Meant to be? Chapter 10


Biglang nagbeep ang cp ni Nice.
– wag mo kasi akong pagbawalan sa gusto kong gawin para sayo at sa dinadala mo.
– akala ko ba sabi ni Khate ubod ka ng talino. Bat di mo ako magets?
– OK.. Try ko mag hanap ng mapag uutusan ko. Di mo lang alam, ginugulo mo na ng husto
ang utak ko.
– ako din naman ah wala nang kasing gulo, at solo ko lang!
– parehas lang tayo.. Pero kaya natin to. Huwag mo lang akong itaboy at pagbawalang lumapit sayo.
– di ka makaintindi.
– intindi ng utak ko, pero hindi nakakaintindi ang..
–puso ko.
Ah.. Huh!.. Napabuntong hininga sya.
– birthday ko sa Sabado, dalawang party yon. Costume Party wearing mask.. at extended bonding trip sa boracay with friends and families. Gusto ko maka attend ka sa dalawa. Kapag umuo ka ngayon, palalabasin kita. Kapag hindi.. Dito ka matutulog.
Aba’t hanep na strategy..
– buksan mo na!
– Papayag ka?
– Para ka palang bata Ace!
– Sayo lang! ..
– Payag ka na?
– Oo na! Papayag na ako. Ikaw ang bahala ako ang kawawa.
– You swear!
– I swear!
Narinig nya na ang pagpihit ng pinto. Nagpipigil ang ngiti nito. Agad nya itong tinapunan ng cushion.
“Wais ka talaga!”
“Oo, kaya humanda ka. Mapapasa akin ka rin!”
Bago sya tuluyang hinatid, tumabi sila sa mall at ipinag grocery sya nito.
Wala syang nagawa, holding hands sila.
Bigla syang bumitaw..
“Sabi ko diba, mag ingat tayo.
Habang may distansya silang pumipili ng goods, Panaka naka ang sulyap ng binata sa kanya. At kapag may lalaking lumalapit sa kanya agad itong umiinsert..habang tila hinahamon ang lalaki Kungdi hinahablot ang kamay nya sabay hila palayo.
Yong mga juice at cup cakes, gatas, at vitamins na magaan lang ang tinabi para ipadala sa kanya. Yong ibang stock nito sa unit nya para ibibigay sa kanya some other days.
Kumain muna sila sa restaurant.
“Pano pag may nakakita sa atin tapos, ichismis tayo.”
” I’ll take the consequences.. Unti Unti na akong tumatapang Nice. Sa bawat araw na nakakasama kita. ” ginagap pa nito ang palad nya.
Ayoko na, di ko na sya masakyan.
Di ko alam kung seryoso ba syang talaga..
Araw ng Sabado.
Ipinagpaalam sya ni Ace sa papa nya. Masyado itong malakas sa papa nya at napapayag ito. Siya itong kinakabahan.
Nong pagabi na nakita nyang bumaba sa sasakyan si Rica nakasuot ng tila pang snow white, sumunod si Khate na parang Cinderella siguro yong sa kanya.. Lavander blue kasi ang kulay.. Galing yata ang mga ito sa parlor, malamang.”Ganda naman nila.. Di na lang siguro ako pupunta.”. Nasa labas ng banghouse sya ng papa nya.. Nakaupo sa bench, kinuha nya ang kanyang cp at tinext ang binata.
– Di na ako tutuloy”
– Papunta na ako
Halos nagsabay lang ang text nila
– What?? Papunta na ako dyan, di ako papayag na di ka pumunta!
– Hoy! Andito pa ang girlfriend mo. Buti pang sya na lang ang sunduin mo. Sige na, matutulog na ako.
– bat ba lagi mo akong iniinis ha?
– abay malay ko sayo kung nainis ka. Magpapahinga na lang ako.
Pinatayan nya ito ng tawag.
“Grabeng babaeng to.. Sobra nang paglilihi.. Wala na sa lugar! Makakatikim ka talaga sakin”
” Oh anak.. Hindi pa ba nagtetext si Ace.”
“Ahm.. Ganda nila pa noh.. Hindi na ako tutuloy pa, hindi naman ako sanay sa mga ganyang party2. Ma oop lang ako don. Itutulog ko na lang po ”
” Ikaw..pero mukhang masaya yon, makaranas ka man lang habang bata ka pa. Minsan lang naman.”
“Ang bait nyo po at napakamaunawain pa. Kaya mas lalong mahal na mahal ko kayo e.”
Bye Nice! we’re...


going to party..!
“Sige ingat kayo Rie.. Ate Khate.!
Ngumiti lang si Khate sa kanya.. Ayaw na nitong tinatawag nyang ate.
Nakita nyang isinuot ng mga ito ang maskara.
” Oh anak! Nagtext si Ace. Nasaan ka na daw? Nag aantay daw sya sa labas.”
” Oh ito tumatawag..”
Umiling iling sya. Pero itinapat na ng papa nya ang cp nito sa teynga nya.
Hello? Tay?
Ace di na talaga ako tutuloy.
Andito na ako, papasukin na kita dyan, mukhang wala naman dyan ang parents ni Khate.”
Ang kulit mo rin e.” pero nakita na nya itong pumasok. Buti di na ito sinisita ng guard. Yong guard na tulog pag tanghali kaya sya nakakapuslit.
Dire diretso ito papunta sa kanila ng papa nya. Buti at walang katulong o boy sa labas dahil naghahapunan na..
” Gandang gabi tay”
“Magandang gabi din iho. Sige na anak.”
Hinawakan ni Ace ang kanyang braso.. “tara na”
Sinamaan nya ito ng tingin. Kinakabahan kasi sya. Di nya feel. Binawi nya ang kamay..
“Ni di pa ako nakapagbihis. “ok na yan.. Kumain ka na?”
“Oo…”. “Tara” nakatitig ito sa mga mata nya, nagsusumamo na pumayag sya.
” Oo Sige na…”
Ngumiti ito.. Umiwas sya dahil tila di nito pansin ang kanyang tatay.
Naabutan nya pa ang nagtatakang anyo ng papa nya.
“Ah pa..
” Iho, pwede ba taying mag usap muna sandali.”
Kinabahan tuloy si Nice.
Opo tay.
Iginayak sya nito sa likod ng banghouse.
Tay?
May nahahalata ako sayo. Huwag kang matakot para di ka makapagsinungaling..
Para na kitang anak kaya Tapatin mo ako.. Anong meron sa inyo ng anak ko.”
Nagulat si Ace.. Napatitig sya sa matanda.
” Di ba dapat si maam Khate ang sinusundo mo. Bakit ganyan ka sa anak ko.. Ok lang nong una… Pero ngayon.. Hindi ako magagalit, gusto ko lang malinawan. Iho, pangako.. Uunawain ko ang ipagtatapat mo.”
Tay.. Ayokong magalit kayo sakin, may pinagsamahan na tayo. Pero ayoko ring itago sa inyo. Gusto kong malaman nyo dahil hirap na rin ako na sinosolo namin to.
Ano?
” Tay.. Gusto ko ang anak nyo, hindi higit pa po don.” tay may aaminin ako sa inyo, pero pag katapos na ng party please.. Kailangan na naming umalis. Please tay, wag kayong magalit payagan nyo sya.”
” Oo magtitiwala ako sayo, huwag mong sirain.”
Bumuntong hininga si Ace bago pinuntahsn ang dalaga at nauna na syang lumabas, sinamahan si Nice ng ama nya para di sila mahalata.
” Anong pinag usapan nyo.”
” Wala! Iingatan kita. Yon lang.”
Dumiretso sila sa parlor. Pero iba na ang sumundo sa kanya papunta sa bahay nina Ace. Ang tropa na nito.
“Buwis buhay! “tanging bulong ng utak nya pagkababa. Sobra ang nadarama nyang kaba. Ayaw makita ni Ace ang suot nya at ang anyo ng mask nya para titingnan nya kung makikilala nya ba ang dalaga sa dami ng a attend ng party. May sign syang hinihiling. .
naron din sina Khate at Rica at mga ex’s nya.
Pagdating ni Nice.. Iniscort sya ng tropa ng binata pagpasok ng gate pero iniwan din sya at babae na ang umalalay sa kanya. Nakasuot sya ng color beige na gown na may color pink na palamuti. Terno din ng suot nya sa paa. Para syang prinsesa. At ang mask ay pinaghalong beige at pink na butterfly design at may feathers din ito sa gilid.. Kaya takip na takip ang mukha nya. Napakastunning ng suot nya.. Bagay sa tangkad nya at ganda ng hubog ng kanyang katawan. Stand out si Nice magaling din syang magdala ng sarili. Parang model lang.
Pero ang totoo kabang kaba na sya.
Napansin nya ang






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top