MAPAGBIRONG TADHANA Chapter 2


MAPAGBIRONG TADHANA
Chapter 2
Nasa bayan na si Akisha at naglalakad-lakad baka sakaling may makita siya na trabaho, tama naman ng paglingon niya ay may nakapaskil sa may karinderya na “wanted diswasher” akma siyang tatawid ng mahagip siya ng motor dahilan para siya ay matumba.
“Miss okay ka lang ba?” sabi ng lalaking nakabangga sa akin.
“Ikaw kaya banggain ko tignan natin kung hindi sumakit ‘yang balakang mo. Ano tutunga-nga ka lang ba d’yan? Hindi mo ba ko dadalhin sa ospital ang sakit ng balakang ko” sabi ng dalaga sa lalaking nakabangga sa kanya
“Heto ang pera ikaw na lang pumunta ang pumunta, I have a meeting to attend.” Saad ng lalaki
“W*langh*ya lang lalaki ka!” sigaw ni Akisha.
Inabutan siya ng lalaki ng halagang dalawang libo para magpagamot. Pumara siya ng tricycle upang magtungo na sa ospital dahil sa sakit na kanyang nararamdaman .Nang makarating sa ospital ay agad naman sya inasikaso ng nurse at doctor
“Miss kelangan mo po mag pa X-ray para malaman natin kung may nabaling buto” wika ng nurse
Nagtungo na sya sa isang kwarto at duon ay pinahiga siya para sa kanyang x-ray. Mabuti na lamang at wala siyang naginh bali sa balakang .
“Doc okay pa po ba ang balakang ko?” Tanong ng dalaga sa doctor
“Wag ka mag alala iha okay naman ang result ng X-ray mo, ang sakit na nararamdaman mo ay dala lang ng pagkakabagsak mo sa semento. Bibigyan kita ng gamot upang sa ganon ay mabawasan ang sakit” paliwanag mg doktor
“Sige po doc” iyon na lamang ang naisagot ko sa doctor dahil sa labis na sakit ng aking balakang.
Ang lalaking nakabangga kay Akisha ay si Troy Villafuerte 25 taong gulang nag iisang anak ng mayamang pamilya na nagmamayari ng hotel, fast food, at pawnshop sa kanilang lugar.
Pauwi na si Akisha sa kanyang Lola ng harangin siya ng kanyang kababata na si Bea.
“Akisha baka gusto pumasok bilang katulong?” Tanong ni Bea
“Katulong kanino naman?”
“Nakita ko kasi doon sa may pawnshop na may nakapaskil na wanted kasambahay. Hindi ba’t naghahanap...


ka ng trabaho?” tanong sa kanya ng kaibigan
“Paano naman ako makakapag trabaho nito eh ang sakit-sakit ng balakang ko?” sambit ko habang nakahawak sa may balakang.
“Bakit ano ba ang nangyari sayo?”
“Nabangga kasi ako kanina nung lalaking naka motor. May trabaho na dapat ako kung hindi ako nabangga”
“Try mo mag apply doon friend, balita ko may pogi doon” kantyaw ng dalaga
“Sus Bea iyan ka na naman hayaan mo pag hindi na masyadong masakit itong balakang ko ay mag apply ako, kailangan kong kumita ng malaki para mai-pa-check-up ko si Lola.”
“Okay sige friend balitaan mo ko ha, magpahinga kana”
Nakauwi na ng bahay si Akisha nadatnan n’ya na gising pa ang kanyang Lola, hindi ko namalayan na gabi na pala ng ako’y makauwi galing sa ospital. Buti na lang at may natira pa akong pera, hindi ko naman kasi binili lahat ng gamot. Naisip ko na hindi ako makakapagtinda dahil sa sakit ng balakang ko.
“Apo bakit ganyan ka maglakad ano ang nangyari sayo?”
“Ah eh Lola w-wala po ito nadulas lamang po ako kanina hindi ko po nakita ‘yung balat ng saging.” Pagsisinungaling ko kay Lola
Tatlong araw na ang nakalipas at hindi na masyadong masakit ang balakang ko kaya naman nagtungo agad ako sa may kanto kung saan doon nabasa ni Bea ang wanted kasambahay.
“Ma’am mag apply po ako bilang kasambahay.” Sabi nya dun sa babaeng nandoon
Nakaramdam ako ng takot ng tingnan n’ya ako ng mula ulo hanggang paa parang may mali. Pero nilakasan ko ang loob ko para ito sa aking Lola para maipagamot ko na s’ya.
“Iha ilan taon kana?” Saad nito
“20 taong gulang po ma’am”
“Marunong ka ba sa gawaing bahay iha?” Ma-awtoridad na tanong nito
“Opo ma’am”
“Okay sige pumunta ka sa lugar na iyan at sabihin mo pinapapunta ka ni ate Lea ako iyon, dapat bago mag alas otso ay nandoon kana”
“Sige po ma’am marami pong salamat.”
Natanggap si Akisha bilang kasambahay ngunit hindi n’ya alam kung sino ang magiging amo n’ya dahil address lamang ang binigay ni Lea.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top