DAMN YOU CRUSH!


DAMN YOU CRUSH!
Ilang araw na akong nagpapa-pansin sa crush kong si Hellion pero hindi n’ya parin makita ang halaga ko.
Balewala parin ang isang babaeng katulad ko na matagal na sa kanyang may gusto.
Hindi n’ya parin napapansin na naiinis ako sa kanya dahil hindi man lang n’ya ko magawang ngitian pabalik.
Ganon na ba s’ya kamanhid? Ganon na ba katigas ang puso n’ya para sakin? Gosh! He dislike me so much ha? Tsk!
“DAMN YOU CRUSH!!” sigaw ko ng hindi ko namamalayan.
:Hahaha!
:Halatang palagi mong iniisip si Hellion, Avaina ah? Hahaha!
:Palagi bang tumatakbo sa isipan mo si Hellion? Hahaha!
Sigaw na komento ng mga kaklase ko, naghihiyawan na rin. Sa totoo lang kasi ay alam nilang baliw na baliw ako kay Hellion.
“What did you say Ms. Gray?” tanong ng terror teacher namin sa English.
Langya! May lesson pala kami ngayon.
” A-Ah e-” nauutal na sabi ko dahil sa pagkapahiya.
“Pakiulit nga ng sinabi mo Avaina Gray?” ngayon ay sabat naman ni Hellion dahilan para makaramdam ako ng todo-todong kaba.
Kailangan pa ba talagang bigkasin ang kompletong pangalan ko?
Langya. Kung pwede lang sanang maglaho ako ngayon ay ginawa ko na.
“Hindi mo naman kasi pinapansin Hellion!” one of my classmate shouted.
“Na-damn you ka tuloy!” dagdag pa ng napaka-bait kong kaibigan dahilan para magsitawanan na naman ang lahat kabilang na ang aming guro.
At dahilan din para mapadako ang tingin ko sa lalaking matagal ko ng gusto. Kita ko rin sa mukha nito...


ang pagpipigil ng ngiti habang nakatitig sa akin.
“So, You hate me that much ha?” tumayo ito sa pagkakaupo at agad na lumapit sa aking pwesto.
“H-ha?? Hindi ah!” nauutal na saad ko.
“Really?? So, what do you mean about “Damn you crush!!” panggagaya nito sa sinabi ko.
“I…I didn’t mean to spill it out lou–”
“Just answer me directly Aviana. Do you hate me?”
“S-Sakto lang…” nahihiyang pag-amin ko.
“Really huh?” he said mischievously. ” But it’s okay. Alam ko naman na hating me means loving me. Am I right?” he uttered.
“A-Ano bang pinagsasabi mo?” kinakabahang tanong ko.
My lips shivered a bit.
“Na mahal mo ako” he answered, while grinning.
“Ang kapal naman ng mukha mo! Crush lang kita hindi maha–”
“So from now on, boyfriend mo na ako at girlfriend na rin kita. Kaya ‘wag ka ng magtampo sa pambabalewala ko” he cut my words and then kissed me in the forehead.
Dahilan para magkagulo ang buong klase.
“Avaina, can I continue my discussion now?” biglang sabat ng teacher namin.
Panira naman si Ma’am eh.
“Y-yes po” tanging sagot ko na lamang.
“Hellion?”
“Sure Madam” magalang na sagot ni Hellion.
“So, pwede kana bang bumalik sa upuan mo Hellion? My son”
My son.
My son.
My son.
“M-Mag-ina kayo?!” gulat na tanong ko.
Napatayo pa ako dahil sa gulat.
“Yes baby. And soon, magiging ina mo na din s’ya.” sagot ni Hellion dahilan para kumalabog nang malakas ang dibdib ko.
Langya! Inggit yung nagbabasa.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top