WAG N’YO NAMAN AKONG IWAN MAG-ISA, MAMA, PAPA!


WAG N’YO NAMAN AKONG IWAN MAG-ISA, MAMA, PAPA!
“Anak, matulog kana, dadating na si mama bukas” Sabi sa ‘kin ni papa. Uuwi na si mama bukas galing abroad at sabi niya sa akin hindi na siya aalis pa dahil mag tatayo sila ni papa ng buisness dito sa pilipinas dahil may sapat na silang ipon
“Sige po papa” Sabi ko kay papa at nag talukbong na ng kumot at maya maya ay naka tulog na….
“Anak anak gising na” Rinig kong bulong ng isang pamilyar na boses. Minulat ko ang mata ko at nakita ko si mama’t papa na nakangiti sa akin
“Happy birthday Carl!” Sabay nilang bati sa akin
“Mama, papa!” Sigaw ko sabay amba ng yakap sa kanilang dalawa
Bumaba kami ng hagdan at sobrang ganda ng sala na may theme na spiderman. Maraming handa, lobo, may cake pa na may design na spiderman at marami pang iba
“Happy birthday anak” Sabi nila sa akin. Marami kaming ginawa gaya ng baking, videoke, eating, watching movies, playing videogames, pillow fights at marami pang iba na sobrang ikinasaya ko
Ng nakaramdam na ako ng pagod ay umupo muna kami sa sofa
“Mama, hindi kanaba aalis?” Tanong ko
“Hindi na kami aalis anak. Palagi ka na naming kasama. Hinding hindi na kami aalis sa tabi mo Carl” Malamig na sabi ni papa
Niyakap nila akong dalawa. Sobrang sarap sa pakiramdam na sabay kang yakapin ng dalawang taong pinaka importante sa iyo
Kumalas ako sa yakap at kitang kita ko sa dalawang mata nila ang lungkot. Kahit nakangiti ay hindi nagsisinungaling ang kanilang mga mata.
“Mama? Papa? Bakit kayo sad?” Nagtataka kong tanong.
“Magpakatatag ka anak ah. Palagi lang kaming nasa tabi mo anak. Mahal na mahal ka namin” Sabi ni mama sabay yakap sa akin ng mahigpit
Pagkalas niya ng yakap ay wala na sila. Inilibot ko ang tingin sa paligid at napagtantong nasa loob parin ako ng k’warto ko at naka higa. Panaginip?
Bumaba ako ng k’warto upang tanongin sila manang kung anong oras na at kung naka uwi na si papa
Ng malapit na ako makababa ay narinig ko ang bulungan ng mga yaya namin sa kusina
“Jusko! Paano na si Carl?” Sabi ng isa naming yaya
Maya maya pa ay bumukas ang pinto at may pumasok na abogado
“Nasaan si Carl?” Tanong niya. Lumabas ako kung saan ako nagtatago
“Hi my name is Arthur. Matalik akong kaibigan ng mama mo at alam kong bata...


kapa pero may karapatan kang malaman ‘to”
“Ano po ‘yon?” Nagtataka kong tanong
“Wa.. wala na ang mama mo” Sabi niya. Parang pinipiga ang puso’t sikmura ko sa ‘king narinig. Tamaba ang pagkakaintindi ko? Wala na si mama?
“Nag crash ang eroplanong sinasakyan niya habang pauwi dito sa pilipinas. Bago siya mawala may sinabi siya sa akin. Lahat ng pera at ari-arian ng mama mo ay ipapangalan sa ‘yo” Sabi niya habang nakaluhod sa harap ko para mag pantay kame
Kahit bata pa ako ay naiintindihan ko lahat ng sinabi niya sa akin.
Maya maya pa ay may dumating pang mga pulis
“Dito po ba ang bahay ni Mr Acumular?” Tanong nila “Gusto lang po naming i-inform na nasakulungan si Mr Acumular dahil nakapatay siya ng buntis na tumatawid” Pagpapatuloy nila
___
“Papa anong ginagawa mo diyan?” Tanong ko kay papa, umaasang sasabihing napagbintangan lang siya
“Anak! Magpakatatag ka anak ah. Wala na ang mama mo” Sabi niya sabay yakap sa akin
“Alam kona papa. Plsss ‘wag n’yo naman akong iwan mag-isa” Hagulhol ko sa harap ni papa.
“Hindi ka naman namin iiwan anak, hinding hindi namin iyon magagawa. Palagi lang kaming nasa tabi mo, sa loob ng puso mo anak” Sabi ulit ni papa na umiiyak na din
“Tama na ‘yang drama, tapos na ang 5 minutes, bukas ulit” Sabi ng isang pulis
___
Kinabukasan sinamahan ako ni Mr Arthur na bumisita ulit kay papa
“Wala na si Mr Acumular, nagbigti siya” Sabi ng isang pulis
“Ito po ba ang sinasabi ninyo?” Tanong ni Mr Arthur habang hawal hawak ang picture ni papa
“Oo, ‘yan nga” Sabi ng pulis
___
Nasaloob lang ako ng k’warto ko. Umiiyak. Hindi kona alam ang gagawin ko. Mama, papa bakit n’yo naman ako iniwang mag-isa.
Paano na ako? Sino na ang mag aalaga sa akin? Lumayas na din ang mga katulong namin dahil wala na daw ang mag papa sweldo sa kanila
Maya maya ay may pumasok sa bahay namin, si Mr Arthur
“Gusto mo ba sa amin na tumira? Wala pa naman kaming anak ng asawa ko eh” Offer niya sa akin
AFTER 15 YEARS
Naka upo ngayon sa loob ng aking opisina habang nakatingala’t iniisip ang mga pangyayaring habang buhay ko ng dadalhin
“Mama’t papa, ayos lang kaya kayo d’yan?”
“oo” Nagulat ko ng biglang pumasok ang girlfriend ko
“Sure akong proud ang parenst mo sa ‘yo babe kase nakaya mo” Sabi niya sabay yakap sa’kin






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. ganda talaga

Leave a Reply


top