The Man in my Dreams CHAPTER 9


Drake : hayop ka talagang babae ka, nasaan yong lalaki mo??(galit niyang tanong)
Jera : A-anong l-lalaki b-bang s-sinasani mo!!!(gimbal niyang tanong)
.
Nagkakabuhol buhol ang hininga niya sa takot, ayun na daw ang sinasabi niya, patay na daw siya.
.
Drake : may itinatago ka!!!
Jera : wala akong itinatago drake!
.
Nakita ni Drake ang puro dugong damit ni Jojo, kinuha nito ang damit at inihagis sa mukha ni Jera.
.
Drake : eh ano to?
.
Namanhid ang buong katawan ni Jera sa takot.
.
Drake : anong ibig sabihin nito, kasama mo yong lalaki na yun dito sa kwarto mo, at kasama mo din siyang natutulog dito?(nanggagalaiti niyang tanong)
.
Nagimbal si Jera, at hindi niya akalain na nandoon ang damit ni jojo na puro dugo, nagpapanic na ang isip niya, ano kaya yong sasabihin niyang paliwanag kay drake.
.
Jera : drake, huwag kang magalit–
Drake : Hayop ka Jera!!
.
nanginginig na siya sa takot, at halos nga na maihi na siya sa takot, nakikita niya na nanlilisik ang mga mata ni drake sa kanya, at kitang kita niya ang galit sa mukha nito, nagsimula ng umiyak si Jera dahil wala na siyang lusot,
.
Jera ; magpapaliwanag ako drake!
Drake : hayop ka!!!
.
lumapit kay Jeralene, at isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Jera.
.
Jera : Ughh, drake!!
.
Hawak ni Jera ang pisngi na sinampal ni Drake.
.
Drake : hayop ka, ipinagtanggol kita kay kuya tapos ito yong gagawin mo sakin, niloloko mo ako, may nangyari sa inyo ano??(nanlilisik ang mga mata)
.
At muli niyang hinampas ang mukha
ni Jera, at pumutok ang labi ni Jera sa pagkakaapok sa kanya ni drake na halos mamanhid ang mukha ni Jera sa bigat ng palad nito na dumapo sa mukha niya.
.
Jera : wala drake, mali yong iniisip mo, tinulungan ko lang siya, walang nangyari samin. Sorry drake, kaya ko lang naman ginawa na pakawalan siya kasi hindi kaya ng konsensiya ko!!
at muling dumapo ang kamay ni Drake sa pisngi ni Jera, mas malakas na sampal ang tinamo ni Jera, na halos makapagpabiling sa mukha niya.
.
Drake : sinungaling! Isa kang traydor!!!
.
Hinawakan ni Drake si Jera at isinaldak si Jera sa kama.
.
Drake : puwes matitikman mo ang ganti ko sayo!
.
Jera : wag drake maawa ka!!!.
.
Napahiga si Jera sa kama at siya ay kinubabawan ni drake at buong pwersa na pinunit ang damit na pang itaas ng dalaga at tumambad ang dibdib, at pinaghahalikan niya ng madiin si Jera.
.
Jera : drake, maawa ka, huwag mong gawin sakin to parang-awa mo na, huwag!!(pagmamakaawa niya.)
.
Malakas si Drake hindi niya kayang labanan si drake, hindi siya makawala sa lalaki, hindi niya maawat si drake sa ginagawang pangmomolestiya sa kanya, at labis siyang nasasaktan sa paghalik ni drake dahil sa sobrang diin, nararamdaman na lang niya na hinihipuan na siya sa mga maseselang bahagi ng kanyang katawan, pilit siyang nanlalaban, ngunit di niya kaya, malakas si drake,
.
Jera : huwag drake maawa ka!!
.
Nagwawala si Jera, at sa pagwawala niya ay inundayan siya ng suntok sa sikmura ni drake, halos hindi siya makahinga sa sakit, at hindi makagalaw, at nagkaroon ng pagkakataoon na tanggalin ni drake ang suot niyang pang ibaba nadin, dahil isasakatuparan na ni drake na kuhanin ang pagkababae nito, at ng maramdaman ni Jera na tinatanggal ang suot niyang pang ibaba ay nilakasan niya ang loob niya..
.
Jera : hayop ka drake!!
.
sinipa niya sa mukha si drake kaya hindi nagtagumpay si drake na matanggal ang pang ibabang suot ni Jera, at hanggang sa lumabas si Jojo mula sa banyo.
.
Jojo : tigilan mo siya!! (Sigaw niya)
Jera : jojo tulungan mo ko!!
.
Bumaba si drake sa kama, at kinuha ang baril, at itinutok kay Jojo, at si Jera naman ay pumunta sa sulok at nagsumiksik, pilit itinatago ang pagkakalitaw ng kanyang dibdib dahil sa pagkakapunit ni drake niyon.Takot na takot ang dalaga dahil nakatutok ang baril kay jojo, baka mapatay ni Drake si Jojo, nagpapanic ang kanyang utak..pag nagkataon na mapatay ni drake si jojo panigurado siya na ang isusunod ni drake.
.
Drake : bakit, sino ka ba para utusan ako!!(sabay kasa sa baril na hawak)
.
Ngunit bago pa naiputok ni drake ang baril ay mabilis nang nakakilos si Jojo na dive nito si drake. At nag-agawan sila sa baril hanggang sa nagpapagulong gulong na sila sa lapag, malakas si Drake, pero nakabawi na ng lakas si Jojo at may kasanayan din sa pakikipaglaban, ilang sandali pa ay lungayngay na ang ulo ni drake, nawalan na ito ng malay, sa pagkakasuntok ni Jojo sa mukha ng lalaki, at nang bitawan ni Jojo si drake ay hingal na hingal ito sa madaming suntok niyang pinawalan sa mukha ni Drake..at pinuntahan niya si Jeralene, idinoble niya ang hinubad ni Drake na jacket sa dalaga, para matakpan ang punit na damit nito..
.
Jojo : halika na, bago pa magising si drake at bago pa dumating si George.
Jera : n-napatay mo siya?
Jojo : hindi, nakatulog lang siya, halika na, (sabay hawak sa kamay ng dalaga)
.
At napatayo na si Jera sa pagkakaupo niya. At muli pa siyang sumulyap kay drake, at hanggang sa lumabas na sila sa silid at isinara nila ang pintuan.
.
Jera : Malayo din ito sa kabayanan. Ano yong sasakyan natin?
Jojo : may nakita akong bigbike sa may gawing likod ng resthouse, ang problema nasaan kaya ang susi?
Jera : baka nasa kwarto ni Drake.
Jojo : tingnan natin.
.
Nagmadali silang pumunta sa kwarto ni Drake. Ngunit hindi nila nakita ang susi ng bigbike. Ngunit ang susi ng lantsa ang nakita nila.
.
Jojo : saan nakadaong ang lantsa (at kinuha niya ang susi ng lantsa)
Jera : sa daungan sa kabila ng batuhan, iyon ang gagamitin natin?
Jojo ; oo halika na.
.
At mabilis na hinila ang kamay ng dalaga at lumabas na sila ng bahay, mukhang tulog pa si drake, at Hanggang sa naka agaw ng atensiyon nila ang isang malakas na ugong ng isang sasakyang panghimpapawid, dahil nakarating na sila George doon.
.
Jera : Jojo ano yun?
.
Kahit si Jojo ay napa isip kung bakit parang may maglalanding na chopper sa lugar na iyon.
.
Jojo : Halika na, jera baka magising na si Drake.
.
Lumabas sila ng bahay, at nanggilid sila sa bakod ng resort, at natataranta si Jera dahil na din sa lakas ng ugong ng chopper, nagkubli silang dalawa sa mga halamanan na malalabong ang dahon, dahil hindi nila sigurado kung sino ang sakay ng chopper, at nang masiguro nila, na nakalapag na ang chopper ay sinikap nilang makarating sa dulo ng bakod...


upang makalabas sa maliit na gate ng resort, at nagpasalamat ang dalawa dahil walang padlock ang maliit na pinto..ngunit hindi nila inaasahan na makikita sila ni George..
.
George : ayun sila, tumatakas sila(sigaw nito) paputukan niyo, patayin nio na sila, wag niyo silang titiran ng buhay!!! Lalo na yong babaeng traydor!!(dugtong pa niya)
.
Hindi alam ni Jera ang gagawin sa sobrang takot.
.
Jojo : jera, saan ang daan patungo sa lantsa?
Jera : doon, halika na bilis!!(takot na takot)
.
Mabilis ang pagtakbo ng dalawa, mabuti na lang daw ay kabisado na ni Jera ang pasikot sikot sa resort, dahil sa pamamasyal nila ni Drake.
.
Jojo : bilisan mo pang tumakbo jera!
.
Binilisan pa ni Jera ang pagtakbo, parang hindi na nga niya maramdamang sumasayad ang mga paa niya, Magkahawak kamay nilang tinakbo ang dalampasigan.
.
Jera : Jojo, pagod na ako!!
Jojo : hindi tayo pwedeng tumigil Jera.
Jera : masakit na yong paa ko!(daing niya)
Jojo : tiisin mo Jera, kailangan nating makalayo dito.
.
kahit nanginginig na ang mga tuhod ni jera at masasakit na ang mga papa ay pinilit niyang tumakbo ng mabilis, alang alang sa mga mahal niya sa buhay, kailangan pa niyang mabuhay lalo na yung tatay niya na may sakit sa puso, at Hanggang sa nagulat si Jera ng biglang nagliwanag na ang paligid, sumindi ang mga spotlight na malalaki at malakas, nakatanglaw sa dalampasigan at tinamaan ang dalawang tumatakbo sa buhanginan, samantala naman nagising na si drake sa pagkakatulog nito, kahit hilo ay pinilit niyang tumayo upang buksan ang mga ilaw,..at hindi nagtagal ay umalingawngaw ang malakas at sunod-sunod na putok ng baril, tumatalansik ang buhangin sa paanan nila Jera at Jojo na nahahagip ng bala..
.
Jojo : Bilisan mo pang tumakbo Jera!!
Jeralene : Aayyy..(napapatili at hindi malaman ang gagawin) ayoko pang mamatay, God tulungan mo po kami!!
.
Takot na takot si Jera, kahit daw yata hibla ng buhok niya ay nanginginig sa takot, dahil ang isiping pinapaulanan sila ng bala.
.
Jojo : bilis Jera!!
Jera : Jojo ayoko pang mamatay!!!
.
at samantalang naman galit na galit si drake parang tigreng sumisingasing ang ilong sa galit habang tinatanaw ang dalawang papalayo.
.
Drake : mga tarantado, habulin ninyo, huwag niyo silang hayaang makatakas!!(sabi sa mga tauhan ni george.)
.
Kahit si george ay humahabol din.
Gigil na gigil din si george sa paghabol sa dalawa.
.
Goerge : shit, shit sabi ko na nga ba, traydor yang babae na yan!!!
.
Nagwawala si Drake, dahil wala siyang magawa, wala siyang lakas na humabol sa dalawa at hilong hilo pa siya sa pagkakasuntok sa kanya ni Jojo..nakakuyom ang mga palad.
.
Drake : Aaahhh, hayop ka Jeralene, akin ka lang!!!!(sigaw niya)
.
At haggang sa wakas nakarating na ang dalawa sa may lantsa..
.
Jojo : bilisan mo, sakay na!!
Jeralene : o-oo!!
.
Halos pagapang na nakasakay ng lantsa si Jera, at takot na takot dahil halos ay hagingan siya ng mga bala sa ulunan, at hanggang sa lumikha na ng malakas na angil ang makina ng lantsa, sinikap ni Jojo na makaalis agad, upang hindi sila maabutan nila Goerge at ng mga tauhan nito, habang papalayo sa maliit na pantalan sina Jojo at Jera ay hindi pa din sila tinitigilang paputukan ng bala ng mga tauhan ni George.
.
Jojo : Jera dumapa ka lang!!!
Jera : oo.
.
mabuti nalang pala at sanay magtakbo ng lantsa si Jojo, pina-ekis ekis niya ang patakbo ng lantsa, ng sa gayon ay maiwasan ang mga balang humahabol sa kanila, takot na takot naman si jera nakadapa sa sulok ng lantsa, at umiiyak, pinakikiramdaman nalang niya kung may tatama sa kanyang bala, ngunit ang matindi niyang ikinatatakot ay ang matamaan si Jojo ng bala, pag-nagkataon ay hindi na niya alam ang gagawin, hindi niya kayang mag-isa doon, kaya mataimtim siyang nadadasal sa may sulok habang iyak ng iyak, para tuloy gusto na niyang pagsisihan kung bakit nakialam pa siya na pakawalan niya si Jojo tuloy nadadamay siya sa ganoong sitwasyon, halos mamatay siya sa takot, pero kung hindi naman niya ginawa yun baka napatay na si Jojo ngayon, at hindi din naman niya kayang isipin yong bagay na yun, at mabuti na lang ay medyo nakalayo nadin ang lantsa. Ngunit kahit nakalayo na sila ay may naririnig pa siyang mga putok ng baril.
.
George : Jojo, hindi mo kami matatakasan!!!!(sigaw niya), bumalik na tayo, paandarin ang chopper, hahabulin natin sila.
.
At samantalang sa may resort ay nagdatingan ang mga pulis na huhuli sa grupo ni George, sa pagkakadukot sa magkapatid, at hindi akalain ni George na may mga pulis na nagdatingan, at nanlaban ang mga tauhan ni George, ang piloto ng chopper ay di na nakaalma, inihinto niya ang pagpapanadar ng chopper, nakipagpalitan ang mga tauhan ni George ng putok sa mga pulis, at ganun din si George ngunit sa kasamaang palad ni George ay tinamaan siya ng bala, sa may dibdib sa may gawing puso at agad itong binawian ng buhay, at ganun din ang mga tauhan niya ay binawian din ng buhay., at samantalang si Drake naman ay, natamaan din ng bala sa may braso niya, ngunit nakatakas ito, sinakyan niya ang bigbike na nakagarahe sa may likod ng resthouse at mayroon din palang sikretong daan doon papalabas, at nakaiwas sa mga pulis!!!
.
Drake : hayop ka Jeralene, magkikita pa tayo, at sisiguraduhin ko na papatayin kita, kasama ng lalaki mo!!! Magbabayad ka sa ginawa mo sa kuya ko..(nag-ngangalit ang ipin sa galit)
.
At mabilis niyang pina-andar ang bigbike, lumabas siya sa maliit na daan sa gawing likudan ng resort motor lang ang nakakadaan doon, at hindi na siya napansin ng mga pulis, at dahil dun ay nakatakas na si Drake, si Drake na labis na napoot kay Jera, at ipinangako sa sarili na paghihigantihan si Jera. Ngunit sa kasawiang palad ni Drake, sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya, upang matakasan ang mga pulis, ay naaksidente ito, dahil sa naramdamang sakit ng tama ng baril at sakit ng ulo at hilong hilo pa gawa ng pagkakasuntok ni Jojo sa kanya, ay nasilaw si drake sa ilaw ng kasalubong niyang truck, at hanggang sa mabangga na siya ng malaking sasakyan na kasalubong, sa lakas ng impact ng pagsalpok sa kanya ay tumilapon siya at ang kanyang sinasakyang bigbike, at pagbagsak niya ay nadaganan pa siya ng kanyang motor, at nabagok ang kanyang ulo sa semento, at dahil wala siyang suot na helmet, dahil sa pagmamadali niyang tumakas sa resort, agad din, siyang binawian ng buhay dahil sa malakas na pagkakabagok ng ulo, at bukod dun ay nagkabali bali pa ang kanyang mga buto..
.
Itutuloy..
.
Maraming salamat po sa mga patuloy na sumusubaybay, wala pong iwanan hanggang dulo.. love you all.♥️♥️♥️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top