THE GIRL AT MENTAL HOSPITAL
I have a girlfriend named Aezy. I met her when I was in high school at talaga namang nahulog agad ang loob ko sa kanya. We’ve been in a relationship for almost 6 years.
Aezy is a kind of girlfriend that every man would wishing for. S’ya yung tipo ng babae na kapag nakuha mo na, kayhirap ng pakawalan pa. Kaya naman nung nagkaroon ako ng pagkakataon na ligawan s’ya ay ginawa ko na. I courted her for almost in a half year and when I received her sweetest yes, walang pagsidlan ang aking saya. At hindi ko ata kakayaning mahiwalay pa sa kan’ya.
Ngunit sadyang mapagbiro talaga ang tadhana. Nagkasakit ang aking ama at kailangan kong magkaroon ng malaking halaga. Kaya naman ng may umalok saking mag-ibang bansa, tinanggap ko na. Kahit pa’y hindi ko kayang iwan ang aking nobya.
“Hon, p-pwede bang ‘wag ka nang u-umalis?” her voice broke.
I took a deep breath after hearing those words. Napapikit pa ako dahil sa naramdaman kong sakit sa kanyang boses.
As I opened my eyes, I immediately saw the tears form into her eyes.
My jaw dropped. “H-Hey! Why are you crying?” tanong ko sa kanya kahit pa’y alam ko na ang dahilan.
I walked towards her at pinunasan pa ang kanyang luha.
“Please…” she pleaded.
“Love, alam mo naman kung bakit ako aalis hindi ba?” I said as I cupped her face with my two palms. “Naiintindihan mo naman diba?” I added.
Tumango s’ya habang patuloy parin sa pagluha. “Y-Yes… But I-I can’t imagine myself l-living w-without you” she answered. Hinawakan n’ya pa ako nang mahigpit sa braso dahil sa paghihinang nararamdaman.
“I-Isipin mo nalang na para din ito sa kinabukasan natin ha? Promise, when I comeback, I will marry you right away…” I said.
Imbes na matuwa sa sinabi ko, umiyak lang ito nang umiyak sa mismong aking dibdib.
“Pa..papaano kung magising ka nalang isang araw na hindi na a-ako ang m-mahal mo?” she asked.
I stiffened. “That will never gonna happen” I said as I give her a reassuring smile.
“Babalik ka ha?” she said.
It was enough reason to shatter my heart completely.
“Ofcourse! That’s a promise” I answered.
After that heartbreaking conversation, hinatid n’ya ko sa airport. Bakas sa kanyang mukha ang lungkot dahilan para mahirapan pa ako nung umpisa na umalis. At kahit gustohin ko mang makasama pa s’ya ng ilang oras ay wala na akong magagawa. Nakatadhana nang magkalayo kami sa isat-isa at hindi na ito mapipigil pa.
I wiped away her tears and hugged her tightly. I even tilted my head to give her a peck of kiss in the lips.
“Balang araw, gigising ako sa umaga na mukha mo na agad ang s’yang aking makikita. At sa araw ding iyon, asawa na kita” nakangiti at malamyos ang tinig na saad ko bago s’ya tinalikuran. “S-sana lang ay hindi mo ako magawang palitan…” bulong ko pa habang tinatahak ang daan.
It almost a week since I flew my way here in Dubai. Hindi rin maipagkakailang miss na miss ko na ang aking pamilya lalo na si Aezy. Walang araw na hindi ko s’ya naiisip at ang malulungkot nitong mga mata ang palaging pumapasok sa aking isipan.
Kaya naman sa mga sumunod na araw at buwan, palagi ko s’yang tinatawagan. At kahit na mahirap, pinipilit kong pagkasyahin ang oras ko, makausap ko lamang s’ya.
Naging ayos naman ang relasyon namin sa isat-isa. Kaakibat nang maayos na pagpapadala ko ng pera sa aking pamilya ay nagsimula narin akong mag-ipon para sa kasal na ipinangako ko sa aking nobya. Gusto ko kasi na kapag natapos ko na ang apat na taong kontrata dito sa Dubai, kasal agad ang aasikasuhin ko pag-uwi sa Pilipinas.
Isipin palang na magiging asawa ko s’ya, sobrang swerte ko na. And having her in my life is the greatest gift I received from God above.
Babe, hintayin mo lang ako at sa pagbabalik ko, sisiguradohin ko sayong hindi na tayo magkakahiwalay pa.
But 7 months had passed, our relationship became cold as ice.
Kasi kung gaano ko tiniis ang sakit at hirap dito sa ibang bansa para matupad lang ang pangarap naming dalawa, s’ya naman itong nag-iba. Naging malamig ang pakikitungo n’ya sakin at minsan pa nga’y hindi n’ya na sinasagot ang aking tawag. Kung sasagutin man ay bulyaw agad ang kanyang bungad.
Pansin ko rin na naging mainitin ang ang kanyang ulo. May oras din na naririnig ko ang hikbi nito. Kapag tinatanong ko s’ya kung ano ang problema at kung okay lang ba s’ya, tanging “Wala. Ayos lang ako” ang natatanggap ko.
Sa madaling salita, hindi ko na s’ya kilala. Hindi na s’ya yung taong minahal ko na kapag may problema, palaging ako ang sandalan n’ya. Hindi na s’ya yung babaeng nakilala ko sa mga nakalipas na taon. At higit sa lahat, hindi na s’ya yung babaeng minahal ko noon. Ibang-iba na s’ya.
Because of thinking about her, I could no longer sleep at night and get into my work. Gustong-gusto ko narin ang umuwi sa Pilipinas para malaman ko kung ano nga ba ang problema ng aking nobya but my contract isn’t over yet.
Hanggang sa dumating ang araw na wala na akong naging balita sa kanya. I contacted her so many times but cannot be reached. I even asked my family what happen to her pero hindi rin daw nila alam.
Until one day, my mother told me everything. She told me na nakita n’ya ang aking nobya na may kasamang iba. At ang tanging gawin ko na lamang daw ay kalimutan s’ya dahil sa halata na daw na may relasyon ang dalawa. At first, hindi ako naniwala. Nagalit pa nga ako sa aking ina dahil sa pambibintang n’ya sa aking nobya.
Ngunit halos tinusok ng libu-libong karayom ang aking puso nang malaman ko na nagsasabi ng totoo ang aking ina. Pinadalhan kasi ako nito ng litrato ng aking nobya na may kasama ngang iba.
Gusto kong magalit sa girlfriend ko nang lubusan pero hindi ko...