CHAPTER 2
.
Natigilan si Shela sa sinabi ni Noriel..
.
Noriel : Joke lang!(sabay tawa)
.
Parang nakaramdam ng dismaya si Shela dahil aminin niya sa sarili niya na umasa siya, ngunit kinagalitan niya ang sarili dahil ang bata-bata pa daw nila ay ganun na ang iniisip niya..at hindi pinahalata ni Shela na siya ay nalungkot dahil Biro lang pala ni Noriel iyon..
.
Shela : ikaw talaga, siya sige pasok na nga ako.
.
Pahakbang na sana si Shela nang magsalita si Noriel.
.
Noriel : inaamin ko Shela—(nahinto sa pagsasalita)
Shela : anong aaminin mo?
Noriel : h-ha w-wala, sige pasok ka na..
.
Umurong ang dila ni Noriel, ang akala niya malakas na yong loob niya hindi pa daw pala.
.
Shela : ano nga??
Noriel : w-wala nga, sige uuwi na ako..
.
Mabilis nang iniwanan ni Noriel si Shela, si Shela naman, ay natitigilan pa din hanggang sa nanatili siya sa kinatatyuan niya at tinatanaw niya si Noriel hanggang sa makapasok iti sa taranggkahan ng kababata…
.
Shela : nakaka inis ka naman Noriel!!(sigaw ng isip)
.
Lumipas ang araw, laging tulala si Noriel, iniisip niya kung dapat daw ba niyang sabihin kay Shela yong nararamdaman niya.
.
Noriel : Mariel Agiflor Salva, bata pa kayo, hindi oa yana dapat ang iniisip mo, mag-aral ka muna bago ang lahat-lahat, kapag may maipagmamalaki ka na sige, ligawan mo na siya!(sabi nya sa sarili niya)
.
Hindi namamalayan ni Noriel na ang nilalaman ng puso niya ay isinusulat na niya sa kanyang notebook, iyon ay ang tungkol sa nararamdaman niya kay Shela..at hanggang sa—
.
Shela : Hoy Bulaga!!!
.
Laking gulat si Noriel dahil naroon pala si Shela sa likod niya.
.
Shela : ano ba yang sinusulat mo?.
.
At nooy nataranta si Noriel, dahil yong sinusulat niya ay para iyon sa nararamdaman niya kay Shela..
.
Noriel : ah Eto wala lang ito,
Shela : anong wala meron eh, nakita ko!
Noriel : wala nga, kulit eh, listahan lang ito ng mga pinabibili ni nanay sakin sa palengke bukas, ako kasi ang mamamalengke bukas.
Shela : e di patingin nga ako.
Noriel : huwag na nga, hay ang kulit..
.
Ngunit mapilit si Shela inaagaw niya ang notebook ni Noriel, hindi alam ni Noriel kung paano niya itatago ang notebook, mabilis niyang pinunit ang isang pilas ng notebook na pinagsulatan niya at saka niya isinubo, at nginuya nguya niya ito, halos puno ang bunganga niya ng papel, hindi siya makapagsalita, sinisinyal na lang niya kay Shela na wala na, hindi na makukuha ni Shela ang papel na isinulat ang nilalaman ng kanyang puso.
.
Shela : ay baliw ka Noriel, kadiri!
Noriel : kulit mo!!
.
At Hanggang sa malusaw na ang papel sa bunganga niya, at nagkandasuka suka si Noriel dahil may nalulunun na siya..
.
Shela : Yuck kadirs ka naman Noriel!!
.
At nooy mabilis na nagtatakbo si Noriel sa kanilang poso..
.
Carmen : uy Noriel, napapano kaba?
Shela : Aling Carmen kumain po si Noriel ng papel, nalunon po yata niya.
Carmen : ano, Noriel ginugutom ka ba, abay kung kelan tumanda saka kumain ng papel, nong bata hindi niya ginawa yun, pambihirang bata ito, bumabakim yata sa pagkabata.
.
Patuloy sa pagsuka si Noriel, tinatawanan lang si Noriel ni Shela at ng mga nakakabatang kapatid ni Noriel..
.
Ngunit dumating din yong araw na nagkaroon na talaga nang lakas ng loob si Noriel, dahil nag-alala si Noriel dahil madami nagtatangka na manligaw kay Shela, dahil nga naman sa taglay na ganda ni Shela, at taglay na katalinuhan, mabait, masipag. Lahat ay nakay Shela na..
.
Shela : Uy Noriel, bakit ba lagi ka na lang natutulala diyan, salita ako ng salita dito, hindi ka naman pala nakikinig, naintindihan mo ba yong pinaliwanag ko?
.
Nag-aaral sila ni Shela ng mga sandaling iyon, naroon sila sa silong ng puno ng mangga, sa tambayan nilang magkaka-ibigan, dalawa lang sila ni Noriel na nag re-review dahil si Lota ay hindi sumama..
.
Noriel : gusto kita Shela(mabilis niyang sabi)
.
Natigilan si Shela sa narinig niya mula kay Noriel.
.
Shela : anong sabi mo?
Noriel : gusto kita sabi ko!
Shela : g-gusto m-mo a-ako?(nauutal niyang sabi)
Noriel : gusto kita, matagal na, sorry kung sinasabi ko sayo yong nararamdaman ko, hindi ko alam kung bakit ko naramdaman ito, alam kong mga bata pa tayo, alam ko din naman na kailangan muna nating magtapos ng pag-aaral, kaya huwag kang mag-alala, hindi kita liligawan sa ngayon, gusto ko lang ipagtapat yong nararamdaman ko sayo.
.
Halata ni Shela ang hiya at panginginig ni Noriel nang sabihin sa kanyang gusto siya ng kababata, at samantala si Shela naman ay tuwang tuwa ang puso ng sabihin ni Noriel iyon, lalo na at nalaman niya na parehas pala sila ng nararamdaman ng kaibigan.
.
Noriel : Shela, please huwag kang magalit sakin, huwag mo sana akong iwasan dahil sa pinagtapat ko sayo, gusto ko lang magpakatotoo sayo, kaya huwag kang magalit sakin.
Shela : relax, Hindi naman ako nagagalit sayo.
Noriel : hindi ka galit?
Shela : Hindi!!
Noriel : salamat Shela..(sabay yakap)
.
Nagulat si Shela sa ginawa ni Noriel, at kahit si Noriel ay nabigla sa ginawa..agad bumitaw sa pagyakap si Noriel kay Shela.
.
Noriel : ay sorry!!!(nahihiyang sabi)
.
Ngiti lang ang tugon ni Shela.
.
Noriel : u-uwi na ako..
Shela : s-sige!!
Noriel : ihahatid na kita sa inyo.
Shela : hindi na, heto naman, ang lapit lapit ng bahay namin, ayun at tanawan lang, ihatid mo na lang ako ng tingin.(nakatawa nyang sabi)
Noriel : sige na nga..
.
Hiyang-hiya si Noriel Kay Shela, sa isip niya kung ano kayang mukha ang ihaharap niya Kay Shela sa kinabukasan na pagpasok nila sa school..kinagalitan niya ang sarili, kung bakit ang lakas ng loob niya na magtapat kay Shela, at ayun siya pinoproblema niya kung paano siya haharap sa kaibigan, at kung paano na daw siya makikihalubilo sa kaibigan, nag alala siya na baka daw mamaya may mabago sa samahan nila, imbis daw na nakakasama niya itong nagrereview, baka daw mamaya mabago na ang pkikitungo ni Shela sa kanya, na baka magka-ilangan na silang dalawa.parang nagsisi siya na ipagtapat kay Shela ang nararamdaman,
.
Noriel : hay bahala na!!
.
At lumipas nga ang magdamag, sumapit na ang umaga, masayang nagising si Shela, napapangiti siya kapag nagpa-flashback sa kanya yong ipinagtapat ni Noriel sa kanya..at lumipas ang oras nakagayak na si Shela, papalabas na siya ng bahay nang tawagin siya ni Helen..
.
Helen : anak, nakalimutan mo itong regalong ibibigay mo Kay Noriel..
Shela : ay opo nga pala. Sige po nay, pasok na ako,
Helen : sige.
.
Excited si Shela na lumabas ng bahay dahil, excited siyang Makita si Noriel..at hanggang sa nakita na niya ang kanilang service na nasa Tapat ng bahay nila, mabilis siyang naglakad upang makarating na sa labas ng tarangkahan nila.
.
Lota : maganda yata ang umaga mo ah.
Shela : syempre naman, sobrang ganda!!(nakangiti niyang sabi)
.
Nakasakay na si Shela sa service nila, katabi niya si Lota..
.
Lota : dahil kay Noriel Yan ano?(bulong niya)
Shela : Hindi ah!!(mahina niyang Sabi)
Lota : talaga lang ha! Pero bakit meron akong nakita?
.
Nagulat si Shela sa sinabi ni Lota nag-alala siya na baka nakita sila ni Lota na yakap siya ni Noriel, pinagpawisan tuloy yong kili-kili niya nang hindi sa oras!! Umaga pa lang nun, pero pakiramdam niya ay tumatagaktak na ang pawis niya.
.
Shela : ano ka ba hindi no, Kaya ako masaya kasi ipinangako nila nanay na kapag laging mataas ang grades ko, eh pagsusumikapan daw nila na pag-aralin ako hanggang sa college.
Lota : sus galing ng alibi ah..eh ano yong nakita ko kagabi na niyakap ka ni Nor—..
.
Tinakpan ni Shela ang bunganga ng kaibigan, dahil medyo nalakas ang boses nito..
Shela : ano kaba Lota, ang ingay mo!! Hindi nga yun, totoong pinangakuan ako ni tatay at nanay na mag aaral ako ng college, alam mo naman na yun ang pangarap ko na makapag aral ng kolehiyo at makatapos.
Lota ; ganun ba..
Shela : oo nga!!
Lota : buti ka pa, ako siguro mag-aasawa na lang..
Shela : grabe ka naman, Wala ka ba man lang ambisyon sa buhay mo!
Lota : meron, kaso Hindi naman ako kayang pag-aralin nila inang at tatang.
Shela : grabe to, pag-aasawa agad ang nasa isip mo!!
Lota : eh ano pa ba ang iisipin ko eh dun naman talaga tayo pupunta sa pag aasawa, karamihan dito satin yong mga hindi nakakapag-aral, nagsisipag-asawa na lang sila.
Shela : eh bakit mo naman sila gagayahin diba, dapat magkaroon ka ng pangarap sa buhay, kasi kung magkakaroon ka ng ambisyon sa buhay, ay hindi ka magagaya sa mga kababaihan dito sa atin, tingnan mo at hirap sila sa buhay, nagpapadami pa sila ng mga anak, gusto mo bang mangayri sayo yun?
Lota : alam mo tama ka, diba ang lolosyang na nila, samantalang ang babata pa naman nila, palibahasa kasi ang dami nilang anak, kaya wala na silang oras para sa sarili nila.
Shela : tama..
Lota : naku, mabuti na lang at meron akong kaibigan na katulad mo, salamat at iminulat mo ako sa mga kinamulatan natin sa lugar natin.
Shela : ikaw lang eh, mas mainam ng magkaroon ng pangarap, at ang mga pangarap na iyon ay kailangang pagsumikapan upang makamit..
.
Pumalakpak ng malakas si lota, dahil sa sinabi ng kaibigan..at hanggang sa
Nagtaka si Shela dahil pinaandar na ng driver Ang sasakyan nila, naroon na lahat ang mga kasama niyang estudyante ngunit Wala pa si Noriel..
.
Shela : nasaan si Noriel, Hindi ba siya papasok?(tanong niya Kay Lota)
Lota : Aysus hinahanap niya!
Shela : sira, para nagtatanong lang.
Lota : sumabay sa service ni ate Tess kanina.
Shela : ah ganun ba.
.
May panghihinayang si Shela, ngunit naibsan din ang panghihinayang dahil daw magkikita din sila sa eskwelahan. at lumipas ang kulang isang oras ay narating na nila ang eskwelahan, at hanggang sa nakarating na sila Shela at Lota sa kanilang classroom at pagpasok nila ay nakita na nila agad si Noriel, Samantalang si Noriel ay hindi siya makatingin kay Shela, hiyang-hiya siya, Kung bakit daw kasi hindi siya nahiya na sabihin ang totoong nararamdaman..Kung bakit daw ba kasi tuloy-tuloy yong dila niya, Kung bakit daw ba kasi napakadaldal ng dila niya!! At hanggang sa Lumipas ang oras, vaccant period na nila, at doon nagkaroon ng pagkakataon si Shela na kausapin si Noriel..
.
Shela : uy Noriel!! Hindi ka ba mag-memeryenda?
Noriel : hindi.(mahinang sabi)
.
Hindi tinitingnan ni Noriel si Shela..
.
Shela : ayos ka lang ba, bakit parang matamlay ka?
Noriel : hindi, wala to..
Shela : bakit ba hindi mo ako tinitingnan? Galit ka ba skin?
Noriel : ha, naku Hindi ah!!!(agad niyang sabi)
Shela : eh bakit kasi ganyan ka, ayaw mo akong pansinin.
Noriel : pinapansin naman kita ah.
Shela : eh bakit ayaw mong tumingin sakin, may ibibigay pa naman sana ako sayo.
.
At noon ay nagkalakas na ng loob si Noriel na tumingin Kay Shela..
.
Noriel : ano ba yong ibibigay mo sakin?
.
At kinuha ni Shela sa loob ng bag ang regalo na ipinabalot ni Helen para kay Noriel..
.
Shela: eto oh para sayo.
Noriel : ha, akin?
Shela : oo, pinabibigay ni nanay,
.
Kinuha ni Noriel ang regalo.
.
Noriel : salamat.
Shela: welcome! Pasensiya ka na sa nakayanan namin ha.
Noriel : nako ikaw naman, sabi ko nga sayo na kahit walang regalo ayos lang, pakisabi kay aling Helen salamat.
Shela : sige sabihin ko.
.
Lumipas ang maghapon ay unti-unti ng natatanggal ang hiya ni Noriel kay Shela, dahil parang naging normal na lang sila, walang nagbago tulad pa din ng dati nilang samahan na dalawa, na kahit nasabi na ni Noriel ang totoong nararamdaman kay Shela ay Hindi nagbago si Shela sa kanya, at labis na ikinatutuwa naman iyon ni Noriel.
.
Shela : ang hirap ng buhay, may babayaran na naman tayong project, wala na naman akong pambayad..ikaw ba nakabayad na?
Noriel : oo.
Shela : buti ka pa, deadline na sa isang araw, wala pa akong pambayad.
Noriel : bigyan kita ng pambayad.
Shela : naku, Hindi ah..bakit mo naman ako bibigyan, huwag mong gagawin yun..di mo naman ako kamag-anak..
Noriel : oo nga pero kaibigan naman kita..
Shela : kahit na ba eh..
Noriel : eh di pahihiramin kita, kapag nagkaroon ka na ng pamalit, saka mo ibibigay sakin..
Shela : hindi na muna, baka sakali na may mahanap akong raket..sa isang araw pa naman eh.
.
At hanggang sa dumating ang araw ng deadline ng kanilang bayaran..wala pa din pambayad si Shela, kaya makikiusap na lang siya sa teacher nila na bigyan pa siya ng mga 2 araw para maibigay ang bayad niya, ngunit, nagtaka siya ng sabihin ng teacher nila na, 100 percent na yong nakabayad..nagtataka siya dahil hindi pa siya nakakabayad, hinihintay niyang tanungin siya ng teacher nila kung kelan siya makakabayad ngunit Hindi siya tinatanong, talaga daw na nakabayad na nga siya..
.
Teacher : ah siya nga pala, Shela sukli mo..
Shela : s-sukli mam??
Teacher : oo sukli mo. Diba 200 yong pera mo kahapon na ipinabigay mo kay Noriel, eh wala kasi akong barya kahapon Kaya ngayon ko pa lang maibibigay yong sukli mo..oh eto oh kuhanin mo na at mag-umpisa na tayo ng klase..
.
Napatingin si Shela kaay Noriel, nginitian siya nito, nginitian din niya si Noriel..makalipas ang maghapon, habang hinihintay nila ang service pauwi, nagkaroon sila ng pagkakataong mag-usap.
.
Shela : salamat Noriel, nahihiya tuloy ako sayo.
Noriel : ano ka ba, wala Yun, Sabi ko naman sayo bibigyan kita diba?
Shela : oo, pero babayaran kita ha.
Noriel : oo na, huwag mo muna isipin Yun..
Shela : eto nga pala yong sukli mo.
Noriel : sayo na Yan..
Shela : naku Hindi naman na ah..sobra naman na kapag ibinigay mo pa sakin to.
Noriel : okay lang Yun.
Shela : ay Hindi kuhanin mo to.(pamimilit niya)
Noriel : pinakamaganda ibili na lang natin ng meryenda natin.
.
Lumipas ang mga buwan at panahon na nang anihan ng palay..
.
Helen : anak, Hindi ka pa ba napapagod, huwag ka nang mag-gapas ng palay, ako na lang ang sasama na tutulong sa tatay mo.
Shela : nanay, Hindi po ako pagod, ayos lang po ako, kayo po ang dapat na magpahinga, at kayo nga po ang high blood..
Helen : Kaya ko naman anak.
Shela : ay hindi po nay, mas mahirap na kapag sinumpong ka ng high blood mo. sige na nay, punta na po ako.
Helen : sige anak..pero anak—
Shela : nay, huwag na po kayong mag alala diyan, ayos lang po ako,
.
Papunta na si Shela sa bukid upang tulungan ang ama sa paggagapas ng palay, at hanggang sa narinig niya na may nagsalita sa likudan niya.. at si Noriel ito..
.
Noriel : ano ba yong baon mong meryenda?
Shela : Noriel ikaw pala, Wala nga akong baon na meryenda, nagpakabusog na lang ako ng kanin kanina para matagal ako sa gutom.
Noriel : ganun ba, masarap siguro yong...