Nagising ako ng marinig ang sigawan nang aking mga magulang.
“Bakit mo ‘to ginawa Marcelo?! Wala akong maisip na rason para gawin mo ‘yan?!” Halos Makita ko ang mukha ng aking ina na naghehesterya dahil sa nagawa nang aking ama.
Ano nga kaya ang ginawa ni papa? Bakit ganuon na lamang ang reaksyon ni mama?
Lumabas agad ako sa kuwarto at bumaba, nadatnan ko sila sa Salas namin.
Nakatayo si papa, mabibigat ang hininga. Samantalang si mama ay nakaluhod na sa harap n’ya, umiiyak.
Ang sakit makitang nagaaway ang parents mo, ang sakit makitang may nasasaktan sa kanila.
“Ma, Pa. Tone down your voice, tuloy pa po si C-Cadmus” pinilit kong maging matatag ang boses ko kahit na nanghihina na rin ako, Kakausapin ko mamaya si papa.
Walang nagsalita sa kanilang dalawa, ang tanging maririnig mo lng ay ang hikbi ng kan’yang ina.
“Ma” usal ko, agad naman bumaling sa akin ang kan’yang mga matang namumula dala ng pagiyak.
I hug her, mas lalo s’yang napahagulgul sa ginawa ko, bakit masasaktan ng ganito si mama?
“Ma, Pa. Let’s talk in my room.” Mariing aniya ko, malayo kasi ‘yon sa kuwarto ni Cadmus at Hindi n’ya maririnig kung sakaling magsigawan ang mga magulang ko.
“Anong nangyayari, ma, pa?” Nagiwas silang dalawa nang tingin.
“Pa, please I want to know”
“I-I’m sorry a-anak” nabasag ang boses ni papa, duon pa lng Alam kong malaki nga ang nagawa n’ya.
“Ano pong ginawa mo pa?” Sinisubukan kong maging matatag para sa kanilang dalawa, Alam ko kaseng nanghihina rin sila at Wala silang ibang makakapitan Lalo na’t may Hindi sila pagkakaintindihan.
“The V-Villarosas” panimula ni papa, ang buong atensyon ko ay tinuon ko na sa kan’ya.
“I-I’ve made a mistake, Nagnakaw a-ako ng p-pera sa k-kanila” kumunot ang nuo ko, Andaming tanong ang nabuo sa aking isip.
“Pa bakit ko ginawa ‘yon?!” Nanggagalaiti na rin ako. Binalingan ko si mama, ganuon parin ang itsura n’ya, humihikbi.
“Marami naman tayong pera! Bakit kaylangang magnakaw ka pa, pa?! P’wede naman akong mag trabaho pag nakukulangan kayo!” Naghihisterya na ako, kinalma ko ang aking sarili upang maayos ang aking pagiisip.
“I-I’m S-Sorry anak” Bakit Pa, Bakit? Hindi ko talaga mahanap ang rason para magnakaw ka.
“I had an a-affair with another w-woman” Nanlaki ang mga mata ko, kasabay...