WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO CHAPTER 61


SANDRA’s POV:
“NAGKITA KAMI NI DEO KANINA. And guess what? Ninakaw niya ulit ang pagkatao mo. Hindi ko tuloy alam kung paano siya nakapasok dito habang nandito ka sa kompanya.”, pagtuturan ko kay David.
Pumasok siya sa opisina ko para i-abot ang papers na inassign ko sa kanya.
Mabilis kong makilatis kung si David o Deo na ang kaharap ko.
Sa mata ko tinitingnan at kinukumpara ang dalawa.
“Yeah, I know. Nakasabay ko siya sa elevator kanina. So are you okay? May ginawa ba siyang mali sayo? Binastos ka ba niya? Sabihin mo agad sa akin, para mapatulan ko na ang hayop na ‘yon.”, malutong na saad nito.
“Ayos lang ako. Hindi na sa akin bago ang gano’n na sitwasyon, kaya wala kang dapat na ipag-alala. Besides, I can protect myself.”, tugon ko sa binata.
“Kahit na. Babae ka pa rin Sandra. Mas malakas at mapwersa pa rin ang lalaki kaysa sa mga babae.”, pagsasambit niya.
“Hindi mo na ako kilala, David. Kaya huwag mo akong ikumpara sa mga babaeng mahina.”, pahayag ko na may kainisan sa boses.
Pakiramdam ko kasi, ang baba ng tingin niya sa akin.
Hindi na ako talunan. At higit sa lahat, kaya kong makipaglaro sa mga demonyo.
HINUBAD ko naman ang blazer na suot ko para bumungad ang malaki kong suso.
And at this point, tanging tube ang aking suot na bumabagay sa fit na pants.
Kaya nasilayan ko ang paglunok laway ng lalaki.
“May problema ba, Mr. David?”, mapang-akit na tanong ko.
Bahagya ko pang ipinakita ang collar bone dahilan para makuha ko ang kiliti niya.
Para kaming bumalik sa nakaraan.
Sa nakaraan na una naming pagkikita sa club na pinapasukan ko.
Ganito kasi ang eksenang nangyari sa amin kaya ko nakuha ang atensyon niya.
“W-wala naman. Pero malakas ang aircon kaya baka magkasakit ka.”,
“Well, hindi naman ako magtatagal dito. I have a date.”, bigkas ko sabay kuha ng lipstick para i-apply ito sa labi.
“D-date? Magdedate kayo ni Derick?”, he asked me.
“No. Hindi si Derick ang ka-date. It’s Deo.”, agad na sagot ko at kinorekta ko pa talaga ang maling hula niya.
“Ano? Pero Sandra, delikado. Lalo na sa postura mong ‘yan. Binibigyan mo siya ng dahilan para gumawa ng kasalanan.”, litanya ni David.
“Matagal na siyang makasalanan. Ang akin lang, gusto ko pang dagdagan.”, ngising kong saad at patuloy na nilalagay ang lipstick.
“Sasama ako. Hindi ako mapapakali kapag–“,
“Concern ka? Too late. Dahil pumayag na ako.”, pagsasambit ko.
Hindi ko na siya hinayaang magsalita dahil alam ko rin naman ang tumatakbo sa utak niya.
“Lunch date lang naman ang gagawin namin. Mag-uusap at papakinggan ang kasinungalingan niya.”, wika ko sa binata.
Nang matapos kong...


ayusin ang mukha ko, nilagay ko na sa bag ang foundation at lipstick.
“Gusto ko sanang pigilan ka, Sandra. But I don’t have the rights. Dahil kahit anong sabihin ko, hindi ka makikinig sa akin. So I guess, I just need to follow you. Susundan pa rin kita, just to make sure that you are really safe.”, pahayag ng lalaki.
“Ikaw bahala. But you know the reason, why I’m doing this.”, tugon ko muli.
Kinuha ko na ang maliit na bag at naglakad palabas.
Acting again like we are stranger.
Walang closeness ang namamagitan sa amin ni David kapag nasa labas.
Kung mag-uusap man kami, siguro hanggang kompanya lang ‘yon.
Nauna si David na naglakad dahilan para makasakay na ito ng elevator.
Samantalang ako, naiwan dahil sa biglaang pagsulpot ni Derick.
“Aalis ka? Diba may meeting kayo ni Mr. Alejandro?”, bigkas nito nang madaanan ko ang office niya.
Saktong lumabas ito at nakita ako.
Sa kakatakas ko sa binata, talagang pinagtagpo pa kami.
“Ahm yeah. Kakain lang ako ng lunch. But I’ll be back kaya relax ka lang.”, turan ko rito sabay beso sa pisngi niya.
“I need to go.”, huling sambit ko bago pumasok sa elevator.
Kailangan kong magsinungaling kay Derick dahil ayokong dumagdag pa siya sa iisipin ko.
Nakarating na ako sa parking lot. And I was so shocked nung may humaplos sa bewang ko.
Hawak manyakis ang ginawa nito kaya hindi na ako magtataka na si Deo na ang nasa tabihan ko.
Grabe! Para siyang kabute na sulpot ng sulpot kung kailan wala si David sa paningin ko.
Pero teka, nasaan nga ba si David?
Ang buong akala ko, sumunod siya sa akin ha?
“Sino pa ba ang hinahanap mo? Nandito na ako, Ms. Sandra. So let’s go? Baka makita ka pa ni Derick at magselos pa ‘yon.”, pahayag ng lalaki.
Pilit akong ngumiti at tumango.
“Sure, let’s go inside my car.”, turan ko at talagang kotse ko pa ang gagamitin namin.
“That’s nice. Halatang gusto mo akong makasama at makausap.”, natatawang sambit niya.
“Correction, a friendly lunch date. Kaya huwag mong bigyan na malisya ‘to.”, usal ko kay Deo.
Sa kabilang banda, naganahan ang dibdib ko dahil nasilayan ko si David sa isang sulok habang pinagmamasdan kami.
At least now, I know I am safe.
Tapang-tapangan lang ako kanina. At masyadong mayabang kapag kausap si David. Pero ang totoo, kailangan ko siya.
I badly need him.
Nagkataon lang na ayokong ipakita sa kanya na mahal ko pa siya dahil kasal na ito sa iba.
At ako? Magmumukhang kabet kapag dumating ang araw na ‘yon.
Kaya mas mabuting ganito muna kami habang hindi pa ayos ang lahat.
END OF CHAPTER 61
©Binibining_Timoji






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. tagala deo sarap mo kurutin gamit ang nail cutter

Leave a Reply


top