The use of Beauty Chapter 1


The use of Beauty
Chapter 1
Shanela POV
Umaga pa lang ay gising na ko upang mag handa ng agahan. Alas 4 pa lang kasi nang madaling araw ng lumisan sila Nanay at Tatay upang mag ani ng mga gulay dahil ibenta pa ito ni Nanay sa palengke kinaumagahan. Mayroon din nman kaming mga tanim na mais ngunit hindi pa buwanan ng pagaani kaya’t pinag tyagaan na muna ang pag titinda ng gulay para may panggastos sa aking pag aaral.
Pinagsasabay ko na ang pagsaing at pagligo ng sa ganoon ay hindi na ako mahuli sa pasukan. Habang tahimik ako sa pagbabalot ng baon nawindag ang aking diwa sa lakas ng sigaw sa labas.
” Shang! hoy Shang!? ” agad kung binuksan ang pinto
“Ano ba Kayla kung makasigaw ka parang may sunog eh! ” inis kung bungad sa kanya.
‘”Aba! Shanela talaga lang mahuhuli na tayo sa klase natin, malapit na finale exam natin hoy! ” nakapameywang niyang rason sakin.
” Ano ba yang pinag sasabi mo dyan ang aga pa eh! halata ka din masyado eh! pasok ka muna dito. ” hays ito talagang best friend ko...


excited sa pag graduate.
” Alam mo Shang gusto ko na talagang magtapos sa senior high eh para maka tulong nko kila Nanay, ang liliit pa nang mga kapatid ko. Buti kapa nag iisang anak ka lang. ” sat sat nito habang puno ang bibig ng kinain na niluto ko nang kamote habang naka upo sa mesa sa mesa talaga gaga may upuan naman sa gilid..
Hindi ko nalang ito pinansin abala ako sa pag susuklay ng aking mahaba at bagsak na buhok.
“Ikaw Shang ano ba plano mo pag graduate natin ng senior magkaka college kaba? ” tanong nito
“Hindi ko pa alam tsaka sa susunod na buwan pa nman ang exam eh diba may night ball pa tayo? ” sagot ko dito at hinanda na ang mga dapat dalhin ko sa bukid at sa skwelahan.
” Oo nga pala. Sasali kaba sa night ball? ” tanong niya pabalik sakin.
“Hindi na siguro magastos lang yun. Kunti lang ang kita ni Nanay sa palenke.
“ehhh,, sumali nalang tayo minsan lang yan mangyayari dito sa Skwelahan natin sa San Juan. Kada grade 12 lang na gumraduate ano kaba.”.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top