𝐀 𝐌𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑’𝐒 𝐋𝐎𝐕𝐄


𝐀 𝐌𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑’𝐒 𝐋𝐎𝐕𝐄•
___________________________
“Anak kain kana” pagtawag ko sa anak ko
Binigyan ako ng anak ko ng matalim na tingin at inis na pumunta sa lamesa
Tiningan niya ang ulam na nandidiri at biglang tinapon lahat ng pagkain na nasa lamesa kaya napa atras ako
“Ano bayan ma!”
“Bakit kanin at gulay na naman ang ulam ma!”
“Pabalik balik nalang nakakasawa na ma!”
sigaw ng anak ko
“At anong akala mo sa akin ma! Kambing para pa kainin lagi ng gulag?!”
“Anak wag munamang itapon ng pagkain” ani ko sabay punas ng pawis ko at lumuhod ako upang kunin ang pagkain na nasa sahig
“Hayys bwisit na ina!”
“Mama ba talaga kita!?”
“Eh hindi mo nga ako mabigyan ng pagkain na gusto ko!”bulyaw ng aking anak
Galit na umalis ang anak ko sa amin
“Anak!” Pagtawag ko rito
Hindi ito nakinig kaya pinagpatuloy ko ang pag kuha ng mga pagkain sa sahig
Wala na kaming natirang pagkain dahil wala pa ang sweldo ko sa pag lalaba
Pinilit ko nalang na kumain sa mga pagkain na nasa sahig
—————————–
“Nak!”
“Hali kana binilhan kita ng paborito mong Adobo nak!” Pagtawag ko sa anak ko
“Pwede ba wag mo akong tawaging anak! kita mo naman siguro na may ka video call ako diba!”
“Nakakahiya ka!”
“Hindi ka naman siguro bulag!” -anak
——————————
“Nak halika may binili ako na damit” sabay pakita ko sa anak ko
“Ukay-ukay?”-anak
“Ma! Bakit ukay-ukay nanaman hindi mo manlang ako mabilhan ng branded!”-anak
————————–
“Ma! Pahingi nga ng pera gagala kami ng mga barkada ko”-anak
“Eh nak! Kung kukunin mo ang pera ay wala na tayong makain bukas at last nalang tong pera na nandito”
“Wala akong pake!”
“Kaya akin na yan LAHAT! At gawan mo ng paraan para meron tayong makain bukas!”
“Anak!” Pagmamaka awa ko
“Problema mo na yan bakit ka kasi nanganak kung wala ka namang ma ibibigay sa anak mo!” – anak
—————————-
“Anak halikana” pagtawag ko sa anak ko na kaka labas lang sa paaralan
“Oh my God!”
“Is she your mother?”
“Oh gosh see that woman eww it looks so poor”
“Yeah”
“Hey is she your mother?”
“A-ahh no of course why would I have a mother like her, didn’t I told you that she’s dead!?”
“Excuse me pupuntahan ko lang siya baliw ata eh!”
Tumalikod na ang anak ko sa mga kaibigan niya at pinuntahan ako at hinila sa lugar na walang masyadong tao
“PWEDE BA! huwag mo akong tawaging anak lalong lalo na rito!”
“BWISIT!”
“Anak” tanging sambit ko sabay hawak sa kanya
“Sinabing huwag mo akong tawaging anak eh!” Bulyaw niya
“Pwede ba ma tumigil ka na , pagod na ako mag panggap na masaya kahit hindi naman simula bata lagi mo akong pinapahiya , ni hindi mo nga ako mabilhan ng cellphone o damit na branded , pag kain pa kaya!?”
“Sana hindi nalang ako pinanganak! , sana hindi nalang ako yung anak niyo! , sana naging katulad nalang ako sa mga kaibigan ko na mayayaman! , sana hindi nalang kita naging ina! , sana pala sumama nalang ako kay papa!” -anak
“Kinamumuhian ko ang sarili ko kung bakit kita naging ina , ikaw yung taong kinamumuhian ko!”
“At ikaw yun!!!” Sabay turo sa akin
“Simula ngayon pinuputol ko na ang ugnayan natin nilang ina at anak!”
“Simula ngayon hindi mona ako Anak at hindi kita ina”
“anak huwag mo namang gawin sa akin to” pagmamaka awa ko sabay luhod at hinawakan ang paa niya
Iwinaksi niya ito dahilan ng pag ka tumba ko
At naglakad na siya palayo
———————————
Nandito na ako sa bahay habang umiiyak naiintindihan ko naman ang anak ko kasalanan ko rin naman na naging ganyan siya lagi nalang kulang ang perang pambudget ko kaya hindi ko mabili-bili ang mga gusto niya
Ng biglang nanikip ang...


dibdib ko pero pinilit ko parin na sulatan ang aking anak kapag umuwi siya alam niya
“Huhhh! Ahuhhhh!!”
“T-tu-tulong!! Hindi a-ako ma-makahinga!!”
————————-
“Tuttttttt!!!³”
Tunog ng isang makina na nag huhudyat na dito nalang ang huling paksa ng buhay mo
“Excuse me are you the relatives of the patient?” Tanong ng doctor
“Ahh opo ako po yung kapitbahay niya”
“Doc kamosta na po siya?”
“Sad to say na huli na kayo ng dumating kayo rito sa hospital”
“CONDOLENCE TO THE FAMILY”
huling saad ng doctor bago umalis
“Mareeeee!!” Iyak nila
—————————-
*/ Tut! Tut! Tut!
Tunog ng cp
“Huyy! diba sinabi ko na huwag mo na ako tawagan!” -anak
“Hindi kaba na kakaintindi?!” -anak
“I-iha!”
“T-teka bakit na sayo ang cp ni mama?” -anak
“A-ako to si aling b-beth” -beth
“I-iha w-wala na a-ang m-mama mo?” -beth
“N-nag bibiro po ba kayo aling Beth!” -anak
” */ Sob! ”
“W-wala na ang m-mama mo i-iha patay na”
“A-ano po ba ang pinag sasabi niyo, eh k-kahapun nag u-usap p-pa po kami” – anak
“I-iha alam namin na masakit tanggapin dahil mama mo siya kanina lang siya pumanaw”
“P-punta ka n-nalang rito sa h-hopspital I-iha”
——————————
“A-aling Beth!” Tawag ng anak kay Beth
“Aling b-beth nag j-joke lang kayo hindi ba!”
“P-prank lang i-itong LAHAT hindi ba aling Beth!”
Pero umiling lang si aling Beth
Pumasok ako sa loob at gumuho ang mundo ko
“Ma!” Habang niyuyug yug ang patay na katawan ng kanyang ina
“Anggaling mo naman u-umacting!”
“B-bumangon k-kana riyan!”
“Andaya m-mo ma!”
“Diba sabi mo d-dadalo ka p-pa sa graduation ko!!”
“Diba sabi mo ikaw ang ka kabit ng medalya ko!!!” Sabay hagulhul
“Ma! Gumising kana ma!”
“Hindi na ako magiging pasaway ma! Susundin na kita ma! Hindi na ako magiging matigas ma!”
“Kaya gumising kana ma! Mamimiss ko yung pag tawag mo sa akin ma! Wala nang tatawag sa akin na NAK!”
“MA! Pinagsisihan ko na ang mga pinagsasabi ko sayo noon ma hindi na ako magiging pasaway ma!”
“Kaya gumising kana ma!!”
“MAAA!!!”
—————————–
“I-iha b-bago nam-matay ang m-mama mo ang m-may binigay siya sa akin na sulat”
“Para raw to s-sayo”
“Aalis muna ako iha condolence”
SULAT:
Hello anak! Bago ako mama alam sa mundong ito gusto ko sanang sabihin na mahal na mahal kita kahit pinutol mona na ang pagiging ina at anak natin mahal na mahal ka parin ni nanay sorry anak kung hindi ko mabigay sayo ang mga gusto mo sorry anak kung kahit pagkain hindi ko ma bili para sayo alam kung kinamumuhian mo ako dahil wala akong kwentang ina
Mag ingat ka palagi , huwag na huwag kang magpapalipas ng gutom at meron rin akong pera sa bahay inipon ko yun para kung sakali mawala na ako sa mundong ito ay meron ka paring pera
May sakit kasi sa puso ang mama nak kaya maaga akong mama alam basta tandaan mo nak
MAHAL NA MAHAL KA NI MAMA ANAK
I LOVE YOU.
———————————-
“Ma! Sorry kung naging pasaway ako ma”
“Alam kung wala na akong magagawa kundi ang ihatid ka sa sementeryo ma!”
“Alam kung huli na para humingi ako ng tawad ma!”
“Sana mapatawad mo ako ma!”
“Nagsisisi na ako ma!”
HANGGANG SA MULI AKING INA.
———————————-
Mahalin niyo ang mga magulang niyo
Huwag niyo silang baliwalain dahil lang hindi niya nabigay ang mga gusto mo
Remember na ang mga single mom ay ang nagsilbing tatay at nanay
And be proud na meron kang single mom wag mo silang ikahiya
Instead be proud and scream that they are your heroes
And they are the REAL HEROES.
——————————-
Sana maging leksiyon ito na mahalin niyo ang mga magulang niyo bago maging huli ang lahat
HANGGANG sa MULI mga kaibigan
Ang pagtatapos.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top