Muling Ibalik ang Kahapon CHAPTER 1


❤️Muling ibalik ang kahapon♥️

.

CHAPTER 1
.
Noriel : Shela bilisan mo ikaw nalang ang hinihintay ng service, ang tagal mong gumayak!!!(sigaw niya)
.
“Mariel Aguiflor Salva, aka Noriel. Si Noriel ay kapitbahay, kaklase, at kaibigan ni Shela Mae Muris, si Shela ay napaka-responsableng anak, nina Helen at Oscar, at responsableng ate sa dalawa niyang kapatid na sina Carlos at Jimmy, si Shela ay 12 taong gulang pa lang, at nasa unang baitang sa mataas na paaralan, may pangarap si Shela para sa kanyang mga magulang at kapatid, ang maiahon niya sa kahirapan ang mga ito..
.
Shela : oo na nandiyan na!
Helen : oh anak heto na yong baon mong pagkain.
Shela : salamat po nay..sige po alis na po ako..
.
Mabilis na lumabas ng bahay si Shela dahil tawag na ng tawag ang mga kasamahan niyang magtatanim ng palay.
.
Lota : ang tagal mo naman, tinanghali ka ng gising ano?
.
Si Lota o Carlota ay kapitbahay at kaklase din nila ni Noriel, at malapit din na kamaganak ito ni Shela, magkakaibigan silang tatlo.
.
Shela : nag-review kasi ako kagabi, gabi na akong nakatulog.
Lota : ang sipag mo naman kasi..weekend naman, mahaba pa yong oras para sa pagrereview..
Shela : mas mainam na yong madaming maipasok sa utak kesa sa mangamote ako…
Lota : aray ko, panigurado ako mangangamote na ako, hindi pa ako nakakareview, dapat di ka muna nag-puyat, kailangan natin ng lakas ng katawan dahil maluwang yong tataniman natin ng palay..
Shela : kaya yan!!!
.
At lumipas ang mga sandali ay naroon na sila sa bukid na tataniman nila ng palay, makalipas pa ang oras ay nakaramdam na ng pagod ang mga manananim, isa na dun si Shela.
.
Shela : huuuuu..hirap kumita ng pera..
Lota : haaaaaa! Sinabi mo pa, buti nga ikaw wala ka masyadong cash advance. sa kabisilya natin..
‘Kabisilya’ (namumuno sa mga manananim..)
Noriel : Shela, Lota meryenda daw muna tayo..
Lota : hay salamat naman at maiuunat ko na ang balakang ko, Shela tayo na, meryenda na daw..
Shela : sige yariin ko lang yong hawak kong punlang palay..
.
Iniwan na ni lota si Shela, nagpunta na ito sa kubo na kung saan ay naroon na din ang iba pang kasamahan nilang manananim, at sa di inaasahan nakaramdam ng pagkaliyo si Shela.. Napansin siya ni Noriel.
.
Noriel : ayos ka lang ba?
.
Nilapitan ni Noriel si Shela..
.
Noriel : ayos ka lang ba?
Shela : Oo medyo sumakit lang yong ulo ko, hindi kasi ako nakakain ng maayos kaninang almusal, minamadali niyo ako eh..
Noriel : naku ha, sinisi pa kami..
Shela : totoo naman..
Noriel : halika na nga at magmeryenda na tayo..
.
At kumuha na din sina Noriel at Shela ng kanilang meryenda..
.
Noriel : oh heto sayo na yong meryenda ko, busog pa naman ako.
Shela : naku Hindi na, pareparehas tayong napapagod kaya magmeryenda ka na din..
Noriel : busog nga ako, madami akong inalmusal kanina..
Lota : Shela kung ayaw ni Shela sa akin na lang, kasi gutom pa ako.
Noriel : naku huwag na Lota madadagdagan lang yong taba mo.
Lota : grabe ka,..naku Shela kuhanin mo na, kasi alam ko naman na Crush ka niyan eh..kaya niya ibinibigay yong meryenda niya sayo..
Noriel : ikaw talaga Lota, kung ano ano yong sinasabi mo.
Shela : sige na nga, akin na, sigurado ka Noriel ha, akin na lang tong meryenda mo.
Noriel : oo.
.
Kinuha ni Shela ang meryenda ni Noriel..
.
Shela ; Crush mo ako ano!!(pabiro niyang tanong)
Noriel : hay Ewan ko sa inyo, diyan na nga lang kayo!!
Lota : ayun oh confirm, namumula yong pisngi niya!!!
Shela : ayiiee Crush niya nga ako!!(pagbibiro ulit niya)
.
Simula bata ay magkakalaro na silang tatlo palibhasa magkakapitbahay, at nang sila ay nagsipag-aral na ay walang araw na hindi sila sabay pumasok sa eskwelahan, halos hindi naghihiwalay ang tatlo dahil sila lang ang magkakakikala sa eskwelahan, hanggang sa nagkaroon na din sila ng mga ibang kalaro, kaibigan sa mga kaklase nila, ngunit nananatili na sila ay magkakasama palagi..laging nagtutulungan sa mga projects, assignment, hanggang sa nakatapos sila ng elementary at ngayon nga ay nasa mataas na paaralan na sila, Walang pinag-iba, magkakasama at magkaklase pa din sila, at kahit sa mga trabaho sa bukid…

Lota : Aminin mo na kasi Noriel..
Noriel : Wala akong aaminin!!!
.
at hanggang sa makalipas ang madaming oras, natapos na nila ang kanilang tinataniman na bukid.
.
Lota : hayyy salamat uwian na….
Shela : Diyos ko maraming salamat po at naitagpos ko ang maghapong ito..
.
natapos ang nakakapagod na maghapon ng mag-kakaibigan, nakitanim sila ng palay, upang kumita ng pera nang sa ganoon ay may pambili sila ng pangangailangan nila sa pag-aaral nila, nag-uunahan silang kumuha ng kani-kanilang gamit, at una-unahan din sa pagsakay sa kanilang service na Elf truck at dahil mabagal lumakad si Shela ay naunahan siya ng mga kasamahan niya sa may upuan..kahit si Lota ay nauna na sa kanya, at bukod tangi lang si Noriel Ang sumabay sa kanya sa paglalakad..
.
Shela : pambihirang Lota Yan iniwanan tayo..
Noriel : Hindi mo na nakabisado Yun, lagi namang ganoon, paano may crush si Lota kay Simon..tingnan mo at tatabi siya kay Simon..
Shela : siya nga???.
Noriel : oo makita mo mamaya..
Shela : eh ikaw kaya mo ba ako sinabayan dahil crush mo ako? (Nakangiti niyang Sabi)
Noriel : (namula Ang mukha) Alam mo sira ka talaga, Hindi tayo talo.
.
Natutuwa si Shela kapag binibiro niya si Noriel..
.
Shela : ha bakit, nalaman mo na sa sarili mo na bakla ka..
Noriel : hays, malaki talaga ang sira ng ulo mo bahala ka na nga diyan..
.
Binilisan ni Noriel ang lakad..si Shela naman ay tawa ng tawa..
.
Shela : hoy Noriel!! Heto naman nag bibiro lang ako!! Hoy!!! Hintayin mo ako!!
.
Binilisan na din ni Shela ang lakad dahil iniwanan na siya ni Noriel..
.
Shela : grabe tong tao na ito, Hindi na mabiro..
.
At hanggang nakarating na din si Elaine sa kanilang service, at nakita nga niya si Lota na katabi si Simon..
.
Shela : hoy bruha kang Lota ka, bakit iniwanan mo ako..
Lota : pasensya na, maaagawan ako ng upuan eh..
Shela : hmp. Ang sabihin mo gusto mo lang katabi si Simon (sa isip)
Lota : bakit naman kasi Noriel iniwanan mo si Shela, nagalit tuloy sakin.
Noriel : eh kasi naman tinotoyo siya kanina eh..
Shela : a talaga ba Noriel, tulungan mo na nga lang akong makaakyat..
.
At tinulungan ni Noriel na makasampa sa truck si Shela, hawak ni Noriel ang kamay ni Shela at hinila niya ito paakyat sa truck, ngunit sa di inaasahan ay biglang umarangkada ang truck, dahil dun napahiga si Noriel nadaganan ang iba pa nilang kasamahan at samantala naman si Shela ay napadapa sa ibabaw ni Noriel at napasubsub siya sa mukha ni Noriel at di sinasadyang nagdikit ang kanilang mga mukha at muntik nang mag-abot ang kanilang mga labi, nagdulot tuloy iyon na panunukso sa kanila ng mga kasamahan nila, mabilis na bumangon si Shela at kinagalitan niya ang driver..
.
Driver : pasensiya na akala ko nakasakay na ang lahat!!
Shela : hay napapagod ka na nga lang aasarin ka pa..
.
Halos Hindi makakilos si Noriel sa pangyayaring iyon, parang ramdam pa Noriel ang mga hininga ni Shela sa mukha niya, at ng makita niya si Shela ay pulang pula ang mga pisngi ng dalaga, sigurado daw ay sa galit o sa hiya o baka naman daw kaya kinilig ito.. Umayos ng upo si Shela sa sahig ng truck, katabi niya din si Noriel, hindi rin maiwasan na hindi magdikit ang mga balat nila dahil siksikan sila sa truck, si Noriel ay nahihiya rin sa pangyayaring iyon, ayaw niya ng ganoong pakiramdam Kaya nag-isip siya ng paraan para mawala ang pakiramdam na iyon.
.
Noriel : hoy, Shela bakit ba nanghahaba ang nguso mo, pumapangit ka tuloy..
Shela : ah talaga ba!!(pagalit niyang Sabi)
Noriel : eh bakit galit ka, ikaw yata yong may Crush sakin eh..
Shela : (namula ang pisngi)..huwag kang ganyan sipain kita!!
.
At tampulan na naman sila ng tukso..
.
Noriel&Shela : tumigil kayo mga bata pa kami!!!!(sabayan nilang Sabi)
.
Nagtawanan silang dalawa dahil parehas pa yong sinabi nila..at hanggang sa makalipang ang kulang isang oras ay nakarating na sila sa kani-kanilang mga bahay..
.
Helen : anak dumating ka na pala..
Shela : opo nay, si tatay po hindi pa dumating?
Helen : Wala pa, siguro tinatapos na nila yong pag-aararo para kabawasan bukas sa gawa nila..
Shela : maliligo na po ako nay, para makapunta na ako kila manang Delia para makuha ko na ang upa ko sa pagtatanim..
Helen : oh sige anak..pakibili mo na nga din ng gamot yong kapatid mo at bumili ka na din ng ulam natin para sa umagahan, kasi baka umalis na naman yong tatay mo bukas ng Hindi man lang nag-aalmusal..
Shela : napapaano po ba si Carlos?
Helen : nilalagnat eh..
Shela : ganun po ba..
Helen : eto Ang pera anak oh..
Shela : Hindi na po nay, itabi nio na lang po Yan, ako na po ang bahala..
Helen : ay Hindi anak, Alam ko naman na may project kang kailangang bilhin..
Shela : ayos lang po nanay
.
At ng makaligo si Shela ay nagpunta na siya agad sa bahay ni Lota..
.
Shela : auntie Maring, si Lota po?
Maring : naku ayun, namamalapit sa sakit ng puson, may dismenoriya..
Shela : ganun po ba..
.
Pinuntahan ni Shela si Lota sa kwarto nito..
.
Shela : anong nangyari sayo?
Lota : sakit ng puson ko, paki kuha mo na lang din yong upa ko..
Shela : o sige, ako na ang bahala..sige at pupunta na din ako baka kasi gabihin ako..
Lota : sige.
.
At nagpaalam na si Shela kay Maring, paglabas niya ng bahay ay nakita niya si Noriel bagong ligo na din ito.
.
Shela : Noriel, pupunta ka din ba kay manang Delia?
Noriel : oo..
Shela : sabay na tayo, hindi daw makakapunta si Lota sumasakit ang tiyan.
Noriel : ha!? bakit? Ano bang kinain nun kanina?
Shela : wala, may desminoriya daw sabi ni Anti maring.
Noriel : ano ba yun desmoriya?
Shela : hindi desmoriya, desminoriya.
Noriel : ah, eh ano ba yun?
Shela : huwag mo nang alamin, sakit ng babae yun.
Noriel : sige na nga, tara na bilisan na natin kasi baka ibagsak na yong ulan..
Shela : Kaya nga eh..
.
At mabibilis ang mga hakbang ng magkaibigan..malayo-layo din ang bahay ni Delia na kanilang kabisilya..at makalipas ang higit kalahating oras na paglalakad ay narating na nila ang bahay ni manang Delia..maraming kumukuha ng upa kaya medyo natagalan sila, dahil maraming nauna sa kanila na dumating sa bahay ni Delia, at hanggang sa nakuha na nila ang para sa kanila,..
.
Shela : o sige Noriel, bibili pa ako ng gamot ni Carlos at ng ulam namin..
Noriel : bibili din ako..
Shela : ganun ba, mabuti na lang at may makakasama ako..
Noriel : bilisan nating lumakad, malakas yong Ulan na yan oh..
Shela : oo nga, naku, takot pa naman ako sa kulog at kidlat!!
Noriel : ako din kaya.
Shela : grabe ka naman, ang tanda mo na, at saka kalalaki mong tao.
Noriel : eh bakit ikaw!
.
Napakamot sa ulo si Shela, dahil siya nga din ay takot sa kulog at kidlat, at hanggang sa nakabili na si Shela ng gamot ng kapatid niya, at nakabili na din sila ng kani-kanilang ulam.
.
Noriel : wala ka ng naklimutang bilhin?
Shela : wala na, halika na umuwi na tayo..
.
Ngunit ang kulog at kidlat ay umaarangkada na, ang tatalim na ng kidlat at dumadagundong na ang kulog..
.
Shela : ayan na nga Yong sinasabi ko, nakakatakot!!!.
.
Takot na takot si Shela, sa nagliliwanag na kisap ng kidlat, at ang maingay na dagundong ng kulog, halos napapasigaw siya sa takot..
.
Noriel : bilisan pa natin Shela, babagsak na yong ulan..
.
Halos madapa si Shela sa pagtakbo dahil pumapatak na nga ang ulan, wala naman silang masilungan dahil wala pang mga bahayan, mahabang sabana ang nilalakaran nila..
.
Shela : mababasa na tayo Noriel, ang lakas na ng mga patak..
Noriel : bilisan pa natin, sumilong muna tayo sa kubo-kubuhan ni mang Ador..
.
At mas binilisan nila ang pagtakbo para hindi sila masyadong mabasa, dahil malakas na ang patak ulan, at hanggang sa marating nila ang isang maliit na kubo. Takot na takot si Shela ganun din si Noriel, pero di niya pinapahalata kay Shela, ang tatalim ng kidlat, todo takip ng tenga si Shela. at dahil sa takot ay di niya napigilang umiyak sa takot, naawa naman si Noriel kaya tinabihan niya ito sa pagkakaupo at tinapik tapik ang likod…
.
Noriel : huwag kang matakot Shela, kasama mo naman ako..
.
At dahil sa tindi ng takot ni Shela ay sumiksik siya kay Noriel, ramdam ni Noriel na nanginginig sa takot si Shela, pinaglabanan ni Noriel ang takot, dahil kung pati daw siya matatakot ay paano na daw ang nangyari sa kanila ni Shela, mag iiyakan na lang sila, kaya niyakap na lang niya ito. at kahit papaano ay naibsan ng konti ang takot na nararamdaman ni Shela at ganun din siya..Samantala naman, labis na nag-aalala ang tatay ni Shela, dahil alam nito na takot ang anak sa kidlat at kulog..
.
Oscar : naku, kawawa naman ni Shela, sigurado ako takot na takot yun..
Helen : kasama naman niya si Noriel.
Oscar : eh paano kung hindi pala niya kasama, susundan ko na lang siya..
Helen : huwag na Oscar, may isip naman si Shela, makikisilong yun, Hindi naman siguro siya susugod sa ulan..at saka susunod ka eh, Baka mamaya matamaan ka pa ng kidlat diyan..at saka bago umulan nakausap ko yong nanay ni Noriel, wala pa daw si Noriel diyan kaya may kasama yong anak mo..
Oscar : sana nga..
.
At samantala naman ay yakap pa din nila ni Shela at Noriel ang isat isa dahil malalakas pa din ang kulog at matatalim pa din ang kidlat, at malakas pa din ang ulan..pasalamat na lang sila, dahil kahit papaano ay may nasilungan silang kubo, matagal ang naging ulan, at dahil nakaramdam ng comfort si Shela sa yakap ni Noriel, ay di niya namalayan na nakatulog na siya. Di rin namalayan ni Noriel na nakatulog na pala si Shela, hinayaan lang ni Noriel si Shela na makatulog, pinasandig ni Noriel ang ulo ni Shela sa may dibdib niya at inaalalayan niya ito, tinitiis niya kahit ngawit na ngawit siya sa pag-alalay Kay Shela..nakikiramdam lang si Noriel kung magigising na si Shela, ngunit naging mahimbing pa ito. At hanggang sa naramdaman ni Noriel na medyo mainit na ang nuo ng kaibigan, dinama ng palad niya ang nuo ni Shela at may sinat nga ito..
.
Noriel : may sinat siya!!!(pag-aalala niya)
.
at hanggang sa ginising na niya si Shela at nakita ni Noriel si Oscar sa may kalsada..napabalikwas pa si Shela..
.
Noriel : Mang Oscar!! (Sigaw niya) mang Oscar nandito po kami!!
.
At napansin ni Oscar si Noriel..makabasang baro pa ang ulan kaya di pa sila makalabas ng kubo, malapit ng dumilim..mabilis naman na nagtungo si Oscar sa kubo, may dala si Oscar na mga payong.
.
Noriel : naku, mabuti na lang po at dumating kayo mang Oscar, kung hindi aabutin na kami ng gabi dito..susugurin na nga po sana namin ang ulan eh, kaso nakatulog po si Shela, at saka parang may sinat po si Shela.
Oscar : ha?(dinama ang nuo ng anak)..oo nga Meron nga..
Noriel : naabutan po kasi kami ng ulan..kaya medyo nabasa po kami..
Oscar : masakit ba ang ulo mo anak?
Shela : medyo po tatay..
Oscar : halina kayo umuwi, oh eto ang payong Noriel.
Noriel : sige po, kayo na lang po ang magpayong..
Oscar : sukob na kami ni Shela dito sa isang payong, malaki naman ito.
Noriel : salamat po..
Oscar : oh siya Tara na, ng makapagpahinga kayo.
.
Pagod na pagod ang pakiramdam ni Shela nang dumating sa bahay, nagpalit na lang siya ng damit at nahiga na siya dahil parang gusto na niyang matulog..
.
Helen : anak gigisingin na lang kita kapag nakaluto na ako.
Shela : opo nay..
.
Samantala naman si Noriel ay tumatawag sa labas ng bahay nila Shela..
.
Helen : Noriel ikaw pala, halika tuloy ka.
Noriel : isusuli ko lang po itong payong niyo..
Helen : ah, halika, pumasok ka muna, gusto mo ng kape?
Noriel : Hindi na po aling Helen, kakakape ko lang po sa bahay..isusuli ko lang po itong payong, tutuloy na din po ako..
Helen : o sige..
Noriel : siya nga po pala, si Shela po kumusta po siya?
Helen : nasa taas, nilagnat naman na siya,marahil ay gawa na din ng pagod niya siguro.
Noriel : opo, at saka po nabasa po kasi kami sa ulan kanina..
Helen : natakot pa kamo sa kidlat at kulog..mabuti na lang at kasama ka niya kanina..
Noriel : opo nga, hindi na po natanggal yong takot niya sa kulog at kidlat ano po.
Helen : oo nga.
.
Naiiling si Noriel sa isip niya dahil kahit siya ay takot pa din sa kidlat at kulog.
.
Noriel : ..sige, po aling Helen, uuwi na po ako..
Helen : o sige,salamat ha dahil sinamahan mo si Shela.
Noriel : Wala po Yun..sige po tuloy na po ako.
Helen : sige iho.
.
Buong araw ng linggo ay Hindi lumabas ng bahay si Shela dahil sa sama ng pakiramdam nito, Kaya binibisita na lang siya ni Lota at ganun din si Noriel..
.
Helen : anak, lumabas ka diyan at nandito si Noriel..
.
Nang marinig ni Shela ang pangalan ni Noriel ay agad na bumangon ito sa higaan.. ang totoo ay parang may nabuhay sa puso ni Shela ng mga sandaling iyon, hindi niya maintindihan kung bakit may biglang siyang naramdaman sa isang sulok ng puso niya na hindi niya maipaliwanag, sa murang isip niya ay para daw may nararamdaman siyang kung ano para kay Noriel.
.
Shela : hindi, Hindi ako in-love, Bata pa ako, ayoko(Sabi sa sarili)
Helen : Shela, gising ka ba anak, nanadito si Noriel.
Shela : opo nay, andiyan na po.
.
At lumabas na si Shela sa kanyang kwarto. At paglabas niya ay nakita na niya si Noriel na nakaupo sa kanilang bangkuang kahoy.. at naupo din si Shela sa bangkuang katabi din ni Noriel.
.
Noriel : kumusta ka na?
Shela : heto, medyo masama pa din ang timpla ng katawan ko, nanlalambot pa din ako..
Noriel : sa sobrang pagod mo yan, tapos naulanan ka pa kahapon.
Shela : oo nga eh, at saka kahapon pa ng umaga na masama ang pakiramdam ko.
Noriel : masama naman na pala yong pakiramdam mo bakit sumama ka pang nagtanim.
Shela : kasi sayang din naman kasi, malapit ng matapos yong taniman..
Noriel : eh ganyan naman ang inaabot mo sakit, hindi ka makakapasok bukas?
Shela : papasok ako bukas, diba may recitation tayo bukas.
Noriel : oo, eh paano kung masama pa yong pakiramdam mo.
Shela : Kaya ko na siguro.. ano ba yang dala mo?
.
At...


noon lang naalala ni Noriel ang dala-dala niya para kay Shela.
.
Noriel : ah, mangga nga pala, para sayo,(sabay abot ng mangga)
Shela : salamat, tamang tama maganda ito para sakin, naghahanap nga yong panlasa ko ng maasim..
Noriel : ah, baka naglilihi ka..(tumatawa niyang Sabi)
.
Sinamaan ng tingin ni Shela si Noriel..
.
Shela : grabe ka, kahit kelan nakakainis ka.
Noriel : joke lang di ka na mabiro..ipagba-balat na kita..
.
Nagpunta ng kusina si Noriel upang kumuha ng kutsilyo pambalat sa mangga.. si Shela naman ay nangingiti sa isip, parang kinikilig ang isang sulok ng puso niya, kung bakit hindi na nakalimutan ni Shela ang pagkaka-trap nila sa kubo yong nakadikit siya sa katawan ni Noriel.. nag-aalala siya na baka daw may crush na siya sa kababata, at hindi nagtagal at naroon na din si Noriel na dala na nabalatang mangga..
.
Noriel : heto oh, mabuti na lang pala at may nalutong alamang si Aleng Helen..
Shela : salamat, nangangasim na nga ako.
.
At nagsimula nang kainin ni Shela ang mangga..
.
Noriel : baka hindi ka pa kumakain ng kanin, sasakit yong sikmura mo.
Shela : konti nga lang yong kinain ko wala kasi akong gana, paano wala akong panlasa..
Noriel : dapat kumain ka.
shela : oo nga ano, kukuha na nga din ako ng kanin, mukhang masarap ikain sa kanin dahil may bagong na alamang, at saka may piniritong isda si nanay..
Noriel : sige ako na ang kukuha, diyan ka na lang..
.
At mabilis na nagtungo ng kusina si Noriel.
.
Noriel : aleng Helen, kakain daw po si Shela ng kanin..
Helen : talaga ay naku mabuti naman at napapayag mong kumain yang bata na yan..
Noriel : opo nga eh..
Helen : ikaw na nga ang magsandok diyan Noriel, at madumi yong kamay ko, may piniritong isda diyan sa lamesa, ikaw na nga bahala..
Noriel : opo sige po..
.
Hindi na iba si Noriel sa pamilya ni Shela, palibhasa bata pa lang ay madalas na siyang nagpupunta roon sa bahay ni Shela, at ganun din si Shela sa bahay nila Noriel. Hindi nagtagal ay naroon na si Noriel sa sala dala ang kanin na may kasamang piniritong isda.
.
Noriel : oh kumain ka na.
Shela : ay salamat, kahiya naman sayo, pinagsilbihan mo pa ako.
Noriel : Wala yun..
.
At kumain na si Shela
.
Shela : Kain tayo.
Noriel : sige salamat, busog pa ako.
Shela : anong inulam mo?
Noriel : isda din, bumili din si nanay sa mag-sasariwa.
Shela : Kain ka ulit..
Noriel : sige okay lang ako, basta kumain ka lang para gumaling ka na.
.
Nalibang si Shela sa pagkain hindi niya namalayan na madami na siyang nakakain, nalibang siyang nakikipagkwentuhan kay Noriel, naging magana tuloy siya sa pagkain..
.
Shela : nabusog ako ah..
Noriel : mainam naman, nakainom ka na ba ng gamot?
Shela : Hindi pa din, wala na kasi akong paracetamol, paano yong binili kong gamot kahapon naubos na naming magkapatid..
Noriel : ganun ba?
.

At may inilabas si Noriel sa kanyang bulsa..
.
Noriel : eto oh, uminom ka pa,para Hindi na bumalik yong lagnat mo.
Shela : wow, gulat naman ako dun, meron kang dala.
Noriel : oo alam ko kasi na konti lang yong binili mo kahapon, Kaya nang magpunta ako sa tindahan kanina eh binilhan na kita..
.
Parang gustong kiligin ni Shela nang mga sandaling iyon..
.
Shela : salamat, nakakahiya naman, babayaran ko na lang sayo.
Noriel : Hindi na, ikaw naman para ito lang..
Shela : naku ha, ang bait mo naman.
Noriel : syempre na.man!
.
Parang nagdihilan lang ang sakit ni Shela, parang nawala ang sama ng pakiramdam niya ng kausap niya si Noriel, masigla na ang pakiramdam niya,, matagal din na nakipagkwentuhan si Noriel sa kanya, at lumipas ang mga oras at gabi na, nakahiga na ang lahat ang mga kapatid at ang mga magulang niya ngunit si Shela ay nakaupo pa siya dahil bakit hindi siya makatulog, nasa isip pa din niya si Noriel..
.
Shela : pinutukan ng lintik, ano ba naman ito, mukhang nagkakagusto na ako Kay Noriel ah!!(Sabi sa sarili)
.
Hindi makatulog si Shela, na dapat ay makatulog na daw siya para makabawi ng lakas, ngunit bakit ayaw siyang dalawin ng antok..at samanatala ay ganun din si Noriel, gising pa siya ng mga oras na iyon, tanawan lang ang mga bahay nila Noriel at Shela, Kaya si Noriel ay nakasilio sa bintana, nakatanaw siya sa bahay ng kaibigan..
.
Noriel : Shela gusto kita, hindi ko alam kung masasabi ko sayo na gusto kita kasi mga bata pa tayo..(Sabi sa isip)
.
Samantala naman si Shela ay nahiga na sa kanyang papag, dahil pipilitin niya daw na makatulog dahil sa kailangan niyang makabawi ng lakas..at hindi nagtagal ay nakatulog na din siya, at lumipas ang magdamag, nagising na din si Shela ng marinig niya ang kalantog ng kaldero, magsasaing na ang nanay niya ng Almusal..Kaya bumangon na din siya,
.
Helen : oh anak, bakit bumangon ka na?
Shela : papasok po ako ngayon nay..
Helen : mag-absent ka muna, baka masama pa ang pakiramdam mo.
Shela : okay na po ako nay..
Helen : sigurado ka?
Shela ; opo at saka hindi po ako pwedeng mag-absent nay, may recitation po kami eh..
Helen : ganun ba.
.
Lumipas pa ang oras, ay nakagayak na si Shela, nag-aabang na sila ng service ni Lota, at paparating na din si Noriel nang mga sandaling iyon, at sa hindi niya maipaliwanag ay lumulundag ang puso niya sa saya, pinapakalma niya ang sarili dahil kailangan daw na maging normal lang siya kapag nasa malapit na si Noriel, ngunit si lota ay hindi nakatulong ang pagpapakalma niya sa sarili niya dahil sa buset daw niyang kaibigang si Lota na gustong gusto niyang kurut-kurutin..
.
Lota : ang gwapo ng boyfriend mo.
Shela : tumigil ka Lota, huwag kang pang asar..
Lota : weh, pero ang totoo kinikilig ka.
Shela : lotaaaaa!!!!!(madiin niyang Sabi)
Noriel : Shela, magaling kana?(sabay hipo sa noo niya)
Lota : Asus ka-sweet naman!!!
Shela : Lota, magtigil ka!!(pinandilatan ng mata)
Noriel : Kaya mo na talagang pumasok?
Shela : oo kaya ko na, maayos na naman na yong pakiramdam ko.
.
At Hindi nagtagal ay dumating na ang service nilang XLT.. una-unahan na nagsipag-sakayan ang mga kasamahan nilang studyante sa pagsakay sa sasakyan, at dahil sa parang huminto ang mundo ng dalawa na Sina Shela at Noriel ay nahuli sila sa pagsakay, magkatabi sila sa parteng dulo ng upuan, dahil don ay natotong kumalabog ang puso ni Shela at ganun din si Noriel, lalo silang nagkakadikit kapag nadadaan sa bako bako ang sasakyan.. at malaking pasasalamat ni Shela nang makarating na sila sa kanilang school.. unang bumaba si Noriel, at sumunod na si Shela mabilis lumakad si Shela hindi na nga niya hinintay pa si Lota dahil alam na niya uulanin siya ng tukso ni Lota, at hanggang sa makarating na si Shela sa kanilang class room. At lumipas pa ang mga sandali ay nag-umpisa na silang magklase, nahuhulihan niya na nakatingin sa kanya si Noriel, dahil pasulyap-sulyap din kasi si Shela kay Noriel, at hanggang sa magkasalubong ang kanilang mga tingin, nginitian naman nila ang isat isa,. at tulad ng kanilang inaasahan ay nagkaroon sila ng recitation at long test, handang handa si Shela doon dahil hindi naman siya pabaya sa pag-aaral, si Noriel ay ganun din ngunit si Lota ay hindi, makalipas pa ang oras ay vaccant period na nila..
.
Lota : grabe ang mga tinginan kanina ah,..
Shela : Lota tumigil ka ha, bago ka mang-asar ang atupagin mo ay ang pag-aaral mo, mag-review ka nga, kung ano-ano ang inaatupag mo, tuloy hindi ka nakasagot sa tanong ng teacher natin..
Lota : oo nga nakakainis, kung bakit kasi hindi ko nareview yong tinanong kanina asar!!
Shela : eh paano kung ano-ano yang inuuna mo.
Lota : oo na sige na, isali niyo na ako ni Noriel sa group study niyo, huwag kayong nagso-solong dalawa.
Shela : hay anong nagsosolo, hindi kami nagso-solo ni Noriel, tinatawag ka namin, pero hindi mo kami pinupuntahan, kaya mas-mabuti pa na kanya-kanya na lang ng review..
Lota : naku ha, ayaw mo talagang pa-istorbo ah..
Shela : hay Ewan ko sayo Lota, magkakaibigan tayo nila Noriel, bakit mo kami tinutukso!!
Lota : pansin ko lang, mas sweet sayo si Noriel kesa sakin..
Shela : hay nako nagselos ka?
Lota : eh basta, parang may something sa inyo.
Shela : hay lota, mga bata pa tayo sa mga ganyang bagay, at isa pa hindi kami talo ni Noriel, para lang magkakamag-anak tayo.
Lota : ako oo, kamag-anak tayo, pero si Noriel hindi natin siya kamag anak kaya pwede natin kataluhin..
Shela : hay ewan ko sayo Carlota.
.
Nauna nang bumalik si Shela sa kanilang classroom hindi na niya hinintay pa si Lota, Ang totoo, nahihirapan yong kalooban ni lota dahil habang tumatagal at habang nakikita niya kung gaano karesponsableng tao, kaibigan, anak si Noriel, ay lalong nahuhulog ang loob niya, ngunit nasasaktan siya dahil mas nagiging malapit si Noriel kay Shela, kaya hinuhuli-huli niya si Shela kung si Noriel at Shela ay may ugnayan na, at samantala naman, nasalubong niya si Noriel
.
Noriel : nag-meryenda ka na?
Shela : oo, bumili na ako, ikaw?
Noriel : Hindi pa nga, hindi na ako magmemeryenda, magri-review muna ako, kasi may Long test pa din pala tayo mamaya sa science..
Shela : ha, diba bukas pa yun?
Noriel : eh Sabi ni Ms. Flores ngayon na din daw yun.
Shela : ganun ba, sige mag-review na tayo, tig-isa na lang tayo sa sandwinch na binili ko..
.
At pumasok na sila sa kanilang classroom at tahimik silang nagri-review.. Hindi pa sumunod agad si Lota Kay Shela, nakipag-sitsitan pa ito sa iba nilang kaklase..at hanggang sa natapos na ang vaccant nila, nagsipasukan na din ang iba pa nilang mga kakalse.. at hanggang sa naroon na din sa classroom nila ang kanilang science teacher, at nagulat ang mga kaklase nila ng sabihin ng teacher nila na magkakaroon sila ng pagsusulit.. at hanggang sa natapos na ang kanilang pagsusulit, at pina-check na sa kanila ang kanilang pagsusulit, at hindi natuwa ang kanilang teacher sa resulta ng kanilang pagsusulit..
.
Teacher : anong klase pag-aaral ba ang ginagawa ninyo, talagang gusto niyo bang bumagsak sa klase ko, si Shela at Noriel lang yata ang nag-aaral dito ah, sila lang ang may maraming sagot..kayo anong ginagawa ninyo, nakikipagligawan lang!!! Bakit Hindi ninyo gayahin shela at Noriel..
.
Kaya sa galit ng teacher nila, ay binigyan sila ng Homework, na sobrang hirap, at kailangan daw na makapagpass sila kinabukasan, para makabawi sa mga bagsak na test, ngunit kay Shela ay simple lang para sa kanila ang ibinigay na homework, dahil matalino at madali lang pumick-up ng mga discussion si Shela..at lumipas ang maghapon ay naka-uwi na din sila sa kani-kanilang bahay.
.
Noriel : magandang gabi po mang Oscar.
Oscar : oh Noriel, ikaw pala, halika tuloy ka.
Noriel : salamat po, si Shela po?
Oscar : nandito, aakyat kaba ng ligaw?
.
Nanlaki ang mga mata ni Noriel sa sinabi ni Oscar. Napakamot sa ulo si Noriel.
.
Noriel : H-hindi po!!! Mag-aaral po kami.
Oscar : oh relax ka lang, binibiro lang kita..
Noriel : si mang Oscar talaga!!
Oscar : Shela, nandito si Noriel, aakyat daw siya ng ligaw sayo!! (Natatawang Sabi)
Noriel : mang Oscar naman!!
.
Samantalang si Shela naman ay bumilis ang tibok ng kanyang puso, sa narinig sa ama, ngunit ng marinig niyang nabgbibiro ito ay kumalma naman siya agad..
.
Shela : si tatay talaga puro ka biro..
Oscar : malay ko ba, o siya sige, maiwan ko na kayo diyan at titignan ko yong pinapatubigan Kong bukid.
Shela : sige po Tay, nako Noriel pasensiya ka na kay Tatay haml.
Noriel : ayos lang, ano mag-aral na tayo.
Shela : sige.
Noriel : kumain na ba kayo?
Shela : oo, kakatapos lang namin kumain.
Noriel : si aleng helen?
Shela : nasa kapitbahay, may kinuha lang sandali, eh ikaw kumain na kayo?
Noriel : Hindi pa, mamaya na alng ako kakain..
Shela : eh di kumain ka dito.
Noriel : Hindi na, busog pa naman ako eh, kakameryenda ko lang, bakit wala pa si Lota.?
Shela : Ewan ko ba sa babae na iyon, sabi ko naman sa kanya na mag-aaral tayo ngayon, hayaan mo na nga siya jung ayaw niya bruha na Yun, walang ginawa kundi biruin ako sayo!!
.
Napahinto sa pagsasalita si Shela dahil naisip niya bakit ba nag-sumbong siya kay Noriel baka mamaya isipin pa daw na siguro nahahalata ni Lota na may pagtingin siya dito.
.
Noriel : hayaan mo yang Lota na yan, sabi siguro magboyfriend-girlfriend na tayo.
Shela : ay grabe ka, ikaw din eh..
Noriel : oh bakit?
Shela : binibiro mo din ako eh!! Sige ka bahala ka sa assignment natin, hindi kita tuturuan.
Noriel : sorry na!!
.
Natutuwa si Noriel dahil nagagawa niyang biruin si Shela, ang laki na kasi ng pinagbago ni Shela, na dati mukhang gusgusin ay ngayon ay maayos na ito, at lalo itong gumanda, matagal nang may crush si Noriel sa kababata, ngunit inililihim niya lang ito, nasa Grade 2 pa lang sila ay natutunan na niyang humanga dito, hanggang sa hindi na lang niya basta crush, pangarap na niya iting maging girlfriend, pero hindi niya alam kung kelan siya maglalakas ng loob para ipagtapat kay Shela ang nararamdaman niya dito.
.
Shela : huy Noriel Tara na nga mag-umpisa na tayo, bakit nakatulala ka pa diyan..
Noriel : ah o-oo game na..
.
Naging mas malapit sina Shela at Noriel, laging nagtutulungan sa mga takdang aralin, natutuwa ang mga magulang ni Noriel dahil naging matataas na ang marka ni Noriel..
.
Carmen (nanay ni Noriel) : Shela, mabuti naman at naiimpluwensiyahan mo si Noriel sa sipag mong mag-aral, mabuti nalang at sa inyo nababarkada yang si Noriel.
Shela : opo nga, kesa po kila Badong na walang ginawa, kundi mag-cutting classes..
Marites (ate ni Noriel) : naku, eh pano may gusto si Noriel kay Shela nay kaya Kay shela bumabarkada..oo Shela maniwala ka sakin totoo yong sinasabi ko.(baling niya Kay Shela)
.
Namumula ang pisngi ni Shela sa narinig niya Kay Marites..at noon ay naroon na din si Noriel galing ng tindahan, may dala-dalang yelo,
.
Noriel : ate, ano ba yang sinasabi mo Kay Shela?
Marites : wala sabi ko may gusto ka Kay Shela.
Noriel : si Ate naman oh.. Nanay si Ate nga oh.
Carmen : Marites tigilan mo nga yong kapatid mo..
.
Natutuwa naman sa isip si Shela, kinikilig ang puso niya, dahil kahit siya ay may gusto Kay Noriel, noon pa din ay humahanga na rin siya kay Noriel, dahil sa sipag at mabait na anak..
.
Carmen : Shela si Helen, bakit hindi ba pupunta dito?
Shela : hindi po, nasa bayan po sila ni tatay.
Carmen : eh sila Jimmy at Carlos?
Shela : kasama din po sila.
Carmen : ganun ba, di bale ipag-uwi mo nalang Sila ng handa ni Noriel mamaya, pakitingnan niyo nga Muna itong niluluto ko, at may kukuhanin lang ako sandali sa labas..
.
At hanggang sa nagsolo na sina Noriel at Shela.
.
Shela : happy birthday Noriel!
Noriel : salamat..pasensiya ka na Kay ate ah, baka maniwala ka doon, Hindi totoo yong sinasabi nun..
Shela : hindi ako maniniwala.
Noriel : Sobrang sinungaling si Ate Maritess.
Shela : imaw talaga, baka mamaya marinig ka ni Ate Tess, madami ka yatang handa ah,(pag-iiba niya)
Noriel : konti lang, ipinaghanda ako ni nanay dahil natuwa sa mga Grades ko, mataas daw kasi eh..
Shela : ganun ba..congrats nga pala sayo, ang taas ng grades mo..
Noriel : congrats din sayo, kasi mas mataas yong grades mo, sigurado na ikaw na ang first honor.
Shela : Hindi naman.
Noriel : anong Hindi, katalino mo nga, yong taas ng grade ko ngayon dahil sayo yun..
Shela : matalino ka din naman, kaya kung mataas man ang grades mo ay dahil sa iyo yun, pinaghirapan mo..
Noriel : talaga, kaya gusto kita eh, kasi lagi mong—–(nahinto sa pagsasalita si Ram)
Shela : ha??
Noriel : ang ibig kong sabihin, nagagaya ako sa kasipagan mong mag-aral.
Shela : ah..naku mukhang masarap yang niluluto ni aleng Carmen.(pang-iiba ulit niya sa kanilang topic)
Noriel : oo masarap talagang magluto si nanay..
.
At Hindi nagtagal ay nagsasalo-salo na sila sa handa ni Noriel na niluto ni Carmen..
.
Lota : meron pa bang tirang handa? pakain naman ako..
Noriel : lota halika, tuloy ka..
Lota : happy bday Noriel!!
Noriel : salamat!!!
Shela : hi lota.
Lota : kadaya, nandito na pala to, Hindi man lang ako hinintay, gusto talagang masolo si Noriel…
Shela : uy grabe ka, walang ganun!! ang tagal mo naman kasi eh..halika na, sabayan mo na kaking kumain ni Noriel.
.
Naupo na din si Lota sa upuan, magkaaharap silang tatlo sa lamesa, inabutan ni Shela ng plato si Lota, at naglagay na din si Lota ng pagkain sa plato niya, at hanggang sa nag-umlisa na din siyang kumain, nakamasid lang si Lota sa mga kaibigan, masaya itong mga nagtatawanan, at nakikitawa na din siya, nakaramdam siya ng selos dahil todo ang istima ni Noriel kay Shela kesa sa kanya, halata ni Lota na may kakaiba daw kay Noriel, at ganun din kay Shela sa nakikita, at hanggang sa natapos na silang kumain, hindi na nagtagal si Lota nagpaalam na siya kay Aling Carmen..
.
Lota ; aleng Carmen, uuwi na po ako, salamat po sa pauwi ninyo..
Carmen : wala yun.
Shela : Sabay na tayo Lota.
Lota : mauuna na ako sayo, may gagawin pa kasi ako eh.
Elaine : ganun ba, sige magpapa alam na din ako, Noriel uuwi na din ako.
Noriel : sandali lang Shela, naggagayak pa si nanay ng iuuwi mo.
Lota : o sige Jan na kayo..sige Noriel happy bday ulit..
Noriel : salamat.
.
At hanggang as lumipas pa ang nga ilang sandali ay naigayak na ni Carmen ang mga pauwi niya Kay Shela..
.
Shela : naku, andami naman po nito.
Carmen : konti lang naman..
Noriel : ihahatid na kita Shela..
Shela : Hindi na, okay na ako, ang lapit lang naman ng bahay namin..
Maritess : sabi ko naman kasi sayo Shela may gusto sayo si Noriel..
Noriel : nanay si ate!!!!
Carmen : sige na Noriel ihatid mo nasi Shela, Tess tigilan mong kapatid mo!!
.
At inihatid na nga ni Noriel si Shela, nakita ni Lota na magkasama si Noriel at Shela, at ihahatid pa ni Noriel si Shela sa bahay nito, nakakaramdam talaga siya ng panibugho sa dibdib niya, dahil si Lota ay may gusto din siya kay Noriel..
.
Shela : salamat Noriel sa paghatid. At pasensiya ka na wala akong regalo sayo ngayon, hayaan mo kapag nagkapera ako, reregaluhan kita kahit hindi mo bday.
Noriel : wala yun, hindi naman mahalaga yong regalo, ang mahalaga, yong presensiya mo sa bday ko..
Shela : naks, talaga ba..
Noriel : oo, sapat na sakin yong nandiyan ka..
Shela : naku ha, siguro totoo yong sinasabi ni ate Tess no, may gusto ka sakin no—-
Noriel : eh kung sabihin ko sayong OO..
.
Nanlaki ang mga mata ni Shela sa sinabi ni Noriel….
.
.
Itutuloy..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top