Fight for love


Fight for love
Entry:
“Xy, hanggang kailan mo ba ipagtatanggol ang lalaking yun? Manloloko siya at niloloko ka na niya, hindi mo pa rin alam.” Kanina pa kami nagtatalo ni Ate tungkol sa boyfriend ko. Hindi kasi nila alam ang totoo kaya ganyan na lang sila magsalita.
“Hindi ko siya pinagtatanggol, kilala ko siya at alam kong mahal niya ako.” Tinalikuran ko siya at pumasok sa kwarto ko.
I always tell my family, especially my sister, that my boyfriend loves me and does not flirt with other women. Hindi ko ito pinagtatanggol, sinasabi at pinaniniwalaan ko lang ang totoo pero minsan nakakapagod na rin kaya dinadaan ko na lang sa iyak.
HABANG tahimik na umiiyak sa living room ay pumasok si Ate sa kabahayan at nakita akong umiiyak.
“Xy!” Nagaalala itong lumapit sakin, binitawan ang mga dalahin sa bungad ng pintuan.
Akala ko ay papagaanin nito ang loob ko pero nagkamali ako…
“Sinabi ko na sayo, iiyak ka lang sa lalaking ‘yun.” Hinagod niya ang likod ko but instead of lightening my feeling, I felt even more annoyed because of what she said.
“Ate, Enough! Please. Hindi niya ako niloloko, mahal niya ako. Kailangan bang paulit-ulit kong sabihin sa inyo ‘yun?” I left the living room feeling heavy.
Gustong gusto kong sabihin sakanila ang totoo, pero may pangako akong dapat sundin at tuparin. Ayokong mapako ‘yun dahil nangako rin siya sa ‘kin, ang pangako niyang iyon ang tangi kong pinanghahawakan hanggang ngayon.
“XYLENE! Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin hinihiwalayan ang manloloko mong kasintahan?!” Galit na galit na mukha ni Mommy ang bumungad sakin pagkababa ko. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglabas ng bahay.
Mas mabuting talikuran at huwag silang pansinin kaysa makapagsalita ako ng hindi maganda.
“Xylene! Pag hindi mo pa hiniwalayan ang lalaking yun, hindi mo na ako matatawag na isang Ina!” Sigaw pa nito na nagpatigil sakin.
‘Handa siyang itakwil ako para lang hiwalayan ko ang lalaking mahal ko?’
Muling tumulo ang mga luha ko. Nagpatuloy ako at hindi na pinansin ang mga isinisigaw nito. Pagdating sa labas ng village ay pumara agad ako ng taxi at nagpahatid sa kung nasaan ang minamahal ko.
MABILIS akong nagbayad sa driver at tumakbo papasok, tinungo ang elevator at nagmamadaling pumasok sa loob. Hindi nagtagal ay narating ko na ang floor kung nasaan ang kwarto ng boyfriend ko pero natigilan ako nang makita ang nagtatakbuhang tao patungo sa iisang direksyon. Nakilala ko ang isa sa mga yun kaya hinabol ko ito at pinigilan.
“What’s happening?” Kinakabahang tanong ko. Namamawis na ang mga kamay ko at malakas na ang kabog ng dibdib ko.
“I’ll...


just look at your boyfriend’s condition first, then I’ll tell you the result.” Tumango ako at sumunod sa mga ito. Pumasok sila sa kwarto ng boyfriend ko habang ako ay hindi nila hinayaan at pinanatili na lamang sa labas ng pintuan.
Ang mga luha ko ay nagsisimula na namang lumandas sa pisngi ko na lagi na lang nababasa. Parang hindi na ito natutuyo dahil minu-minuto ay may luhang lumalandas dito. Kundi dahil sa pamilya ko ay dahil naman sa kondisyon ng boyfriend ko.
Ito ang rason kung bakit hindi ako naniniwala kina Ate na may ibang babae ang boyfriend ko, dahil sigurado akong hindi siya makakatakas dito dala ng panghihina. Nasabi niya sa akin noon na may twin brother siya na buwan-buwan nagpapalit ng kasintahan at nangangamba na baka pagkamalan kong siya iyon kahit na hindi naman.
May sakit ang boyfriend ko at hanggang ngayon ay walang kasiguraduhan ang paggaling nito. Siniguro niya noong na ospital pa lamang siya na mangangako akong hindi ko ipapaalam sa pamilya ko ang kalagayan niya at kahit sa mga kaibigan pa naming dalawa, dahil gusto niya itong harapin na malakas ang pangangatawan at sa hindi ganitong kalagayan. Wala akong magawa kundi mangako nung mga araw na ‘yun dahil yun nalang ang maia-ambag ko sakaniya.
Napatingin ako sa glass window ng kwarto niya at nakitang nire-revive na siya ng doctor. Nataranta ako at sinubukang pasukin ang kwarto niya, pero tulad kanina ay pinigilan ako ng ibang nurse.
Nakita kong nakadilat ito at nakatingin sa direksyon ko. Bago mag straight line ang heart beat niya ay nakita ko ang huling pag ngiti nito sa akin at pag sambit ng “I love you” kahit na hinang-hina na siya.
Hinayaan lang nila akong makapasok nang hindi na bumalik sa normal ang heart beat nito at ideklara ng doktor ang oras ng kamatayan niya. Niyakap ko agad ang katawan niyang wala ng buhay paglapit ko pa lang. Ang mukha ay nakasubsub sa leeg niya.
“Please wake up. You promised to fight for the two of us, you said you wouldn’t leave me, right? You said you wouldn’t let me alone fight for our love. Why did you give up?”
Kahit anong gawin ko ay wala na talaga, sumuko na siya. Kahit anong sabihin ko ay wala na, hindi na niya maririnig pa. Kung hindi na sana ako umuuwi pa ay mas matagal ko pa sana siyang nakasama. Mas matagal ko pa sanang nakausap at nahagkan ang buhay niyang katawan kani-kanina lamang.
“I love you.” Sagot ko sa sinambit nito kanina at tahimik na umiyak habang mahigpit na nakayakap sa wala na niyang buhay na katawan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top