The Choosen ONE Continuation of Chapter Nuebe Again


“Are you okey?Did something happened when I’m not yet come.”
Tama ba ang nakikita ko may pag aalala sa kanyang mga mata?
Pero kanina lang ay galit na galit ito Haysst di ko talaga maintindihan ang ugali Ng lalakeng ito.Sala sa init sala lamig.
Kruuu!Kruu!!!! napatingin silang lahat sa akin ng umalboroto na naman ang tiyan ko.
Pilit naman akong ngumiti sa mga ito.Siguro naman sapat na iyon para maunawaan ng mga ito na gutom na gutom na talaga ako no.
“Kuya Reoh,naku po nilalagnat ka!!!!naibulalas ni Wahida ng masapo nya ang noo ng kuya Reoh nya.
Hindi pa rin magaling ang mga natamong sugat at pasa nito mula kahapon.
“Okey lang ako Wahida,wag moko alalahanin lagnat lang to malayo ito sa bituka.”mahinang sambit habang nahihirapang gumalaw.
“Wag ka munang tatayo kuya,hindi mo pa kaya.Dito lang ka lang kuya ihahanap kita ng gamot.”mabilis itong tumakbo palabas ng kanilang tinutuluyang lumang bodega.Hindi na nya napigilan pa ang nakababatang kapatid.Dahil maski sya...


ay hirap na hirap sa sarili.Hindi nya lang iyon pinapakita sa kapatid dahil ayaw nyang makita sya nito na pati sya ay pinanghihinaan ng loob.
“Ate Nadeline saan ka na Kaya ngayon?Ano na kaya ang kalagayan mo ngayon sa mga taong kumuha sayo.Wag kang mag alala ate hahanapin ka namin ni Wahida.Magpapakatatag ako para mahanap ka namin.”walang lakas na sambit nito habang tinitingnan ang nag iisang larawan ng ate nya.Nakuha nya ito sa nasira nilang bahay.Buti at di hinagip ng sunog ang larawan na ito.
At ang mga walang hiya na iyon.Pagbabayarin ko sila.Hahanapin ko ang mga walang puso na iyon.”
Isang pangako bago ipinikit ang mga mata.
Samantalang kanina pa nakamasid si Wahida sa labas ng isang Pharmacy.Hindi sya makapasok pasok dahil wala naman syang pera para makabili ng gamot para sa kuya Reoh nya.
Ang tanging nagagawa nya ay pagmasdan na lamang habang nalulungkot ang mga customer na labas pasok sa pharmacy na iyon para bumili ng gamot.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top