BET WITH A RUTHLESS BUSINESS MAN
Prologue
Nagising ako sa katok na nanggagaling sa kabilang Banda ng aking pinto, kinusot ko ang aking mga mata bago pagbuksan Ang nasa labas.
“Manang?” Patanong kong banggit, Nang sa ganoon ay maisip n’yang nagtataka ako sa maaga n’yang pagkatok sa aking kuwarto, sa tingin ko ay nasa alas kwatro pa lang ng umaga.
“Nariyan sa baba ang pamilya ng mga Angeles, Hija. Inaanyayaan ka ng Mommy mo na bumaba para magsalo Kayo sa umagahan.” Paliwanag sa akin ni Manang, naguguluhan man ay tumango ako at sinabihan si manang na susunod din agad matapos kong magbihis. Kay aga naman yatang Umagahan nito? Pero kahit pa ganoon ay masaya ako dahil magkikita kaming muli ng childhood friend ko! Their only son was my only friend in my journey of growing up, that’s why I can’t stop myself from having a crush on him.
I think its been almost a year since I last saw him, Marami akong maikukwento sa kan’ya ngayon! Kadalasan kasi ay Isang buwan lang silang nawawala sa bansa dahil sa bakasyon, I wonder what gets them to stay in Los Angeles for almost a year.
Iniayos ko ang aking higaan bago maligo, napansin ko rin ang Pastel Pink na dress na nakasabit sa pinakaunahan ng aking closet, regalo sa akin ito ni Rix nuong nakaraang pasko. Napangiti ako bago ito kinuha upang maisuot. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin at ngumiti, kuntento na ako sa itsura ko kaya naman bumaba rin agad ako sa unang palapag.
Lumaki ang ngiti ko ng matagpuan si Rix na nakatalikod sa akin, Nakapamulsa s’ya base sa nakikita ko. Kabisado ko na ang lahat sa kan’ya kaya alam kong s’ya iyon kahit pa ang laki ng pinagbago n’ya. Dati Rati ay hanggang ilong n’ya ako, ngayon hanggang sa dibdib n’ya na lang yata ang abot ng height ko. He’s 22 years old, almost 3 years ang agwat namin. Sa darating na October 9 ay magiging 20 years old na rin ako.
Dahan dahan akong lumapit sa likuran n’ya at agad siyang yinakap mula roon. Ramdam ko ang paninigas ng katawan n’ya na nagpakunot ng aking noo. He doesn’t like my hug? Dahil roon ay napilitan akong kumalas, hindi n’ya man lang ako binalingan ng tingin ng maglakad ako papunta sa mga magulang n’ya.
“Good morning po Mr. And Mrs. Angeles” Nagmano ako sa kanila bilang isang senyales ng pagrespeto, tumango lang sa akin ang papa ni Rix at bumeso naman ang mama n’ya sa akin.
“It’s been 10 months, Hija. You grew fast huh!” Ngumiti sa akin Si Tita, sinuklian ko iyon at napailing.
“Hindi pa nga po ako lumalaki.” Natatawa kong Sabi na naging dahilan rin ng halakhakan nila. Napatingin ako sa gawi ni Rix at unti unting nawala ang...