Amazona Wife Chapter 1


She Borasca
🤦My Amazona Wife🤦

🤦Chapter 1🤦

Anim na taong gulang si tonyang nang isama siya nang kanyang ama sa bayan nang subic,may kailangan kasi itong bilhin na materyales para sa pag gawa nang bahay nila. Isang poorman nang isang construction company ang kanyang ama.

“Anak,tumingin tingin ka diyan nang gusto mong damit,bibilhan ka ni tatay malaki ang napagbintahan natin sa ating mga pananim at may sobra pa itong pera natin pagkatapos natin bilhin ang materyales para sa bahay natin.” tugon nang kanyang ama.

“Talaga,Tatay?! Ngiting tanung niya sa ama at mabilis na pumili nang mga damit at sinukat.Masaya si Tonyang sa pagmamahal nang kanyang ina at ama,dahil nag iisang anak lang siya kung hindi nakunan ang kanyang ina,noon ay may kapatid sana siya. Masyado kasing masipag ang kanyang nanay sa bukid kahit buntis na ito. Kaya lahat nang pagmamahal nang kanyang ama at ina ay naibuhos sa kanya lahat.

Habang masayang nagsusukat nang mga magagandang damit si Tonyang ay nakasalubong naman nang kanyang ama,ang kaibigan nitong enginer,kaya nag usap muna ito saglit.

“Enginer,kamusta?ano pala balita sa project niyo na gagawin sa maynila tuloy ba iyun?” tanung ni mang tony ang ama ni tonyang.

“Oo,tuloy yun. Ano sasama kaba? Kaso malayo yun dito, sa maynila kaya mo ba iwan ang mag ina mo?” tanung nito sa kanya.

“Kakayanin enginer,para naman ito sa kanila ang gagawin ko at mas malaki ang kikitain ko sa maynila,mabili ko ang gusto nang anak at asawa ko.” wika ni mang tony at tiningnan si tonyang na ngayon ay patungo na sa kanila.

“Tay,meron na akong napili ito po oh,diba ang ganda?! Ani ni tonyang at inilapat ang dress na napili sa katawan niya at umikot ikot. Nakangiti namang nakatingin ang ama niya at ang kaibigan nito.

“Oo,iha” napakaganda mo diyan sa dress mo. Ito na ba ang anak mo tony?” tanung ni enginer.

“Oo,Enginer Gaden.” nakangiting wika ni mang tony sa kaibigan.

“Dad,hindi paba tayo uuwi?” tanung nang batang lalaki na kanina pa nasa likuran ni Enginer Gaden” kaya sabay sila napalingon sa batang nagsalita.

“Enginer,yan na din ba ang anak mo?”nakangiting tanung ni mang tony.

“Oo,ito na nga ang anak kung si George” natatandaan mo noon,kasabayan lang nang asawa mo ang asawa ko nagbuntis.

“Ah,oo nga enginer” nakakatawa nga noon,sabay pa silang dalawa pumunta sa site natin na malalaki ang tiyan.”tugon ni mang tony at malakas na tumawa,napahalakhak din nang tawa ang kaibigan nitong enginer.

Samantalang ang dalawang bata ay nagkatinginan lang,tiningnan ni tonyang ang batang lalaki mula paa hanggang ulo ang batang lalaki.

Ganun din ang batang lalaki na si George,na nagpakacute pa ito at inayos ang kwelyo sa suot niya.

“Bakit kaya hindi natin sila ipagsundo pag laki nila sila ang pag asawahin natin,kasi sabay sila binuntis nang ating mga asawa at malapit rin naman tayong magkaibigan.

“Pwede naman enginer,pero saka na pag malalaki na tong mga anak natin pag usapan natin ulit yan.”

“O sige,tony” mauna na kami umuwi at nagmamadali tong anak ko.” paalam ni enginer sa mag ama.

“Ok ingat kayo enginer,magkita na lang tayo ulit sa susunod nating project.” saad ni mang tony na tinanguan naman ni Enginer,at hinawakan sa kamay ang anak niyang lalaki at tumalikod na.
Kaya tumingin na si mang tony, kay tonyang na hawak-hawak parin nito ang damit.

“Anak,hindi mo pa nabayaran yan. Baka mamaya mapagbintangan tayong magnanakaw,akin na muna yang damit mo at tanungin natin kung magkano ito para mabayaran na.” wika ni mang tony at mabilis na naglakad patungo sa tindahan kung saan kinuha ni tonyang ang damit. Susunod na sana si Tonyang,sa ama nang biglang may humawak sa braso niya ang batang lalaki na kaninang nakita niya.

“Ito para sayo yan bracelet,binili ko sampu doon,palatandaan yan na susundin ko ang sinabi nang daddy ko na ikaw ang asawahin ko paglaki natin.”wika nito sa kanya at agad iniabot ang hawak nitong bracelet kay tonyang. Nagulat naman si tonyang sa sinabi nang batang lalaki.

“Asawa?! Mga bata pa tayo,tyaka ayoko maging asawa ka.” taas kilay na wika ni tonyang.

“Paglaki pa nga natin hindi ko sinabing ngayon,at bakit ayaw mo sakin ha! Pogi naman ako.

“Pogi ka nga pero ayaw ko sa bakla.

“Anong bakla,hindi ako bakla ha.”inis na wika ni George.

“Kung hindi ka bakla,bakit kulay pink yang suot mong relo,bakla bakla! Bakla!

“Akin na nga yang bracelet,ang sungit mo pala,ayoko na maging asawa ka.” inis na wika ni George at akmang kukunin ang binigay na bracelet pero mabilis ito itinago ni Tonyang sa likuran niya.

‘Binigay muna ito,wala nang bawian.”

“Sige na nga sayo na lang yan,mura at pangit lang naman yan,katulad mo.”

“Bakla! Bakla!

“Pangit! Pangit!

“George,halika na umuwi na tayo.” sigaw nang ama ni george kaya sabay sila tumahimik.

“Pangit! Sigaw ni george at mabilis na tumakbo patungo kung saan nakatayo ang ama nito.

Agad naman tiningnan ni Tonyang ang ibinigay na bracelet nang batang lalaki sa kanya,beads ito na kulay pula at may nakasabit na malilit na hugis puso na plastic. Pagkatapos tingnan ni tonyang ang batang tumakbo papalayo ay agad niyang sinundan ang kanyang ama.

Nabayaran na nito ang kanyang damit,at pumili pa ang kanyang ama na isang damit para sa kanyang ina na nagpaiwan lang sa bahay dahil marami itong labahan.

“Tay,mahal na mahal mo din talaga si nanay nuh.”masayang wika nito sa kanyang ama.

“Aba,syempre anak wala nakung ibang mamahalin kundi ang nanay mo lang.”
Halika na anak,umuwi na tayo,baka hinihintay na tayo nang nanay mo.

“Sige,tay! Sabik narin akong ibigay kay nanay ang pasalubong natin sa kanya siguradong matutuwa iyun.

Pumara sila nang jeep para sakyan pauwi sa baryo nila,naabutan nila si Aling caring,ang ina ni tonyang na nagluluto na ito nang hapunan,agad naman itong niyakap ni mang tony ang asawa at inamoy.

“Nay,may pasalubong kami ni tatay para sayo.” masayang saad ni tonyang at inabot sa kanyang ina ang damit na binili nang kanyang tatay para dito.

Masaya naman kinuha ni Aling caring,ang damit at isinukat.

“Ang ganda nga,bagay na bagay sakin.”

“Syempre mahal,kahit anong isuot mo ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko.”at niyakap ang asawa.

Masaya namang tiningnan ni Tonyang,ang kanyang tatay at nanay na labis na nagmamahalan sa isat-isa. Masaya siyang makitang masaya ang kanyang nanay at tatay.

“Sige na,maupo na kayo at maghapunan na tayo nang maaga.”saad ni aling caring,sabay naman naupo ang kanyang mag ama.

Kukuha na sana si tonyang nang kanyang pagkain nang magsalita ang kanyang ina.

“Tonyang,ano nga ang ginagawa bago kumain?” wika nang kanyang ina na nagpapa alala sa kanya na kailangan muna magpasalamat sa panginoon bago kumain.

“Lord,GoD” maraming salamat sa biyaya niyo ngayong araw. Thank you! Mabilis na wika niya at agad kumuha nang pagkain.

“Tonyang,wag mong madaliin ang pakikipag usap sa Diyos,magtatampo sayo ang Diyos niyan,magpasalamat ka nang maayos.

“Eh,nagugutom na ako nanay ei,magpasalamat na lang ako...


ulit sa kanya,pag matutulog naku.” nakangiting wika niya sa kanyang ina at mabilis na sumubo.

“Ikaw,talagang bata ka” pero dahan-dahan lang sa pagkain baka mabulunan ka at nguyain mong mabuti baka hindi ka matunawan niyang mamayang gabi,masama yun sa katawan.” pangaral nang kanyang ina na,sanay na sanay na siyang marinig ito araw-araw.

Natahimik naman si Aling caring,nang biglang magsalita si mang tony.

“Mahal ko,mukhang mapapalayo ako sa inyo nang anim na buwan o isang taon,nakasalubong ko kanina si Enginer Gadon, sa maynila daw ang bagong proyekto na gagawin namin,sayang din kasi yun mahal pag aatrasan ko mas malaki ang kikitain sa maynila.” seryosong wika nito.

Tiningnan naman ito ni Aling caring,at nag isip muna bago magsalita.

“May magagawa paba ako mahal,kung nakapag desisyon kana.” malungkot na saad ni aling caring.

“Wag kana malungkot mahal ko,every two months uuwi na lang ako,mahirap kasi pag lagi din nauuwi sayang din ang pamasahe,ipunin na lang natin yun pambili nang bagong sapatos ni Tonyang sa darating na pasukan.” wika nito.

“Sige,mahal ko. Pero mag iingat ka lagi doon,maraming masasamang tao sa maynila,kaysa dito sa probinsya nang subic.

Habang nag uusap ang kanyang ina at ama,ay nalungkot din si Tonyang,nang isipin na hindi nila makakasama nang matagal ang kanyang tatay,kapag magtrabaho na ito sa maynila.

Pagkatapos nilang maghapunan ay naghanda narin sila sa kanilang pagtulog,nasa gitna si tonyang nang kanyang tatay at nanay,masaya niyang niyakap ang mga ito nang mahigpit hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.

Lumipas ang isang linggo,ay tinawagan na si mang tony ni Enginer Gadon,kailangan na nga nila pumunta nang maynila at simulan na ang bagong project. Inihanda na ni Mang tony,ang kanyang mga gamit at nagpaalam na rin sa kanyang mag iina. Niyakap niya muna ang mga ito,bago tuluyang tumalikod at sumakay nang pampasaherong trycle na maghahatid sa bayan.

Isang linggo ang lumipas simula nang umalis ang ama ni tonyang,ay namiss na niya agad ito. Ito kasi ang unang beses na magkalayo sila nang kanyang ama. Kaya tahimik lang silang mag iina habang kumakain nang hapunan.

Lumipas ang dalawang buwan ay masayang umuwi si Mang tony,at dala dala ang pasalubong sa kanyang mag iina,damit at laruan na binili niya sa maynila.

“Mahal,bkit ang dami mo namang pinamili baka hindi ka makakaipon niyan.” saad ni aling caring sa asawa.

“Wala yan mahal,lagi din kasi ako nag o overtime,kaya malaki laki ang kita ko.

“Eh baka ikaw,naman ang magkasakit niyan sa kaka overtime,magpahinga karin minsan.” pag aalalang wika ni aling caring pero agad siya nitong hinalikan ni mang tony.

Habang si Tonyang,ay abala sa mga laruang pasalubong nang kanyang ama at mga damit.

Lumipas ang tatlong araw ay kailangan na ulit ni Mang tony bumalik sa maynila. Malungkot na namang nagpaalam si Mang tony sa mag iina niya.

Dalawang buwan naman ang lumipas ay masayang gumising si Aling caring at Tonyang dahil ngayong araw ang uuwi nang kanyang ama. Nagluto nang masarap na ulam si Aling caring,pagkatapos niyang magluto ay naligo ito at isinuot ang bestidang binili sa kanya nang asawa.

Hanggang sa lumamig na ang niluto ni aling caring,ay hindi parin nakauwi si mang tony,hinintay pa nila hanggang gabi ay hindi ito dumating,ngunit may tumawag sa celphone ni aling caring,tiningnan niya ito at masaya siyang pangalan ni mang tony ang nakita niya.

“Mahal,anong oras ka darating lumamig na ang niluto kung ulam para sayo.” bungad na wika ni Aling caring.

“Pasensya na mahal,pero hindi ako makakauwi ngayon.” saad nito na nagpalungkot kay aling caring at tonyang.

“Bakit mahal?” namimiss kana namin.” nagtatampong wika ni Aling caring.

“Pasensya na mahal,busy ako ibaba ko na ito tatawag na lang ako ulit,ingat kayo diyan ni tonyang.” saad nito at agad na pinatay ang tawag.

Pareho namang nalungkot ang mag iina,nang binaba na ni aling caring ang kanyang celphone.

“Wag ka nang malungkot anak,busy lang ang iyung ama. Uuwi din yun siya at marami ulit na pasalubong.” wika ni Aling caring sa anak at pilit na ngumiti dito para hindi nito mahalata nang anak na nalulungkot din siya.

Lumipas ang dalawang buwan,ay hindi na naman umuwi si mang tony,nagpadala lang ito nang pera sa mag iina niya. Nakaramdam na nang pangamba si Aling caring,sa biglang pagbabago nang asawa minsan na lang ito tumatawag,o di kaya ay di na ito tumatawag kaya sila na lang ang tumatawag na mag ina kay mang tony. Na hindi naman ganun ang ginagawa nito dati,almusal tanghalian at bago maghapunan ay tumatawag naman ito sa kanila,hindi tulad ngayon na halos dalawang linggo o isang buwan pa ito tatawag sa kanilang mag ina.

“Tonyang,maghanda ka bisitahin natin ang iyung ama sa maynila.” saad ni aling caring sa anak,nang marinig ito ni tonyang ay masayang masaya ito at sabik na makita ang ama.

Pagkatapos nilang isuot ang biniling pasalubong na dress ni mang tony sa kanila ay agad na silang bumyahe.

Pagkarating nila nang maynila ay hinanap agad nila ang address kung saan ang site nang bagong proyekto ni mang tony,hindi naman sila nabigo dahil nakita naman nila iyun agad.

Naabutan nila na busy ang lahat nang construction workers sa mga ginagawa nila,kaya tahimik na lang na pumasok si Aling caring at tonyang sa site,na bagong building na ginagawa nang mga ito.

Pagpasok nila sa loob ay agad naman kinabahan si Aling caring sa nakita at agad na tumulo ang luha nang makita si mang tony na may kalambingang babaeng buntis,na sa tingin niya ay tatlong buwan na itong buntis,makinis maputi at maganda ang babaeng nakita niya na pinupunasan ang pawis ni mang tony.

Napalingon naman si Mang tony,sa kinatatayuan nang kanyang mag iina,at nagulat ito nang makita ito kaya agad itong tumayo. Mabilis naman kinuha ni Aling caring,ang kamay ni tonyang para umalis pero agad silang hinabol ni mang tony.

“Caring! Sigaw nito at hinawakan sa braso ang asawa. Malakas na sampal agad ang dumapo sa mukha ni mang tony.

“Bakit ha?! Bakit?!! Bakit nagawa mo kaming lukohin nang anak mo,bakit nagawa mo kaming ipagpalit?”

“Sorry,sorry caring” biglaan lang ang nangyari diko sinadya.” saad ni mang tony at yumuko.

“Di mo sinadya,sige pagbibigyan kita nang isang pagkakataon,sumama ka samin nang anak mo umuwi tayo at iwan mo ang babaeng yun?!! Humagolgol na wika ni aling caring.

“Caring,hindi ko magagawang iwan siya buntis siya at ako ang ama.” yukong wika ni mang tony.

“Ibig sabihin ung babaeng yun ang pinili mo,at kami nang anak mo kaya mong iwan? Ganun ba?!!

“Patawarin niyo ko caring.” Pagkatapos iyun marinig ni Aling caring ang salitang yun sa bibig ni mang tony,ay agad na siyang tumalikod at humagolgol nang iyak,naiwan si tonyang na sunod sunod na pumatak ang luha.

“Napakasama mo tay,hindi na kita idol. Kinamumuhian na kita!!sigaw ni tonyang at patakbong umalis sa harapan nang kanyang tatay at hinabol ang kanyang ina.

To be continue..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top