Amazona Wife Chapter 6


๐ŸคฆMy Amazona Wife๐Ÿคฆ

๐ŸคฆChapter 6๐Ÿคฆ

Dahil sa panaginip iyun ni tonyang,ay ilang araw na siyang hindi mapakali,kinakabahan siya pag naiisip niya ang kanyang nanay.

“Kara,samahan mo ako bumaba nang bundok,kailangan ko lang kamustahin ang nanay ko.” tawag niya kay kara habang naghaharvest ito nang ampalaya.

“O,sige” dalhin narin natin itong na harvest natin,para ipagbili natin sa bayan.”saad ni kara.

Nagpaalam muna sila kay Pinunong Zaida at Ramona na baba muna sila nang bundok para ibenta ang mga na harvest nila,pinayagan naman sila kaya agad silang naglakad.

Habang naglalakad sila para bumaba na nang bundok,ay nakita naman nila si Alleya,tinawag sila tumakbong lumapit sa kanila.

“Kara Tonyang,saan punta niyo?”

“Sa bayan Alleya,ibebenta ang mga gulay.”saad ni kara.

“Sama ako kara tonyang.”

“Hindi puwede Alleya,bawal ka nga bumaba nang bundok ei,hindi ka pa ba natuto,nang dahil sayo napahamak si Diego at Alma,bumalik kana doon.” bulyaw ni Tonyang kay Alleya.

Nakayuko naman si Alleya,sa sinabi ni tonyang,kaya agad nila itong tinalikuran.

“Sinto,sinto.” wika pa ni tonyang bago tuluyang iniwan si Alleya.

Pagkarating nila sa bayan ay agad na nila inopen ang cellphone nila dahil may signal na ito. Tinawagan agad ni Tonyang,ang numero nang cellphone nang nanay niya.

Ilang beses niya din ito dinial,pero walang sumagot,tuluyan na siyang kinabahan na isiping may nangyari sa nanay niya. Dinial,niya ulit at napabugtong hininga siya nang marinig ang boses ni Tita nelia niya.

“Tonyang,buti tumawag ka ilang araw ko na dinial ang numero mo dika makuntak.” nag aalalang wika nito.

“Bakit tita nelia,may problema ba?” nasaan pala si nanay,tita nelia?”

“Tonyang,yun nga ang sasabihin ko sayo,yung nanay mo nasa ospital.” naluluhang wika ni Tita nelia.

“Bakit tita nelia? Bakit nasa ospital si nanay?”umiiyak niyang tanung.

“Dinala ko siya sa ospital,dahil namimilipit siya sa sakit nang tiyan nung isang araw,at nakita sa x-tray na may bukol ang bituka nang nanay mo tonyang,kailangan daw operahan agad dahil kung hindi baka maging cancer ito.”

“Ano?! Tita nelia,saan ba daw nakuha ni nanay ang sakit na yan?at tita nelia, magkano ba daw ang kailanganing pera para ma operahan si nanay.”umiiyak niyang wika dito .

“Nakuha daw ito nang nanay, mo sa kakainom nang alak, dalawang daang libo tonyang.”

“Ano?! Dalawang daang libo,saan tayo kukuha niyan tita nelia,alam mo naman na wala ako sa japan,at dito lang ako sa pinas.” Nalulungkot niyang wika dito,matagal niya narin kasi nasabi sa tita nelia niya ang tungkol sa nangyari sa kanya nung makababa sila nang bundok tatlong buwan na ang lumipas,pero pinakiusapan niya ang tita nelia niya na ilihim muna nila sa kanyang nanay,ayaw niya itong mag alala, kaya ang tita nelia niya lang ang palihim niyang tinatawagan para kamustahin ang mga ito.

“Sa tatay mo iha,humingi ka nang tulong sa kanya,delikado ang nanay mo pag tumagal pa ang bukol sa tiyan niya magiging cancer daw ito.

“Hindi,ayoko tita nelia,kahit anong mangyari diko pupuntahan ang walang kwenta kung tatay.”

“Tonyang,isantabi mo muna ang galit mo sa tatay mo,ang isipin mo ngayon ang buhay nang nanay mo,ang mailigtas agad ang nanay mo.”

“Pero tita..

“Wala nang pero,pero tonyang,sige na ibababa ko na ang tawag,kailangan ko nang bumalik sa loob nang ospital,baka hinahanap na ako nang nanay mo,i memessage ko nalang ang address nang tatay mo.”wika nang kayang tita nelia,kasabay din nito ang pag off nang tawag,at imenessage na sa kanya ang address nang tatay niya.

“Anong gagawin ko nanay,paano ko haharapin si tatay,kung ang puso ko ay puno nang galit sa kanya,pero saan naman ako kukuha nang pera,para ma operahan kayo agad.” bulong niya at patuloy ang pagpatak nang luha.

Patuloy lang ang lakad niya na wala sa sarili hanggang sa di niya namamalayan,nasa harap na siya nang gate sa bahay nang tatay niya,tulala muna siyang tiningnan ang malaking bahay ngayon nang tatay niya bago lumapit sa gate.

“Sige para sayo nanay,dahil mahal na mahal kita isantabi ko muna ang galit ko sa kanya.”

Nag doorbell siya,agad naman siya pinag buksan nang babaeng naka uniporme, na sa tingin niya ay kasambahay sa mansyon na ito.

“Sino po sila,ano pong kailangan ninyo?” tanung nang babae.

“Ah ate,nandiyan po ba si Tony De Fios,gusto ko sana siyang makausap.”aniya dito.

“Wala dito si Konsehal eh,nasa city hall.” wika nang babae sa kanya,pero malapit na po yun umuwi,umuuwi kasi si konsehal pag oras na nang tanghalian,puwede mo siya hintayin sa loob.” wika nang babae sa kanya.

Tumango siya dito,kaya sinamahan siya nitong pumasok sa loob,napamangha pa siya nang makapasok na siya dahil napakalaki na nang bahay nang tatay niya,ang ganda nang Chandelier na mga nakasabit at ang gaganda nang vase na naka display,pati tiles at may mahabang hagdanan,na pag umakyat at bumaba ka ay para kang prinsesa,napansin niya din ang nakasabit na picture frame nang tatay niya at nang bagong pamilya nito,na nakasabit sa dingding.

“Kaya ba ipinagpalit mo kami ni nanay, dahil sa karangyaan sa buhay mo ang kapalit,masayang masaya kana ba ngayon tatay?”bulong niya habang tinitingnan ang picture frame na nakasabit sa dingding.”

“Sino yan?! Tanung nang babae habang pababa ito nang hagdan,nilingon niya ito kita niya ang anak nang tatay niya.

“Gusto ko ho sana makausap si Tony De Fios.” saad niya rito, tiningnan siya at parang inaalala kung nakita na siya nito,pero mukhang hindi siya nito nakilala at naalala na nagkita na sila noon sa bar,bukod sa medyo madilim ang bar na yun ay may suot siyang makapal na make up nang time na yun.

“Bakit gusto mong makausap si Daddy,anong kailangan mo at pumunta ka pa dito sa bahay,puwede ka naman pumunta sa munisipyo.” taas kilay na wika nito.

“Tanya,sino ba yang kausap mo?” tanung din nang may edad na babae,pababa din ito nang hagdan at lumapit sa kanila.

“Hinahanap niya si Daddy,at gusto niyang makausap mom,ibinibigay niyo ba ang address natin sa bahay sa ibang tao mom,bakit alam nila dito,baka sugurin o nakawan tayo nang ibang nakaka alam nang address natin,puwede naman nila puntahan si daddy sa munisipiyo.

“Wag ho kayong mag aalala maa’m hindi po ako magnanakaw.”

“Bakit anong kailangan mo sa asawa ko at anong pangalan mo?”

“Ako si tonyang.” wika niya rito nang marinig ang pangalan niya ay biglang natahimik ang dalawa at tiningnan siyang mabuti,na parang alam na nila...


kung sino siya.

“Ah,ikaw ung anak sa labas ni Dad.” taas kilay na wika ni tanya.

Natawa naman siya agad nang marinig ang anak sa labas na sinasabi nang peke niyang kapatid.

“Anak sa labas? Nakalimutan mo ata na ikaw ung anak sa kabet nang tatay ko.” taas kilay niya ring wika dito.

“How dare you! Sino ka para sabihin yan sa anak ko.” sigaw nang bagong asawa nang kanyang tatay.

“Siya ang nagsimula,sino din siya para sabihan akong anak sa labas,baka nakalimutan niyo,hindi pa annuled ang kasal nang nanay ko sa tatay ko na itinuring mong asawa mo ngayon, kaya ibig sabihin isa ka paring kabet.” saad niya at halatang sobrang nagalit ito sa sinabi niya.

“Wala kang karapatan na sabihin sa anak kung,anak siya nang isang kabet. Hindi na kayo inuwian ni tony noon dahil masaya siya na ako ang kasama niya at ang anak namin,kaysa sa inyong dalawa nang nanay mo.”

“Siguro nga masaya si tatay na kasama kayo dahil sa yaman niyo,dahil sa naibibigay niyo ang gusto niya,pero sigurado ba kayong mahalaga kayo kay tatay kung mawala sa inyo ang yaman niyo.”

“Shut up!hindi ganyan si Daddy,kami ang pinili niya dahil mahal niya kami,kaysa sa inyo at tyaka bakit kaba nandito ha,nananahimik kami nang matagal na panahon,bigla kang pumunta dito para guluhin kami at si Daddy.

“Wag kayong mag alala hindi ako manggugulo,gusto ko lang kausapin ang tatay ko.” wika niya dito at naupo sa sofa na naka cross arm,inis namang tiningnan siya nang mag iina.

“Magkano ba ang kailangan mong pera para umalis kana ha?! Ako na ang magbibigay sayo,kahit di mo na kausapin si tony.” singhal ni Amelia.

“No mom,pagbibigyan mo siya nang pera ngayon,uulit ulitin lang niyan na peperahan tayo, “Hoy ikaw hindi ako makakapayag na makausap mo si daddy,sigurado akong uutuin mo lang si Dad,lumayas ka dito,leave!! Out out!! Sigaw ni tanya.

“Hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nakakausap si tatay.” pagmamatigas niyang wika sa mga ito.

“Ah talaga,kapal din nang mukha mo nuh,tingnan ko lang kung may magagawa kapa.

“Guard!! Guard! Tawag ni tanya sa dalawang guard nilang nakabantay sa gate,mabilis naman itong pumasok sa loob.

“Ano po iyun maa’m?”

“Kaladkarin niyo ang babaeng ito palabas nang gate,and before tha’t,kapkapan niyo muna siya sa buong katawan niya baka may ninakaw siya dito sa loob nang bahay.” nakangiting wika ni tanya.

Tumitig naman ang guard kay tonyang at nag aalangan na kapkapan ito.

“Ano pa hinihintay niyo do it!! Singhal ni tanya sa mga ito.

“Maa’m lalaki po kami,nakakahiya naman po kapkapan ang isang babae.” wika nang guard.

“So nagrereklamo ka?! Wala akong pakialam basta kapkapan niyo ang buong katawan niya,dahil kung hindi mawawalan kayo nang trabaho,do it!! Sigaw ulit nito.

Nanatili paring nakaupo si tonyang sa sofa,akmang hahawakan siya nang guard,kaya tumayo siya at masamang tumitig sa mga ito.

“Bakit ba kayo natatakot na kausapin ko si tatay?” natatakot ba kayo na baka bumalik samin si tatay at iwan kayo?”

“Masyado ka yatang ambisyosa babae ka,bakit naman kami matatakot? Kung gusto bumalik ni tony sa inyo,edi sana noon pa.” taas kilay namang wika ni amelia.

“Hindi ko akalain mommy,na may ibang anak pala si Daddy na makapal ang mukha,sa tingin mo iiwan kami ni daddy at bumalik sa inyo sa mabaho mong nanay,at sa mabahong bahay niyo.” taas kilay na wika ni tanya.
“Ano pa ba hinihintay niyo guard gawin niyo na at kaladkarin niyo na ang babaeng ito.

Akmang hahawakan na si tonyang nang guard nang mabilis niyang kinuha ang baril na nakasukbit sa bewang niya.

“Sige subukan niyo kung hawakan kung ayaw niyong paglamayan.” asik niya dito,agad naman napa atras ang guard at ang dalawang mag ina.

“Bakit may dala dala kang baril,may balak ka sigurong saktan kami a nuh?!! Sigaw ni Amelia.

“Wag kang mag alala,hindi ko sasayangin ang bala ko sa isang kabet na katulad mo at home wrecker!! Sigaw niya dito at umalis sa harapan nang mag ina na nanginig sa takot dahil sa hawak niyang baril.

Naglalakad si tonyang palabas nang gate at di niya akalain na maging ganun ang eksena nila sa bagong asawa at anak nang tatay niya.

Nang makita ni Amelia na naglakad na palabas si tonyang,ay agad niyang pinang basag ang mga vase na naka display at pinagkalat ang mga gamit sa sala.

“Mom,Why? Takang tanung ni tanya sa ginawa nang mommy niya

“Sabihin natin sa Daddy mo, na ang babaeng yun ang may kagagawan nitong lahat at tinutukan tayo nang baril,tingnan ko lang kung gugustuhin paba nang daddy mo makita ang babaeng yun.”

“Tama ka mom,at siguradong magagalit si Daddy sa babaeng yun,pag malaman niyang ang anak niya ang may gawa nito.

Agad din nilang kinausap ang dalawang guard at ang mga kasambahay para sa plano nila.

“Pag tanungin kayo nang asawa ko,sabihin niyo nanggulo ang babaeng yun dito at tinutukan kami nang baril at sinaktan.”

“Yes,maa’m.” sabay sabay namang wika nang kasambahay at guard.

Habang naglalakad naman nang kalsada si tonyang,nagulat naman siya nang may biglang bumusina na sasakyan sa harapan niya at ilang beses pa,sa inis niya bigla siyang naghanap nang bato,agad naman siya nakakita nang bato na malaki na sakto lang na mabuhat sa isang kamay niya. Ibabato na niya sana nang biglang bumaba ang driver nito.

“Hey,hey,hey wait wait!! Mahal yang sasakyan ko ha,may pambayad kaba pag nabasag mo yan?” tanung ni george.

“Ikaw?!! Takang tanung ni tonyang,Bakit kasi paulit ulit kang bumusina,ano akala mo sakin bingi,at oo wala akong pambayad sa sasakyan mo pag binasag ko yan,kaya mukha mo na lang babasagin ko,kaya kong magpakulong mabasag ko lang mukha mo.” singhal ni tongyang.

“Sandali,hindi ka ba manghinayang sa gwapo kung mukha pag babasagin mo?” kita ko kasi mukhang ang lalim nang iniisip mo diko akalain makikita kita ulit dito.”

“Wala kang pakialam kung anong iniisip ko,tyaka sabi mo diba na gwapo ka?” bakit hindi ko makita kung saan banda? Baka nag iilusyon ka lang na gwapo ka.” wika niya dito at umalis na sa harapan nito.

Agad naman hinawakan ni George ang mukha niya.

“Hoy miss sungit,kaya hindi mo makita kasi bulag ka!! Sigaw niya sa babaeng tinalikuran na siya.Sa gwapo kung ito hindi mo makita kung saan banda.”

To be continue..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top