ACCIDENTALLY INLOVE CHAPTER 3


Hindi malaman ni Lorraine kung anu ang kanyang isusuot halos ngayun lang nangyari na hindi niya alam ang kanyang isusuot, masyado niya iniisip ang magiging hitsura ngayun dahil sa pagkikita nila ni Charles. Ng tignan niya ang orasan almost 6am na pala kaya naman nagmamadali na siyang nagdesisyon na ang black fit jeans ang kanyang isuot na bumagay sa kanya dahil kitang kita ang hubog ng kanyang mahahabang legs tenernuhan niya ito ng silk sleeveless na bakat din ang kurba ng kanyang katawan, at para magmukhang pormal ang suot niya ay tenernuhan niya ito ng pang offiice blazer niya at isinuot niya na din ang kanyang 2 inch na high heels na black, sinipat niya ang sarili at nasatisfied naman siya sa naging resulta dahil inilugay niya lang ang kanyang itim at makintab na buhok na na hanggang balikat at simpleng make up lang ang kanyang inapply sa kanyang mukha.
Sinipat niya ang kanyang sarili at nasiyahan siya sa resulta at ng mapalingon siya sa orasan at nakita niyang almost 6:35 am na ay magmamadali na siyang lumabas ng kanyang kuwarto at bumaba ng hagdanan. Ng makababa na siya ay nakita niya ang kuya Lance niya na nagbebreakfast na sa verandah nila kaya naman medyo kinabahan siya at pinakalma muna niya ang sarili bago nilapitan ang kapatid
” Good Morning kuya hindi kita masasamahan mag breakfast ha may early delivery kami ng flowers” aniya dito na mabilis ito hinalikan sa pisngi at nagpaliwanag dito
” Wala ba iyong secretary mo at bakit ikaw ang kailangan mag handle niyan,masyado pa maaga ah” nagtatakang sabi nito sa kanya
” Kuya owner ako ng shop na iyon at kapag kailangan ako doon of course pupunta ako doon kahit pa super early iyon” paliwanag niya dito,dahil totoo naman kasi talaga na may early delivery sila ng flowers at si Rachel ang maghahandle nun since alam naman nito na may usapan sila ni Charles today
” Ok takecare, and you have to keep your promise na hindi mo pupuntahan ang Charles na iyo ok?” nagbabanta ang tinig nito
” Y- yes kuya” medyo nautal pa siya ng sabihin niya iyon halos hindi nga siya makatingin dito sa mata.
Ako na lang ang magsasabi kay mom and dad na maaga ka pumasok sa shop”
” ok kuya thank you bye” aniya dito at mabilis na lumabas ng bahay para tunguhin ang sarili niyang sasakyan na nasa karahe nila. habang nagmamaneho siya patungo sa opisina ni Charles nakakaramdam siya ng kaba at the same time naguguilty siya sa pagsisinungalin na ginawa niya sa kuya niya. Sa buong buhay niya na magkasama sila nito ngayun niya lang ito hindi sinunod at ngayun lang din siya nagsinungali. Pilit na iwinaksi ni Lorraine ang mga inaalala niya sa isip niya at nag focus siya sa pagmamaneho
Samantala si Charles naman ay inihahanda ang breakfast nila ni Lorraine sa office hindi niya din maintindihan ang sarili niya dahil sa unang pagkikita pa lang nila nito sa flower shop ay talagang humanga siya dito hindi niya maipaliwanag ang damdamin niya sa babae. Ang plano niya lang talaga ay ang awayin at ipamukha sa may ari ng flower shop ang katangahan ginawa ng mga ito and at the same time buo ang desisyon nya na ipasara ang shop nito at hindi niya naman sukat akalain na napakaganda pala nitong babae. Idagdag pa ang pagtawag ng kuya nito na malaki ang galit sa kanya noong college dahil lang sa maling akala nito na inagaw niya ang girlfriend nito noon na si Cindy at ang conflict sa negosyo nila.
” Sir nandito na po si Ms.Lorraine Valtazar” tinig iyon ng secretary niya sa intercom na hindi niya namalayan na umilaw pala sa lalim ng pagbabalik tanaw niya sa nakaraan
” papasukin mo siya agad Mildred” mabilis niyang sagot dito at mabilis siyang nagtungo sa pintuan at bago pa ito kumatok pinagbuksan niya ito agad ng pinto
” Goodmorning”
” Goodmorning” Sabay pa nilang bati sa isat isa at sabay din silang napatawa sa gesture nila pareho
” You look so lovely! its really good to start a day seeing a lovely lady” makahulugang sabi nito sakanya at makahulugan siyang tinitigan
” Hindi mo ba ako papasukin sa office mo” medyo nahihiya niyang sabi dito hanggang ngayun kasi nakatayo pa sila sa pinto ng office nito habang nakatitig sa kanya
” Sorry, please do come in nabigla lang ako sa ganda mo” anito na sinundan siyamg pumasok sa office nito at iginiya siya sa may round table na malapit sa window ng office nito kung saan tanaw mo ang view ng makati. Class at manly ang design sa kulay black and white na design ng pintura at furniture sa office nito nakakarelaks din ang mga painting ng nature na nakasabit sa dingding nito kung saan nandoon ang kanyang office table and laptop.
” have a set” anito sa kanya at umupo siya sa kaibayong upuan kung saan ito pumuwesto umupo
” Ang dami mo naman hinandang pagkain dalawa lang ba tayong magbebreakfast” aniya dito at mataman niyang pinagmasdan ang pagkain sa harap niya.may hashbrown, sausages,egg,mga mini pancake and may fried rice with omelette. may nakahanda din na coffe for 2 from starbucks
” Mas maganda simulan ang umaga sa masaganang almusal para kapag hinarap natin ang mga pagsubok sa trabaho kayang kaya natin ito,bonus pa na may kasama ako napakaganda dalaga” malambing na sabi nito
” Grabe bolero ka,alam ko naman na kaya mo ako pakakainin ng marami ay para isabak sa pakikipag usap sa client mo noh, tell me is she snob or what?” aniya dito na nagsimula ng uminom ng kape pakiramdam niya kasi ay kailangan niya iyon dahil natetense siya sa tingin nito at pakiramdam niya sasabog dibdib niya sa kaba habang kaharap ito napakagisig nito sa suot na business suit
” Leewin is nice but straight forward so just one tip kapag kaharap mo siya.be direct to the point she will be here at 10am so we still have 3hours to prepare ng sasabihin mo sa kanya but i dont think you need those preparation kasi as i can see you are very intelligent woman im sure you can handle Leewin,let talk another topic like do you have a boyfriend?” dire diretso tanung nito habang nilalagyan ang plato niya ng egg hasbrown at sausage
” Akala ko ba business meeting ito, pinagbigyan na nga kita na magbreakfast tayo” pakipot na sabi...


niya dito kahit ang totoo kinikilig siya sa pupuntahan ng usapan nila
” maya na natin pagusapan iyon kapag nandito na si leewin so answer my question please, may magagalit ba kung kasama mo ako ngayun?”
” Aside sa kuya ko na magagalit kapag nalaman nandito ako w- wala naman” nautal pa siya sa huling tinuran dahil grabe ito makatitig sa kanya habang kumakain siya
” Really! so ok lang ba kung dalasan natin ang pagkikita natin, not in a business way, but in a more personal way, i dont care kung galit ang kuya mo sa akin, the mere fact na gusto kita i dont see any reason na hindi ka ligawan” seryoso at dire diretso nitong sabi na sobra lagkit ng tingin sa kanya pakiramdam niya ay may mga paru paru ng lalabas sa dibdib niya sa mga sinabi nito
” Charles slow down please.lets take it one step at a time unahin natin ang problema sa business mo nandito ako para tumulong na mabalik ang deal mo sa client mo and para din ito sa reputation ng business ko” kahit gusto niya ito kailangan niya muna manigurado na talagang gusto siya nito
” Hindi ako mahilig magsayang ng oras lorraine kapag gusto ko ang isang tao sinasabi ko agad at kapag ayoko hindi ko iyon pinagtutuunan ng pansin, and in our case hindi ko alam pero pagkakita ko sayo sa flower shop mo hindi na kita makalimutan” anito na lumapit sa kinauupuan niya at hinawakan ang kamay niya.
Napapitlag si Lorraine sa ginawa nito pero hindi niya hinila ang kamay niya sa pagkakahawak nito parang napakasarap sa pakiramdam na hawak nito ang kamay niya habang nakatitig ito sa kanya
Charles kasi masyado pa komplikado ang sitwasyon natin unang una i want to solve you issue first sa business mo if i can help,plus dumagdag pa iyong issue kay kuya-”
” Ill handle it! kakausapin ko ang kuya mo ill do everything para magkaayos kami ayoko nagiisip ka pa tungkol dun,just let me court you, i really do like you lorraine ngayun lang ako nagkaganito sa buong buhay ko ng dahil sa babae,binabali ko ang sarili kung rules when it come to you” anito n titig na titig sa kanya at mababakas ang kaseryosohan sa pagsasalita kaya halos madala na si lorraine sa mga sinasabi nito
” Kasi Char-”
” Why you dont like me ba? may iba ka ba gusto?” tila mababakas ang takot sa klase ng pagtatanong nito
“W-wala ako iba gusto” nakayukong sabi niya. Hinawakan nito ng baba niya at dahan dahan itinaas ang mukha niya
” Do you like me? kasi kung sasabihin mo na ayaw mo ligawan kita then ill forget about you kahit mahirap”
” panu ang fiancee mo?” bbigla ay naalala niyang itanong
” We broke up at siguro naging dahilan lang yung pangyayari sa shop mo para makawala ako sa kanya, besides ang kasalan na iyon ay sapilitan lang aaminin ko naging kami dahil naging model siya sa mga ads ko sa resort at hotels ko, at dahil sa panunukso ng parents ko na kaibigan ng parenta ni tiffany napapayag nila ako idate siya for the sake of my business si tiffany ang nagassumed na kami kahit unang date pa lang namin dahil mapusok talaga siyang babae, pero never ko talaga siya nagustuhan kahit pa pilitin ko sarili ko,then one day my mom made me realized na i am not getting younger at hinahanapan na ako ng apo si tiffany ay ngpupumilit ng ikasal kami sa pressure ko at sa pagaakalang siya na siguro talaga then i agree na magpakasal n kami, then nangyari ang incident sa shop mo at sa ginawa niyang pagwawala kahapon i almost hit her dahil sa napakapangit na ugali meron sya i realized those ng dahil sa ginawa niya kay leewin.kaya tuluyan na nawala ang lahat ng amor ko sa kanya,kahit kailan hindi ko gugustuhin makasama ang isang babae tulad niya” seryosong kuwento nito habamg hawak pa din ang kamay niya
” I dont know Charles i believe you naman kso feeling ko ang dami pa nati issue n haharapin” naguguluhan sabi niya dito
” tell me first that you like me too,at willing ka ligawan kita please” pagsusumamo nito at hindi na napigilan ni Lorraine ang sarili
” yeah i like you too” nakangiting sabi niya dito
“Yes” masayang sabi din nito
” uyy umayos ka di pa kita sinasagot maka react ka dyan” natatawang sabi nito
” doon din tayo pupunta ill just need to prove to you how much i like you”
” how sure are you ” natatawang hamon niya dito
” you wanna bet” anito na unti unti inilalapat ang labi sa mga labi niya hindi magawang makagalaw ni lorraine at hinintay n lang ang paglapat ng labi nito sa labi niya, pero isang mahinang katok ang pumugaw sa kanila
“s**ht ” mahinang sabi ni charles dahil sa naudlot ang muntik nya ng paghalik dito
” come in ” anito na umayos ng upo at nakangising nakatitig sa kanya na para ba sinasabi na itutuloy nila iyon mamaya,isang ngiti lang ang isinukli niya sa binata.
Pumasok ang secretary nito na may dalang papers
” Sir tumawag si Ms Leewin nagcancel ng meeting ngayon dahil kailangan na daw nitong bumalik ng singapore may emergency daw sa company nito, nag set siya ng another meeting peroang venue ay sa singapore” sunod sunod na sabi nito
” Oh i see sige na mildred ako nang bahala dun”
” ok sir” anito at lumabas na ng office
” anu gagawin mo ngayun” kinakabahan si lorraine ng tunungin niya ito alam nya na kailangan nilang makausap ito
” We will go to Singapore” kaswal na sabi nito
“What!” gulat na gulat siya sa tinuran nito
“You heard me right pupunta tayo singapore,nagpromise ka na tutulungan mo ako mabalik ang deal ko with them so sasamahan mo ko” masaya pa sabi nito
” panu ang business ko saka -”
” i know you will find a way diba nandyan ung assistance mo sa flower shop? and beside 3 days lang tayo dun”
” pero charles naman hindi ko-”
“ayaw mo ba ako makasama? and akala ko ba tutulungan mo ako sa gusot ko dito ikaw kakausap sa kanya diba,” nagsusumamong sabi nito
“ok fine sasamahan kita” pagpapatiayon niya dito
ITUTULOY….
SANA PO AY PATULOY NIYO PO TANGKILIKIN ANG STORY NINA CHARLES AT LORRAINE
HAPPY READING PO






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top