THAT LOVE PART 2


“Tumawag ka ng doktor” rinig kong sambit ng isang babae na parang nagagalak sa nangyayari. Nang mag mulat ako ng mata nakita ko ang isang babae na nakaupo sa gilid ko “Anak buti nmn sa awa ng diyos gising kana” nakikita ko sa mga mata nya ang tuwa ng sabihin nya iyon. “Sino ka? ” pagtataka kong tanong sa kanya. Bigla nya akong niyakap ng mahigpit na ikinagulat ko at bigla rin akong nag taka bat ako nasa hospital. “sino ka?, nasan ako?” kunot noo kong tanong. “Ako ito anak ang mama mo, wala ka bang naaalala? anim na buwan kanang comatose anak” sagot nya sakin na lalo ipinagtaka ko, hindi na lamang ako nagtanong pa dahil bigla akong nakaramdam ng pagsakit sa ulo ko. Bigla namang may pumasok sa pinto na isang lalaki na may kasamang doktor at tinanong ako kung ano ang nararamdaman ko pagkatapos non ay umalis na ang doktor at lumabas din yung lalaki kasama yung isang babae na yumakap sakin. Iniiwasan kong mag isip ng mag isip dahil sumasakit ang ulo ko.
“Sabi ng doktor ilang araw nalang daw makaka labas kana” sabi ng isang lalaki habang nakatingin sakin. “Okay naba pakiramdam mo anak?” dugtong nya pa, tumango na lamang ako sa kanya dahil di ko nmn sya kilala o natatandaan dahil wala akong maalala sa nangyari. “Mga isang araw pa daw bago bumalik ang memorya mo” sabi nung isang babae habang hinihimas ang buhok ko.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa matinding sakit ng ulo ko at pagkahilo may nakikita ako sa isip ko na isang babae na hindi ko malaman kung sino, halos parang binibitak sa sakit ang ulo ko kaya diko mapigilan na mapasigaw sa sakit kaya yung lalaki na nasa paahan ko ay agad na tumawag ng doktor. May 2 doktor akong nakita na pumasok sa pintuan at pagkatapos non ay diko na alam ang nangyari.
Nang mag mulat ako ng mata ay agad kong nakita si mama na nasa gilid ko “Ma, anong nangyare?” tanong ko kay mama dahil nga nasa hospital ako “naaksidente ka anak” sagot sakin ni mama. Noon ko lang napagtanto ang lahat ng nangyari dahil unti unti nang bumalik ang memorya ko, diko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. “Anak okay ka lang? tanong ni mama ngunit hindi ko iyon sinagot. Nagpunas ako ng luha at tinanong si mama “ma? how can I survive?” tanong ko sa kanya kayat bigla syang natahimik. Kinwento nya sakin ang mga nangyari pati ang pag punta dito Arianne nung gabing nangyare ang aksidente. Na kwento din sakin ni mama na madaming dugo ang nawala sa katawan ko at sumabay pang umatake yung puso ko dahil may heart failure ako na ako lang ang nakaka alam. Di siguro kinaya ng puso ko yung sakit na nararamdaman ko nung mga gabing iyon. Kaya ngayon ay nagpapa salamat ako sa kung sino man yung...


heart donor ko dahil nabigyan pako ng chance na mabuhay pang muli at makasama ang pinakamamahal kong babae na si Camille na ngayon ay si Arianne.
“Nasan si Arianne ma? tanong ko kay mama ngunit hindi ito sumagot dahil may kausap sa telepono. Maya maya ay may inabot na sulat sa akin si mama nagtaka nmn ako kung kanino iyon galing kaya’t agad kong binuksan at binasa
“Dear babe, happy anniversary” bungad sakin ng mensahe na ikinangiti ko dahil galing ito kay Arianne at bigla din pumasok sa isip ko na ngayon nga pala ang anniversary nmin sayang at di ko sya kasama ngayon. Nag patuloy pa ako sa pagbabasa “sa wakas nmn gising kana alam mo bang miss na miss na kita? sorry dun sa naabutan mo ah? hindi ko yun sinasadya hindi ko nga maituloy yung balak kong pag ganti sayo kasi hanggang ngayon mahal pa rin kita, hindi ko alm na aabot sa ganon sorry babe. Ingatan mo palagi ang sarili mo ingatan mo yang puso ko dahil sa simula pa lang sayo at sayo ko lang yan ibibigay” ng mabasa ko iyon nag umpisa ng tumulo ang luha sa mga mata ko diko lubos maisip na kapalit ng buhay na ibinigay sakin ay ang pagkawala ng pinakamamahal ko. Hindi ko na alm kung kaya ko pang basahin ang mga susunod na letra sa sulat ngunit nagpatuloy pa din ako “Mahal na mahal kita babe, sorry sa lahat babe. Ingat ka, palagi kitang gagabayan i love you so much babe. Mabuhay ka para sakin, ingatan mo yang puso ko, sinabi ko kay tita na kapag nagising ka ibigay to sayong sinulat ko bago ang operation. I love you babe Happy Anniversary” di ko na mapigilan ang pag agos ng luha sa mata ko di ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Tumabi sakin si mama at niyakap ako “Patawarin mo kami anak” nagmamakaawang sambit ni mama habng yakap ako, hindi ko alm kung ano magiging reaction ko dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko, di ko namalayan ay naka tulog na pala ako kakaiyak.
Lumipas ang ilang araw at naka labas na ako ng hospital, balak ko din dalawin ang puntod ni Arianne. Nang makarating ako sa puntod nya ay diko mapigilan ang lumuha dahil nasasaktan pa din ako sa nangyari samin. Nag lagay ako ng 3 rosas sa puntod nya at ang singsing na sana ay gagamitin ko sa pagpopropose sa kanya. Nakaramdam nmn ako ng lamig na parang yumayakap sa akin, dinama ko lamang iyon at pinunasan ang luha ko. i love you babe, i will always love you. Iingatan ko ang puso na ibinigay mo sakin hanggang sa makakaya ko. Paalam, Arianne. Nilisan kona ang lugar at tumungo na sa bahay upang magpahinga at ipagpatuloy ang nasimulan ko ng walang Camille o Arianne sa buhay ko.
—End—
Work Of Fiction
Written by: uNkNoWn
ctto of the pic.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top