The Hottiest Woman Series 2 Chapter 1


๐Ÿ’ƒ๐ŸปChapter 1๐Ÿ’ƒ๐Ÿป

Inunat ko ang braso ko at niyuyogyog ang ulo ko,para mawala ang antok. Alas dos na ako nang madaling araw nakauwi,no choice kailangan kung bumangon para pumasok sa school,ayaw kung sayangin ang pag lalandi ko sa matandang may ari nang bar na pinapasukan ko na si Don Rodolfo Vegas,para maging sugar daddy ko at mapag aral ako sa pribadong eskuwelahan.

Bago ako tuluyang bumangon ay napakamot na naman ako sa ulo sa narinig ko sa labas nang kwarto ko,araw araw na lang nagbabangayan ang kuya ko at ang asawa niya,paglabas ko nang kwarto ko ay mas lalo pa nilang nilakasan ang boses nila,at sanay na ako doon at alam ko na kung ano ang mangyayari.

“Rommel,ano na saan tayo hahanap nang pambili nang gatas at diaper nang anak mo?” tanung ni ate amanda na asawa nang kuya ko.

“Wala ei,pasensiya na napasubo ako kay pareng jacob ei.” wika nang magaling kung kapatid at sabay tumingin sakin.

“Bunso,baka meron ka diyan pahiram muna nang isang libo ibibili lang namin nang gatas at diaper nang pamangkin mo.”

“Kuya,bakit nasaan ba ang kinikita mo sa pasada nang trycycle kaya nga inutangan kita nang trycycle para hindi muna iasa sakin ang pangangailangan niyo ganun parin pala.” mahinang boses na wika ko at naupo sa lamesa para mag almusal.

“Pasensiya na bunso,babawi na lang ako sa susunod.” wika nito at napakamot sa ulo.

“Kuya,sanay naku na yan lagi ang palusot mo.”saad ko at kinuha ang wallet sa bulsa ko tatlong libo lang ang kinita ko kagabi ngayon mabawasan na nang isang libo.

Pagkatapos kung maibigay kay kuya ang isang libo ay agad naman lumapit ang nanay ko.

“Anak,ung pambayad din natin sa kuryente at tubig.” nahihiyang wika nito.

“Nay,diba naibigay ko na sa inyo yun kahapon?” tanung ko kahit alam ko na kung bakit.

“Pasensiya kana anak,na italo ko sa sugal,ang perang binigay mo kahapon.” kamot noong wika nito.

“Nay naman,kailan ba kayo titigil sa pagsusugal?” inis kung wika. Daig ko pa ang isang may dosenang anak na binubuhay,maaga kasi nawala ang tatay ko,mula noon parang pasan ko na ang lahat nang obligasyon.

“Eh yan lang kasi ang pampawala nang boring ko,pagbigyan muna ako.”

Kaya agad ko naman binigay kay nanay ang isang libo at limang daan,nay ibayad niyo yan ha,last na yang pera ko.” ani ko. Nakita ko namang nagmamadali na si kuya bumaba nang hagdan at nakabihis na.

“Kuya ihatid mo ko sa eskuwelahan ha.”

“Okay,hihintayin kita pagkatapos mo.”

Pagkatapos kung mag almusal ay agad akong naligo at nagbihis nang uniporme ko at sinuot ang malaking salamin sa mata at lumabas na nang bahay,tiningnan ko ang trycycle ni kuya wala na naman ito.

“Ate,nasan si kuya?” tanung ko sa asawa niya.

“Ah baka may pasaherong inihatid bunso,hintayin mo na lang.”

“Naku malilate naku pag hihintayin ko pa siya,ate ikaw na muna bahala kay ate rose ha.” sigaw ko bago tuluyang lumabas nang bahay. si Ate rose ang panganay kung kapatid nagkasakit kasi ito kaya hindi ito makatayo,at laging iniiwan ni nanay para pumunta sa kapitbahay para magsugal.

“Honey!! Sigaw sa likuran ko,paglingon ko si Jayford,ang kapitbahay namin at kababata kung half american,nabuntis ang nanay niya nang amerkano at hindi napanagutan kaya heto mahirap na kano si Jayford,nag pipedicab ito at minsan nag coconstruction,pero gwapo at may katawan na makisig ito kung bihisan talo pa ang model at artista sa kanya. Honey ang tawag niya sakin kahit hindi kami,shortcut sa pangalan kung stephanie.

Lumapit siya sakin habang padyak nito ang pedicab.

“Honey,hatid na kita sakay na.” ngiting wika nito. Kaya nginitian ko na lang din at sumakay narin sa pidecab niya malapit lang din kasi ang school ko.

“Honey,iglip ka muna alam kung antok ka sa pagiging call center mo gabi-gabi.” wika nito.

“Naku hindi na baka mas lalo lang akong malate pag nakatulog ako at sasakit lang ulo ko pag nabitin sa tulog.”

“Ah ganun ba,sige bilisan ko na lang para hindi ka malate.” bilisan nga nito ang pagpadyak hanggang sa nakarating kami sa school tagaktak ang pawis nito,agad ko kinuha ang wallet ko para bayaran siya pero mabilis itong umalis.

“Jayford,ung bayad ko kunin mo.”

“Hindi na masaya akong naihatid ka,mamaya ulit susunduin kita.” sigaw nito at tuluyan nang umalis.

Masaya naman ako araw-araw sa ginawa ni jayford kahit kasi hindi nito sinabing gusto ako ay ramdam ko sa kanya na gusto niya ko.Pero ayaw ko rin na manligaw siya sakin baka masira lang ang pagkakaibigan namin at masaktan ko siya. Nang makita kung tuluyan nang umalis si Jayford,ay nagmamadali nakung pumasok sa loob nang school.

Dahil sa pagmamadali ko,hindi ko napansin si Audrey Hernandez kaya nabangga ko siya kasama si Mich Ravillo” ang dalawang babaeng famous sa school namin at mayayaman.

“Sorry,sorry.” yuko kong wika sa kanila,tiningnan lang ako ni Audrey,sa mukha hanggang pababa.

“Bulag ka ba ha nerd?” ang laki na nang salamin mo hindi mo pa kami nakita?” singhal sakin ni Mich.”

“Sorry.”wika ko ulit at mabilis na umalis sa harapan nila.

“Hoy,nerd” hindi pa kami tapos sayo.” sigaw ni mich pero hindi ko na iyun pinansin,tuloy tuloy ang takbo ko hanggang sa marating ko na ang classroom.

Nang matapos ang isang subject,lalabas sana ako para magbanyo nang hinarangan ako nang mga kaklase kung bully at kinuha ang bag ko.

“Akin na yang bag ko.” naluluhang sabi ko pero tinawanan lang nila ako,kita kung dumating si Audrey,pero tiningnan lang...


ako nito. Maya maya ay dumating ang teacher saka pa nila binalik ulit sakin ang bag,kaya kinuha ko iyun agad at naupo.

Pagkatapos nang isang subject naman ay breaktime na,dahil nakaramdam ako nang antok di na ako lumabas nang room at natulog muna,nagising naman ako dahil sa ingay nang mga kaklase ko na tiningnan ako at tawang tawa,hindi ko alam kung anong meron sakin at tawang tawa ang mga ito kaya lumabas na lang ako nang room at pumunta sa likuran nang school, habang naglalakad ako nakita ko ang ibang mga kaklase na tumatawa na nakatingin sakin ,at nadoon din si Aubrey Hernandez kaya pumuta na lang ako sa kabilang building at doon ko naisipang ilapag ang dala dala kung maliit na banig at nahiga,dahil sa sobrang antok ko pa kaya nakatulog naman ako agad.

Maya maya naalimpungatan ako sa narinig,nakita ko si Mich Ravillo na umakyat sa pader gusto kung matawa sa nakita kung eksena,sumabit kasi ang pulang panty ni Mich,kaya nilapitan ko.

“Anong ginagawa mo?” tanung ko.

“Pakialam mo?” singhal sakin ni mich.

“Gusto ko lang sabihin ingat ka sa susunod baka hindi lang panty ang masabit sayo kundi pati tahong mo.” mahina kung wika pero rinig ni mich kaya tiningnan ako nang masama nito,pagkatapos kung makita ang itsura ni Mich,ay umalis naku sa harapan niya. Rinig ko naman ang boses ni Aubrey Hernandez na panay ang tawa nito,sila ang famous sa school namin hindi dahil sa pagiging matalino kaya naging famous sila,dahil sa lagi itong nahuhuling umakyat sa pader,naninigarilyo at laging nambubully nang mga estudyante.

Pagkatapos nang ilang oras ay uwian ko na sa hapon,tulad nang sabi ni Jayford ay nasa labas na siya nang gate nang eskuwelahan at hinintay ako. Nang makita ako ni Jayford na lumabas nang gate ay agad itong lumapit sakin at kinuha ang bag ko.

“Sakay na,para makauwi kana agad sa inyo at makatulog ka muna bago pumasok sa call center.” wika nito,kabisado na niya ang mga ginagawa ko buong araw,minsan siya din ang naghahatid sakin sa call center.

Malapit na kami makarating nang magsalita ako.

“Jayford ihinto mo muna sa tindahan ni Aling tisay,bibilhan ko lang si ate rose nang meryenda.” mabilis naman tumango so Jayford at inihinto ang kayang pidecab.

Bumaba ako at bumili nang coke at tinapay sa tindahan ni aling tisay,pagkatapos kung bumili ay sumakay na din ako ulit,hanggang sa makarating na kami sa tapat nang bahay ko.

“Jayford,pumasok ka muna at mag meryenda sa binili ko.”

“Wag na,kayo na lang mag meryenda,sige na pumasok kana baka hinihintay ka na nang ate rose mo.”wika nito at mabilis na umalis,kaya umakyat na lang ako. Naabutan ko si ate na tuwang tuwa nang makita ako agad kung inilapag sa tabi niya ang binili ko at sabay kaming nag meryenda.

“Busog kana ba ate?” ngiting tanung ko.

“Oo salamat masarap.” wika nito at yumuko,mahiyain din kasi si ate rose.

Pagkatapos kung iligpit ang pinagkainan namin ay agad kung binuksan ang bag ko at tiningnan kung may assignment ba,nang makita kung wala ay natulog muna ako.

Tatlong oras din ang akong nakatulog nagising na lamang ako dahil sa tunog nang alarm,8:30 kasi nang gabi ang pasok ko sa bar,agad akong bumangon at naligo na nagbihis muna ako nang simpleng damit na akala nila papasok sa call center,pag baba ko naabutan ko na si nanay na naghahanda nang hapunan namin.

“O,steph kumain ka muna bago pumasok.”

“Hindi na nay,malilate naku.” wika ko at lumabas na nang bahay nakita ko naman si jayford sa harap nang bahay namin nakaupo sa pidecab niya.

“Honey,andiyan kana pala tara sakay na.”

“Kanina ka paba sakin nag hintay? Sa susunod kung matagal ako wag mo naku hintayin nakakahiya naman sayo.

“Ok lang yun Honey,masaya ako pag nahatid kita,kulang ang araw ko pag hindi kita naihatid.” ngiting wika nito.

“Ikaw talaga,sige ka hindi ka na niyan makakahanap nang jowa.” biro ko.

“Ok lang,hindi naman ako nag mamadali sa jowa na yan,may nakalaan na sa puso ko.” mahinang saad nito na ikinatuwa ko naman pero nasasaktan akong isipin na ayoko kay jayford,ayokong mag asawa na katulad ko rin na mahirap.

Maya maya ay nakarating na nga kami sa call center kung saan akala nila dito ako pumapasok,pero sa katabi pala nitong bar kaya bumaba narin ako.

“Jayford sige na umuwi kana ingat.” ngiti kung saad dito.

“Ikaw na lang honey,pumasok kana.”

“Hindi ikaw na,titingnan kita sa pag alis mo,nandito na naman ako sa work ko.”

“Sige na nga,susunduin kita mamaya ha.” wika nito.

“Wag na Jayford,kaya kung umuwi mamaya.”

“Okay sige mag iingat ka mamaya sa pag uwi.”

Tumango ako at nginitian ko lang siya nang makita kung malayo na siya ay agad akong nagmamadaling maglakad papunta sa bar,sa likod ako dumaan papasok sa bar,nakasalubong ko naman agad si Don Rodolfo Vegas ang may ari nang bar at sugar daddy ko,kahit may edad na ito malakas parin ang karisma nito at gwapo.

Mabilis ako nitong hinawakan sa bewang at hahalik sana sa labi ko pero agad ko itong iniwas kaya leeg ko ang nahalikan niya.

“Mamaya na,kailangan ko nang magbihis,magsisimula na kung kumanta.” saad ko at mabilis na umalis sa harapan niya at pumasok sa room kung saan ang tambayan nang mga kasamahan ko.

“Hi steph! Sabay sabay nitong tawag sakin,mababait ito lahat sa akin dahil alam nila na ako ang paborito ni Don Rodoldo Vegas.

To be continue..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top