Fathers and son Part 6


Araw ng pagpapakilala ng mga bata sa kani kanilang itinatanging hero ng buhay nila. Maaga ring pumasok ang mag amang sina Larry at Viel. Pagdating sa room ng bata,binati niya agad si Titser Yssa niya. Maging si Larry ay binati rin si Yssa.
” Umupo ka na sa upuan mo ,Viel. Maaga pa kaya pwede kang magensayo sa pagsusulat. ”
” Opo,maam.”
Tumalikod si Viel saka naupo sa upuang nasa gitna. Kinuha ang isang notebook at sinimulang magsulat ng kung anu ano.
” Titser Yssa…” Mahinang tawag ni Larry.
” Mmm?”
” Ah..makikisuyo ulit ako. Trabaho lang.”
” Ang aga naman?”
” Maaga kasi akong tinawagan ng kasama ko sa trabaho.”
” Ganoon ba? Sige. Akong bahala.”
” Salamat. ”
Medyo nakakalayo na sana siya nang tinawag siya ni Yssa.
” Sandali lang.” Lumapit si Yssa.” Babalik ka ba agad?”
” Hindi ko alam kung agad akong makakabalik. ”
” Kailangan mong bumalik agad ,Larry. Ngayon ipapakilala ng mga bata ang itinuturing nilang hero. Malulungkot si Viel kapag wala ka.”
” Oo nga pala. Nabanggit pala ni Viel sakin kahapon. Huwag kang mag alala. Sisikapin kong makabalik agad. Anong oras ba?”
” Isang oras bago ang uwian nila. Sa ganoong oras kasi,nandito na ang mga sundo ng mga bata. Karamihan kasi sa mga sagot nila ay ang mga magulang,kuya o ate na sumusundo sa kanila. Kaya huwag kang mahuli gaya ng dati. Baka magtampo sayo si Viel.”
” Oo. Pakisabi na lang ulit na umalis ako.”
” Sige. Umalis ka na.”
” Salamat ulit.”
Upang mas madali siyang makarating sa hideout ng kanyang kasama sa pagdukot sa heredero , nirentahan niya ang isang single motor na nakita niya sa malapit. Sa gwardiya pala ito.
Malaki ang bayad niya kaya pumayag naman agad ang may ari. Sa una ay nagdadalawang isip pa ito dahil baka gagamitin ni Larry sa masama. Pero,nangako naman si Larry na ibabalik agad. At dahil kilala na ng gwardiya si Larry,napapayag na rin niya ito.
Pagdating sa hide out,nandoon pa rin ang heredero. Nakagapos ang dalawang kamay sa likod at nakapiring ang mga mata.
” Ang parte ko?” Tanong niya sa lalaking kasama.
” Heto.” Inihagis nito ang isang makapal na sobre. ” Malaki ang naging parte mo dahil ikaw ang dahilan kung bakit nakuha natin ang heredero. ”
Binuksan ni Larry ang sobre. Maraming kulay asul ang nasa loob nun.
” Siyanga pala. Naikwento ko kay amo ang tungkol sa ginawa mo. Gusto ka niyang makausap.”
” Bakit raw?” Nagtatakang tanong ni Larry habang nasa sobre ang tingin.
” Gaya nga ng sabi ko,naikwento kita sa kanya. Ang nangyari kahapon. Baka aalukin ka ng trabaho. Palagiang trabaho. Hindi yong raket lang.”
” Ayoko.” Tuwirang hayag ni Larry. ” Ok na ko sa pa raket raket lang. Kung saka sakali mang may darating na marangal na trabaho sakin,yun ang tatanggapin ko.”
” Kahit na doble o triple pa diyan?”
” Ayoko pa rin. Alam mong may anak ako. Ayokong habang buhay na ganito. ” Sagot ni Larry.
” Ikaw ang bahala.”
” Alis nako. Kailangan ako ng anak ko sa school niya.” Pagpapaalam niya saka naglakad na.
” Sandali!” Hinabol siya ng kasamang lalaki. ” Hindi ka ba sasama sa lakad ko ngayon? Tutubusin na ng ama niya ang herederong iyan.” Baling nito sa lalaking nakagapos.
” Pass na muna ako. Mas mahalaga ang anak ko. Sige. Alis nako. Pasensya ka na kahapon kung kinuha ko ng sapilitan ang pera mo. Walang wala kasi ako kahapon.”
” Ayos lang. Iniligtas mo rin naman ang buhay ko kahapon mula sa kalaban.”
” Mm…alis nako.”
Pagkalabas ng hide out nila. Sumakay agad ng single motor at pinaharurot ito. Pero maaga pa sa mga oras na iyon kaya may trapik na namumuo. Nasa gitna siya noon ng trapik at naghihintay na umusad nang may isang lalaking tumawag ng pansin niya.
” Larry!!”
Lumingon si Larry sa boses na tumatawag sa kanya. Laking gulat niya nang makilala kung sino ito.
” Rodney?!” Sabi niya sa sarili.
Alam niyang galit sa kanya si Rodney dahil sa ginawa niyang paglayo kay Viel dito. Kaya naman,nagpumilit na isiniksik ni Larry ang dalang single motor sa ibang sasakyan nang umusad ang trapik. Hindi siya pwedeng maabutan nito. Tiyak na magpupumilit itong itanong sa kanya kung saan si Viel.
Umuusok naman sa galit si Rodney nang matanaw niyang pinatulin ni Larry ang dalang motor. Agad niya itong hinabol sakay ng isang kotse. Sinundan hanggang saan ito maabutan.
Kung mamalasin nga naman,na korner ni Rodney si Larry sa isang eskinita. Naabutan niya ito.
” Huh! Hindi ko akalaing magkukrus muli ang landas natin,Larry. ”
” Kung ang anak ni Lee ang pakay mo, wala siya sakin. Pina ampon ko siya. Mas mabuti nang nandoon siya kesa sa kamay mong walang puso kung pumatay ng tao.” Matalim ang naging tingin niya kay Rodney.
” Kinalimutan ko na ang batang iyon!” Singhal ni Rodney sa kanya.” Sira ulo ka ,Larry. ”
” Ikaw ang sira ulo! Pinatay mo ang mga magulang...


ng batang iyon!”
” Dahil sayo!”
Isang suntok ang pinakawala ni Rodney sa mukha ni Larry. Hindi nakita ng huli ang paparating na kamao ni Rodney. Mahusay rin kasi ito sa pakikipaglaban gaya ni Larry. Buwis buhay ang trabaho nila kaya kailangan may sapat na kaalaman sa pakikipagsangga sa kalaban.
” Ahgg..” daing ni Larry pagkatapos matamo ang suntok ni Rodney.
Pagkatapos ay isa pang suntok ang pinakawala nito na siyang nagdulot ng hiwa sa labi ni Larry. Tumulo ang kulay pulang likido sa gilid.
Kinuwelyuhan ni Rodney si Larry.
” Kasalanan mo kung bakit namatay ang mag asawang iyon. Nalaman ko na ikaw ang may hawak ng perang pinantubos noon. Tapos si Lee pa ang itinuro mong kumuha ng malaking halagang iyon.”
Tahimik lang si Larry. Totoo ang sinasabi nito. Siya ang may hawak ng perang iyon. Pero hindi niya sinadyang maiwala ito. Natakot siya sa magiging parusa niyang kamatayan kaya si Lee ang itinuro niyang kumuha ng pera. Napakasama niyang kaibigan dito. Pero pinagsisihan na niya ito noon pa. Hindi niya rin akalaing mauungkat na naman ito sa paglipas ng panahon.
” Ano ?! Natahamik ka na? Totoo diba? Ngayon…nasaan ang perang iyon?!”
” Matagal na iyon,Rodney. Hanggang ngayon,hindi pa rin maalis alis sa isipan mo yan!”
” Dahil ang parte ko doon,ang magiging pambayad sana sa operasyon ng mama ko!” Nanggagalaiti sa galit si Rodney. ” Dahil sa nangyaring iyon,namatay ang mama ko. At dahil hindi ko naibalik ang perang iyon, hindi ako binabayaran ng tama ni Chairman!”
Nanlaki ang mga mata ni Larry. Ang laki pala ng epekto sa pagkawala ng perang naiwala niya ng di sadya.
” Rodney…..” Sambit niya.
” Nasaan ang pera?! Nasaan?!”
Susuntukin na naman sana siya ni Rodney pero nakailag siya at sinipa si Rodney. Inundayan rin ng malakas na suntok. Hindi na niya hinayaan pang makaganti si Rodney kaya sunod sunod na suntok na ang pinakawala niya. Pero naiilagan naman ito ng huli ang iba niyang hirit.
Kamao sa kamao ang labanan sa pagitan nila. Parehong may tama sa mukha at katawan. Biglang sumagi sa isip ni Larry na kailangan niyang bumalik agad sa eskwelahan kaya tinapos na niya ang laban. Nang makakuha ng tyempo. Tumakbo siya at sumakay sa motorsiklong dala saka agad na pinaandar. Humarurot agad para hindi maabutan.
” Larry!!!!” Habol na sigaw ni Rodney na sinabayan pa ng ilang takbo.
Habang nagmamaneho,panay naman ang pagid niya sa kanyang labing pumutok dahil sa suntok. Pagkarating sa gate,kinapa niya muna ang kanyang bulsa. Naalala ang perang parte niya. Nakahinga siya ng maluwag nang makapa ito. Mabuti at hindi ito nawala habang naglalaban sila ni Rodney.
Samantala,hindi naman mapakali si Viel sa klase. Wala pa ang papa Larry niya at malapit na siyang magsalita at magpapakilala. Maging si Yssa naman ay nababalisa na. Tila nag aalala kay Larry at sa bata.
Si Viel na ang magsasalita. Nasa harapan na siya ng klase. Napapahaba ang leeg sa kakahanap at kakahintay sa papa niya. Lahat ng mga itinuturing na hero ng mga bata ay naroon sa loob ng klase. Nakikinig sa bawat batang nagsasalita at nagpapakilala.
Hinihintay na nila na magsalita na si Viel. Pero paano siya magsasalita kung ang itinuturi nyang hero ay wala pa.
” Viel…” Sambit ni Yssa. ” Mamaya ka na siguro magpapakilala ng hero mo.” Nasa mesa niya ito na katapat lang ng pinto.
” Po?” Matamlay si Viel sa pagsagot sa titser niya.
Biglang dumating si Larry. Humahangos na naka tukod ang dalawang kamay sa pituan.
” Papa..” nabuhayan ng loob ang bata nang makita siya.
Pero iba ang reaksyon ni Yssa. Kitang kita niya ang duguang labi ni Larry. Pumasok si Larry sa loob. Pinagtitinginan naman siya ng mga taong naroon din.
” Pasensya na,titser..natagalan ako. Sorry anak.” Pagpapaumanhin niya.
Sa kanyang paglalakad,sinalubong siya ni Yssa at palihim na iniabot ang panyo niya sa lalaki.
” Yung …yung labi mo.” Sabi nito.
Agad namang pinunasan ni Larry ang dumudugo pa rin niyang labi. Pumunta siya sa harapan at tinabihan si Viel.
” Magandang umaga sa inyong lahat. Ako po ang papa ni Viel. Ako raw po ang hero niya.” Pilit niyang ngumiti sa harapan ng iba. ” Pasensya na at ganito ang itsura ko. Napalaban kasi ako sa isang magnanakaw sa daan. Ahh….pinilit ko munang patumbahin bago pumunta rito. ” Dagdag niya.
Bahagya namang natakot ang mga magulang at bantay ng mga kaklase ni Viel.
” Pulis po ang papa ko!” Sigaw ni Viel na suot ang isang malaking ngiti. ” At siya po ang aking hero!” Pagmamalaki nito.
Nilingon ni Larry ang katabing anak. Gusto niya itong pigilan sa pagsasalita pero ano naman ang sasabihin niya kung saka sakaling bawiin nito ang sinabi ni Viel sa harap ng iba.
Si Yssa naman ay nakatutok lang kay Viel. Nararamdaman niyang may kung anong problema si Larry.
Samantala,lingid sa kaalaman ni Larry. Nasundan siya ni Rodney.
” Huh! Humanda ka sa gagawin ko ,Larry.” Bulong ni Rodney sa sarili. Tiim bagang habang nakatingin sa gate ng eskwelahan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top