubong ako sayo.” wika nito at agad siyang niyakap,galing kasi ito sa maynila dahil may business meeting ito doon nang isang buwan.

“Oh vincent,dumating kana pla.” walang emosyong wika niya dito at umalis sa pagkakayap,sumunod naman si vincent sa kanya na pumasok at nakita nito ang kanyang nanay na tulog.

“Lasing na naman ba ang Nanay mo?”

“Oo,kaya ayan tulog na naman,ikaw kumain kana ba?” sabayan mo ko kumain.” yaya niya dito at nagsandok na nang pagkain.

“Oh sige,luto mo yan ei” sigurado akong masarap na naman yan.”

Sabay nga silang kumain nang kanyang nobyo, pagkatapos nilang kumain ay tinulungan din siya nitong maghugas. Nang matapos na ang kanilang hugasin ay bigla na lang siya niyakap ni Vincent.

“Miss na miss kita tonyang.” wika nito at mapusok siyang hinalikan,tinugunan naman niya ang halik nang kanyang nobyo nag ispadahan ang kanilang mga dila at ramdam niya ang biglang pagsakop nang mainit na palad nito sa bundok niya. Kaya agad niya itong naitulak,huminto naman ang kanyang nobyo sa ginagawa,dahil sanay na ito na lagi siyang binibitin ni tonyang,hanggang halik at romansa lang ang kayang ibigay nito sa kanya,kaya mas lalo niyang pinanabikan ang nobya.

“Ok,alam kung hindi ka pa handa,kaya kung maghintay dahil mahal kita.” wika nito at inayos ang kanyang buhok na nakatakip sa mukha niya.

“Salamat.” ngiting wika niya.

“Ok,uuwi na ko para makapag pahinga kana,ayaw mo bang buhatin ko si nanay caring papasok sa kwarto niya?.

“Wag na ako na bahala sa kanya,tyaka gustong gusto niya naman diyan matulog.”Saad niya sa nobyo.

“Sige aalis naku.” saad nito at mabilis ulit itong humalik sa labi niya bago umalis.

Pag-alis nang kanyang nobyo ay agad siya pumasok nang kwarto at kumuha nang kumot,kinumutan niya na lang ang kanyang nanay na nakahiga sa mahabang upuan na kawayan sa sala nila.

Ilang araw din pinag isipan ni Tonyang,ang pag benta nang lupain nila,kinausap niya muna at sinigurado na hindi manloloko ang taong nag recruit sa kanila papuntang japan.
Marami naman ang sumama at nagtiwala na mga kalapit sa baranggay nila,kaya nagtiwala narin siya at pinagbenta ang kanilang lupain para sa pangarap niya at pangarap niyang maibigay sa kanyang nanay ang matagal na niyang gustong tuparin.

Habang hinaharvest niya ang ibang mga pananim nila bago kunin na nang may ari ang lupain nila,ay dumating ang kanyang nobyo na si Vincent,tamang tama din dahil magpapaalam rin siya dito.

“Tonyang! Sigaw nito pagkababa nang minamanehong sasakyan,kaya lumapit naman agad si tonyang. Agad siya nitong niyakap at hinalikan.

“May ibibigay ako sayong pagkain,may party kasi sa bahay.” wika nito at agad kinuha ang supot nang plastic sa loob nang sasakyan niya at ibinigay ito sa kanya.

“Vincent,who is she!? Biglang sulpot nang isang babae sa loob nang sasakyan nang kanyang nobyo.

“Ah Alexa,meet my girlfriend si tonyang.” pakilala ni vincent sa kanya,tinitigan siya nang babae na halatang nadudumihan ito sa itsura niya.

“Really!? Siya ung sinabi mo na girlfriend mo?” tanung nito.

“Naku,marunong ka naman pala mag tagalog,pa english english ka pa.” mahinang saad niya.

“Ano sabi mo?! Tanung ni Alexa.

“Wala sabi ko maganda ka bingi ka lang.”saad niya kita niyang inirapan siya nito nang mata.

“Ah Tonyang,siya nga pala si Alexa,family friend namin sa maynila nagbakasyon ang buong pamilya nila ngayon sa resort.” ngiting wika nito sa kanya.

“Vincent,busy ka pala may sasabihin sana ako sayo.” wika niya sa nobyo. Pero hindi agad ito naka sagot dahil may tumawag sa phone nito.
Pagkatapos nitong makausap ang tumawag ay tumingin na ito kay tonyang.

“Tonyang,saka na lang yung sasabihin mo ha,kailangan na naming umuwi. Hinahanap na kami sa bahay.” babye! saad nito at mabilis siyang hinalikan sa pisngi at agad na pumasok ulit sa sasakyan at pinaandar ito.

Naiwan siyang tinitingnan ang papalayong sasakyan nang nobyo.At agad din tiningnan ang binigay nito,letchon caldereta, lumpia at may pa dessert pa,na cake at salad. Hindi na bago sa kanya ang pag bibigay ni vincent,sa kanya na kung ano-ano. Lagi niya itong ginagawa,lalo na pag andito ito sa baryo. Kaya agad niya itong inuwi para makain nang nanay niya.

Naabutan niya ang kanyang nanay na nasa kwarto at may tinitingnan na lumuluha naman ang mga mata.

“Nay,umiiyak kana naman ba? Pano kita makakayang iwan at pumunta nang japan,kung ganyan ka?”

“Anak,wag mo ko alalahanin,may naalala lang ako,pero kaya ko ang sarili ko.” wika nang kanyang nanay at agad pinahid ang luha sa mukha na dumaloy.

“Nay,kalimutan muna ang taong yun,kinalimutan na niya tayo.Paano ka magiging masaya kung lagi mo parin iniisip ang lalaking yun.

“Tonyang,hindi siya ibang tao tatay mo siya.”

“Wala na akong tatay nay,matagal ko na siyang pinatay sa puso ko” kaya dapat ganun din ang gawin mo nay.

“Hindi pwede tonyang,ama mo parin siya kahit gaano pa kalaki ang kasalanan niya sayo,wag mo siya pagsalitaan nang ganyan,seryosong wika nito. At anak tonyang,tuparin mo ang pangarap mong pumunta nang japan, pag nasa japan kana mag ipon ka.

“Nay,pangarap natin tong dalawa,pag naging ok ang buhay ko sa japan,bibilhan kita nang napakalawak na lupain mas triple sa lupain natin na binenta,tapos patatayuan natin nang mansyon natin.” nakangiting wika niya sa kanyang ina.

“Anak,ok lang sakin kahit hindi ako kasama sa pangarap mong yan,basta magiging maganda lang ang buhay mo at makapag asawa ka nang mabuting tao.

“Nay,para sakin ikaw ang isa sa pangarap kung pasayahin at ibigay ang gusto mo,mahal na mahal kita nanay.” naluluha niyang wika sa ina. At niyakap ito nang mahigpit.

Gabi na nang maisipan niyang puntahan ang nobyo niya,gusto niya kasi itong kausapin tungkol sa pag alis niya.

Madilim na nang maglakad siya sa lupain nang mga ito,papunta sa bahay nito,nang makita niya ang sasakyan nito naka park sa tabi,kaya agad niya itong nilapitan. Laking gulat niya nang marinig niya ang unggol at yumuyogyog ang sasakyan,kaya tiningnan niya dahil bukas lang naman ang bintana.

“Ahh,ohh ahh ohhh..ungol ni vincent at nang babaeng kasama niya kanina na si Alexa.

“Ano,masarap ba?” walang emosyong tanung niya dito.

“Oo,masarap.” hmm, saad ni vincent.

Bigla silang tumigil na maisip ibang boses ang nagsalita,kaya agad lumingon si vincent sa bintana,kita niya si tonyang. Kaya agad niyang naitulak si Alexa,nang makita ang nobya. Ngumiti lang na mapakla si tonyang saka umalis.

“Tongyang! Habol sa kanya ni vincent at hinawakan siya nito sa braso,kaya agad niya itong sinuntok sa mukha.

“Wag na wag mo kung hahawakan,nakakadiri ka katulad ka rin nang tatay ko,break na tayo!! Sigaw niya at umalis sa harapan ni vincent.

“Tonyang! Tonyang!! Rinig pa niyang sigaw ni vincent,pero hindi na niya ito nilingon.

To be continue..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top