Ericka’s POV
Nung sumunod na araw maaga akong nagising para pumasok sa trabaho.
Wala na si Russel sa sofa tapos nakatupi na ng maayos ang kumot na ginamit nya .
Pagkababa ko sa kusina nakita ko syang nagluluto . Minamasdan ko lang ang mga kilos nya habang nakatalikod pa.
Ng mapansin na nya ko tinawag na nya ko para kumain.
“Ericka?! bakit yan ang ayos mo? hindi mo na kailangan pumasok sa trabaho kasi kailangan mo magpahinga hanggang sa maipanganak na si baby. Tumawag nga si Mom kanina pinapasabi na dito ka nalang daw sa bahay o di kaya ihahatid kita paminsan minsan sa kanila para naman may makakausap si mommy habang inaayos nya yung garden sa bahay”
“Mababagot lang ako pag walang gagawin, hindi naman ako magiging komportable kung wala akong sariling income” walang ganang sagot.
“Hindi lang naman pera pera ang pinag uusapan dito, experience narin dahil sa akin na binigay ang responsibilidad ng dad ko . Sa madaling salita kahit...