Natigil lang ako sa nga iniisip ng tumunog Ang cellphone ko, Si Riguel ang tumatawag. Wala sa sariling sinagot ko ito.
“Are you okay?” Bungad n’ya agad, maririnig ko pa ang mga busina ng sasakyan, nasa daan siguro s’ya.
“I’m n-not” heto na naman naiiyak na naman ako, Hindi ko kaya nang ganito.
“I’m on my way there, wait for me” binaba n’ya agad ang tawag upang Hindi na ako makaangal pa sa nais n’yang mangyari.
Lumipas nga ang ilang minuto at nakarinig agad ako ng busina sa labas.
“Ma’am, nariyan po si Mr. Villarosa” si nanay, Isa sa tagapangasiwa rito sa bahay, tumango ako at pinagmamasdan muna ang sarili bago lumabas. Halata pa sa mga mata ko na kanina pa ako umiiyak, namumula Rin ang ilong ko.
Agad bumungad ang nagaalalang mga mata ni Riguel sa akin ng buksan ko ang gate. Niyakap n’ya ako, ngunit Hindi ko manlang magawang yakapin s’ya pabalik, hiyang hiya ako sa ginawa nang papa ko.
“I-I’m sorry, R-Riguel” nabasag ang boses ko ng sinubukan kong magsalita.
“Hush baby, it’s fine, I can take care of it. Please, don’t stress yourself” Aniya, tumango ako kahit na Hindi kuntento, Alam kong magagawan n’ya ng paaran ang perang nawala sa kanila pero ung kahihiyang binigay ng papa ko sa kanila, baka Hindi na makalimutan pa.
“The gown is here, pinapahatid ni mama” Bahagya pa akong nagulat nang Hindi galit sa akin Si Donya Winona. Nagalinlangan s’ya ng sabihin ang mga katagang iyon.
“Pupunta ka ba?” Tila nabasa n’ya ang iniisip ko, na ayaw kong pumunta. Agad akong umiling.
“Sige, Hindi na rin ako pupunta” kumunot ang nuo ko sa sinabi ni Riguel.
“Bakit Hindi ka pupunta?”
“Wala ka rin naman duon, kaya ayos lang” Aniya
“But Riguel, it’s your family party! They need you there!” Aniko
“Do you think mama can’t handle that?” Natahimik naman ako. Hindi ko nga yata lubos na kilala ang mga Villarosa.
“Baby come on, I’ll listen to your rants” Aniya, Hindi n’ya parin kinakalas ang yakap n’ya sa akin. Tila pag binitawan n’ya ako ay pati ako mawawala na sa kan’ya.
“I want to come, I’ll say sorry to Donya Winona” he groaned at my decision.
“Cathy, ‘yung pagkain mo Hindi mo padin ginagalaw” si nanay, Hindi pa nga pala ako nag aagahan, alas una na rin, pati ang mag tanghalian ay Hindi ko na rin magawa.
Kumunot ang nuo ni Riguel sa sinabi ni nanay.
“Hindi ka pa kumakain?” Tumango ako bilang sagot sa tanong n’ya, Wala akong gana sa lahat.
“I’ll eat with you, Para may gana kang kumain, you need to take care of yourself!” Pagpapaalala n’ya sa akin.
Alam ko namang kumain na s’ya pero sasabayan n’ya parin ako, naappreciate ko ‘yun pero Wala talaga sa panahon para maging hyper ako.
Hindi na s’ya umuwi sa kanila, sabay na lang daw kaming pumunta sa party na gaganapin.
Isang champagne dress ang ibinigay sa akin ni Donya Winona. Pinares...