THE LEGENDS OF WEREWOLVES


THE LEGENDS OF WEREWOLVES
_
Sa isang bayan na kung tawagin ay bayan ng Nibeo, at sa bayan na ‘to ay may isang grupong masahol pa sa hayop sa kagubatan. Ang tawag nila sa kanilang grupo ay taong lobo dahil sila lang ang may kakayahan pumatay ng mga mababangis na lobo at ginagawa nilanng kasuotan ang mga balat ng mga lobong mahuhuli o matatalo nila sa laban
Sila ang grupo na hanot sa digmaan at kasakiman. Walang maka alis sa bayan ng nibeo dahil ipinagbabawal yon ni Lucas, ang pinuno ng taong lobo
Magilig nilang parusahan ang mga taong gusto nilang parusahan kahit wala pa itong kasalanan
isang araw habang nag lalakad at naghahanap ng mga lobo ang grupo ni lucas upang gawing damit ay may nakita silang isang dalaga na mahinhing nag lalakad sa tabi ng kumikislap na ilog dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan
“Mukang maganda at masarap ang isang ‘yan amo” Sabi ni Arturo sa kaniyang among si lucas. “Hulihin nyo” Utos ni lucas sa kaniyang mga tauhan
“Binibini, may kasama kabang iba?” Tanong ni Juan, isa sa pinagkakatiwalaan ni lucas. “Wala ho mga ginoo” Mahinhing ani ng dalaga. “Kung ganon sumama ka samin” Masayang sigaw ni Arturo at hinawakan ng mahigpit ang braso ng dalaga


/> Pero parang tumagos lamang ang kaniyang kamay sa braso ng dalaga. Tumingin sila sa dalaga at sila’y nagulat sa nasaksihan. Isang dalaga na nagliliwanag ang kaniyang mahabang kasuotan na parang sa isang reyna. Mahaba ang buhok na nakalutang din sa hangin. Maganda’t maamo ang muka pero sa pag kakataong ‘yon ay halata ang galit sa muka ng dalaga
“Mga lapastangan” Sigaw n’ya na umalingawmgaw sa buong kagubatan. “Masasahol pakayo sa mga lobo” Sigaw muli ng dalaga. Kumaripas ng takbo ang grupo ni lucas dahil sa takot dahil napagtanto nila na ang babaenh iyon ay ang Dyosa ng buwan, pero habang tumatakbo sila ay ang kanilang kasuotan na gawa sa balat ng lobo ay dumidikit sa kanilang mga balat. Humahaba ang kanilang mga nguso na para ding sa lobo, ganun din ang kanilang mga kuko sa paa’t kamay. Tinubuan sila ng mga balahibong gaya ng sa lobo at kung kanina ay nakatayo silang tumakbo ay ngayon ay gaya na nilang tumakbo ang mga hayop o mga lobo
***
Kaya sa tuwing kabilugan ng buwan ay umaalulong sila sa pag asang kakaawaan sila ng Dyosa ng buwan na s’yang nag parusa’t nagbigay sa kanila ng di kaaya ayang anyo. Umaasa sila na isang gabi ay babalik sila sa tunay nilang anyo
-End-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top